I'll Be There

Shin Ai (True Love)

 

 

Mula sa pagkashock, sinundan na lang ni Angellie ng isang “curious” na tingin si MJ habang umaakyat ito ng stage.

‘Hayyy... marunong ba talaga siyang kumanta? O baka naman napilitan lang? Haha, kawawa naman baka pagtawanan lang ng mga babae ‘pag nalaman na sintunado. Haha,’ nagsalita sa isip si Anj.

After a moment of silence, biglang tumugtog ang intro beat ng I LOVE YOU GIRL..........

At yun, kakanta na si MJ..........

‘Waw, favorite song ko yan ng XLR8 ah? Ba’t yan kakantahin niya? Maganda na sana kaya lang..........ba’t siya pa ‘yung kakanta? Baka masira yung song, kainis! Baka sintunando pa siya!’ ⇒sa isip ulit ni Anj. Halatang naiirita siya sa pagkakaupo habang ang closed fist niya ay nakapatong sa lips.

“♫♪♫♪♫♪♫  Oh alam mo ba matagal na kong may pagtingin sayooho- uwo-oh
Sa isip ko, at sa panaginip ko ikaw ang nakikita-ah...♫♪♫♪♫♪♫”

Habang kumakanta si MJ, there was this soothing R&B melody which filled the ears of the audience.

‘Huh, ano yan? Nagli-lipsync ba siya? Ba’t, ba’t ganun? Ang ganda naman yata ng boses niya? Baka may kumakanta backstage?’ pagtataka na lang ni Angellie.

“Huwaaaw Anj! Ang ganda-ganda ng boses ni MJ! ‘Di ko akalain na ganyan kaganda!” comment ni Nadz habang pinapalo ang katabi.

“Hay naku Nadz. Di mo alam, meron lang kumakanta backstage tas naglilipsync lang yan! Maniwala ka diyan,” negative na sagot naman ni Anj.

“Pero hindi eh, mukhang siya talaga yung kumakanta. Ang gondo koyo! Ito naman oh!”

“♫♪♫♪♫♪♫  I love you, I love you girl
I love you, I love you girl
Magpakailan man ay di magbabago.
I need you, I need you girl
I need you, I need you girl
Ikaw ang kailangan ko
I love, I love you girl
I love you girl. Woh...♫♪♫♪♫♪♫”

‘Ba’t pa kasi hindi na lang niya aminin na hindi siya yung kumakanta? O kung siya man yun, baka nagti-T.H., trying hard haha!’ pahabol ni Anj.

Laging tumitingin habang kumakanta si MJ kay Angellie, parang dedicated talaga sa kanya yung song.

After ng 2nd verse at ng isa pang chorus ng I LOVE YOU GIRL……….

“♫♪♫♪♫♪♫ Kailangan ko ang pagibig mo-ho-woh
(Sana'y sinta pakinggan mo)
Ang puso ko, ibibigay sa'yo-ho-woh…♫♪♫♪♫♪♫”

‘Yan na pipiyok na siya hahaha…’ naghihintay si Anj na bumirit si MJ sa bridge ng kanta, parang sinusumpa niya na pipiyok si MJ.

“♫♪♫♪♫♪♫Pagka't mahal kita sinta-aha-ah….
Woh... ♫♪♫♪♫♪♫”

Yun, bumirit si MJ as he reached those high notes. Mas tinaasan pa niya kesa sa original na kanta ng XLR8.

STANDING OVATION ang naganap sa audience while Angellie was still sitting pretty on her seat. Hindi siya makapaniwala sa ganung level ng pagkanta ni MJ. Nakita na lang niya na kasama si Nadine sa mga nakatayo at pumapalakpak. Lumingon-lingon siya sa buong hall at napansin niya na siya na lang yata yung nakaupo.

Naisip ni Anj na baka mapahiya siya at baka sabihin ng mga tao na ‘Ano ba yan, si Miss Angellie hindi nakatayo at hindi pumapalakpak.’

Siyempre, nakakasira ng image yun diba?

