Dream School

Shin Ai (True Love)

 

“Mmmmmmwwwwahhhh!”

Goodnight kiss ni Meljohn Magno or simply “MJ” sa hawak niyang colored picture ni Anj. Nakahiga siya sa tagpi-tagping banig na nakalatag sa sahig.

Matutulog na sana siya pero ‘di niya mapigilan ang sarili sa kakatitig sa picture.

‘Yung picture na ‘yun, hiningi niya lang sa kaibigan niyang si AJ na nakaattend ng mall tour ng Pop Girls na medyo may kalayuan sa probinsya nila.
Namigay kasi nun after ng show ang Pop Girls ng pictures at iba pang memorabilya na may autograph sign pa sa likod. Swerte ni AJ at isa siya sa dancers na nagback-up at nakakuha pa siya ng picture ni Anj. Nakipag-agawan pa talaga siya to da max para lang makuha ‘yung picture na ‘yun. 
Kaso, malas niya lang kasi hiningi ito ni MJ pero dahil alam niyang idol na idol nito si Anj, mula pa lang sa araw-araw na pag-aabang at panonood nito ng shows sa tv sa may kalapit na tindahan, pinagbigyan na lang niya ang kaibigan.

Laking bahay-ampunan lang si MJ, ni hindi niya kilala mga magulang niya o kung may mga kapatid ba siya. Kahit gano’n kapalaran niya, natuto siya mabuhay nang mag-isa. Masipag, mabait at matulungin siya sa kapwa kaya ganun din turing ng mga ka-probinsya niya sa kanya.
Napakatalinong lalaki rin niya kaya naman because of his exemplary academic excellence during his freshman year sa isang public college institution, na-awardan siya ng gobyerno ng isang 3-year scholarship sa isang exclusive university sa Manila, enough na ‘yun para ipagpatuloy niya kanyang pag-aaral hanggang matapos siya sa course niya.

It was his last night in his province particularly in his small squatter house which he somehow characterized as his own bungalow. He would be departing for Manila the next morning to avail the privilege given to him as a reward for his hardwork and perseverance. He was doing all of these because of Anj, his only girl and inspiration in life, and he was hoping that someday, he would meet her personally.

“Mas maganda ka siguro sa personal noh? ‘Di bale, pupunta na kong Manila bukas. Sana makita kita dun,” his last words while giving the picture one last kiss before he slept.

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

Punctual din pala itong si MJ, super aga niya sa terminal. Kung tutuusin, konting-konti pa lang ang tao. So ang ginawa niya, sumakay na lang siya sa may bus na unang babyahe papuntang Manila at inayos ‘yung mga gamit niya do’n sa loob.

Tatlong oras lang naman hihintayin niya bago umalis ang bus at exactly 5:00 AM.
Nakatungo lang siya mag-isa sa bus habang nag-iisip ng magiging kapalaran niya sa Maynila.

After 30 minutes of waiting, may lalaking biglang lumapit at nagtanong sa kanya.

“Pwede ba umupo diyan sa tabi mo?”

Napatingala si MJ at nagulat nang makita niya ang kaibigang si AJ.

“Uy pare! Andito ka? Pupunta ka ring Maynila?” nakangiting tanong ni MJ.

“Bakit bawal ba? Hehe,” sabay upo si AJ sa tabi ng kaibigan.

“Pinayagan kasi ako nila mama at papa na umuwi ng Manila. Dun ako tutuloy sa bahay ng mga kagrupo ko sa dance troupe, sasayaw daw kasi kami sa isang malaking event dun.”

“Talaga? Eh ‘di magkikita pa rin pala tayo. Papanoorin kita dun ah.”

A pause.

“Hmm, balita ko nakatanggap ka ng 3-year scholarship sa Harvard University sa Manila? Totoo ba ‘yun?” na-curious si AJ.

“Kaya nga ko andito eh, luluwas na ng Maynila. Pero, masyado yata kong napaaga.”

Nagtawanan pareho ang magkaibigan.

