calling:amusingmurdermachine

\(^_^)/ LOWHAN REQUEST SHOP \(^_^)/

Until we're gone

R-12

CHARACTERS: KRYSTAL AND CHANYEOL

 

 

 

 

 

 

 

 

Part I: Krystal

“So? Ano? Nagreply na ba yang Chanyeol mo? Medyo kanina mo pa kasi siya tinext.” sabi ni

Charlita, habang sinusuklay ang kanyang buhok sa harapan ng malaking salamin.

“Alam mo na mang medyo busy yun ngayon, diba?” sabi ko sa kanya, sabay binuksan ang gripo para maghugas ng kamay. “Alam ko. Busy siya at yung banda niya sa kakapraktis para sa Battle of the Bands. Na, alam mo rin, na next next month pa gaganapin. Pwede naman sila magpratice sa susunod na buwan, diba?” Nginitian ko si Charles gamit ng salamin, “Sobrang competitive kasi si Chanyeol. Alam mo rin yan. Lahat gagawin nun matalo lang nila tayo.” “Asa pa silang matatalo nila tayong Lasalyano. Tayo pa. Animo!” sabi ni Charles na may kasama pang suntok sa hangin. Habang tinatawanan si Charles, tumunong ang phone ko. Si Chanyeol! Ngumiti si Charlie, “Ay. May text na rin siya.”

Kinuha ko si ang phone kong pinangalanan ni Charlie na Pink Ranger II. Nawala ang kahit anong bakas ng ngiti sa mukha ko ng nakita ko kung kanino galing ang text message at ang nilalaman nito. “Oh? Ano sabi ni Chanyeol? Makakapunta pa ba daw siya mamaya?” tanong ni Charlie.Tinignan ko ang best friend ko sa mata, “Hindi naman si Chanyeol ang nag text, Charles. Si Dad. At kailangan nanaman daw niya ako sa office. ASAP.” “Ayan nanaman yang Dad mo. Ilang business presentations na ba ang napagawa niya sa iyo this week pa lang?”

Tinuos ko pa sa utak ko kung ilan nga pa. “Kung presentation nanaman ang ipagagawa niya sa akin ngayon, bale pang sixteen na.” Napailing si Charles, “Pasalamat ka at business major ka at kung hindi, hindi ko na alam kung ano ang pwedeng mangyari sa'yo.” “Halika na nga, Charles. Kala ko ba magkikita na ayo ni James?” “Oo nga, hinihintay na nga niya ako sa may Yuch. At talagang kailangan na nating umalis. Lalo na ikaw. Kailangan mo nang maarating sa office ng dad mo, noh. Ayoko pa kasing mamatay best friend ko.” sagot ni Charles. Laglakad na kami paalis ng comfort room at nakarating na sa may SJ. “Sige, Jeung. Mauna ka na. Kung kaya mong tumakbo ay tumakbo ka na.” sabi ni Charles.

“Salamat talaga, Charles. Text na lang kita kung hindi matutuloy mamaya si Chanyeol, okay?” “Sure,” sabi niya na may kasamang wave. Naglalakad na ako papunta sa main gate ng DLSU ng biglang tumunog ang phone ko. Ano nanaman gusto ni Dad? Hi, Gingersnaps. Kamusta ka na? Sorry ha. Hindi ko kasi narinig yung notification .Isang text lang, napangiti na niya ako ng parang engot. Bakit nga ba ganito kalakas ang tama ko sa lalaking ito? Napatitig ako sa word na 'Gingersnaps'. Naging tawagan namin ito dahil naging napaka importante ng store na Gingersnaps sa relasyon namin. Naalala ko tuloy yung mga araw na yun almost a year ago.

 

 

Nasa Mall of Asia kami ni Charlie dahil meron daw sale ng mga damit. Sa sobrang tagal ng pila sa cashier, kinailangan kong pumunta sa comfort room. Eh sa sobrang laki ng Mall of Asia, hindi ko na alam kung paano yung pabalik galing sa comfort room na kailangan ko pang tanungin sa guard para malaman ko kung nasaan. Madali sana kung may dala akong phone noon, kaso nga lang nakay Charlie yung bag ko. Ang nasaakin lang nung mga panahon na yun ay ang wallet kong walang kapera-pera. Medyo nagpapanic na ako dahil baka iniwan na ako or hinahanap na rin ako ni Charlie at baka magkasalisihan kami.

