Chapter 4

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

“Ikaw yung ateng nagpaubaya sa akin ng upuan di ba? Sabi na mukha kang pamilyar eh. Salamat ulit ah!”

 

Yan.
Yan ang mga katagang nag-endt sa lifedt ng shookedt na lola niyo. Di niya talaga inaasahan ang development na nangyari. Kasi isipin niyo ha? Di lang siya kinawayan at nginitian ni Seulgi, NAALALA RIN SIYA NITO. *emphasis supplied.

OMAYGHAD. Kinikilig na naman ang ateng niyo sa lahat ng parte ng katawan na pwedeng kiligin! (eherm.)

 

Pak! Si Joohyun na talaga. Akala pa naman niya, wala pa siyang progress sa pag-ibig niya dahil sa mga asalan niyang saltikin pero wag ka!!!!! Nadali niya pa rin si Seulgi! (Luh. OA haha) Medyo doubting siya sa preferences nung Arki Girl ha. Pero infair, kinilig na naman ng bongga si ate niyo. Dahilan para mastuck in the moment si Joohyun.

 

“Hoy Joohyun! Sabi ko bibili ka ba ng foods bago magklase sa PolEcon? Tomguts na ako eh.” Hirit ni Wendy, habang tinitignan si frenny niyang tulala na naman.

 

Pero eto ka, iba kasi yung nangyari ngayon. Legit na natuwa ang lola niyo. Yung tipong “head over heels” na siya sa tuwa at para bang nasa “cloud nine” siya sa galak sa nangyari. Di niya akalain may ganung pa-effect si Seulgi.

She realized how this little “thing” that she had for Seulgi instantly became something more in a snap.

Seryoso na to. Tinamaan na talaga siya. Ng pana, sibat, espada, AK-47, flaming trumpo, machine gun, laser sword at kung ano pa mang artillery na afford ni Cupid.

At medyo nagkaka-existential crisis ang lola niyo! Kasi perstaym niya na mafeel tong ganto since mag-college siya. Matagal na niyang pinapangarap na magka-jowa at sa wakas may answer na si life sa kanyang prayers. Pero ngayong nandito na, natutuliro siya. Baka masyado na niyang binuild up yung mga pagpapantasya niya kay Seulgi. Will this end well? Ewan. Malay. We’ll see. Only time will tell. (huehuehue)

Anlakas talaga ng tulala gaming ng lola niyo. Sana may Olympic Event na ganto para maka-gold agad siya. Si Wendy naman, naiinip na. Antagal na nilang nakatayo dun. Yung dalawa nilang tropa nagsipulasan na. Yung isa dumayo na sa jowa niya sa sixth floor at yung isa naman kumerengkeng na naman sa Morayta dahil may nameet na naman to sa Omegle na mix breed daw na afam/Thomasian student. Eh si Wendy? Eto caretaker na naman netong mas madalas pang matulala kesa sa pagong na kaibigan niyang si Joohyun.

*sighs* “Why is it always me?” pabulong ni Wendy. Tomguts na talaga siya pota.

 

“Joohyuna, tara na kasiiiiii.. Wag tayong umasang laging wala si Ma’am. Malay mo dis is the day na pumasok na siya sa wakas. Kaya bumili na tayo befor-“ pero sa kamalasan talaga ni Wendy (sorry hamster, bawi ako. Labyuuuu~~ T^T) di talaga pabor sa kanya ang mga susunod na mangyayari.

Di natapos ni Wendy ang mga sinasabi dahil isang batalyong tao ang nagsitakbuhan sa harap ng classroom nila. Lahat ng mga ito may hawak na placards or may tali sa noo na kulay pula. Yung iba may sulat yung mukha na mga linya, mga phrases at mga profanities. Yung isa, may- hmmm... Sabihin na lang natin na nakadrawing na dragon na may tattoong sisiw. Yan.

 

Mas lalo silang nagulat nang may pumasok sa room nila na kuyang may hawak na malaking flag na may nakalagay na “NO TO THE CENTRALIZATION OF POWER.”

“Mga kosa! Tara sa Charlie! Kailangan namin ng resbak!! IPAGLALABAN NATIN ANG MARAPAT NA SA ATIN!!!!!” sigaw nito.

Ngayon, common misconception na ng mga tao na pag PolSci ka, instant raliyista ka na. Yung tipong lagi ka nang nahahampas ng batuta at may lingering smell ka na ng tear gas sa dami ng beses ng paligo sa inyo ng anti-riot team. Pero hindi. Lalo na tong section nila Joohyun. Andami ngang bumabatikos sa kanila kasi kulang na kulang daw ang dugong raliyista nila. Nag-rarally naman sila. Pero yun yung mga tipo na a-attendance lang sila sabay uwi o kaya gala o kaya pag nire-require talaga ng mga prof na di nagtuturo para masabi na may mapagkukunan ng grade. (ehem) Karaniwang taga-gawa lang sila ng placards at tarpaulin. May pinaglalaban sila, just not in that way. And GC lang din kasi talaga batch nila Joohyun kaya mas pinipili nitong mga to ang mag-aral kesa mag-rally. (di kami anti rally ha? May note ako dito haha) Pero dahil nga PolSci, di na ata talaga mawawala yung perception na yun. Karaniwan talaga, pag may kulang sa tao, sila ang hinahatak.