“Grabe pare, ‘di ka na ma-reach ah. Nag-level up ka na!” sabay taas at tingin sa kamay na parang ginagaya ‘yung level up sign sa commercial ng Greenwich. “Tsaka alam ko, puro mayayaman nag-aaral dun. At hindi lang ‘yun! Puro matatalino rin!” dagdag na threat ni AJ.

“Dinidiscourage mo naman ako pare. ‘Yan tuloy, parang ayoko na pumunta dun,” nakasimangot na sagot ni MJ.

“Joke lang p’re, ‘kaw naman oh! Alam ko naman na matalino ka at makakaya mo ‘yun! Tsaka ‘diba……….
……….andun si Angellie.”

Mula sa ‘di maipintang mukha ni MJ, bigla na lang siyang napatigil nang marinig ang pangalan ni Anj sabay tingin kay AJ.

Ang ngiti, abot tenga.

 

♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧♥ ❤ ❥ ❣ ❦ ❧

 

Ilang oras din ang nakalipas bago sila nakarating sa Maynila.

Pagbaba nila ng bus, tumingin-tingin muna sila sa paligid………. parang naninibago sa kakaibang atmosphere ang dalawa.

“Waw! Andito na tayo MJ!” tuwang-tuwang expression ni AJ.

“Oo nga pare… at ang laki-laki pala talaga ng Maynila.”

“Oh! Sila Caleb ‘yun ah!” Tinuro ni AJ ang isang papalapit na pick-up car na may tatlong nakasakay na mga lalaki. Si Caleb ‘yung nagda-drive samantalang parelax-relax lang na nakasakay sila Kiko at Carlo.

Nang huminto ang sasakyan, bumaba ang tatlo at lumapit.

“Uy bro! Welcome to Manila,” bati ni Carlo habang kinakamayan si AJ.

“Salamat. Siya nga pala mga bro, kasabay kong pumunta dito – si MJ. Kaibigan ko rin siya dun sa probinsya,” pakilala ni AJ sa mga katropa habang tinuturo si MJ.

“Hello MJ! Welcome din sa Manila,” bati naman ni Kiko.
Si Caleb nag-salute kay MJ sabay ngiti.

“Ah, maraming salamat sa inyo,” nahihiyang reply ni MJ.

“Oh pa’no ba ‘yan bro, kelangan na namin umalis. Meron pa kasi kaming practice mamaya eh. Ikaw, san ka ba pupunta?” tanong ni AJ kay MJ.

“Uhmm, dun ako sa Harvard Dormitories eh, meron daw susundo sa’kin dito.”

“Ah sige. Eh di, una na kami. Ingat na lang pare. See you soon, ‘lam mo na kung kelan at kung saan,” bilin ni AJ sa kaibigan.

“Ok pare. Ingat din kayo. Salamat ah!,” huling salita ni MJ sa apat.

Maya-maya……….

……….dumating ang exclusive school bus ng Harvard University upang sunduin si MJ.

Bumaba ang isang middle-aged man na naka-black formal attire at makintab na black shoes.
Lumapit ito kay MJ.

“Excuse me, ikaw ba si Mr. Meljohn Magno?,” tanong ng lalaki.

“Ahh, ako nga po. Kayo po ba ‘yung Administrator ng Harvard University?”

(Napatawa ng mahina ang lalaking kausap ni MJ)
“Uhmm, co-driver lang ako ng bus na ‘to. Pinapasundo ka sa'min nung admin. Tara na, ihahatid ka na namin sa dormitory.”

“Hehe, ganun po ba? Sorry po, ‘kala ko po kasi kayo ‘yung admin.”

After a while, sumakay din si MJ sa bus at tumulak na papuntang Harvard University……….ang dream school niya.

 

END OF CHAPTER 2

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
shinnifura #2
should i continue? hehe
shinnifura #3
@frenchsha: ahh, i see.. have u read my story? by the way, tnx 4 d info. :)
frenchsha
#4
Would you believe me if I tell you that Rosalie Van Ginkel came from our school? I'm not spamming and I'm certainly not fooling around. She's from Roxas City, my town. :)