Chapter 9

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

CH. 9

 

Nakita na ni Joohyun ang langit.

 

Echos.

 

Parang yung kantang “Delilah”. Kaso yung kay Joohyun nga lang, Asian at singkit na version. At tsaka di siya iiwan. Humahanap lang din talaga yung author ng rason para magamit yung unang lyrics dun sa kantang yun. Lols.

 

Yung:

"I saw the flickering shadow of love on her blind. She was my woman~~”

 

Bet kasi talaga ni Joohyun yung line na “flickering”. Bwiset kasi yung poste na malapit sa gate ng school kung saan nakatayo si Seulgi atbp., parang mapupundi na yung ilaw, kumukurap kurap tuloy. Tapos bet din niya yung sunod na mga kataga: “shadow of love”. Nuks.

 

Kasi standing there, under ng ilaw nung poste na incandescent bulb pa ata ang gamit at di pa napapalitan since ma-establish yung school, eh her love (ayayay) is casting a very bear-like shadow. Ahihihie!!! Ang cute naman po pala ng sundo na nag-aantay sa kanya. Medyo di tuloy siya makaalis sa kinatatayuan niya.

Eh ang kaso mo nga lang, nandun din yung mga demonyita niyang kaibigan: nakangisi tapos tinatawanan siya.

 

Shy shy shy tuloy ang peg ng lola niyo.

Sobrang speechless talaga siya kasi di naman niya inexpect na may pasundo si Seulgi. Well, not that she’s complaining–teh, beggars can’t be choosers. Kasi tingin naman niya, deserve niya na magka-break mula sa pagod niya from the past weeks. May mas gaganda pa bang pambawi sa stress sa pag-spend ng kanyang gabi kasama si Seulgi? Odibaaaaa. Pak ganire.

Pero alaws. Dinaig pa nung mabentang coffee jelly ni Joy ang tuhod ni Joohyun. Di niya madala ang sarili niya kung nasan si Seulgi at mga kaibigan niya. Pero di yun dahil sa tumatanda siya ah! HOY! Walang pinipiling edad ang paglalandi! She’s shy shy shy lang talaga bimb ahihihihi~

 

Pabebe amp. Nakakajirits lmao.

 

Di na matake ni Solar ang galawang squammy gerl na pagpapabebe ng kaibigan kaya siya na yung lumapit at binigyan niya ito ng kotong na nakakatapyas ng anit. Ramdam nung iba yung yanig nun kaya medyo napahawak din sila sa kani kanilang ulo.

“Aray ko naman Solar!” biglang suway ni Joohyun. Lumabas yung tono niyang medyo not so dalagang Filipina kaya agad naman siyang napahawak sa bibig niya.

“Anong aray ka dyan?” sagot naman ni Solar. Palaban tong dalawang to. “Kanina pa kaya kami nakatingin sayo at nag aantay. Pota kaabang abang? Ano ka, jeep pag may transport strike? Kinaganda mo yan? ”

“Solar naman eh!!!!” pabebeng sagot ni Joohyun. Kinutusan tuloy ulit siya ng kanyang kaibigan sabay kinaladkad siya papunta dun sa kinaroroonan nung iba with Seulgi. Siyempre pagdating dun, si Seulgi agad yung tinignan niya. Haler? Matagal tagal din niyang di nakita ang kanyang oh so yummy bebeloves.  Echapwera muna yung iba kasi pota maghapon magdamag na silang magkakasama.

Nakita niya si Seulgi in her usual adorable bear form. Ang cute cute lang talaga niya. Naka-messy bun kasi yung buhok niya tapos naka-plain white shirt siya. Medyo nag-trail yung tingin ni Joohyun sa bandang *ehem* uhm, below the face ni Arki Bear. Kasi naman! V-neck yung style kaya, alam mo yun, medyo...*ehem*

 

Isang kutos na nga lang ulit by Solar kasi ayoko nang mag-explain.

Minsan iniisip ni Joohyun na baka eto talaga yung rason kung bakit siya di na tumangkad. Makakotong si Solar parang walang bukas eh.

“Huy!” sita niya ulit.

“Quota ka na Solar ah!!!” yamot na sabi ni Joohyun sa kaibigan.

