Part 2.0

One Day, Isang Araw [Tagalog+UST Fic]

UST, AB BUILDING

 7am, two days after ng Part 1.2

 

Hinde niya maintindihan bakit kung kelan siya second year tsaka naman naisipan na gawing 7-11 ang mga klase. Late na naman siya. Eh nagpractice pa sila kagabi. Sasayaw daw sila dun sa Bilibid visit ng first year socio sa isang Friday. Buti pa si Donghae walang prof nang araw na yun. Nakakainis, ang unfair!

 

Takbo lang sa second floor.

 

, nakikita na niya ung anino ng prof nila sa Math at hinde pwedeng galitin si Ma'am. Wala narin siyang balak ulitin ung nangyari last sem na tawagin nalang nating, "The Jolly Hotdog Incident" WALA! 

 

Sama prof pa kasi. Tapos Statistics pa. Sino ba namang loko-loko ung mag Stats ng alas siete ng umaga.

 

YES!!!!

 

Sabay sila!

 

Salamat sa dalawang pinto ng AB rooms. :)

 trans.gif

At least si Sir Ferdie hinde nagcclass ng 7 am kundi parati siyang deads. Tapos tatawagin pa siya para mag-recite. Kumakalam na ung chan niya pero hinde ata pwedeng kumain sa class ni ma'am.

 

Upo sa likod at tabi kay Kuya Jed na magaling sa Math. "Pakopya ng number 2. Meron na kong sagot sa 1 and 3 eh."

 

Mabait si Kuya so inabot lang yung libro. Meron siyang 2 minutes para sulatin lahat. Buti nalang nagpa-dasal muna si Ma'am. "Thank you."

 

"Sige, okay lang. Ung laptop ko nagkavirus. Hiniram nung irreg na CA na kasama mo sa sayaw sayaw."

 

"Ah ganun ba. Di bale sasabihan ko. Thank you ulit."

 

Nagdidiscuss na si Ma'am tapos pinabunot na sila ng calculator.

 

"Libre mo ko lunch. May kwento ako." Message sent

 

Wala naman talaga siyang kwento pero wala rin siyang lunch so kelangan lang niya enchingin si Kangin para ilibre siya sa Ate Evas ng pork steak mamaya.

 

"CGE! Ano yan?"

 

Ang bilis magreply. 

 

"Basta basta."

 

"Cge, sasama ko si Teukie."

 

Ay potek.... Si Jungsu, isa pang dakilang chismoso. Close niya yun nung high school pero dumami kasi ung chicks niya so nahiya na siya ng onti. Pero close parin naman sila. Kaso kasi mahirap yung 4th year ng nursing at ang hilig maging presidente ng kung ano ano si Teukie.

 

Di bale na nga. Gagawa nalang siya ng kwento.

 

"O cge. Mamaya ah! libre mo ko!"

 

"OKS! :)" 

 

Buti nalang madali kausap si Kangin. Sana absent si Donghae ngayon, sandamakmak na gulo kasi nun minsan lalu na pag andyan si Teukie. Parang batang ewan.

 

Hinde nalang niya itetext.

 

"Lee Hyukjae..."

 

SHOOT.

 

"Please answer problem number 5."

 

MAY NUMBER 5 PALA UNG HOMEWORK NILA!

 

UST, sa daanan galing Botanical Garden hanggang Grad School

 

10am

  

Natatakot siya. Hindi niya alam gagawin niya. Nasstress siya.

 

Hinde naman dapat ganito at nakamove on na siya sa ADJUSTMENT PHASE ng pagiging first year. Second sem na.

 

Marunong na siyang sumakay ng jeep sa Espana at Dapitan at kumakain narin siya ng madaming streetfoods. Aliw na aliw rin siya sa footlong with rice sa Lovelight. Nakasurvive na siya at ilang sems nalang tapos narin ang college life niya.

 

Pero sabi nga nila, too early to tell. Kasi naman.

 

Ngayon na nga lang niya napagdesisyunan magpractice sa isang sulok ng Botanical Garden, tsaka pa natanga at nadapa sa isang malaking manong.

