Part 5.2.0 (Version Upgrade - Limited Time only)

One Day, Isang Araw [Tagalog+UST Fic]
avatar_6116aad5fb1f_64.pngavatar_e77021868cd6_30.png

UST Paskuhan. Friday.
Masaya lahat at busog. Pero mainit.

2pm, Sa may Quadri Park

 

image

 


Malapit na syang mawalan ng signal. Hinde parin dumadating si Kangin. Natapos na yung meeting nila, tapos naayos narin nila yung sa bands na dadating mamaya. Gusto niya imbitahan yung Bomb kaso hinde pinayagan nila Father so mga mellow bands nalang and ang UST singers ang magpeperform.

Dadating ata yung Spongecola tsaka yung isa pang sikat. Wala namang alam si Teukie sa mga ganyan so nag Yes nalang siya. Tutal yun lang din naman yung gusto ng mga fathers eh.

Naka-CSC shirt parin siya. Aattend pa sila ng misa mamaya kasi required. And tagal naman kasi ni Kangin hinde naman siya yung colours para sa whatever asan na naman ba yun?

"Hello!"

After thirty minutes nagpakita narin sa wakas. Thank you po. Kasama niya yung matabang member ng YJ na nagamot na ni Teukie at mejo atribido sa practicum niya. Napakunot noo si Teukie.

"Oh ano na? Ang tagal niyo!"

"Teukie.. si Shindong babs. Berks ko pero member siya ng YJ. Bagsak kasi sa PE ng ROTC."

"Oi, mas masaya naman YJ." Defensive naman si babs. Pero muka naman syang mabait at dahil civil si Teukie, napasmile nalang siya at pat sa likod ni tabs.

Tumayo na sila at naglakad papuntang field. Kelangan nila makapwesto mamaya ng maganda para hinde mainit yung uupuan nila. Syempre maraming contact si Teukie kaya saved na sila.

"Asan yung dalawang ugok?"

"Ewan. May kikitain daw sila sa berks sa CFAD eh."

"Akalain mo yun, may iba pang barkada yung dalawang eng-eng na yun."

Singit naman si Babs. “Ui, tutugtog yung friend ko sa mass mamaya. yung mga hymn hymn.. tapos live ata yung music ng Fireworks mga studyante yung gagawa.”

Napatango si Teukie. siya ang nakaisip nang pautot na live music courtesy of the Contemporary of Music kids. At dahil 5% lang sila ng population ng USTe*, kayang kaya na nila yun.

"Wow, sosyal may friend ka sa Music. Pakilala mo kami mamaya ah!"

"sige po.. hahah, oi kain muna tayo, nagugutom na ko."

"Oh sige. Mamaya na tayo tumira ng free food pag tapos ng mass. Kain tayo Mang Toots?"

OKS!

*

2pm, Calderon. Madaming taong labas pasok sa Chapel.


Nauutot na si Wookie sa tagal. Natapos na yung Christmas party nila kanina sa class at hinde siya nanalo sa games. Nakakainis kasi dinaya siya nung bruha sa Amazing race… malay ba niya sa hayup na House of Clowns na yun. Puta Mcdo pala.

Kundi ba naman gaga kasi.

Hinde pa dumadating si Sungmin from Christmas party sa Varsi. HInde siya pwede kasi andun yung adviser nila na labs na labs pagtripan si Wookie. So wag nalang. Tapos aapihin pa siya ni Kyuhyun dun. So nevermind talaga.

Shet baka nirerape na ni Kyuhyun si Sungmin.

T_T

Gusto naman ni Sungmin yun .. pautot pa kasi.

"HUHUHUU"

"ay pokpok!"

T______________T

"Sorry."

Si Henry pala. Nagulat naman tong Wookie,

"Anyare sayo?"

"Natatakot ako, Wookie."

"Baket? May nangnenok ba ng food mo?"

Umiling naman si Henry tapos tumingin kay Wookie. Tinaas yung violin niya tapos naiiyak ng onti. Buti nalang cute si henry. “Tutugtog ako mamaya sa mass.”

