Part 9.0

One Day, Isang Araw [Tagalog+UST Fic]

 

 

Ilang days lang after nung Part 8.0 (Di kami makamove on, wag kayo magulo)

--

Sa condo ni Jongwoon.
11.30 am, Monday! NAKAKAINIS!

Ayaw po ni Jongwoon nang gulo. Sa totoo lang wala naman syang pakelam kung magtae si Kyuhyun o madapa sya sa Dapitan. Hanggang hindi nasisira ung telepono nia, hahayaan na nia yung batang weirdo sa buhay nia.

Pero shet, hindi naman nia ine-expect na babalasubasin ni Kyuhyun yung condo nia. Wrong move talaga na nagpaduplicate sya ng keycard eh. Actually nanay nia kasi ung nagrequest na bigyan si Kyuhyun.

“Kyuhyun! Ano ba to?”

Ang kalat nung kwarto nia, ung mga turtles nia nakabaliktad sa sulok tapos ung pagkain nakatapon sa desk, nakatiwangwang ung laptop ni Kyuhyun sa lamesa tapos ang gulo nung sofabed nia. Yung favourite niya na unan nakahandusay sa lapag.

“HUHUHUHUHUHUHUHU”

Baket po ang panget ni Kyuhyun, puta? Gusto na umalis ni Jongwoon mukang constipated na nagtatae na naman si Kyuhyun kaso lang ung mga turtle babies nia baka ma-deads eh. Kinuha ung mga shells, sinilip kung andun pa ung mga turtles tapos nilagay nia dun sa aquarium nia na hindi pa nia nalilinis, shet! Kinuha nia ung favourite niyang unan tapos lumapit sya sa batang naglulupasay sa sahig.

“JONGWOON, I’M DRUNK….”

May hawak na large size na milk tea ang gago. Putang ina ano na naman to, malamang tungkol kay Sungmin to… yun lang naman ang nagpapaganyan kay Kyuhyun..

“Ano, binasted ka na ni Sungmin?”

“WAHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU”

Si Sungmin nga puta. Gusto na umeskapo ni Jongwoon pero nakakapit na si Kyuhyun sa binti nia parang koalang baboy.

“JONGWOON…. I’M DRUGS.”

“Puta, Kyuhyun, tumayo ka nga ano ba yan?” Medyo nagpapanic na si Jongwoon, nawawala ung coolness nia kasi puta sino ba naman hindi mattrauma sa pagmumuka ni Kyuhyun.

Fresh na fresh pa naman sya from class, dumudungis ung pantalon nia sa uhog ni Kyuhyun. May klase pa syang mamayang hapon, may ghad!

“Jongwoon!!!”

Konti nalang masasapok na nia si Kyuhyun.

“ANO?”

“Jongwoon.. It hurts!!!!”

Isa…

“Pero mahal ko parin sya!”

Dalawa…

“Baket ganitoooooo?”

Tatlo… “Tangina, makulong na kung makulong.” Taas kamay para hampasin si Kyuhyun nun unan na hawak nia. Kyuhyun: death by suffocation.

“NAGALIT SI MINIMI SAKIN!!”

Tumigil ang mundo. Parang ung aleng tindera sa canteen sa kabilang kanto lang ung naririnig. Kahit ung beep beep ng jeep sa labas walang tunog.

“WAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA” Putang ina. Tawang tawa si Jongwoon. “Puta ka. Kala ko kung anong nangyari… wahahahahahhaha. Gago! Tumigil ka na dyan.”

“MASAKIT EHHHHH.”

Ngayon lang napasin ni Jongwoon na may pasa sa noo si Kyuhyun. Hahhahaha baka pinag tangkaan niang chansingan si Sungmin tapos nabalibag sya. Tapos naalala nia ung kalabasa na sinakay ni Kyuhyun sa Audi nia. “Puta! Yung kalabasa ba to?”

