Forever and Always

DYMA'S MAIDEN

 

Yung mga naka-italicize, past po yun. Wag po sana kayong malito. At nag-iiba iba ang POV ah. May first person at second person. Hehehe.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ One shots by QueenLJ

 

_______________ ❣ ❣ ❣ ❣ _________________

 

I remember myself falling in love. Falling in love so deep that getting out of it had been nearly  impossible. 

Being with her is definitely a roller-coaster ride. A kind of ride no one would dare to experience. A kind of ride that only daredevils and stuntment could try. But I am glad that I have surpassed the ride even though I am just a normal person. The major ups and downs, the twist and turns too -- it was too much for me to handle. But I never regretted falling in love with her. I never did. Our happiness are  mostly short-lived -- nevertheless I still consider it as the happiest part of my life.

 

I still enjoyed being with you. And I will enjoy it forever and always.

 

---

Seven years ago...

"Leave me alone, kay?" sabi ni Iya habang naka-patong yung dalawa nyang kamay sa dibdib nung lalaki. She was obviously pushing him away. Her eyes shows that she's irritated.

"Come on, Iya! Hindi pa rin ba naepekto sa'yo?" napa-kunot ang noo ni Iya sa sinabi nung lalaking kasama niya.

"What the hell are you talking about?" she asked--wide eyed, confused and a bit annoyed.

Napa-tawa ako bigla. May ginawa kasi ako. Napansin nila akong dalawa sa kinalalagyan ko. Wala silang kamalay-malay na kanina ko pa sila sinusubaybayan. Nakatayo ako at nakasandal sa isang posteng nagsisilbing liwanag naming tatlo.

"Tawa ka?" tinanong ni Iya sa'kin. Ang taray niya.

"Nilagyan niyang kasama mo yung inumin mo ng ecstacy." tuwid kong sinabi. Nahuli ko kanina yung lalaking kasama niya. Napa-lingat kasi si Iya kanina noong may tumawag sa kanya at kinausap siya. Oportunista ang lalaking kasama niya ngayon. Sigurado akong may balak siyang pagsamantalahan si Iya kaya sinundan ko sila simula pa kanina. Bigla namang umalis yung lalaki at magccr daw.

Noong iinumin na ni Iya yung beer ay inagaw ko yun sa kanya at lumayo. Nagtaka siya--napansin ko mula sa malayuan. Susundan niya na nga dapat ako pero di niya na rin ako pinansin kasi dumating na nga yung lalaki.

Napatingin si Iya dun sa lalakeng kasama niya pagka-sabi ko noon--punung puno ng pagtataka ang mukha niya.

"Gago ka, pre ah. Wag mo nga kaming pakialamanan." sinabi niya. Hindi siya nag-confirm pero napaghalataan na ni Iya na totoo yung sinabi ko.

"Putangina mo Kenneth! Gago ka!" sabay sinuntok niya sa mukha yung Kenneth daw. Napatawa na lang ako sa pagkaka-amazona ng babaeng 'to.

"Pagsasamantalahan mo pa ako, gago ka! Mamatay ka na!" sinuntok pa siya ni Iya at napa-atras siya. Akmang sasampalin na ni Kenneth si Iya ng hinarang ko yung kamay niya.

"Babae, pre." kalmado kong sabi.

Sinipa siya ni Iya sa maselang parte ng katawan niya. Napasubsob siya sa lupa una ang mukha sa sobrang sakit ng sipa. Kung ako ang ginanon sigurado akong ganoon din ang aabutin ko.

Tumakbo kaming dalawa palayo dun sa manyak niyang kaibigan habang tumatawa.

"Nakita mo mukha niya? Buti nga sa kanya. Pagsasamantalahan pa ako. Ang gago eh. Punyeta niya." sabi pa niya habang patawa tawa.

Napa-tingin siya sa'kin.

"Anong pangalan mo?" maangas niyang tanong.

"Dylan Marco." sagot ko.

"Wow. Nice name. Pang-mayaman ah." sabi niya. Lalo akong natuwa sa kanya dahil hindi niya ako kilala. Hindi niya alam na isa akong Dirham kaya mas lalo akong natuwa. Masyado na akong naiinis sa mga taong dumidikit sa'kin dahil lang alam nilang isa akong Dirham.

"Pero DyMa na lang itawag mo sa'kin."

"Ang pangit. Ang bakla pakinggan ng DyMa eh. Dylan na lang mas maganda." sabi niya.

Napatango na lang ako sa kanya. Unang beses na may nagsabi sakin na pangit ang nickname ko. Pero binalewala ko, siya naman eh.

"Ako nga pala si Iya." pagpapakilala niya. Pero kilala ko naman siya matagal na. Kaklase ko siya sa mga ilang subjects ko.

"Anyway, salamat ah." at ngumiti siya bigla. Yung ngiti niyang yun, feeling ko lahat ng mga ginawa kong mali ay tama. Ang saya makitang naka-ngiti siya.

"Mauna na ako ah, Dylan."

Nagpaalam siya sa'kin. Isang ngiti na naman ang pinakawalan niya. Para siyang anghel na bumagsak mula sa langit.

Ibang iba siya. Hindi siya yung katulad ng ibang babae na walang hanggan ang pagpapaganda para lang mapansin. Hindi siya tulad nung mga babaeng kailangan pa ng makapal na make-up para masabing maganda sila.