Nanlaki yung mata ni Wookie. Pangarap niya yun. Gusto niya mag choir sa chapel kasi sakristan si Siwon eh. HUHUH ang swerte naman ni Henry. Sana sumali si Wookie sa choir nakakainis kasi naman.

"Nagugtom ako."

"Wala akong pera kumain ako sa Christmas party namin may pansit." naiinggit parin si Wookie. "Mamaya naman may free food, kumain ka nalang ng marami."

"Wala pa si Sungmin?"

"Wala nasa Varsi. Ui.. wala ka bang malapit na upuan sa mass mamaya? yung malapit sa altar?"

"Wala eh."

"Booo! nakakainis ka naman. sige na nga hahanap na ko ng upuan para mamaya may upuan na ko." Tingin kay Henry. "Tara lakad tayo, para hinde ka kabahan. Kakantahan kitang UST hymn."

Bunot muna si Wookie ng phone. [Sungmin nasa field ako. Text mo ko mamaya pag buntis ka na kay Kyuhyun. Bye]

*

2pm UST, Chapel

Announcement: Nasusunog na si Heechul. Putangina pakisalba nalang po siya.

Bunot sa phone.

[Jongwoon, putangina Pasko naman kalimutan muna natin ang mga pagkakamali natin sa isa’t isa at samahan mo ko ngayon.]

[Puta sino ba naman kasing nagsabi sayo na sipain mo yung laptop ni Kyuhyun? Kasama ko ngayon to, mamaya na kita hahanapin]

Napamura si heechul at tiningnan siya ng mga nagsisimbang studyante. Si Siwon nanlaki ang mata from afar. naman kasi talaga puta. Wala nang signal mamaya at forever na syang stuck with Siwon.

Akalain mo ba namang hinila si Heechul papunta sa chapel. May Mass pa raw mamaya. Talaga bang Tiger tong hinayupak na Siwon na to? Baka naman siya si…. Moses ba yung may bagyo? Or yun yung kinain ng whale???

"Heechul.. wag ka maingay. May vigil pa tayo."

T___________________T

"Ah, natatae na kasi ako eh." HOORAY SA EXCUSE! "Kelangan ko muna jumebs tapos babalikan kita?"

Kelangan kasama niya si Siwon mamaya sa concert para cool siya. Hindi pwedeng sila Eunhyuk at Donghae at magmumukang pulubi si Heechul nun.

"O sige. Mamaya sa Mass, puntahan mo ko sa harap ha?" Mabait talaga si Siwon slash uto-uto kaya okay na okay kay Heechul! Plus, sikat pa! >;3

Tayo naman si Heechul at dire-direcho palabas. Putang ina maraming salamat po. AH, AIR!!!

Bunot phone ulit at pindot sa contacts.

"HELLO?"

"OI EUNHYUK, PUMUNTA KAYO NI BADONGS SA PANGATLONG PAYONG SA GILID NG FIELD. ANDUN AKO."

"Okay."

"Bilisan niyo wala akong kasama. Puta."

"Okay, okay. Naglalakad na kami. Kumain lang kami sandali sa Dapits."

"Oh sige. Bilan niyo ko Coke ha."

PAK!

"Putangina, ."

"Ay poknat kang nalaglag."

T____________T

Ang sakit ng tama sa baba ni Heechul at napatingin siya sa isang kawawa-looking na kid na may kasamang singkit na mukang siopao. Wait! Kilala ni Heechul to. Eto yung stalker niya na bata.

Napa-smirk naman si Heechul.

"Hi."

Ang sama naman makatingin netong batang to, ang panget naman ng outfit. Tshirt lang na fitted na pink. Boooo, hinde makatarugan ang fashion sense niya.

"Wookie, tara na. Wag ka na makipag-away." Duwag duwagan ang siopao pero tama, wag awayin si Heechul Kundi imyerno ang aabutin. "Wookieee."

Tumingkayad ang bagets at tinitigan sa mata si Heechul. Kakalabas lang niya ng chapel, wala pa ata syang lakas. Tiningnan nalang niya ulit. Staring contest kaya yun ni Heechul. Tsaka mas matangkad siya. Biglang nagsalita yung bagets. “Wala kang chocnut na nabigay sa kanya. Wala!” Sabay walkout.

