Chapter 3

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

LUMIPAS NA

LUMIPAS NA ANG ARAW

LUMIPAS NA ANG GABI

NGUNIT IKAW,

KAHIT ISANG SULYAP LANG ANG NAIBIGAY MO SA AKIN

KAHIT SA PAGSULYAP LANG SA IYO AKO NAGKASYA,

IKAW, OO IKAW.

KAILANMAN AY DI LILIPAS

SA ISIP AT AKING DAMDAMIN

(pak)

 

Lumipas na ang isang linggo nang di man lang nakita ni Joohyun si Arki Girl niya. Pano ba naman kasi? Sandamakmak ang cases, quizzes, assignments at kung ano pa mang mga pwedeng ipagawa ng mga prof nila sa kanila. Kulang na nga lang, utusan silang lumunok ng apoy o kaya mag-juggle ng mga lumiliyab na kutsilyo. Pagod na ang lola niyo. Tangina. She needs some inspiration, not dis perspiration na dahil pa rin sa sirang electric fan at kulob na init ng classroom. Nahuhulas ang beauty niya day!

Ni di man lang nakatapak si Joohyun sa connecting route pa-East Wing. Di rin gumana ang mga genjutsu o ninjutsu niya sa pang iindyan sa klase kase naging strikto ang mga prof at checker sa pagmamasid ng mga pakalat kalat na estudyante! Aba, nung paminsan na lumabas ang bida para “mag-CR” AKA “sumilip sa room sa may east wing kung saan na-ispotan si Seul the Arki Girl ay nakasalubong niya yung lady guard na parang may regla all day, all night, 24/7, 365!

“Oy ineng, diba dapat nasa klase ka? Nasan ID mo?” sita ni Lady Guard sa kanya.

“Magc-CR lang po.” Mabilis namang sagot ni Joohyun.

“Eh kung babanyo ka lang naman pala eh bat kung makamasid ka dyan parang may balak kang patayin?” sabay senyas sa half-crouching but not tiger position ng lola niyo habang nakakubli sa likod ng isang pader. Josko! Ikaw ba naman tumuwad sa kung saan-saan?? Hay nako Joohyun.

“Ah eh-“ panimula ng bida. Pero bago pa man matapos ni Joohyun ang kanyang sasabihin, hiniritan na siya ni Lady Guard.

“Akin na yang ID mo.” Sabi nito.

“Po?”

“Sabi nang akin na yang ID mo.”

Agad namang binigay ni Joohyun ang kanyang ID sa guard. Ininspeksyon niya ito tapos biglang napailing. “Eh doon naman pala sa kabilang wing mga klase mo eh. PolSci ka di ba? Eh bat napapadpad ka dito?” hirit ni Lady Guard.

Alam niyo? Kung gugustuhin lang naman ng lola niyo eh she was willing and able to do the world class pambabara niya para naman masampolan tong Lady Guard na to. Pwede din namang personalan na lang para kahit ad hominem remarks na ang mga ibabato ni Joohyun (kasi medyo trip niya talagang tirahin ng patutsada ang bob cut ni Lady Guard na may resemblance sa character ni Eugene Domingo sa Kimi Dora at ang spoiled saliva neto sa baba), at least nasampolan siya. At tsaka never naman naninita ng students na pakalat- kalat dahil nga college na sila. Siguro mukha lang talagang kahina-hinala ang mga gawain ni Joohyun ngayon.

Pero labag din naman sa prinsipyo ni Joohyun ang pagsagot dun sa lady guard. Iniisip niya kasi na masyadong maraming gawain sa school nila. Baka naman stressed din si Manang Lady Guard and tama naman talaga siya eh. Joohyun had no business to be there.

 

Napatango-tango na lang siya sa sermon ni Lady Guard at bumalik sa classroom. Walang napala ang bida natin sa pagaala-Dora niya pakabilang wing. Pagpasok niya tuloy nakapout ang fez niya. Minsan na nga lang lumandi, di pa matuloy tuloy. *SIGH

 

 

“O day! Musta trippings? Fruitful ba?” pabirong tanong ni Jennie na kasalukuyang tinatanggalan ng uban sa kilay si Solar.

“Wala. Nada. Zero.” sagot ni Joohyun.

“Isang dakilang talaga yung guard. Pota. Papunta pa lang ako, napabalik na agad! Walang say sa peborit sayings ng matatanda!”

Medyo napalakas ang bunot ni Jennie sa uban hair ni Solar kaya naman medyo napasigaw to.

“Tangina naman neto! Easyhan mo lang!” sabi ni Solar kay Jennie habang hawak ang left brow niya.

“HAYNAKO GERL. Nakaranas na rin akong ma niyang Lady Guard na yan! Josko! Kilala mo yung bagitong prof ng Philo diba? I was trying to follow him nung isa-“ pero bago pa man matuloy ni Jennie ang kwento eh kinonyatan na siya ni Joohyun at sinikmuraan ni Solar.