Flashback: bumili si Kyuhyun nang isang saktong kalabasa (episode 8.0) para tapatan ung pakwan na binigay ni Kangin kay Sungmin nang gumulong sila sa kalsada (Episode 7.0) End of Flashback

“HINDEEE! PERO OO PALA…”

“Tangina, ano nga?”

Apparently, merong typo si Kyuhyun sa Varsitarian at ayun. Kulang ng apostrophe ung “one’s” tapos walang dash ung editor-in-chief. Ayun galit na galit si Sungmin kasi isang damkmak na perfectionist un.

“So, binato ka nia ng kalabasa?”

Nasaktan daw si Kyuhyun sa mga pinagsasabi ni Sungmin at hindi alam ni Jongwoon kung ano yung mga words na sinabi nia pero mukang malalim ang pinanghuhugutan ng kaibigan nia.

Ay, puta. Hindi kaya ni Jongwoon ung ganitong drama… Feeling ni Jongwoon nababawasan ung kapogian nia sa mga nangyayari. Pero hindi naman nia pwede iwanan si Kyuhyun mag-isa sa kwarto nia, so...

“Tara, leche ka,” Tangina New Year na New Year problema agad. Wala pa si Heehcul nyan, hayup nabuhay to. "I-lilibre kita ng computer shop, maglaro ka dun hanggang sa mamatay ka.”

=

3pm, Monday parin shet!!!
Sa may payong sa tapat ng Beato Building

Nakakainis. Badtrip si Heechul, puta, walang lalapit sa kanya makakapatay ata sya ng tao.

Okay, hindi naman cguro makakapatay pero feeling nia makakasampal sya kasi naiinis sya. First day of classes after Christmas Break nia kasi ung mga prof nia tamad rin pumasok kaya ngayon lang sya nagkamatinong klase... Natapos nia ung portfolio nia, nakauno sya sa surprise quiz nila. Pero hindi sapat un!

Walang nagtetext sa kanya na minions, or kahit si Jongwoon or Siwon. Sheeet, Heechul is all alone in life. WHY???

Okay medyo kasalanan kasi ni Heechul un pero ayaw nia aminin kasi perfect sya. Tanga lang talaga si Badongs na nawala nia ung picture nung baklang jowa ni Kyuhyun tapos wala syang soft copy kasi nadelete nia lahat nung pics nia nung New Year. So wala na namang alas si Heechul kay Jongwoon.

PANO NA UNG SHOWDOWN?

Hindi kaya ni Heechul na natalo sya sa fliptop kasi putang nerd na Kyuhyun gumamit ng algebra. Kahit pa magaling si Heechul sa math, bobo naman ung mga minions nia.

Pero busy kasi ung AB kids ngayon hindi nia alam kung baket meron atang sayaw sayaw na ganap ung AB. Marami kasing mga pautot ung mga un tapos pa-bibo sila. Nalaman pa ni Heechul na kinakaliwa sya nung dalawa sa pagiging minion kasi minion rin sila nung papansing chismosong CSC president.

Di hamak na mas maganda naman si Heechul doon. OMG hindi sya deserve ng world….! Masyado syang perpekto para dito.

“Wala na kong minion!!! T_T” Buti nalang maganda ung cellphone ni Heechul. 6S Plus na po sya so malaki na ung muka nia sa wallpaper tapos may privacy settings na sya kaya hindi na basta basta ma-hahack nung panget na Kyuhyun! Belat!

Napatingin sya sa daan…

SHEEEEEEEEET!

Jongwoon approaching. Puta naka-maroon na jacket ang hinayupak, naglalakad kala mo runway ung kalsada.  may dala syang malaking notebook na mas malaki pa sa ulo niya.

“Madapa ka sana, hayup ka”

Hindi nadapa si Jongwoon, pero nakita nia si Heechul na pa-selca selca na naman. Syempre nagpapanggap lang si Heechul na hindi nia nakita si Jongwoon. May pride pa po sya kaya.