Nagmamadali na akong naglalakad paikot sa may store na 'Gingersnaps' ng may biglang may nakabangga sa akin at napaupo ako. At imbis na tulungan akong tumayo ng lalaking sobrang tangkad na nakabangga sa akin, aba'y tinawanan pa ako. Yung tipong hagalpak sa kakatawa. Gustong-gusto kong sapakin si Chanyeol non habang tinatawanan niya ako kaso nga lang hindi abot ng kamay ko yung mukha niya. Swerte niya. Sobrang galit talaga ako sa kanya noon. Eto na lang ang nasabi ko sa kanya: 'Dapat ginagawang

ilegal yang ganyang height. Kasi baka hindi mo alam ilang bata na naapakan mo o kaya ilang maliliit na babaeng katulad ko ang nakabangga mo na. Panu kung nabagok yung ulo ko at namatay ako? Ano na gagawin mo, ha? May pampalibing ka ba sakin?' Hindi ko talaga inexpect kung ano yung magiging reaction niya. Ang ginawa lang niya ay mas lalo pang tumawa, kung posible pa ba yun. Sa sobrang inis ko sa pamamahiya niya sa akin, mangiyak-ngiyak akong tumakbo papalayo sa kanya. Kahit malayo na ang natakbo ko, narinig ko pa ring ang nagpapalakpakang mga taong pumaligid sa amin habang pinagtatawanan niya ako. Grabe talagang kahihiyan ang sinapit ko non. At mas nagalit pa si Charlie sa kanya noon pagkatapos kong maikwento sa kanya kung ano nangyari sa akin pagkakita ko sa kanya. Akala ko tapos na ang kalbaryo ko sa lalaking yun. Hindi pa pala. Kasi kinabukasan, saktong paglabas ko ng DLSU, nakatambay sa may gate, ay isang matangkad na mamang naka blue na may puting tatak na nagsasabing 'Go Ateneo!' sa may harap. Yung mismong mamang nakabangga sa akin. At nakuha pa niyang ngumiti nung nakita niya ako ha. Kainis talaga. Fresh na fresh pa naman yung memories sa utak ko tapos makikita ko siya ulit? “Anong ginagawa mo dito, ha? Hindi pa ba tapos yung pagpapahiya mo sa akin?” ngitngit ko sa kanya. “Paano ka nakasisigurong ikaw nga ang pinuntahan ko dito? Pwede namang may pinsan akong susunduin na nag-aaral dito,” rason niya.

Pahiya nanaman ako. Gago talaga itong taong to. Dahil ayoko nang mapahiya pa, tumalikod na lang ako at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya. Hindi ko na talaga siya ma-take pa nung puntong iyon. Pero hinawakan niya yung braso ko bago pa ako nakalayo. Ano bang gustong mangyari nitong taong to? Paiyakin ako sa sobrang kahihiyan? Malapit na kasi niyang magawa yun nung mga oras na yun eh. Hinarap ko siya, “Ano bang gusto mo, ha? Hindi ka pa ba kuntento na pinagtawanan mo ako sa harap ng maraming tao? Ginalit mo na nga ako ng todo eh. Alam mo bang hinding hindi pa ako napahiya ng ganoon sa buong buhay ko?” Tumawa siya, “Ano naman kung napahiya ka? Makakalimutan din yun ng mga tao. Lilipas din yun. Lahat naman ng bagay eh. Anong malaking mawawala sa iyo na ganto ka umasta? Na sobrang laki ng galit mo sa akin?” “Anong malaking mawawala? Reputasyon ng kumpanya ng tatay ko. Hindi mo kasi alam eh. Kilala ako ng mga tao dahil kilala din ang tatay ko. Hindi mo rin alam kung gaano kalaki ang mawawala sa business ng tatay ko kung hindi kami bumenta dahil lang sa ginawa mo.” “Binangga lang kita, miss. Sa tingin ko kailangan mong tandaan yan.” “Hindi mo kasi naiintindihan. Ako yung tagapagmana ng kumpanyang yun. Ngayon alam na nila na ganon pala ang magiging may-ari ng kumpanya ng tatay ko, ano sa tingin mong mangyayari sa potential investors namin?” Kumunot ang noo niya, “Alam mo, wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga bagay na yan.

May pinag-aralan din naman akong tao. Hindi naman ako kasing mangmang ng sinasabi mong ako.” Medyo na-guilty ako sa mga sinabi niya. “Edi sana tinignan mo muna kung may mababangga ka sa susunod.” Tumango siya, “Medyo natutunan ko na yung lesson na yun kahapon.” “Okay,” sabi ko. Tatalikod na sana ako nang nagsalita ulit siya, “Bakit ba atat na atat kang umalis? Hindi naman na kita babanggain eh. Nakikita na kita, pramis.”

“Kailangan na kasi ako ni Dad sa office ASAP. Intern kasi ako sa kumpanya namin.”

“Ah, sige. Pero wag ka muna gagalaw,” sabi niya. Pero nagsimula na rin akong maglakad. Kasi male-late na ako! Paniguradong papatayin na ako ni Dad. “FREEZE!” sabi niya.

Tumigil ako sa paglalakad at liningunan ko siya, “Bakit nanaman?” May kinuha siya mula sa loob ng bag niya, “Kaya naman ako nandito kasi gusto ko lang sanang isauli sa'yo to.” Pagkatapos ay inabot sa sa akin yung kagabi ko pang hinahanap na wallet kong kulay green at gutay-gutay na sa katagalan. Nagulat ako sa ginawa niya,“Pumunta ka lang talaga dito para ibigay sa akin to? At papaano mo naman nalaman kung saan ako nag-aaral?” Ngumiti lang siya, “Eh kasi nasa loob ng wallet mo lahat ng kailangan kong malaman sa'yo eh. Pangalan mo, school at course mo, address mo, pati nga baby pictures mo eh. Ang galing talaga ng mga wallet sa panahon ngayon, noh? May instant biography na sa loob.”

