Part 2.1

One Day, Isang Araw [Tagalog+UST Fic]

Same day ng Part 2.0

 

UST, Quadri Park, 3pm

 

May Microbiology pa siya mamayang alas singko. Naiinis sya bakit kasi may ROTC whatever si Youngwoon at iniwang tong dalawang bagets na to sa kanya. Hinde naman maiwan kasi mukang kawawa ung isa. Sabi pa ni Eunhyuk kanina napagalitan daw ng landlady si Donghae kanina kasi naihi sa brip. Hinde niya alam kung maniniwala siya pero tawang tawa si Kangin so sige na nga.

 

Maniniwala nalang siya kay Kangin.

 

"Donghae, wala ka bang class?”

 

"Wala. Tapos na lahat, na-late ako so yung CA lang napasukan ko. Okay na un, yun lang naman major."

 

Abnormal.

 

"Ah… hinde ka pa uuwi?"

 

"Hinde, aantayin ko si Wookie. May friend ako sa HRM kapitbahay ko yun dati, may pagkain daw siyang tira galing sa class nia."

 

"May class pa kasi ako. Malapit na naman yung practicum days ko, tapos may meeting pa ko sa CSC so… pwede na ba ko umalis?"

 

"Sige. Dadating na naman si Wookie. Sana wag lang syang matagal kase medyo nagugutom na ko. May ulcer kasi ako nung baby ako."

 

Nag-paawa pa si Kuya. Sige na nga may sandwich pa naman si Teukie para mamaya. “May 15 minutes pa naman, tara bili tayo calamares sa Dapits.”

 

Lumiwanag ang muka ni Donghae na parang nasinagan ng limampung araw. Pag-AB ba mahilig magpalibre? O sadyang kurips lang tong dalawa niyang kaibigan. Si kangin maraming kickback sa ROTC yun tsaka si Shindong. Pero nakakainis, wala pa siyang kickback sa CSC. Tapos ung Secretray pinopormahan niya.. tsaka yung cute na irreg sa MTF niyang class. Sana sila magkapartner sa mock wedding.

 

Sige na nga diyes lang naman.

 

"Libre na kita."

 

Ang hinde niya maintindihan baket after 5 minutes na napag-desisyunan niyang ilibre si Donghae tsaka sumulpot si Eunhyuk at nagppalibre rin.

 

Talaga nga naman.

 

Kelangan nang maka-graduate ni Teukie. Wala na syang mamumutmot sa mga batang to.

 

Pero tinatamad siyang umattend ng meeting kaya pwede narin. Baka blessing in disguise narin, masaya naman ATA kasama tong dalawang ugok. “VP, nagtatae ako. Ikaw muna mag take over ng meeting.”

 

Gusto naman yun ng VP nia, acting President kuno.

 

Pabor narin sa kanya yun… sana may seksi nalang sa Dapits. Para pampalubag loob ng lahat ng gastos nia ngayong araw.

 

 

*

Starbucks, Noval, 5pm 

 

"Putang ina, Kyuhyun tigalan mo na yan."

 

"SSSSSH."

 

"Nakikigamit ka lang ng hotspot ko para magdownload ng eh."

 

PAK!

 

ang lakas ng pagsara ng laptop ni Kyuhyun. ! Mahahack na nia ung telepono ni Jongwoon. Wrong move. Patience is a virtue pag dating sa batang sutil na to. Shet.

 

"Hinde to ."

 

Puta ang panget ng ichura ni Kyuhyun pag seryoso. Gusto na niang sapakin pero can’t. Mabait ang nanay ni Kyuhyun. Mag kumare ang mga mudra nila so hinde pwede. 

 

Nilibre naman sya ni Kyuhyun ng Cappuccino so wala naman syang magagawa. Si Kyuhyun rin ung tumulong sa kanya sa mga effects nung building na dinrawing nia last sem sa finals. Pag may powerpoint presentation, ginagawa ni Kyuhyun na video para may timing at may effect.. 

 

So medyo marami naring natulong tong bagets na to sa kanya.

 

Nakakainis kasi naman baket ba ang L neto ni Kyuhyun. Internet lang naman gusto niya.