Agad tumayo ang ating bida at nag-fake clap at smile pa.

Nakita siya ni MJ kaya naman sobrang saya niya after niyang kumanta. Ang hindi niya alam, fake lang pala yun……….

After pasalamatan ng host si MJ mula sa pagkanta, bumaba na siya ng stage.

Uupo na ulit siya dun sa tabi ni Angellie.

Nakangiti pa rin siya habang papalapit sa puwesto at si Angellie naman ay nakakunot noo.

‘Ba’t na naman siya nakangiti ng ganyan sa’kin?’ iniisip ni Anj while staring to MJ.

“Huy Anj! Tingnan mo oh, naka-smile sa’yo si MJ!”kantyaw ni Nadz. “Oh yan na oh, uupo na siya. Ayyyeeee…”

“Ano ka ba Nadz! Ang daming tao oh. Tsaka ‘diba sinabi ko na sa’yo, wala kong pakelam sa kanya.”

“Tologo long ho? Hehe..”

“Ahmm, Anj…Thank you ah,”pasasalamat ni MJ nung pinalakpakan ‘daw’siya ni Anj.

As usual, nagsuplada na naman si Anj and gave MJ a “don’t care”expression.

Kiber naman ‘tong si MJ kung supladahan siya ni Anj. Ang importante sa kanya is, yung feeling niya na nagustuhan ni Anj ang pagkanta niya mula sa pagpapalakpak nito.

Makalipas ang ilan pang productions, si Nadz naman ang susunod. She would dance together with the Manoeuvres.

Pagkatawag sa name ni Nadz ay agad siyang lumakad papuntang stage. Maraming tao ang nagpalakpakan to the ‘pambansang bangsie.’

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

Mukhang kinakabahan si Angellie.

Hawak nya pa rin ang lyrics ng I’LL BE THERE ng XLR8 at hanggang ngayon nagkakabisado pa rin.

“……….Please welcome, Miss Angellie Urquico,”the host then introduced Angellie as she would sing onstage as part of the welcome party for the freshmen.

 

While onstage……….

 

“Ahmm…First of all, I would like to welcome all the freshmen here in this university. Marami pong nagrerequest na ito ang kantahin ko, sana magustuhan niyo. This song is dedicated to all of you,”Anj spoke out her message first.

“♫♪♫♪♫♪♫The first time I laid my eyes on someone like you

I can’t forget the hour that moment with you

Then I had realized, love’s growing deep inside

I feel the beating of my heart…♫♪♫♪♫♪♫”

Napahinto saglit si Anj. Nakalimutan niya yung chorus! She was just standing while the chorus of the song with its instrumental music was being played. Tumingin na lang siya kay Nadz kasi mukhang may mina-mouth over ito kung ano yung susunod na lyrics.

“Ano yung sunod?” pabulong na sabi ni Angellie nang hindi pinapahalata sa audience.

“A-raw ga-bi!” mouth over ni Nadz.

“Ano?”

Nagbubulungan yung audience kasi hindi kinakanta ni Anj yung chorus.

“A-raw ga-bi la-gi na lang pi-na-pa-nga-rap ko’y i-kaw!” mouth over ulit ni Nadz pero mukhang hindi talaga maintindihan ni Angellie.

Napansin ito ni MJ. Parang alam niya na nakalimutan ni Anj yung lyrics. Patapos na ang tugtog sa chorus ay hindi pa ito kinakanta.

Angellie took three steps away even without looking infront. She was about to exit the stage when someone suddenly got the wireless microphone resting on the table……….

.

.

.

.

.

“♫♪♫♪♫♪♫We belong together, always and forever

Call my name and I’ll be there…♫♪♫♪♫♪♫”

 

END OF CHAPTER 7

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
shinnifura #2
should i continue? hehe
shinnifura #3
@frenchsha: ahh, i see.. have u read my story? by the way, tnx 4 d info. :)
frenchsha
#4
Would you believe me if I tell you that Rosalie Van Ginkel came from our school? I'm not spamming and I'm certainly not fooling around. She's from Roxas City, my town. :)