Pigil na pigil na talaga akong sapakin tong taong to. Kinuha na lang yung wallet ko na  hawak hawak niya, “Thanks.” “At bago ka umalis, let's start over? Ako nga pala si Chanyeol.” Nag-shake hands kami. Ngumiti siya. Ngumiti din ako. Grabe talaga. Hindi ko akalain na maiinlove ako ng ganito sa taong yon.I mean, napaka loyal kong Lasalyano. As in. Pero walang nagawa ang puso ko eh. Nagmahal at patuloy na nagmamahal ng isang Atenista. Nang makarating na ako sa gate ng DLSU, tsaka ako nagreply kay Chanyeol:

Okay lang yun, Gingersnaps. Naiintindihan ko namang busy ka. Makakapunta ka pa ba mamaya? Reply ni Chanyeol: Saan? Hala. Talagang nakalimutan na niya? Nagreply agad ako sa kanya:

Sa double date natin nila James at Charlita, diba? Nang hindi siya nagreply for five minutes, minabuti ko na lang na itago muna yung phone ko at lumabas na ng campus para makaabot pa ako sa LRT papuntang Magallanes. Nareceive ko yung reply ni Chanyeol nung nakasakay na ako sa loob ng LRT: Ah, oo nga pala. Oo naman. Makakapunta ako. Pramis ko yan sa'yo. Sige na. Mamaya na lang ulit, ha? Tapos na break namin eh. Ingat ka palagi, Gingersnaps. “Akala ko hindi ka na makapupunta,” ang pambungad ng tatay ko pagkapasok ko sa office niya. “Dad, alam mo namna na rush hour ngayon, diba? I think I explained that a million times already.”

“Eh bakit kasi ayaw mong gamiting yung isa pang sasakyan sa bahay? Wala namang  nagamit nun eh. And I don't see a problem naman kung gusto mo, I can give you the gas fee at tsaka marunong ka naman mag drive.” “Dad, iba kasi yung streetsmart ka eh. Yung kahit saan ka pa pumunta ay hindi ka mamawala, may kotse man o wala.” rason ko sa kanya. Ngumiti si Dad, “Hay nako. Para ka talagang nanay mo. Ayaw na ayaw din niya gumamit ng sasakyan. Para kasi sa kanya, pandaraya daw yun.” Natawa ako sa sinabi ni Dad at tila nanlumo. Hindi ko na kasi na-meet pa si Mama. Binawian na kasi siya ng bukas ilang minuto lang pagkatapos niya ako inilabas sa kanyang sinapupunan. Tulad ng ihip ng hangin, nag-iba ang mood ni Dad from being 'Dad' to being 'Mr. Jeung the CEO' sa

pagitan lang ng ilang segundo. “Krystal, alam mo ba kung bakit kita pinatawag ngayon? Pinatawag kita kasi alam kong handa ka na sa paghandle ng business natin ng hands-on.”

Sa wakas, wala ng mga presentation at mga proposal at kung ano man yan. “So, I have decided na ipadala ka sa productions.” Sa productions? SA PRODUCTIONS? Anak ng pating! Mas pipiliin ko pang gumawa ng isang milyong presentation huwag lang akong mailagay doon. “Ang gagawin mo lang ay simple. You just have to watch the machines d their thing correctly and then record every tile that is produced.” tuloy ni Dad. Iyak na tayo. “So, Krystal, are you up to this?” Hehe. Parang may choice naman ako eh, noh? “Of course,” sabi ko, with matching forced smile. “Okay.” sabi ni Dad na nakangiti. Tas bigla siyang sumigaw, “Melvin!” May isang baklang nagbukas ng pintuan ng office niya, ang kanyang assistant na si Melvin Bernardino. Nginitian ko siya, pero inirapan niya ako. “Lead my daughter to the productions, if you please.” order ni Dad kay Melvin. “Yes, sir,” ang napilitan niyang sagot.

Sinundan ko si Melvin palabas ng office ni Dad, at hindi man lang siya lumingon sa akin para siguraduhin man lang na sumusunod ako. I can escape this now, if I wanted to.

