Part 1

One Day, Isang Araw [Tagalog+UST Fic]

November, Second Sem (tapos na ang mga baha)

UST, 12nn

DING DING DING

Nagsitigil na ang lahat.

", aabutan na naman ako ng angelus"

Let us pause for a while for the angelus.

"Ay ."

Kelangan niang umabot sa gate ng CFAD at nang maiwasan si kuya guard na paikot ikot na ang mata sa mga estudyanteng walang planong tumigil maglakad. Nanahimik na ang soccer field and natigil ang mga kwentuhan. 

Tumalikod si Kuya Guard, sabay talon sya palabas.

"YES!"

Umabot sya. Nakalabas ng matiwasay ng Espana para hinde masita sa hinde pagsagot kay kuyang nagdadasal sa buong campus. Ay, kebs.

Humahakbang palang palapit kay manong fishball, bigla syang hinatak ng unknown hand sa braso nia at hinila papasok ulit ng gate. Malamang hinde un si kuya guard dahil mataimtim na syang nagdadasal.

Hinde nawala ung kamay sa braso nia at dahil meron nang mga atribidang nakaitingin, kunwari wala lang ang peg.

In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen.

Natapos na ang dasal at nasa loob na naman sya ng campus, napagkaitan ng fishball na twice a month lang nia kinakain… kasi dirty! Pipicturan pa nia ung kariton ni manong pang Instagram. Unfortunately, tinititigan sya ng masama ni Kuyang… pogi pala, na humila sa kanya papasok ng UST grounds.

"Ano ber?"

"Ikaw na naman!" Maka-akusa naman si Kuyang pogi. Wait, kilala nia ata to. Hinde lang nia maisip. Baka nag-host na ng isa sa mga cumpolsory misa na kelangan nia attendan. 

"Ano? Nananahimik akong bibili dapat ng fish ball tapos makahatak ka. Close tayo?"

"Tinakasan mo ung Angelus. Bad kaya un!" Nanlalaki na ung mata ni Kuya at gumagalaw na ung kilay nia.

"Hinde naman ako Catholic. Nagugutom na ko. HInde ko memorise ung bible. Wala akong alam. Non-sectarian ung high school ko."

"Bagsak ka cguro sa Theo 1."

"Utut mo! Third year na ko! at hinde ako bagsak sa theo no!" Tres naman! 

Habang nagtatalo sila sa gilid ng field, napapansin nia panay tingin ng mga gehls and boys kay Kuya. Cguro sa kanilang dalawa, pero syempre, mas gwapo naman sya kay kuya. Kim Heechul ata sya.

"Hi, Siwon."

Makabati naman sila ate. WAIT. Siwon? As in Choi Siwon!??!

"!"

"Ano?"

"Choi Siwon? Rookie of the year last year!?!? Ikaw pala un!" Natutuwa na sya. Sikat pala si kuya kahit medyo weird. Eh hinde naman niya kasi kilala si Choi Siwon by face. Nagkataon lang na naririnig nia pinag uusapan nung Natapos ung UAAP season last year. Akalain mo un. Ano bang uniform yan? Ung may business ata. Napapangiti na sya.

Hihirit pa sana sya kaso naunahan siya ni Siwon.

"Baket ang haba ng buhok mo? May kulay pa. Di ba bawal na yan?"

Bago pa sya makasagot hinugot ni Kuya ang cell phone nia na iPhone4 at nagbasa ng text.

Mukang may something at bigla nalang umalis si kuya. Napailing at naglakad palayo. At dahil nakuha na ni Kuya Siwon ang attensyon ni Heechul, di na nia papalampasin na sundan ang rookie of the year last year. Minsan lang to. Kelangan nang i-friend.

*


Quadri Park, 2:30pm

 

"Ang inet."


Sabay tayo at hubad ng gwapong gwapo na maroon jacket. Syempre lahat ng tao sa paligid napalingon kasi ang taray na naman ng look nia. Ang inet pero ang haba at ang itim ng buhok. Nagpa-Tony and Jackey kaya sya nung weekend.

Ang dami kasing tao sa Starbucks wala syang pwesto. Ayaw naman nia sa Coffee I kasi mainit tapos ang weird pa ng pangalan ng drinks nila. Kaya minabuti nalang niang bumili ng ice cream kay Manong tomasino habang nag-i-internet sa phone nia.

Naka-data plan sya. Hinde sya naka-connect sa napakabilis na wifi ng campus, kthnxbye.

Gusto lang nia ung cheese na flavour. Ayaw nia nung ube tsaka chocolate.

Meron syang plates na scheduled ipasa sa Monday next week pero natatamad pa syang gawin. Mamaya na onti, manonood muna sya sa mga gehls na lumalabas ng St Raymund’s. Ung mga naka-blue na palda na pang highschool.