At dahil dito, mawiwindang ang araw ng dalawang mag-beshie. (tangina nila Solar at Jennie nakaligtas)

-----------------------------------

 

Kani kanina lang, nasa room sila Joohyun at Wendy. Napapaligiran ng mga upuan at mga classmate nila.

Ngayon? Napapaligiran na sila ng mga galit at nagngangalit na estudyante. Napansin din nila na bigla silang nagkaroon ng ng mga headband na may sulat at mga placard pa silang hawak. DAFUQ HAPPENED?????

Dazed and confused gaming ang dalawa (tangina ni Joohyun wala pang ibang ganap this chapter bukod sa matulala haha). They were caught in the middle of a very angry mob of students. May mga sumisigaw na. Siguro kalahati ng populasyon ng school ay nasa tapat ngayon ng Charlie Bldg. At kinamalas malas ng dalawa, nasa eye of the storm sila.

May mangilan ngilan na kinakalampag at kinakatok ng malakas ang pintuan ng building. Di rin magkandaugaga sa pagsigaw ang mga student activists. Si Wendy nagpapanic na, medj nagising naman si Joohyun at agad na hinawakan na nilingkis ang braso nito sa braso ni Wendy. She must protect dis precious hamster at all cost. Di kasi talaga sanay si Wendy sa mga ganitong rally. Medyo napadpad na sila sa bandang harap ng tumpok ng mga tao. Saktong sakto sa pagharap nila ay napicturan silang may dalang placard.

Tangina. Ambibilis naman nitong mga reporter na to. Josko. Kinabahan si Joohyun kasi baka makita ito ng lola niya. Nag-aalala din siya kay Wendy kasi medj strict ang parents nito. Ipagpray na lang natin ang dalawang beauties na ito.

Sa harap, nakita nila ang mga kasalukuyang nagsisisigaw. Medyo napangiti si Joohyun kasi kakilala niya ang mga ito.

 

“PAPAYAG BA TAYONG GANITUHIN, ALIPUSTAHIN, AT IPAGKAIT SA ATIN ANG ATING MGA KARAPATAN BILANG MGA ISKOLAR?”

“HINDE!!!”

“PAPAYAG NA LANG BA TAYONG PATULOY NILANG SIRAIN ANG INTEGRIDAD NG ATING SINTANG PAARALAN?”

“NO TO THE CENTRALIZATION OF POWER!!”

“PAPAYAG NA LANG BA TAYO NA BASTA NA BASTA NA LANG NILANG TATRATUHIN NG GANITO ANG MGA ESTUDYANTE NG KANILANG PAARALAN?”

“AY NAKO BAKLA DEHINS NOH! STUDENT HANDBOOK KO IHAMPAS KO SA FESLAKS NILA PARA MAGISING DIWANG TAO NILA DITEY!!! AYYYYYYY!”

 

Sigaw nila Ate Hyoyeon at Ate Yuri nila Joohyun. Mga batikang aktibista ang dalawang ito. Kahit once in a blue moon lang sila kung pumasok, basta sa pakikibaka para sa mga api, lagi silang present. Tatawagin pa lang sana ni Joohyun ang dalawang unnie niya nang biglang dumating ang isa pang grupo ng mga estudyante.

 

“Yaaaaaaaaaaan. Dyan kayo magaling! Kaya laging nasasabihan ng kung ano ano ang mga taga-Sintang Paaralan eh.” Sabi ng isang student leader na nakasuot ng kulay blue.

 

“HOY! HOY! HOY! HOY! Eto ka na naman! Gurl,yang pag aasta mong class-A, walang lugar yan dito! Kung ayaw mo yung ginagawa naming, fine. Malaki yung school, malaki ka na, go somewhere else kasi kami, ipaglalaban namin ang marapat para sa amin.” Sagot ni Hyoyeon.

 

“Daaaaaaaayum” hirit ng audience.

 

“At para malaman mo, lahat ng ginagawa namin, nasa tama. We’re not hurting anyone hun. Well, except maybe you due to the lack of action ng partido niyo while the rest of us are making a change here. Try niyo kaya yung gumalaw. Epektib siya infairness.” Dagdag pa ni Yuri.

 

“Das gotta hurt maaaaaaaan” hirit na naman ng audience. Tangnang mga to. Ginawang face to face ang kaninang rally na nangyayari.

 

Medyo natigilan si Ate mong naka-blue. Nagbubulungan din mga kasama niya. Sila Hyoyeon naman at Yuri naka-smug face at nakangisi dahil yung level ng pambabara nila ay medyo mataas. Na wa say ang kalaban nila day!

Pero siyempre, kailangan mag-retaliate ng kabilang partido! Ayaw niyang matameme na lang habang nagpupunyagi ang kabilang partido.

 

“At least ang partido namin, di pinapangunahan ng mga estudyanteng di maka-graduate graduate!!!!” sigaw niya pabalik.