Pero nakakakonsenya naman kaya, kung tatakas lang ako. So I have no choice. Tinext ko si Chanyeol: Gingersnaps, medyo magiging busy ako for the next few hours. Kailangan ako ni Dad on

something eh. I love you. This time, wala akong natanggap na reply until pagkatapos ng duty ko sa productions four hours later: Ah. Okay. That's nice. Say hi to your Dad for me. :) Nireplyan ko siya ng: Kalalabas ko lang ng office, Gingersnaps. Can you still make it? Habang hinihintay ko yung reply ni Chanyeol, bumalik na ako sa dorm namin ni Charlie para magayos

para mamaya. “Hi,” sabi ko kay Chanyeol matapos kong sinagot yung tawag niyang ilang oras ko nang hinihintay. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot. “Hi. Sorry talaga at hindi na ako nakapunta. Busy kasi eh.” Sobrang nainis si Charlie at James kanina sa Mann Hann. Napahiya pa kami sa waiter dahil kanina pa niya kinukuha yung order namin, pero sabi namin kailangan pa namin hintayin yung isa pa naming kasama na hindi naman pala talaga darating. May kaluskos akong narinig from the other end of the line. Walang nagsasalita after almost isang minuto. “Ay, Gingersnaps? Can I put you on hold muna?”

Napanganga ako sa sinabi niya? Ako? On hold? Ngayon lang niya ever sinabi sakin yan. Bakit kailangan niya akong i-hold? Medyo ako kasi yung girlfriend na hindi niya nakausap at hindi rin niya sinipot sa double date nila. Tapos on-hold? “Oh, sige. Bahala ka,” sabi ko. Nakaramdam na siguro siya ng sinabi ko yon, “Sorry talaga, Gingersnaps. Talagang napaka hectic ng schedule ko eh.” Hindi niya alam kung gaano ko kagustong sabihin kung gaano din ako ka-busy, kung gaanong sakripisyo ang ginugugol ko sa relasyon namin para magkaroon lang kami ng komyunikasyon. Kung gaano ako nagka-cram sa mga ipinagagawa ni Dad at sa mga projects at papers ko sa school. Hindi ko ipinapaalam kay Chanyeol yun, dahil hindi ko nanaisin na bigyan pa siya ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na hinaharap niya ngayon. Kaso, minsan sumosobra na eh. Katulad ngayon. Pilit ko siyang iniintindi dahil mahal ko siya. Ang gusto ko lang naman ay intindihin din niya ako. Na sana magbigay pa siya ng effort sa relasyon namin. Hindi yung ako lang ng ako. Nakakapagod din kasi eh, kapag ikaw lang talaga yung nagbibigay sainyong dalawa. Pero pinili ko na lang na hindi na lang umimik. Hindi pa tamang panahon, dahil inaasahan ko pa rin na someday, someway, magiging okay ang lahat. Sana. “Uhm, excuse me po, saan po ba ang music room ninyo?” tanong ko sa isang guard. “Ay, ma'am doon po sa may kabila,” sabi ni Manong Guard at tinuturo yung isang hallway sa may kaliwa ko. “Ay, sige po. Thank you.”

Naglakad ako papunta sa hallway na tinuro ni Manong Guard. Dito pa lang ay naririnig ko na yung drums at electric guitar at hindi ko mapigilang ngumiti kahit isa akong Lasalyano na nasa loob ng campus ng Ateneo de Manila. Tatlong linggo nang nakalipas ng gabing hindi kami sinipot ni Chanyeol sa Mann Hann. Tatlong linggo na rin ang nakalipas ng huli niya kami nagkaroon ng komyunikasyon. Pinili ko nang puntahan siya dito para naman magkaroon kami ng time na kasama ang isa't isa. At tsaka miss na miss ko na kasi itong taong ito. Miss ko na yung tawagan namin sa gabi, yung marami niyang text kapag hindi ako nakakpagreply dahil may inutos sa akin si Dad. Medyo masakit dahil hindi wala man lang katiting na effort na nagmula sa kanya dun sa three weeks na yun kasi hindi naman talaga yun maiiwasan dahil mahal ko talaga siya. Pero naiintinhihan ko naman na sobrang busy niya sa banda nila. Kaya nga ako nandirito in the first place. Nakarating ako sa music room nila at kumatok ako three times before entering. Tumigil sila sa praktis nila the moment na nakita nila akong pumasok sa room. “Hi, miss.” sabi ng drummer nila. “Ikaw na ba ang hinihintay ng puso ko?” “Hoy, Chris. Ano ka ba? Girlfriend ko yan. Si Krystal. Nakalimutan mo na ba?” sabi ni Chanyeol na tila naiirita na. “Ay, sorry naman. Ang chix kasi ng girlfriend mo eh.” sabi ni Chris. “Oo nga, Chanyeol. Sino bang lalaking nasa tamang pag-iisip ang mapipigilan ang sarili sa pagadmire dito sa babaeng ito? Kung ako sa'yo, wag na wag mong hahayaang mawala sa paningin mo tong girlfriend mo, kasi paniguradong maraming umaaligid-aligid diyan.” sabi naman nung guitarist nilang si Tau na nakilala ko na dati pa. Nag-blush ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Chanyeol at halatang halata na galit na galit na siya. “Krystal, can I speak to you privately? Chris at Tau, pwede labas muna kayo?” “Sure,” sabi ni Chris bago sila sumibat ni Jerome palabas. Ang tahimik ng room, nakatingin lang kami sa isa't isa kaya ako na ang naunang magsalita. “Hi,” sabi ko.

