Part 3.2

One Day, Isang Araw [Tagalog+UST Fic]

Same day ng Part 3.1

KFC, Carpark, 6pm 

(medyo konti na yung tao)

 TOPIC OF INTEREST: SELF.

THEME: CRIMSON LIGHTING

 Glue dito, glue doon. Ang ganda na ng theme ng portfolio ni Heechul. Kelangan kasi nila ng twenty page portfolio para sa photog class. Eh kelangan  may ipinapahiwatig na theme "that promotes self expression" eh di siya na un. Embodiment of perfect expression: Kim Heechul.

Nangingiti na siya sa ginagawa niya. Konting glue pa, natapos narin siya sa wakas. 

 Sinara na niya yung portfolio niya at sa wakas nakasubo narin siya ng fries niya. Nagugutom na siya at paminsan minsan kelangan ng cheat day sa diet. Hinde pwedeng puro kape at pasta lang ang kinakain. Masarap rin ang greasy foods.

Wala na ata siyang data plan. Baket ayaw na magload ng FB at twitter? Badtrip naman oh, kelangan niya mag tweet na tapos na siya sa portfolio niya.

Biglang may payatot na umupo sa kalapit na mesa niya. Minsan na nga lang lumuwag yung KFC pagsisiksikan pa netong batang to na tumabi sa kanya. 

Pero kebs. Wag pansinin. Naalala na naman niya yung weird na batang nerd na berks ata ni Jongwoon. Ah, itetext nalang niya si Jongwoon at sasabihin nakikilala niya yung abnormal niyang kaibigan na ENG ENG.

wala na siyang load? PAKKER pano siya naubusan nang load? Naka plan siya ah!

Naiinis na si heechul kaya kumain nalang siya.

BEEP.

"Tangina mo, Heechul ninakaw mo na naman yung Scale ruler ko. Ano bang ginagawa mo dun pinangddrawing mo? Nasa Noval SB ako puntahan mo ko kundi papatayin kita."

Galit na galit naman si Jongwoon. Ginamit lang naman niya kasing props yung ruler kasi nga para mukang Pro eh. Pero hinde siya threatened kay Jongwoon so hinde na muna siya pupunta. Mainit pa eh ang layo ng Noval.

Nagtext siya. 

Message sending failed. Putek ano ba to baket pang Nokia yung message ng phone niya?

Lumingon siya sa batang kumakain ng one piece chicken with mushroom soup. Nakalabas yung cell phone.

Kakapalan na ba ni Heechul yung mukha niya?

trans.gif

Sige na na baka saksakin pa siya ni Jongwoon sa pagtulog niya eh. 

"PSt."

"Ako?"

Ayaw ni Heechul ng ganitong tao. Pero sige na, for once makakapambara narin siya sa wakas.

"Hinde, yung kuya guard sa baba." Ihip bangs. "Malamang ikaw. Nakatingin ako sayo dba? Pa-text naman."

"Sino ka ba? Makikitext ka lang pala."

 "Kim Heechul, third year, Finest student ng Fine Arts and Design... Ayan kilala mo na ko. Pa-text?"

Sumilip si yatots sa table niya at tinitigan yung iPhone niya. "Naka iphone ka pero walang load? Hahaha" 

 Hinablot ni heechul yung myphone nung bagets at nagtext. Yes walang passcode. "Isa lang, piso lang, ikamamatay mo ba yun? Ibibgay ko sayo tong fries ko."

 "Sige."

 Dali kausap ah.

 "Jongwoon, Heechul to. May sa-demonyo yung telepono ko hinde ako makatext. Mga 1-hour andyan ako. XD"

 Binalik na niya yung phone tapos inabot yung fries niya. Kumakain parin yung bagets so nanahimik na. "Thanks." 

 Three minutes later.

 "Strawberry."

 "Ha?"

 "Strawberry Krushers gusto ko. Libre mo ko."

 "Para sa pisong text?"

 "Oo, nagreply eh. So dos na." Ayun nagreply nga si Jongwoon. Hinde nagreflect yung mga emoji sa Myphone neto, puro box lang.

 "____ Kinarma ka lang sa pangalang Kyuhyun. Pumunta ka dito bilisan mo, magbigay ka ng excuse kundi yang laptop mo na yung susunod na sasabog."

Napabuntong hiniga nalang siya. Wala na ba siyang matinong friend? Kelangan narin niya ng minion. Baket si Jongwoon may minion na magaling sa computer. Tiningnan niya ulit yung bagets mula ulo hanggang paa. San kaya magaling to?

"Anong pangalan mo?"

"Hyukjae... AB."

 "EEW AB. Anyway, May talent ka ba? Samahan mo ko sa Starbucks."

 "Lilibre mo ko Starbucks?" 

 Tanginang smile yan mukang unggoy.

"Hinde, kelangan ko lang ng excuse. Ano ngang talent mo. Bibilan kita ng scramble sa noval."