“Tangina mo, wag ka na magpanggap.” with matching batok kay Heechul.

“Arouch!!!! Galit na galit ka na naman. Ikaw nga ung hindi sumipot sa Megamall, hindi mo tuloy nakuha ung Jasponica rice mo.” (Part 7.0)

“Ulul, pinadala mo sa bahay ko, hayup ka.” As mentioned pinadala ni Heechul ung limang sako ng jasponica rice sa bahay nila Jongwoon akala ng nanay nia, nanalo sya sa Kopiko raffle eh hindi umiinom si Jongwoon nun kasi, “ugh, hindi legit na kape puta”.

“San ka galing?” Na-curious si Heechul okay! Kasi minsan lang nia makita si Jongwoon na palakad lakad… Actually, ngayon nalang uli nia nakita si Jongwoon after nang Paskuhan.

“Malamang sa bahay ko. Buwiset na Kyuhyun yan, winasak ung kwarto ko.”

Nabobo nang very slight si Heechul. Okay, hindi na-bobo. Erase. Lapses. Ang inet kasi nakalimutan nia sasabihin nia. Tapos napatingin sya kay Jongwoon.

Natahimik ng one second silang dalawa. Nagkatitigan sila. Sorry, hindi po sila ship… pero nagkatitigan parin sila. Ang pogi kasi nila pareho okay. Narealise ni Heechul na ngayon nalang nia nakita si Jongwoon after nung match-off nila before Paskuhan. Lumapit sya kay Jongwoon nang very slight. “Puta! Namiss ata kita hayup ka!”

Nagtaas ng Pilot razor Point 2 na ballpen si Jongwoon. “Putang ina mo, wag mo ko mayakap yakap, isasaksak ko talaga to sa leeg mo.”

Itutuloy….

HELLO! nakanood ba kayo ng SS7MANILA kasi may hangover pa tayong lahat! hahahah nabuhay ang thomsianjujus salamat sa mga na-meet namin doon! ^_^ Well, sana mapanindigan ko to magmuli! :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pauleenisvavavoom
#1
bet ko tong story nyo nahanap ko bigla tas shet hooked nako.
ps miss ko na maging estudyante huhuhu
HeeApprentice
#2
Chapter 23: bigla ko nalang naisipang basahin ulit to, pag bukas ko ng aff (after almost a year?) may updated daw na story. OMG THANK YOU T_T
kimwookie
#3
Chapter 21: Waaaaaahhhh ate author sana mg update kn po pg my time... Hehehe laughtrip tlga to!!
kimwookie
#4
Chapter 9: .wahaha.ganda.ng reply.mu.Jongwoon,kasing luTong ng chicharon ni Mang Juan!
kimwookie
#5
Chapter 8: wahahahaahha !!! nd kn tlga mallimutan ni Siwon!!!
kimwookie
#6
Chapter 5: hahahahaha seryoso.. mamamatay ako kakatawa!!! hahahahaah
kimwookie
#7
Chapter 2: uuwaaaaaaaaa bakit ang gwapo ni Wookie!!!!
kimwookie
#8
Chapter 1: hahahaha una pa lang nakakatawa na!!
pinksoomi
#9
heluuu !!! silent reader po ako pero dahil sa sobrang ganda ng story nyo eh magkokoment ako ......
alam nyo po bang secret fan ako ng ... naweweirdohan na nga kapatid ko sa kin peo para patunayan na wla akong problema sa utak pinabasa ko sa kapatid ko yung story nyo ... ayun , nasabog naden kakatawa ....

ang ganda po talaga nito ..
Shirobaka #10
Chapter 21: Kawawang hae, nasa recovery stage pa from mrt incident. Si wookie ang sungit sungit! Daig pa babaeng pihikan maglihi! Ang epic lang ginawa buong bakasyon ay 'mag-siwon'. >:)))