“Krystal, ano ba ang gusto mong mangyari nang pumunta ka dito?” tanong ni Chanyeol.

Hanggang doon na lamang ang pasensya ko kay Chanyeol. Hindi ko na nagugustuhan ang inaasta niya sa relasyon namin. “Ako? Anong gusto kong mangyari? Ano nga ba gusto ng isang girlfriend na tatlong linggo nang hindi nakakausap ng boyfriend niya? Ni isang text o missed call wala.” “Hindi mo ba naiintindihan kung gaano ako ka-busy, Krystal? Hindi lang iyon. Lagi rin akong walang signal,” sagot ni Chanyeol na tumataas na ang boses. Ibinuka ko na ang aking bibig para sagutin siya ng bumukas ang pintuan ng music room. Inasahan

kong si Chris or si Tau lang iyon, pero isang babae ang aking nakita sa may pintuan. “Ay, Chanyeol, may kasama ka pala,” sabi ni girl na may blonde highlights. Pumasok siya sa  room at may inabot kay Chanyeol. “Gusto ko lang sanang ibalik itong phone mo. Nakalimutan ko kasing daanan ka dito kahapon eh. Sorry ha, halos araw-araw ko nang hinihiram yung phone mo. Bayaan mo, treat na lang kita ng dinner mamaya.” Tapos, tinignan ako ni girl. “Hi, ako nga pala si Cassie. I assume relative ka ni Chanyeol?” Wow ha. “Ay, ako? Girlfriend ako ni Chanyeol.” Ang kinainis ko sa lahat ay mukhang nagulat pa itong si Cassie na ito, “Oh. May girlfriend na pala si Chanyeol. Pero ang weird na never ka pa niyang nakwento sa akin at halos buong buhay niya ay napag-usapan na namin. So, anyway, it's nice to meet you.” At sinarado niya yung pinto pagkalabas niya, at natira nanaman kami ni Chanyeol sa room. “So?” tanong ko kay Chanyeol. “Sana naman 'wag mong gawing dahilan ng away si Cass.” “At ang kapal mo ring sabihin sa akin yan ha. Ano sabi mo kanina, ha? Nawawalan ka ng signal kaya hindi mo ako ma-contact. Pero ano ang pinagsasabi ni Cassie, ha? Na halos araw-araw na daw niya ginagamit yung phone mo.”

“Alam ko, pero...” “Wag ka nanag magpalusot pa, Chanyeol, alam ko naman na ang totoo.”

“Totoo?” “Na hindi mo na ako ganoon ka mahal. Hindi tulad ng dati. May nagbago sa pagkatao mo, Chanyeol.” “Walang nagbago sa akin, Krystal. Ako pa rin ito. Mahal pa rin kita. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?” “Lahat! Wala na akong maintindihan. Kaya ako nandirito ngayon sa harap mo. Dahil wala na talaga akong maintindihan pa. Ano ba talaga tayo sa isa't isa? Hirap na hirap na ako, Chanyeol. Kaya gusto kong...” “Ano? Ano ang gusto mo? 'Wag na 'wag mong sasabihin sa akin na makipaghihiwalay ka na.” “Hindi ako makipaghihiwalay sa iyo, Chanyeol, dahil alam ko sa sarili ko na mahal pa rin kita. Ang

hindi ko na alam ay kung mahal pa rin ba kita enough para tiisin at patawarin ka sa lahat ng

nangyari sa ating dalawa.” “So...” “I need a break from all of this, Chanyeol. Sa tingin ko kailangan na muna natin mag-cool off.” “Ah, ganon! Cool off ba ang gusto mo? Sige ba. Cool off tayo, Krystal. Ginusto mo yan eh.” Sa huli, nagawa pa rin ni Chanyeol na palabasin na ako ang masama.

 

Part II: Chanyeol

“Hi, babe.” “Hi,” sagot ko naman sa babaeng tumabi sa akin na naka neon pink na spaghetti-strapped top at kepkep shorts. “Nag-eenjoy ka ba?” tanong niya. “Ako nga pala si Cherry, and I can assure you a good time.” Good time? Ilang beses na ba ako na-offeran niyang 'good time' na yan sa span ng tatlong linggo? Hindi ko na nga mabilang sa daming beses na akong napunta sa bar na ito simula ng cool off namin ni Krystal. Hay Krystal. Okay lang kaya siya? Busy kaya siya sa mga utos ng Dad niya? Nasa school pa kaya siya or nakauwi na or nasa galaan kasama ni Charlie? Dinadama din kaya niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Or masaya na siya na wala na ako sa buhay niya? Na wala na yung taong minahal niya pero sinaktan lang siya? Iyan yung mga bagay-bagay na tila minumulto ako for the past three weeks. Kaya halos all of my free time ay ginagastos ko dito sa bar. Umiinom, umaasang maghilom itong sugat sa puso ko na ako rin mismo ang may gawa. At, umaasang pupuntahan ako dito ni Krystal at iuuwi sa bahay namin, pagsasabihan ako tungkol sa mga babae't alcohol. Pero wala eh. Ni isang sulyap sa kanya wala. Para ngang nag-break kami eh, imbis na cool-off lang. Ganoon ko ba talaga siya nasaktan na pinagdududahan na niya kung minahal ko ba talaga siya o hindi? Ganoon ba talaga ako kawalang kwentang boyfriend na para sa kanya ay hindi ako karapat dapat sa atensyon niya? At ang pinaka malala pa rito at yung hindi ko pag-habol sa kanya. Diba dapat ang boyfriend ay dali-daling susuyuin ang girlfriend niya kapag nag-cool off sila para