 

WAT! Chrarat na to! Nawindang ang audience! At napalingon naman sila Hyoyeon at Yuri. Akmang sasagot na sila nang biglang sumegwey ulit ang kaaway.

 

“Yan kasi ang hirap sa atin eh. Para tayong mga asong ulol na nagpapaniwala sa dalawang to. Teh, ipasa mo muna mga klase mo bago mo ko harapin. Kapal niyo! Tatayo tayo kayo dito eh wala naman kayong say kasi dapat graduate na kayo. Oops. Sorry. DI NIYO NGA PALA MAGAWA YUN!!!!!!” panapos nito.

 

TARANTADANG TO! Namintig ang tenga ng mga manonood! Pero mas lalong namintig ang tenga nila Hyoyeon at Yuri. Unspoken rule na kasi na never mong ibi-bring up ang mga ganong isyu. Pero it’s true. Ilang taon nang nagpapadelay at nadedelay sa pag-graduate ang dalawang fossil activists natin. Mas mahalaga kasi talaga sa kanila ang pag-achieve ng nararapat at ng tama para sa student body. Kaya kung di pag-graduate ang kailangan, gagawin nila yun. Ganyan silang makipaglaban. Walang susuko!!! Pak!

Sasapatusin na sana ni Hyoyeon at naka-crane style fighting pose na si Yuri nang biglang may nagsalita.

 

“TEKATEKATEKATEKA. Excuse me ha. Pero kalian pa tayo naging selective sa mga taong pwedeng makipaglaban para sa kanya kanya nilang karapatan? Tanga ka ba?”

 

 

Sino yun?

None other than your friendly neighbourhood bunny, BAE JOOHYUN!!!

Ladies and gentlemen, ihanda na ang mga wig para ma snatch. Luluhod at liligwak na ang lahat. Round 2 is Joohyun’s turn.

*Pula! Pula! Pula! Put-ay este Baby Blue! Baby Blue! Baby Blue!*

 

 

 

***Meanwhile sa kabilang side ng mundo.***

 

Naglalakad pa rin pabalik ng room niya si Seulgi. Nakita niya kasi yung kapatid niya on the way kaya medyo natagalan pa siya. Maya maya eh nakarinig siya ng sumigaw. Napalingon siya agad eh.

“NAMIMIGAY DAW NG LIBRENG COUPON SA MCDO SA TAPAT NG CHARLIE!” sabi nung isang kuyang tumatakbo papalayo.

 

Nag perk up ang tenga ng bear natin. Bukod sa peborit niya ang mag-McDo, makakamura din siya dahil may pa coupon ang mayora! Kaya walang patumpik tumpik ay napatakbo na rin si Seulgi papuntang Charlie.

Eh ang kaso, alam naman nating walang libreng coupon dun. Kawawang bata. 

 

 

***Back to present***

 

A new challenger has come to the stage!

Get ready for the next battle!

*insert Tekken theme song*

 

“Aba? At sino ka naman? Isa ka rin bang tibak gaya netong dalawang to?” sabi ni Ate. Ayyyyyyyy! Threatening! Mali ka ng ginanyan ate! Sibat na habang maaga pa.

 

“Kaibigan lang naman ako nung mga nilalait lait mo kanina. Ate, pag nasa debate ka, magkaroon ka naman ng prinsipyo. Don't blurt out ad hominem remarks as your clashes! Wag mong idamay yung mga factors gaya ng di pag graduate kasi last time I checked, sila yung nandito at pinaglalaban yung student rights ng bawat isa sa unibersidad, not you.” Hirit ni Joohyun.

 

UMMMM! TODAS KA! Yan na nga banag sinasabi ko eh! Una pa lang lumiliyab na dila nitong bida natin. Bago pa man makasagot pabalik ang kontrabidang ateng, bumanat ulit si Joohyun.

 

“At tsaka, iba ka rin naman noh? Ginagawa mong kalaban yung isang partida porket nauna sila sayo or mas maaga silang nakapag-organize ng gathering. Why are you attacking the ones who’re the same as you? Kala ko ba student leader ka? You should see the greater side of things, di yung nagpapaka-petty ka dyan kasi naunahan ka lang ng konti.” Humarap si Joohyun sa audience. “At tayong mga nandito, di tayo ang magkaka-away, sama sama tayo dapat upang malaman nila na iisa tayo laban sa katiwalian sa loob ng Sintang Paaralan!!!! Wag nating hayaan na mapaghiwa hiwalay tayo ng mga kulay, tayo’y mga iskolar, sama samang lalaban upang makamit ang marapat na atin!!!! ” sigaw niya.

 

BOOM MIC DROP! UWIAN NA! MAY NANALO NA! Iba talaga ang lola niyo! Syet! Naghiyawan lahat at nag tatalon sila dahil sa bonggang pagii-spit flames ng bida. Naka triumphant smile naman si Joohyun. Pero wala. Di makatanggap ng pagkatalo tong isa (kahit malinaw na malinaw na sinabi ni Joohyun na lahat sila ay magkakakampi)

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)