“Ayos ka lang ba?” tanong naman ni Seulgi. Concerned na concerned itong nakatingin sa pagkakahawak ni Joohyun sa bumbunan niya. Awwwwwwwwww. Tumango tango naman si Joohyun na agad sinagot ni Seulgi ng isang malaking ngiti. OMG. Pamatay talaga na asset ng mga chinita ang pagngiti (amirite?). Di kinakaya ng puso ni Joohyun yung kakyutan nitong isa.

Pero teka nga lang.

Kanina pa may iniisip tong Lola Bunny natin.

Pano nga pala napadpad tong osong to dito?

“Uhmmmm,” panimula ni Joohyun. Medyo tonong pabebe na naman siya kaya pinanlisikan na naman siya ng mata ni Solar habang si Wendy, Jennie at Chanyeol ay nagpipigil ng tawa sa gilid. Nasindak siya ih. Kaya naman nag-clear throat muna siya bago muna ulit magsalita. Nakatingin na sa kanya si Seulgi at feeling niya eh kayang kaya na niyang yakapin tong isa kaya mas minabuti na lang niyang magsalita.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong niya.

Halaka paktay kang oso ka. Bakit nga ba?

 

** flashback sa nangyari kanina **

 

“Ikaw Kang ah! Nagi-inaso kang oso ka! At least isipin mo yung side niya. Kung ikaw di na makatiis, confirm it for yourself. Kausapin mo siya.”

Yan yung friendly tip ni besty Lisa kay Seulgi nung nakaraang chapter.

Di agad nakaimik ang ating Arki Bear nung marinig niya yun.

Ganun nga lang ba talaga yun? Nagkulang ba siya sa pag-intindi kay Joohyun? Mali ba siya ng pagkakabasa sa mga nangyari? Biglang may inner panic mode si Seulgi. Baka mamaya iba na rin yung iniisip ni Joohyun sa kanya. She has to make things better...and fast!

 

Di na siya magkakasya sa pagtetext lang, baka mamaya isa pa yun sa factors ng pagkakalabuan nila.

Gusto niyang makita si Joohyun. (nuks)

Teka. Umiling siya.

Di na to matter ng “want”, matter na to ng “needs”.

And she needs to see Joohyun.

Para saan? Di rin siya sure. Siguro dahil sa mga nangyari nung nakaraang araw. At kailangan niya lang din talagang makita yung mukha ni Joohyun, marinig yung boses niya and makausap lang siya kahit saglit. Tingin ni Seulgi, pag nagawa niya kahit isa doon, magiging okay na ang lahat. (UWIAN NA LOL)

Huminga siya ng malalim sabay humarap kay Lisa ng may ngiti sa mukha niya.

 “Okay.” sagot niya.

At bigla na siyang napatakbo; di alam kung saan magsisimulang maghanap or kung pano mangyayari yung gusto niya. Binuksan niya yung phone niya at nagsend ng text kay Joohyun.

 

** end of fashback **

 

Pero siyempre di naman niya pwedeng sabihin yun kay Joohyun noh? Bukod sa nakakahiya eh di niya alam kung pano ie-explain yung mga pinag-gagagawa niya (hay nako Seulgi kung alam mo lang). Mukhang tama naman siya eh (or rather may tama *winkeu winkeu*). Kasi nung nakita pa lang niya si Joohyun na papalapit sa kanya kanina, her day became 10 times better. (yawquonahh)

Isip na lang ikaw ng lame excuse Arki Bear.

“Ah-eh,” utal na sagot ni Seulgi. Lalo siyang na-pressure kasi nakatingin lahat sa kanya. Guys pwede ba, leave the poor thing alone.

“Uhmm. G-gusto ko lang talaga magpasalamat sayo……..In person!” sabi niya. Kinilig naman ang pempem ng Lola niyo. Si Solar napatingin sa gilid kasi medyo kinilig din siya. Si Jennie medyo nag-iinaso kasi inggetera si gaga. Si Chanyeol namumula yung tenga na pwedeng panggalingan ng wifi sa sobrang laki. At si Wendy naman ay medyo tinatapik tapik na ang paa kasi late na at mahirap na namang sumakay.

Nakita ni Jooohyun na medyo nag-blush din si Seulgi.

“Wala yun…Nukaba ahihihihi” sagot niya. “I promised na tutulungan kita diba?”