“GAGA KA TALAGA! Sa dami dami ng kakapitan mo yung dun pa sa prof! Di mo ba alam na poreber na sila nung jowa niya sa Socio Department? Tsaka bat ba ang hilig mo sa mga prof ha? Eh parang kalian lang hinahabol mo yung PE Instructor, yung isang prof ng Bio, tas yung checker pati na janitor –“ gatong ni Solar.

“SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Taragis naman oh! Atin lang yung sa checker at janitor! Dis hoe.” sabay banat ni Jennie kay Solar.

Napangiti naman si Joohyun sa mga kaibigan. Alam niya na karaniwang maingay yung tropa nila. Pero lagi nilang pinapangiti ang lola niyo. Para talaga silang comedy bar pag nagsama-sama. Kaya ang mga ganitong asaran nila na kung saan palaging may tsukkomi at boke* ay pak! Cheer up beybeh agad ang peg ni Joohyun.

Nagpatuloy ang asaran sesh nila kay Jennie at kwentuhan na rin nang dumating ang prof nila sa Diplomacy. Mabait lang si prof at sobrang chill yung tipong trip na trip na silang ipasa at pa-graduatin. Pero grabe siya magpa-project. Yung tipong mauubusan ka ng pawis na ipapawis at sureness na mangangayayat ka. Pero all things aside, isa si prof na yun sa pinakamabait sa department nila.

 

“O sige quiz muna tayo.”

TEKATEKATEKA. KALA KO BA MABAIT KA??????

 

“Boooooo! Boo!”

“Tangina ayawan na.”

“Luhluhluh! “

“Hashtag MARCOS NOT A HERO!”

“Sir wag na!! Next time na lang ples”

“Sir ubos na yellow paper ko!”

“STOP THE EJKs!!!”

“Next week na lang Sir!”

“Puro na lang MOCHA wala bang MAMON???”

"Bakit 1000 pesos lang budget ng CHR?!?!"

“Watdapak?!”

“SIR WAG NA LANG!!”

 

Umingay buong classroom nang marinig ang nagbabadyang pa-quiz ni Sir. Pero Sir Diplo being Sir Diplo. Napakiusapan din naman agad ito.

“Sige na nga. Next week na lang. Definition of terms muna tayo.” sabi nito.

Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaan. Mayayari ang mga author pag nag out of character ka eh. Kaya nagsimula na lang na mag sabi ng kung ano anong terms si Sir. Si ate mo namang Joohyun, ayun, tulala at half-assed lang ang pakikinig. Di talaga mawaglit sa isip niya si Arki Girl. Kung anong bilis ng pagkakakita nito sa kanya, eh siya namang long lasting effect nung nararamdaman niya. UM! Paaaaawer! Maihahalintulad sa Strepsils ang pag-ibig nitong si Joohyun!

“Okay then let’s start from the basics. There’s this thing called a diplomatic bag*. It is a bag or container in which mail is sent to and from foreign embassies. The diplomatic bag shall not be opened or detained.”(*pa-review saglet may exam kami sa diplo eh hahaha) kuda ni Sir.

Hay.

Ibig sabihin opposite ng isang diplomatic bag ang puso ni Joohyun. Kasi biglaan na lang tong pinasok at binihag ni Arki Girl. (kung pilit man to, pasensya na hahaha)

“Ngayon meron din namang mga diplomatic courier na tinatawag. Now these are the officials that handle the diplomatic bags. Kumbaga ang mga bagang brilyante at sila ang mga taga-pangalaga.” PAK! Ume-Encantandia si Sir.

Ahhhhhh. Scratch that earlier thought. So kung ganun, pwede ngang diplomatic bag ang puso ni Joohyun. Tas ang responsable para mangalaga at bantayan ito ay walang iba kundi si one and only Seul the Arki Girl. She is the one liable for everything in it. Obligasyon mo ko! Obligasyon you hear?

Wala na. Tinamaan na nga talaga ng pag-ibig (at sapak) si main character natin. Pati mga lecture sa klase kinokonektana niya na sa kanyang nauunsyaming pagmamahal kay Seul the Arki Girl na nagnakaw ng kanyang upuan at puso. Iniisip niya ang mga pwedeng mangyari pero nalulungkot siya kasi wala pang progress and relationship nila.

“So yun guys. Lahat ng ito ay directed at provided by the 1961 Vienna Convention the—“ pero na-interrupt ang lecture ni Sir ng isang katok mula sa pinto ng room. Natigilan din ang pagda-daydream ang lola niyo dahil wala na siyang makonektang witty about love sa mga pinagsasabi ni Sir.

“Ahmmm..Excuse me po. Good Afternoon po Sir.” bati ng isang boses.

Napalingon si Joohyun. Kilala niya ang boses na yun. Yun ang boses na tumawag sa kanya na may sapak. Yun ang boses ng magnanakaw ng upuan niyang surot-free. Yun ang boses na nagpasalamat sa kanya nang ibigay niya ang upuan nito sa kanya.

Yun ang boses na na bumihag ng puso niya at ang nais niyang marinig araw-araw hanggang sa pagtanda nila. (Yihiiiiie~ she’s here na gu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)