maayos agad? Diba dapat lahat gagawin nung boyfriend maging okay lang ulit sila ng kasintahan niya? Pero wala akong ginawa kahit alin doon. Hindi ko sinuyo si Krystal. Wala akong ginawa para maging okay kami. Kaya ngayon, pati ang sarili ko tinatanong ko na kung mahal ko pa ba si Krystal o hindi. At sana magustohan namin dalawa ni Krystal ang sagot sa tanong na iyan. “So?” tanong ni Cherry na nagsimula na sa paghimas ng braso ko. “You wanna go upstairs with me? Siguradong magiging masaya ka. Makakalimutan mo lahat ng problema mo.” Ilang beses ko na ba sinubukang makalimot sa pag-iinom? Hindi ko na mabilang eh. Pero ito, iba ito. Alam kong talagang makakalimot ako. At sa lahat ng bagay sa mundo ko ngayon, alam kong ito lang ang solusyon, kahit hinding hindi ito magiging tama. Tinignan ko ang babaeng nasa tabi ko at inisip ko na sana, sana maging si Krystal siya, kahit isang segundo lamang, “Cherry, let's go upstairs.” Slap. Ang gumising sa akin ay isang napakalakas na sampal. “Chanyeol, ano ba? Gumising ka nga! Para namang tanga 'to eh.” Narinig kong sinabi ni James. Pumikit ako dahil sa biglang sakit ng ulo ko. . Killer hangover. Ano nga ba ininom ko kagabi at nagkaganito ako? “Mag-gym ka pa nga!” sabi naman ni Charlie. “Alam mo ba kung gaano ka kabigat? At alam mo ba na kinaladkad ka namin ni James galing sa bar kagabi? At hwag mo naman ako simulan sa babaeng kasa-kasama mo kagabi. Dapat nga magalit ako sa'yo dahil imbis na mag-sorry ka sa bestfriend ko, eh humanap ka pa ng pokpok. Pero kasi kawawa naman siya. Sinukahan mo lang.”

“Ha?” iyon na lang ang sinabi ko. Ako? Naghanap ng pokpok? Parang hindi ko naman ata

magagawa yun... . Bumalik sa akin ang ilang ala-ala mula sa kagabi. Si Cherry. After kami umakyat si Cherry sa isang kwarto, hindi ko na alam kung ano nangyari, basta bumagksak ako sa kama. . . . Patatawarin pa kaya ako ni Krystal nito? Mukhang malabo na kasi eh. “Excuse me po.” Iyan ang paulit-ulit ko nang sinasabi para padaanin ako ng sobrang daming tao sa loob ng MOA Arena. UAAP kasi eh. At La Salle vs. Ateneo pa, kaya dinumog talaga yung place. At pahirapan tuloy para sa akin kung hahanapin ko sila Krystal. Kanina ko pa nga dinidikdik si Charlie sa text para malaman kung nasaan sila, pero ayaw niyang sabihin para daw may thrill. Buti na nga lang at hindi nagalit sa akin si James at Charlita sa nangyari sa bar nung isang araw. Hindi lang iyon, tinulungan din nila akong gumawa ng plano upang mapatawad na ako ni Krystal. Tinawagan ko na kasi siya, tinext ng mahigit sa isangdaang beses, walang reply ni isa. Sabi ni Charlie umiiyak nga daw si Krystal nung nalaman niya ang tungkol kay Cherry.Wala naman akong ginawa sa kanya eh. Except sukahan siya. Biglang nag-announce na magsisimula na ang competition. Umupo na lang ako sa silya ko sa may part ng puro mga Atenista at nagsimulang isa-isahin ang mga mukha na nasa kabila, sa parte ng mga Lasalyano. Kinuha ko yung phone ko at binuksan ang camera nito. Sinet ko sa zoom at inisaisa ang mga mukha ng mga taong naka-green.