 

Eh kala niya janitor sa school. HUHUHUH, studyante pala.

 

Nakakatakot.

 

Kim Youngwoon tandaan daw ni Henry ung pangalang na un kasi hinde daw niya un makakalimutan. Nasstress na siya kasi feeling niya gumawa siya ng kaaway na hinde niya sinasadya.

 

"Ikaw bata ka. Wag kang magtutulug tulugan! Halatang gising ka! ano ka kabayo? Tulog nakatayo?"

 

"Hinde po ako tulog."

 

"Ung mata mo! Idilat mo! hinde mo ko nakikita kakapikit mo!"

 

"opo"

 

Buti nalang may mabait na kuyang mataba na pinagtanggol siya at nilibre siya ng turon~ Sabi ni kuyang mataba na taga carpark. May classroom ba sa carpark? Or kainan lang? Baka kaya mataba si kuya.

 

"Psst, Kangin wag ka nga dyan."

 

"Oi baboy musta?" ayun, binitawan rin ni kuya ang unat na unat na collar ni Henry.

 

"Parang five pounds lang naman lamang ko sayo! Iwanan mo na yan. Eto, kwek kwek." And saraaaaap ng kwek kwek napatingin nalang si henry sa mga orange na bilog sa plastic cup na lumalangoy sa sauce.

 

Si Youngwoon daw mainit ulo. Kasi hinde pa kumakain at 10 am na. Dapat daw 7 am palang puno na ang sikmura.

 

Eh may training ata ng 12 noon. Hinde naman alam ni Henry kung ano yun.

 

Pero berks ata yun ni Kuya taba. Pareho naman silang malusog.

 

"Basta, iwasan mo nalang. Mabait yan pag busog." Sabi ni Kuya Shindong na sa wakas ay nagpakilala na habang tumatalsik talsik pa ung kinakain niya.

 

Namantsahan ng slight ung polo ni Henry.

 

"Wag mo nalang asarin baka hinde lang violin mo baliin niya. Pati buto mo."

 

Hinde nalang kumibo si Henry. Buti pa si Shindong friendly.

 

Naglalakad na sila papasok ng campus, dun nalang sila sa High School gate dumaan. kasi mas onti tao. Natutuwa sa henry sa tatlong turon na nilibre sa kanya ni Shondong. Sana araw araw nalang sila magkasama.

 

"Ay, puto!" 

 

"Ano?"

 

"May class pala ako ng 10! hahaha, tokwa yan! late na ko! babye!"

 

Gusto sana hingin ni Henry ung number niya para meron na siyang friend kaso ang bilis tumakbo ni Kuya Shindong hinde halata sa napaka-healthy niyang katawan. Napailing nalang ang bata sabay subo ng turon.

 

*

 

May Theology class pa si Siwon pero in one hour pa ata yun. Hinde siya nakapag-practice sa gym nung umaga kasi umattend pa siya ng Mass. Nawala na naman yung pinsan niyang si Donghae kasi may class na naman ata tsaka yung sayaw sayaw na practice na hinde na matapos tapos.

 

So palakad lakad lang siya sa gilid ng eccle kasi wala masyado dumadaan dun. Ang dami kasing nagpapapicture sa kanya natataranta na siya. 

 

"Ay, tae."

 

"SIWON!"

 

Eto na naman tong weirdo na hinde mahilig magdasal na kung saan saan sumusulpot lately. Wala pang 12 so wala pang angelus Naiinis si Siwon dito at nakakailang kumpisal na siya para sa batang to. 

 

"Hi." Kelangan maging polite.

 

"Musta ka na? Ngayon nalang kita nakita. Gusto mo mag Starbucks?"

 

"Uhhhhhhhhhh..."

 

PLOK!

 

May nadapa sa kabilang walkway. 

 

"SORRYYYYYY"

 

"Sorry"

 

Napabuntong hiniga si Heechul. "Hoy, umuwi na kayong dalawang bagets. Kitang kita ko na pinicturan mo si Siwon, ikaw Tourism!"

 

Kawawang bagets, napag-buntungan ng galit ng weirdo na to.