Weird.

SHET ANG WEIRD.

Puta, thirty minutes lang si Heechul sa chapel, nahibang na siya. How!??!?!?!

Sabay takbo sa third payong para antayin yung dalawang tanga.


*

2.15pm sa may Plaza Mayor

 

image

 

"Coke nga eh."

"EH may light tsaka zero alin dun?"

"Deads na naman tayu kay Kuya Heech nyan eh! Sana kay Kuya Kangs nalang tayo sumama."

Iling si Donghae. Syempre kay Siwon siya sasama. Eh kung andun si Siwon, andun si Heechul so no choice talaga sila. Wala na silang cool friends eh. Ayaw naman niya kay Wookie kasi may free food naman mamaya tsaka guguluhin lang siya nun. Nalilito si Donghae pag ganyan. Confused siya, masyado syang popular.

"Deads tayu nyan."

"Hindi tayu deads. Tandaan mo nasa atin pa yung pictures nung Sungmin na yun. So hinde siya makakaganti."

"Oo nga pala." Napangiti si Eunhyuk ng todo. "So, safe tayo."

"Oo, wala yang aberya tingnan mo…" Napakamot ng ulo si Donghae. Nag-iisip siya ng malalim so nalilito na siya. "Alam mo…"

"Hinde pa." *ignore*

"Alam mo, familiar sakin yang si Sungmin na yan. Feeling ko nagmeet na kami."

"Oh? Shet baka inutangan mo yan lagot ka!"

"Shet oo nga deads ako. Buti pala hinde ako sumama sa photoshoot kuno no?"

"oo nga eh. Pero nakakatakot rin yung Kyuhyun… feeling ko killer yun."

Tumawid na sila papuntang field at tango nalang sila. Hinde nila alam bakit sila nagpapauto kay Heechul pero masaya naman so kebs lang sila. Boring rin kasi pag si Kangin lang kasama nila wala sila ginawa kundi maglakad, magpacute, kumain ng onti. Walang thrill,nakakabore.

Nakita na nila yung form ni Heechul, nakahilata sa upuan.

"Badongs."

"Oh…"

"Deads na ata si Heechul." Napatingin si Donghae sa parang nahimatay na Heechul. "Dba, galing syang chapel?"

" BAKA NASUNOG!" Panic mode si Donghae. "Wait tatawag ako sa 911."

Batok!

"Gago wala taung ganun."

"Ano lang?"

"Buhusan mo ng coke!"

Takbo kay Heechul. PSSSSSK, bukas ng lata ng Coke.

SPLASH!

Deads.

.

.

*

2pm sa Varsi Office sa may TYK.

image

 

Wala namang alak dba?

Gusto nang sunugin ni Jongwoon yung Varsitarian office. Ang ingay amputa. Lasing ata lahat. Ang daming tao. Kala niya one per varsi member lang ang pwede dalin puta yung editor in chief isang buong journ class yung dinala. Nakaupo siya sa sulok kasi hinde siya friendly.

May tatlong AB kids na yung nagpa-picture sa kanya ang pogi daw niya. Hello, pogee naman talaga si Jongwoon okay.

Ayaw niya istorbuhin si Kyuhyun. Nagpipicture ang gago pero si Sungmin lang ang kinukunan. Kanina pa niya pinipilit si Sungmin na sumama sa kanya sa concert at manood ng fireworks. Hinayupak na yan. Iiwanan pa si Jongwoon.

Pero mas okay yun, wala syang kasamang abnormal.

Kaso baka pagsamantalahan ni Kyuhyun si Sungmin. Mahirap na.

"Pizza?"

Aba, kinausap siya ng Sungmin. Puta. Alam niya masungit tong batang to eh. Pero mukhang wala rin syang friend sa V. Lumingon si Jongwoon. Alert level: Yellow. Nakatingin si Kyuhyun.

.

"Ugh, thanks. Si Kyuhyun ata hinde pa kumakain." Pekeng ngiti. Alert level Yellow, stable.