 

Kahit kasi ata na-hack na ni Kyuhyun ung Amang Tomasino at Unending Grace na wifi, hinde ata pumapalo un sa 1mbps. Yung data plan niya, 5 to 7 so enjoy na enjoy tong bata.

 

"Ano bang ginagawa mo? Wala ka namang project kasi dalawa palang naman major mo?"

 

"Sandali lang pwede?"

 

Puta muka syang natatae.

 

"Nakuha ko na ung facebook nung barkadang bakla ni Sungmin at marami silang selca together. Nakuha ko na ung password nia."

 

PUTA! 

 

YUNG SUNGMIN NA NAMAN NA SANDAMAKMAK NA TARAY NA MAHAL NA MAHAL NI KYUHYUN.

 

Walang katapusang bulag na pag-ibig. Baket ba kasi ang bakla netong kaibigan nia? 

 

"SHHHHHHHHHHHHHHHHET!"

 

"Ano!??!"

 

"Ang cute nia dito."

 

Nakabalik na pala ang hayop na Kyuhyun sa laptop nia at pinakita kay Jongwoon ang Sungmin na nagbabasa ng libro sa library. Wala naman atang ginawa yan kundi mag-aral.

 

"Dba peeps mo naman yan sa Varsitarian? Baket di ka tumambay dun sa office at kausapin mo?"

 

"Wala naman siya dun madalas kasi guguluhin siya ng mga writers. Busy siya mag-aral. Dean’s lister sya. 1.20 yung average niya last sem. Sana tumaas pa."

 

"Tapos varsitarian sya? "

 

"Oo, ganun talaga hinde natin mapipigilan yun. kaya nga ako sumali sa V para bantayan siya. Kukumutan ko sya kung kelangan."

 

"Jusko po."

 

"Sssh, magdrawing ka nalang dyan. Last na to. Mag-aaral pa ko sa history mamayang gabi. Sana si Sungmin nalang lahat ng characters ng Asian Civ para mas nakakagana."

 

Nanahimik nalang si Jongwoon. Wala narin naman syang choice. Si Kyuhyun pa, walang bukang bibig kundi si Sungmin. Si Sungmin na walang malay. Hubo’t hubad na sya sa imahinasyon netong batang to. Kawawang bata.

 

Itutuloy...

Comic-ish CLICK for Leeteuk Click for Jongwoon

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pauleenisvavavoom
#1
bet ko tong story nyo nahanap ko bigla tas shet hooked nako.
ps miss ko na maging estudyante huhuhu
HeeApprentice
#2
Chapter 23: bigla ko nalang naisipang basahin ulit to, pag bukas ko ng aff (after almost a year?) may updated daw na story. OMG THANK YOU T_T
kimwookie
#3
Chapter 21: Waaaaaahhhh ate author sana mg update kn po pg my time... Hehehe laughtrip tlga to!!
kimwookie
#4
Chapter 9: .wahaha.ganda.ng reply.mu.Jongwoon,kasing luTong ng chicharon ni Mang Juan!
kimwookie
#5
Chapter 8: wahahahaahha !!! nd kn tlga mallimutan ni Siwon!!!
kimwookie
#6
Chapter 5: hahahahaha seryoso.. mamamatay ako kakatawa!!! hahahahaah
kimwookie
#7
Chapter 2: uuwaaaaaaaaa bakit ang gwapo ni Wookie!!!!
kimwookie
#8
Chapter 1: hahahaha una pa lang nakakatawa na!!
pinksoomi
#9
heluuu !!! silent reader po ako pero dahil sa sobrang ganda ng story nyo eh magkokoment ako ......
alam nyo po bang secret fan ako ng ... naweweirdohan na nga kapatid ko sa kin peo para patunayan na wla akong problema sa utak pinabasa ko sa kapatid ko yung story nyo ... ayun , nasabog naden kakatawa ....

ang ganda po talaga nito ..
Shirobaka #10
Chapter 21: Kawawang hae, nasa recovery stage pa from mrt incident. Si wookie ang sungit sungit! Daig pa babaeng pihikan maglihi! Ang epic lang ginawa buong bakasyon ay 'mag-siwon'. >:)))