 

"Hinde ah! Baka siya!" sabay turo sa batang kumakain ng turon.

 

"Utut mo. Huli ka na. Umuwi ka na... type mo siguro si Siwon... ay ! AKO TYPE MO NO?!"

 

Tumawid ang bagets at iniwang ung isang bata na nakatunganga...

 

"Excuse me, hinde ako Tourism. And excuse me, hinde kita type. Nakakadiri yung long hair mo na red feeling emotero ka siguro no.. FINE ARTS student!"

 

"Whatever blah blah. Tara Siwon, kain tayo Mcdo. Libre mo ko Coke Float."

 

Sabay hatak na ni Heechul sa speechless na Siwon. Kilala niya yung bagets na yun! Ngayon lang niya napagtanto. Siya ung galing sa girls CR nung isang araw. Wala namang galit si Siwon sa ganun pero natawa nalang din siya. Ipagdadasal nalang din niya ung bagets.

 

*

 

"IKAW KASIIIIIIIII"

 

Imbyerna si Wookie. Naiirita siya kasi mas importante pa ung turon nung bata kesa kay Siwon! UNFAIR!

 

"Buti nalang nakunan ko si Siwon kahit side view. Nakakainis ka naman."

 

"Sorry po."

 

"Buti nalang hinde ka swangit." Mabait si Wookie sa mga cute at pogi at sa magagandang trip niya. Dapat sila lang ni Sungmin ang pretty, cute at gorgeous at the same time, Pero cute rin si Bagets so pwede na. 

 

"Wookie.... HRM. 2nd year. YOUUUUUU?"

 

"Henry po... Music. 1st year."

 

"Ay ang cute!" kinilig na naman si Wookie. Bagong kras niya ata to. Pero number 1 parin si Siwon. Cguro mga 2.5 si Henry.

 

"Cge, po. Alis na ko. May practice pa ko."

 

"Cge!!! OI WAIT!" Hinde na palalagpasin ni Wookie to. "ENGE NUMBER"

 

SMILE NAMAN SI HENRY. HOHOHO. Foine! New kras na nga talaga to ni Wookie. Kelangan muli balitaan si Sungmin! 

 

Itutuloy...

Comic-ish Click for Eunhyuk Click for Henry Click for Wookie

Characters:

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pauleenisvavavoom
#1
bet ko tong story nyo nahanap ko bigla tas shet hooked nako.
ps miss ko na maging estudyante huhuhu
HeeApprentice
#2
Chapter 23: bigla ko nalang naisipang basahin ulit to, pag bukas ko ng aff (after almost a year?) may updated daw na story. OMG THANK YOU T_T
kimwookie
#3
Chapter 21: Waaaaaahhhh ate author sana mg update kn po pg my time... Hehehe laughtrip tlga to!!
kimwookie
#4
Chapter 9: .wahaha.ganda.ng reply.mu.Jongwoon,kasing luTong ng chicharon ni Mang Juan!
kimwookie
#5
Chapter 8: wahahahaahha !!! nd kn tlga mallimutan ni Siwon!!!
kimwookie
#6
Chapter 5: hahahahaha seryoso.. mamamatay ako kakatawa!!! hahahahaah
kimwookie
#7
Chapter 2: uuwaaaaaaaaa bakit ang gwapo ni Wookie!!!!
kimwookie
#8
Chapter 1: hahahaha una pa lang nakakatawa na!!
pinksoomi
#9
heluuu !!! silent reader po ako pero dahil sa sobrang ganda ng story nyo eh magkokoment ako ......
alam nyo po bang secret fan ako ng ... naweweirdohan na nga kapatid ko sa kin peo para patunayan na wla akong problema sa utak pinabasa ko sa kapatid ko yung story nyo ... ayun , nasabog naden kakatawa ....

ang ganda po talaga nito ..
Shirobaka #10
Chapter 21: Kawawang hae, nasa recovery stage pa from mrt incident. Si wookie ang sungit sungit! Daig pa babaeng pihikan maglihi! Ang epic lang ginawa buong bakasyon ay 'mag-siwon'. >:)))