"Nakain na niya yung kalahating bilao ng spaghetti at limang slices ng pizza. Hinde yun magugutom eh, sinama ka niya hinde ka naman pinapakain."

Mabait naman pala si Sungmin at nakasmile naman. Bunot cellphone yung bata at napakunot noo.

"Ugh.. sige dyan ka muna. May itetext lang ako."

Lumapit si Kyuhyun kay Jongwoon at hinablot ang pizza na inabot ni Sungmin. Nilagyan ni Kyuhyun ng bagong pizza sa plato si Jongwoon.

"Hinde mo to pwede kainin. Hinawakan to ni Sungmin baby. Off Limits."

"Okay." Cell phone nalang muna si Jongwoon. Twitter onti habang nilalamon ni Kyuhyun yung pizza ni Sungmin. Sounds wrong.

"Ano aayain mo na ba manood ng fireworks si Sungmin?"

"Oo, pero kelangan kasama yung bakla niang best friend. Sasama ako sa kanila. Sama ka?"

:Ayoko. Tatambay nalang ako sa condo. Puta ayoko ang daming tao eh.”

"Pwede ako makitulog? lalagyan kita ng internet na mabilis. Baka kasi gabihin na ko eh ayoko baka manakaw yung laptop ko sa Recto."

"Sige. basta wala kang gagawin kay Sungmin ha. Ayoko maging chaperone mo."

Napangiti si Kyuhyun., yung manyak na ngiti na putang ina kinilabutan naman ang Jongwoon. Dumating na yung Sungmin at inabutan sila ng Coke. matatapos na ata yung party. Gusto na ni Jongwoon pumunta sa walang tao.

"Oi, kyuhyun tigilan mo na yang pagkain."

"sige baby sabi mo eh."

HOLY !

"Wait ." napatigil si Kyuhyun at Sungmin at pati yung ibang malapit sa kanila. "Kayo na?????"

OMG CHISMIS.

"NO!"

"YES!"

Okay issue. At issuero si Jongwoon. Eh assumero siya., pero ayun. 10minutes later, meron syang pasa sa mukha kasi nasapak siya ni Sungmin. At nasipa palabas ng office karay karay ni Kyuhyun. Puta nabalian pa ata yung paa niya. namang kamalasan to.


Hay, Paskuhan. Matapos ka na nga.


*

Itutuloy….
May version 5.2.1 pa Paskuhan part 2. :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pauleenisvavavoom
#1
bet ko tong story nyo nahanap ko bigla tas shet hooked nako.
ps miss ko na maging estudyante huhuhu
HeeApprentice
#2
Chapter 23: bigla ko nalang naisipang basahin ulit to, pag bukas ko ng aff (after almost a year?) may updated daw na story. OMG THANK YOU T_T
kimwookie
#3
Chapter 21: Waaaaaahhhh ate author sana mg update kn po pg my time... Hehehe laughtrip tlga to!!
kimwookie
#4
Chapter 9: .wahaha.ganda.ng reply.mu.Jongwoon,kasing luTong ng chicharon ni Mang Juan!
kimwookie
#5
Chapter 8: wahahahaahha !!! nd kn tlga mallimutan ni Siwon!!!
kimwookie
#6
Chapter 5: hahahahaha seryoso.. mamamatay ako kakatawa!!! hahahahaah
kimwookie
#7
Chapter 2: uuwaaaaaaaaa bakit ang gwapo ni Wookie!!!!
kimwookie
#8
Chapter 1: hahahaha una pa lang nakakatawa na!!
pinksoomi
#9
heluuu !!! silent reader po ako pero dahil sa sobrang ganda ng story nyo eh magkokoment ako ......
alam nyo po bang secret fan ako ng ... naweweirdohan na nga kapatid ko sa kin peo para patunayan na wla akong problema sa utak pinabasa ko sa kapatid ko yung story nyo ... ayun , nasabog naden kakatawa ....

ang ganda po talaga nito ..
Shirobaka #10
Chapter 21: Kawawang hae, nasa recovery stage pa from mrt incident. Si wookie ang sungit sungit! Daig pa babaeng pihikan maglihi! Ang epic lang ginawa buong bakasyon ay 'mag-siwon'. >:)))