Napahinga naman si Seulgi. Pero tutal nandun na rin naman siya, might as well sagarin diba?

 

“Natanggap mo yung text ko?” tanong niya.

“Uhm oo.”

“So anong sagot mo? Uhmm... Pwede ka ba?”

 

OMG.

 

Pero bago pa makasagot yung lola niyo eh tinitigan na siya nung mga kaibigan niya. May pinaparating na messages gamit ang mata nila. Normal naman na sa mga magkakaibigan ang magkaroon ng way para makipagusap sa isa’t isa ng lingid sa kaalaman ng iba, di ba? Eto yung nasagap ni Joohyun telepathically:

 

SOLAR: POTANGINA????? ANONG TEXT??? ANONG SASABIHIN MO?? PATULAN MO NA HABANG DI PA NIYA NAKIKITA YUNG SALTIK MO IN FULL BLOWN FORM!!!

JENNIE: Uwah~~ Gaga kang pabebe ka! Di mo man lang nachismis sa amin yang text na yan! Others ampota! Wag ka nang manghihingi ng yellow pad sa akin *hmph

WENDY:  Joohyun alam mong suportado kita sa lahat ng endeavors mo sa buhay pero pwede bang sagutin mo na lang tong si Seulgi agad para makauwi na tayo? Kailangan ko pang magreview T^T

Chanyeol: hi guys may telepathic powers pala kayo omg

 

 

So what’s it gonna be?

 

“Oo naman!” sagot ni Joohyun. As if naman magugulat pa kami na oo ang sinagot niya.

Napangiti naman si Seulgi.

“Talaga?” tanong niya. “Don’t worry. My treat! Para na rin sa tulong na nabigay mo sa akin”

 

Good things come to those who wait talaga. Kahit pa na-tigang at medyo nagka-angst ang buhay ni Joohyun for the past two weeks aba naman pala it’s all worth it in the end. Mukhang kailagan na talaga niyang maglakad ng nakaluhod sa Quiapo para magpasalamat sa itaas.

Pero not all good things are perfect. Bakit kamo? Una, perpetual asungot ang mga kaibigan niya.

Habang naglalakad sila papunta kung saan sila magd-dinner date (nag-assume na siya na date yun ok?) eh bigla na lang hinila ni Solar si Joohyun.

“Sama kami ha,” tinaas baba pa ni Solar ang kilay niya. Mukhang kidnapper tbh.

“Anong sama? Dun na kayo ni Jennie chupi,” tinaboy taboy naman ni Joohyun ang kaibigan niyang number one usisera. Talo pa yung mga nagma-mahjong sa kanto.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Solar. Pero knows na knows na niya yung kaibigan niya. Ang ibig sabihin ng tingin na yun ay challenge accepted. Solar ain’t giving up just yet. *Evil smile*

 

------

Nakarating naman nang matiwasay ang ating paboritong bear and bunny combo in the form of Seulgi and Joohyun sa isang maliit na tapsihan malapit sa university nila. Actually, paboritong tambayan yun nila Joohyun and friends, bukod kasi sa sulit na meals ay two in one comp shop at tapsihan yung lugar.

Minsan kasi yung pagkacompetitive ni Joohyun umaabot na sa level kung saan hinahamon niya yung mga DOTA boys para lang sa ice tubig. Ganun siya, kaya nga medyo kinabahan siya nung dun siya nahila ni Seulgi for their quote unquote date.

“Good evening po!” bati sa kanila nung ateng nagbabantay sa lugar. Ngumiti lang si Joohyun at medyo nagdasal na sana ay wala doon ang mga mortal enemy niyang DOTA boys.

“Order na ko, ano gusto mo?” lumapit ng kaunti si Seulgi sa side ng mukha ni Joohyun. Medyo may nagsigawan kasi sa comp shop side nung tapsihan kaya need niyang lumapit para mas klaro yung tanong.

Di man nakikita ni Joohyun pero well aware siya na para siyang mamumulang kamatis. “Ah eh…kung ano na lang sa’yo.”

Kung nandun pa si Solar paniguradong isang mind blowing kotong na naman ang inabot ni Joohyun ang babaeng pabebe.

“Okay sige, upo ka na,” ngumiti lang si Seulgi, yung tipong nawawala yung mga mata, yung nakakawala din ng at the same time.