Pero at least di baskil tulad ng uniform ng high school.

Nasa last bite na sya ng ice cream nia nang may umupong dude from… CFAD na nagpupungas ang nagpapaypay ng sarili. May malaking DSLR na nakasabit sa leeg nia at kahit pa trip ni Jongwoon ung camera, kunwari kebs lang sya. May cell phone na naman sya at hinde nia na kelangan nun kasi magddrawing pa sya ng plates.

Napansin ata ni Kuya na nakatingin sya kasi lumingon sa kanya. Red ung buhok ni koya medyo pareho sila ng style prero di nia trip. bading ata to.

Napailing nalang sya pero lumapit sa bench nia si Kuya red.

Ay potek. 

Nga naman talaga.

"Hello, Jongwoon. Walang practice?"

Ang gwapo kasi nila preho sumasabog ung kagwapuhan pag magksaama sila. Di nila type isa’t isa as friends pero meron sila weird friendship na hinde nila maintindihan. Cguro kasi parati nag kukrus ung landas nila at hinde pa naman sila nagsasapakan.

Hindi nalang sya kumibo.

"Alam mo ba…" pero hinde naman un paraan para mapatahimik si Heechul . So no choice sya. "…Close na kami ni Choi Siwon. Kilala mo yun? Si CHOI SIWON? Rookie of the year last year, champion, Pass Romana member and kung ano ano pa. Berks ko na."

"Pax."

"Ha?"

"Pax Romana, tanga."

"Ulul"

"Kasalanan ko pa na alam ko ung tawag dun sa org. Wala ka kasing org kundi sarili mo. Ideal thomasian personality kuno/."

"Inggit ka lang."

Sabay tayo ni Heechul. Asar. 

"Nagugutom ako."

"Edi kumain ka."

"May klase ka?"

"Baket ba ang dami mong tanong? oo meron. Alas tres, makalayas na nga umiiniet lalu ulo ko sayo."

"WAIT! Sama ko!"

"Archi?" Minsan may toyo talaga tong batang to. Hinde nia makuha ung trip netong tao na to pero kebs. Basta hinde pa sila nagpapatayan pwede pa. Kesa naman sa mga poser na cfad students na hinde na nga cute or gwapo kala mo makasta masabi lang na unique.

So wala na syang choice. Lakad na sila ni Heechul side by side pabalik ng Beato.

 

Itutuloy...

Comic-ish CLICK!

Characters:

http://41.media.tumblr.com/b0df2d28cb813b2e2a8d590f742c3dd5/tumblr_n2sc62Lpzh1rrdtjgo1_500.jpg

http://40.media.tumblr.com/d614a8206aefaaa923c76dc3d3e7803e/tumblr_n2sdgqtB2a1rrdtjgo1_500.jpg

https://36.media.tumblr.com/f55026dc90267d6508e7d9299884320b/tumblr_n2scrh1V9X1rrdtjgo1_500.jpg

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pauleenisvavavoom
#1
bet ko tong story nyo nahanap ko bigla tas shet hooked nako.
ps miss ko na maging estudyante huhuhu
HeeApprentice
#2
Chapter 23: bigla ko nalang naisipang basahin ulit to, pag bukas ko ng aff (after almost a year?) may updated daw na story. OMG THANK YOU T_T
kimwookie
#3
Chapter 21: Waaaaaahhhh ate author sana mg update kn po pg my time... Hehehe laughtrip tlga to!!
kimwookie
#4
Chapter 9: .wahaha.ganda.ng reply.mu.Jongwoon,kasing luTong ng chicharon ni Mang Juan!
kimwookie
#5
Chapter 8: wahahahaahha !!! nd kn tlga mallimutan ni Siwon!!!
kimwookie
#6
Chapter 5: hahahahaha seryoso.. mamamatay ako kakatawa!!! hahahahaah
kimwookie
#7
Chapter 2: uuwaaaaaaaaa bakit ang gwapo ni Wookie!!!!
kimwookie
#8
Chapter 1: hahahaha una pa lang nakakatawa na!!
pinksoomi
#9
heluuu !!! silent reader po ako pero dahil sa sobrang ganda ng story nyo eh magkokoment ako ......
alam nyo po bang secret fan ako ng ... naweweirdohan na nga kapatid ko sa kin peo para patunayan na wla akong problema sa utak pinabasa ko sa kapatid ko yung story nyo ... ayun , nasabog naden kakatawa ....

ang ganda po talaga nito ..
Shirobaka #10
Chapter 21: Kawawang hae, nasa recovery stage pa from mrt incident. Si wookie ang sungit sungit! Daig pa babaeng pihikan maglihi! Ang epic lang ginawa buong bakasyon ay 'mag-siwon'. >:)))