Asaan kaya si Krystal? Nagsimula na ang laro, at yung iba nagtatayuan na. Ako? Wala akong pakialam. Basta ako kailangan kong mahanap si Krystal bago pa matapos ang laban. Kung hindi wala na talaga akong pag-asa. Hmm. Nakita ko si Charlie na may artificial green highlights sa buhok niya, yung mga kini-clip lang sa buhok. And then... ayun. Nakita ko na rin si Krystal na nakaupo at parang walang ganang nanonood. Bigla akong tinamaan ng iba't ibang emosyon: guilt, longing, joy, sorrow at higit sa lahat, love. Bakit ko nga ba hinayaang maging ganito kami, na parang mundo na ang naghihiwalay sa amin? Ang ganda ganda niya doon habang nakaupo, at kahit badtrip siya, kaya niyang patibukin muli itong puso kong tila nawawala nung mga nakalipas na mga linggo. Ang tanga mo talaga, Chanyeol. Paano kaya kung hindi ko na-realize 'to ngayon at hinayaan ko siyang mapunta sa iba? Paano kaya kung hindi niya ako tanggapin muli? Paano kung hindi na niya ako mahal? Nang nag-announce ng time out, tumayo ako at naglakat papunta kung saan nakapwesto sina Krystal.

Hindi UAAP ang mayroong do or die game ngayong araw na ito. Sila may next year pa. Ito? Walang next year, walang next week, walang bukas at walang mamaya. Dahil hindi ko na palalampasin pa ang isang segundo na hindi kami okay ng Gingersnaps ko.“Ano ba, Chanyeol! Bitawan mo nga ako!” Binitawan ko si Krystal ng makalabas na kami ng MOA Arena. “Bakit mo ba ako kailangang kaladkarin palabas?” tanong niya. “Gusto kitang makausap eh.” “Ah. Gusto mong mag-usap. Oh, sige. Mag-usap tayo. Ang ganda ng timing mo ha. UAAP talaga. Medyo may halos isang buwan ka para kausapin ako. Pero anong ginawa mo sa mga linggong iyon? Ibinuhos mo sa bar? Sa alcohol? Pati si Chris at Tau nag-aalala na sa iyo eh.” “Sorry,” iyon na lamang ang nabigkas ng labi ko. Dahil alam ko iyon lang ang kaya kong sabihin at iyon lang ang nag-iisang salita na kailangan kong sabihin at kailangan niyang marinig. “Kasi kailangan kong ipakita sa iyo na sincere akong humihingi ng tawad sa lahat ng pagkakamali ko. Na ang tanga ko dahil hindi ko pinanghawakan ng mahigpit yung relasyon natin.” Kumunot ang noo niya, “Alam mo, Chanyeol? May mga bagay na hindi maibabalik ng sorry lang.” “Krystal, anong gusto mong gawin ko, ha? Lahat gagawin ko. Please lang. Kailangan kita sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isipan ko nung mga nakaraang mga linggo, pero Krystal, ang totoo ay kaya kong mabuhay ng wala ka. Pero magiging isang buhay iyon na walang kulay, walang saya at walang pag-asa.” “'Wag ngayon, Chanyeol. At 'wag dito.” “Anong problema, Krystal? Sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo ako mapatawad.” Tumawa siya, “Talagang hindi mo alam? O nagbubulag-bulagan ka lang? Hindi madaling magtiwala ulit. Matagal na kitang pinatawad, Chanyeol. Pero hindi pa kita kayang pagkatiwalaan. At ang isang relasyon ay dapat nakasandal sa tiwala ng dalawang tao sa isa't isa. Ako naman ang hihingi ng tawad sa iyo, dahil hindi pa talaga ako handa.” Tumalikod na siya. “Paano naman ako, ha, Krystal? Hindi mo man lang inisip kung gaano kita kailangan.” Tumingin siya sa akin, “Kaya nga ako humihingi ng tawad, Chanyeol. Kailangan din kita, hindi mo alam kung gaano. Pero wag muna. Masyado pang hilaw itong mga sugat natin.” Tumalikod ulit siya at naglakad papalayo. “Oh, pare! Long time no see ah!” sabi ni Tau pagpasok ko sa music room.