Sumunod naman si Joohyun kahit yung gusto na niyang tumili sa kilig. Shems, this is really is it. Kung pwede nga lang ay sinuggaban na niya si Seulgi pero syempre, baby steps. Kiss lang muna sa lips hehe.

Nagpanggap na nags-scroll si Joohyun sa kanyang cellphone (ang totoo kasi nagnanakaw lang siya ng tingin kay Seulgi) nang maramdaman niya ang kakaibang presensya sa glass windows na katapat ng inuupuan niya. Nung una, kala niya mga hamog lang yun na minsang nangangalampag ng glass window para manhingi ng pagkain so no care muna siya. Kaso medj iba talaga yung feeling niya kaya nilingon na niya ito.

Gusto niyang ibato yung Monobloc sa nakita niya.

Yung damuhong Solar at Jennie lang naman ay nagbabadyang pumasok kung nasaan sila. At, “nag-disguise” pa ang mga animal na akala mo ay hindi niya mahahalata.

Si Solar ang nakasuot ng furcoat with matching heart shaped na sunglasses. Si Jennie naman ay naka trenchcoat at naka-face mask. At sa di kalayuan ay ang kawawang hamster na nakasuot lamang ng jacket habang pilit na tinatago ang mukha sa likod ng isang libro.

Gets naman niya na sadyang many parts usisera ang kanyang mga kaibigan, pero di pa rin magets ni Joohyun kung saan nila nakuha ang time para mag-wardrobe change pa.

 Buong akala niya kasi ay tuluyan ng umuwi ang mga kaibigan niya. Bigla na kasing nagyaya si Wendy na umuwi kasi ang dami pa nilang readings at designated reporter si Wendy para sa isang subject nila kinabukasan. Akala naman niya natinag ang mga hamal!

Tatayo sana si Joohyun para pigilan ang mga kaibigan niya pero sakto namang dumating si Seulgi at umupo sa tapat niya.

“Tapsilog lang at Mountain Dew inorder ko ah,” nagkamot ng ulo si Seulgi at ngumiti, “Pasensya na, dito lang kita nadala sa Igloo, ang world class no?” tumawa lang si Seulgi ng medyo pabiro, yung tipong nag-aabang ng positive reaction mula kay Joohyun.

Napangiti naman si Joohyun, nawala nang saglit yung thought na mga animal niyang kaibigan (except Wendy na alam niya ay nahila lang). Pansamantala niya rin nakalimutan na baka dumating yung mga DOTA boys na natalo niya.

Nung moment kasi na yun, ang nakikita niya lang ay yung mga ngiti ni Seulgi na para bang kayang talunin ang kislap ng mga bitwin.

Nahulog na nga yata ng tuluyan si mamang rabbit.

 

(pero kahit na kinikilig ay pinigilan niya muna ang sarili na magkamoment at pinilit si Seulgi na lumipat sa second floor kasi ramdam niyang papasok ang mga kumag niyang kaibigan sa setting para mangialam)

 

------

Agad umupo sa first floor sina Solar and company para masimulang ang kanilang mission. Ang oplan: SeulReneNumbahOne. Para sa mga di aware, Irene kasi ang alternative name ni Joohyun. At napag-meetingan ng tropa na mas magandang ship name ang SeulRene.

“So ganito ang plano,” binaba pa ni Solar ang kanyang sunglasses. “Jennie ikaw sa music, Wendy, ikaw sa research, at ako ang magsisilbing mga mata. Okay one, two, three fighting! SeulRene numbah one, other ships 377 okeh!”

 

Sa mga magtataka kung paano naman makakapag-orchestrate ng ganun ka-bonggang pangengeelam ang mga asungot—to the point na kaya nilang mag-ala bandang may pa-BGM pa—eh dahil dun na rin sa mismong setup ng kinakainan nila. Si Jennie, dali daling pumwesto sa tapat ng keyboard.

(Kung taga-PUP ka, alam mo na tinutukoy namin. May computer dun sa baba na kumokontrol sa mga kanta na nagpaplay.Minsan pag malakas trip mo, ibahin mo na lang yung pinapatugtog nila kasi puro pop songs na di nasinagan ng araw yung pinaplay dun. Pero lowkey lang dapat kasi one time nasita kami dun, di binigyan ng sili yung kaibigan namin haha.)