"Magaling ako sumayaw."

"So mabilis ka tumakbo?"

"Oo ata?"

Pwede. pwede na to.

"Sige, tara."

"Sama naman yung unggoy"

 

*

Thursday na. Malapit na mag weekend

UST GYM, 8.30am

 

"We are Thomasian, Christians. Heralds of God's words.

We are Thomasian Christians, sent into the world.

 

Full blast ang MP3 ni Siwon habang paikot ikot siyang nag jojogging sa gym., Kelangan ng morning exercise.

Nakaka apat na rounds na siya tapos biglang may may malakas na PLAK! sa kabilang side ng gym.

Narinig niya yun kasi saktong tapos na yung music Who am I na yung tutunog dapat. Napalingon naman si Siwon tapos nakita niya yung CTHM na parating sumusunod sa kanya. Okay lang naman kay Siwon yun, wala naman sa kanya yung ganun basta walang masamang balak yung mga  "fans" daw niya. Pero madalas kasi babae yung sumusunod sa kanya exception lang si CTHM. Pero mabait si Siwon sa fans niya. Hinde siya suplado.

Lumapit siya ng onti sa may entrance and nakita niyang naka-plakda yung familiar CTHM na stalker niya. 

Bilang mabait si Siwon, nag worry siya so nilapitan niya.

"Hi... okay ka lang?"

Dahan dahan tumayo yung bata and naupo sa floor. Magulo na yung buhok at untied na yung ribbon sa damit niya. Muka siyang kawawa. Ipagppray nalang ni Siwon yung bata para hinde siya masaktan.

"Ha... oo okay lang ako." Nakasmile na siya so okay naman na siguro.

"Eto oh."

Nag abot siya ng box tapos sabay takbo. Medyo kinilig ata siya so nag Thank you nalang ng malakas si Siwon.

Tinitigan niya yung box. OMG LINDT yung tatak. Ang mahal mahal nun dba? Dark chocolate pa. Favourite ni Siwon. Natuwa naman siya, as in full smile pa so tumigil na siya sa kanyang exercise at naupo sa bench. Kinuha ang phone at pinicturan yung chocolate box. Pi-nost sa instagram with matching "Thanks! :) :) :)" pa na comment and... POST!

Iniwan niya muna yung chocolate sa bag niya para magshower. May class pa kasi siya ng 11. Naligo muna si Siwon ng mga 20minutes.

Sana hinde pa tunaw yung chocolate.

Mga 45 minutes later, binalikan na niya yung bag  niya. Mga 100 people na kagad yung naglike sa post niya so natuwa naman siya. Sana may instagram rin yung bagets para makita niya.

So mabait talaga si Siwon. 

Wala paring tao sa gym so kakain na muna na siya ng chocolate. Isa lang bago mag class.

So binukas na niya yung box at nag-dugtong ang mga kilay niya nung kukuha na siya. Napatawa nalang ng malakas si Siwon. At hanggang English class niya tawa parin siya ng tawa. Kelangan to ipost ulit. 

 Guess what? Choc-nut! >:D

Itutuloy..... 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pauleenisvavavoom
#1
bet ko tong story nyo nahanap ko bigla tas shet hooked nako.
ps miss ko na maging estudyante huhuhu
HeeApprentice
#2
Chapter 23: bigla ko nalang naisipang basahin ulit to, pag bukas ko ng aff (after almost a year?) may updated daw na story. OMG THANK YOU T_T
kimwookie
#3
Chapter 21: Waaaaaahhhh ate author sana mg update kn po pg my time... Hehehe laughtrip tlga to!!
kimwookie
#4
Chapter 9: .wahaha.ganda.ng reply.mu.Jongwoon,kasing luTong ng chicharon ni Mang Juan!
kimwookie
#5
Chapter 8: wahahahaahha !!! nd kn tlga mallimutan ni Siwon!!!
kimwookie
#6
Chapter 5: hahahahaha seryoso.. mamamatay ako kakatawa!!! hahahahaah
kimwookie
#7
Chapter 2: uuwaaaaaaaaa bakit ang gwapo ni Wookie!!!!
kimwookie
#8
Chapter 1: hahahaha una pa lang nakakatawa na!!
pinksoomi
#9
heluuu !!! silent reader po ako pero dahil sa sobrang ganda ng story nyo eh magkokoment ako ......
alam nyo po bang secret fan ako ng ... naweweirdohan na nga kapatid ko sa kin peo para patunayan na wla akong problema sa utak pinabasa ko sa kapatid ko yung story nyo ... ayun , nasabog naden kakatawa ....

ang ganda po talaga nito ..
Shirobaka #10
Chapter 21: Kawawang hae, nasa recovery stage pa from mrt incident. Si wookie ang sungit sungit! Daig pa babaeng pihikan maglihi! Ang epic lang ginawa buong bakasyon ay 'mag-siwon'. >:)))