Last week ko pa ito iniisip at sa wakas, nakapag-desisyon na rin ako. Aalis na ako sa banda namin. “Oo nga eh,” sabi ko sa kanila ni Chris na may half-smile. “So, ano na? Jamming na tayo?” “Yun na nga eh. Guys, kailangan ko kayo makausap tungkol sa Battle.” Tumango si Tau, “So, magki-quit ka?” Nagulat ako sa sinabi niya, “Paano mo nalaman?” Ngumisi si Chris, “Ano ba, pare. Kami pa. May mga powers kaming hindi mo alam.” “Hindi nga. Seryoso ako,” sabi ko sa kanila. “Alam naman namin kung gaano mo kamahal si Krystal eh. At alam din namin kung gaano ka naging tanga nung nakaraang buwan. Kaya, go lang. May chance na matalo na tayo dahil wala ka na, pero okay lang yun. Hindi naman ito ang natatanging importanteng bagay sa mundo at naiinitindihan namin ang kalagayan mo,” paliwanag ni Tau. “Sa susunod, wala nang pasaway ah?” Bilin ni Chris. “Makakaasa ka,” yun ang huling salitang binitawan ko sa kanilang dalawa bago ako dumeretso sa dorm nila Krystal. Habang naglalakad ako papunta doon, bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Tapos wala pa akong payong na dala. Wow lang ha. Naghihintay ako sa labas ng dorm nila at tila palakas pa ng palakas yung ulan. Oh, . Maya-maya biglang may nagbukas ng main door ng dorm nila at lumabas si Krystal na may bitbitbitbit na green na payong. Loyal Green Archers talaga tong babaeng ito. Pero mahal ko yan. “Ano ka ba!” Sigaw niya sa lakas ng tunog ng ulan. “Papatayin mo ba sarili mo sa pulmonya?” Ang ganda ganda talaga niyang magalit. Nginitian ko siya, “Kung iyon lang ang paraan para pagkatiwalaan mo ulit ako, edi sige ba.” “Gago ka.” “Gago talaga. Gago ako dahil sinaktan kita, dahil inisip ko muna ang mga bagay na hindi naman talaga mahalaga. Kasi inisip ko hindi ka naman mawawala sa akin eh. I didn't realize how much you mean to me, how much I love you, and how much of my mind, my heart and my soul you own. Well, I did realize it. But not until we're gone.” Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ang kamay niyang hindi hinahawakan ang kanyang green na payong, “Mahal na mahal na mahal pa rin kita, Krystal. Hindi nabawasan, kundi mas minahal pa kita. At pramis hindi ako mapapagod na sabihin yan sa iyo. At humanda kana mabingi sa mga 'I love you' ko sa iyo dahil simula ngayon, nasa tabi mo na ako lagi dahil marami na akong oras na ilalaan ko lang para sa iyo.”

“Bakit? Ano bang ginawa mo?” “Wala na ko sa banda, Krystal. Nagquit ako.”

Nagulat siya, “Ha? Bakit naman! Chanyeol!” “Kasi iyon lang ang nag-iisang bagay na alam kong gawin na makapagbabalik ng tiwala mo sa akin.” “Ang sabi ko, Chanyeol, bigyan mo ako ng panahon. Hindi gumawa ka ng kababalaghan. Kahit naman hindi ka magquit sa banda mo mapagkakatiwalaan pa rin naman kita eh. Ang tanging kinailangan ko lang talaga ay oras. At ibinigay mo naman sa akin yon eh.” Nginitian ko siya, “Mahal kita. At ginawa ko yun para sa iyo, at tandaan mo na sa iyo ko lamang magagawa iyon. Alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin ang pagtugtog at pagkanta, diba?” “Chanyeol, kakausapin ko si Chris at Tau bukas. Babalik ka sa banda, naintindihan mo?” Umiling ako at niyakap siya. Hay. Sobrang na-miss kong yakapin siya. “Hayaan mo na, Gingersnaps. Hindi na mahalaga yon. Kahit pilitin mo pa ako, ayako naman na eh. Dahil ang mas importante ngayon ay ikaw, at ikaw at ikaw.” Tinaas niya ang isa niyang kilay, “Talaga? Paano na studies mo?”

Studies? Talagang kailangan niyang isingit iyon? Hinalikan ko siya sa noo, “Ano ka ba. Basta't nandito ka sa tabi ko, ako si superman, si batman, si spiderman at ang man na para lang sa'yo.” “Ang corni mo talaga, Chanyeol, pero mahal kita,” sabi ni Krystal. Sa mga salita niyang yun, kayang kaya ko nang lumipad. “Mahal din kita, Krystal. Hinding hindi wala yon. Sadyang nakalimot lang ako.” “Shh,” sabi niya. “Hayaan na natin yun. Nakalipas na eh. Ang mahalaga ay kung ano ang mayroon tayo ngayon.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
 
 
 

 

A/N : sorry if it's not pure tagalog... there are some words that i can't translate to filipino and sometimes it sounds better in english ^^

 

UPVOTE if you liked it and ENJOY <3

 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
peterhan
so hey guys as you can see i got to hire a co-author.. and with that i am looking forward to finish all the requests that was sent way way long ago

Comments

You must be logged in to comment
ninakai
#1
requested^^
Jeannn
#2
I've requested :) Fighting authornim! ~
kim-suki
#3
Chapter 13: KYAAA ITS SO CUTE I LOVE IT <3
Ukissgirllovesdongho
#4
Hi um so the whole Dongho just happened and i was wondering if you incan request a whole thing for him?
amusingmurdermachine
#5
Chapter 11: Ok, first of all, "Chris and Tau" ICWYDT :))))
Totally worth the wait po, ang cute-cute niya <3
Gusto ko yung Gingersnaps saka yung portrayal mo kay Chanyeol :) I upvoted ;)
exoticmystery
#6
Chapter 10: OMGGGGGGGGGGG YOU ARE AMAZING<3 THANK U SO MUCH !! UPVOTE^^
-parkminra
#7
REEEEEEEEEEEEEEQUESTED! and english~
mello_marshmallow #8
Chapter 4: and can you write it in english please
mello_marshmallow #9
I just requested
Hopefully its not to hard to work with
brokenwings1232 #10
Oh and English^^