 

“Guys reporter talaga ko bukas pwede bang umuwi na lang ako? Alam naman ni Joohyun na todo support ako sa endevors niya in life eh” reklamo ni Wendy.

“Ano ka ba Wendy! For sure naman na aabsent si Ma’am bukas! Di mo ba alam na ang mga schedule ng prof ay may pattern at siguro parte na ng lesson plan nila ang umabsent ng umabsent sabay magpapaquiz na akala mo naman may itinuro sila sa sobrang hirap!” (EHEM EHEM EHEM prof namin dati)

Napabuntong-hininga na lamang si Wendy kasi alam naman niya na wala nang magagawa ang kanyang pamimilit once na nag-make up na ng kanyang mind si Solar. Tinignan niya ang dalawang kaibigan na naghahagikgikan na naman dahil sa kanilang genius na plano para intrigahin si Joohyun.

Iniisip niya ang kahahantungan nung dalawa once na malaman ng kanilang kaibigan ang kanilang maiitim na balak.

Mukhang mahaba pa ang adventures ng tropa kaya naman naisipan ni Wendy na siya na lamang ang oorder para naman may makuha siya sa gabing yun. Good luck na lang sa report niyang bukas na pagsusunugan na naman niya ata ng kilay sa puyat.

 

------

 

*Balik tayo sa dalawang may nagdadate sa 2nd floor ng Igloo hehe*

 

At nagsimula na ngang kumain (not in the way na iniisip ng green side ng mga utak niyo) ang cute couple natin. Tahimik lang ang dalawa and wala gaanong nagsasalita. Parehas ata silang ninenerbyos sa sudden turn of events sa lovestory nila.

 

Ang usually maingay nating kunehong si Joohyun ay focused na focused sa paghimay ng kanyang tapsi; konti na lang ay matatawag mo na tong giniling sa sobrang pino ng pagkakahiwa dito. Meanwhile, si Seulgi naman ay busy sa pagngasab at nguya ng kanyang tapsilog while occasionally throwing glances sa magandang binibini sa tapat niya.

Hala ka. Wala kayong kahahantungan niyan mga ineng! Shy shy shy talaga tema ng chapter na to slowburn teh!

 

Medyo napansin na ni Joohyun ang awkwardness na sa pagitan nila kaya napagpasiyahan niya na mauna nang magsalita. Kaso mo eto ka, parang parehas pa sila ng naisip ni Seulgi ng mga oras na yun.

 

“Uhm... Ku-“

“Errr... Ok-“

 

Natigilan sila nung na-interrupt nila ang isa’t isa sa pagsasalita.

“Ah- ikaw-“

“Di, mauna-“

 

Natigilan ulit sila and finally, FINALLY, nagtagpo na ang kanilang tingin kesa sa pagyuyuku yukuan nila earlier. Nang magtama ang kanilang mga mata, bigla na lang silang napatawa .

(LUH! Kala mo naman talaga nasa teleserye tong dalawang to! Umay! Pero siyempre dahil SeulRene to, shattap na lang ako kasi kikiligin at kikiligin ako basta silang dalawa hehe)

 

Nag-clear ng throat si Joohyun tas tinuck behind ng kanyang giant ear ang ilang strands ng kanyang hair (siyempre in a discreet but pabebe way).

 

“Mauna ka na” sabi niya.

 

Nahiya naman si Seulgi at napangiti.

Kinginuh! Di alam ni Joohyun kung nanadya ba talaga si Seulgi sa paggamit ng kanyang asset. Kasi naman mga mumsh! Iba pag nakikita ng ating bidang kuneho ang mas maliwanag pa kesa sa araw na ngiti ni Seulgi! Nawawala yung mata ng adorable bear natin kasabay ng pagkawala ng inhibitions at garter ng ni Joohyun! Delikado!

 

“Thank you nga pala sa pagsama sa akin ngayon ah?” panimula ni Seulgi. “Alam kong biglaan tong pag-invite ko kaya sobrang saya ko talaga nung um-oo ka. Sensya na nga pala kung na-interrupt ko ata kayo nung mga kaibigan mo..-“

By the mention of that, napadpad saglit yung utak ni Joohyun sa mga asungot niyang friends. Malamang kasi sa malamang ay nasa loob na rin sila nung kainan at nagpaplano na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)