Her beauty is effortless. And I love her for that.

---

"Sir, ano pong kulay ng roses ang gusto niyo?" tanong ng saleslady sa'kin sa flowershop. Napa-tigil ako sa pagtitingin ng bulaklak at lumingon sa kanya.

"Ay sir DyMa, ikaw po pala yan. Regular yellow tulips po ba?" naka-ngiting tanong nung empleyado sa flower shop na pag-aari rin namin.

"Oo. Ready na ba?"

"Opo sir. Teka lang po at kukunin ko na." umalis sandali yung babae.

Napahawak ako sa parte ng dibdib ko. Kung saan naka-kwintas yung singsing.

 

"Malapit na, mahal ko."

---

Simula noong insidenteng iyon, lagi na akong tumatambay sa bar na 'yon. Minsan umiinom, minsan nagmamasid lang sa mga taong nandoon. Nagbabaka sakaling makita ko ulit siya.

Hindi naman ako nag-kamali kasi nagkatagpo ulit kami sa labas ng bar. Halatang papasok pa lang siya. Ang ikli ikli ng damit niya. Halatang mag-paparty sa loob. Nainis ako, inaamin ko. Pero di ko pinahalata sa kanya.

"Huy! Mister Pakialamero!" tawag niya. Napa-kunot ang noo ko.

"Este Dylan." tumawa ulit siya. Pakialamero daw kasi ako, pagpapaliwanag niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Um? Mag-bar?" tugon ko naman.

"Ay tara dali. Wala akong kasama eh. Samahan na muna kita."

Kinaladkad na niya ako. Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Ibang klase talaga.

Bigla naman siyang napatigil. Napatigil din ako.

"Ay teka, pumayag ka na ba?" tanong niya habang naka-kunot ang noo.

Napatawa ako lalo sa kanya. She's so spontaneous and I love her even more for that.

"Ay ewan. Basta tara na!" hindi ko kasi siya sinagot at tumawa lang ako sa kanya.

Agad siyang nag-order ng hard drink--vodka. Napa-taas ang kilay ko.

"Kaya mo ba yan?" tanong ko at nginuso ko yung iinumin niya.

"Oo, sanay na." sabi niya. Bigla yata akong nanliit, iced tea lang kasi inorder ko, wala naman talaga akong balak maglasing. Gusto ko lamang na makita siya.

 

"Bakit ka nag-iinom ng ganyan katindi? May problema ka ba?" nagbago bigla ang aura niya nang tinanong ko yun.

Hindi niya ako sinagot. Parang wala siyang narinig. Tuloy tuloy niyang nilagok yung yung inumin niya. Ibang klase.

"Huy, easy ka lang." pigil ko sa kanya.

Sumenyas siya sa bartender ng isa pa. Pagkabigay na pagkabigay sa kanya nilagok niya ulit yun ng isahan lang.

Nakita kong huminga siya ng malalim. Napansin ko rin na namumula na ang mukha niya. 

"Bakit ka ganyan?" tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko maiwasang di mag-alala sa mga inaasta niya. Talagang madidisgrasya siya kung ganyan ang mga gawain niya sa buhay.

Hindi niya sinagot yung tanong ko. Tumayo lang siya bigla at ngumiti.

"Kuha lang ako ng brownie." at bigla na siyang umalis.

She left me with a lot of questions. Brownie? May nagtitinda ng brownie dito sa bar? Baliw na ba siya? Oh baka naman alibi niya lang yun dahil ayaw niya pag-usapan yung problema niya?

Tinanong ko yung isang waiter sa bar kung ano yung brownie. Sigurado naman akong alam din nila ang tungkol doon.

Napa-lunok na lang ako ng malaman ko kung ano 'yun.

I've asked more about her sa mga taong nandoon sa bar. Sa mga bartenders and waitresses.

She is a regular customer since last year. She is a certified drunkard. Lahat daw ng klase ng drink nainom na niya. She's tough and adventurous like that. But what surprises me the most is that she takes...

 

She takes weeds. Sa loob ng brownie ay nakapa-loob yung weeds na yun. Brownie lang talaga ang tawag nila.

 

I've confronted her once I got the chance to talk to her. She was utterly unpredictable. Magagalit na dapat siya pero tumawa na lang siya bigla. Tumawa lang siya ng mapait.

"Wala kang alam. Kaya wag kang makialam." puno ng hinanakit niyang sabi. I can feel hatred in her voice. Pinipigilan niya lang mag voice out ng feelings niya.

After ng pangyayaring yun, umalis na siya. Di pa siya nagpaalam sa'kin. Siguro inis na inis kasi pinakikialamanan ko siya. Naisip ko na lang na para sa ikabubuti naman niya yung pakikialam ko kaya hinding hindi ko talaga siya titigilan.

Gabi noon, nakita ko ulit siya. Sumasayaw na parang baliw doon sa dance floor. Hindi ko mapigilang mainis na naman sa kanya. Madaming lalaki ang tuwang tuwa sa nakikita nila. Kaya biglaan ko siyang hinila paalis ng dance floor.

"Oh hi there, mister!" lasing na siya. Lasing na naman siya.

Pinainom ko muna siya ng tubig bago kausapin.

"Bakit ka naglalasing?" ngitian niya lang ako ng nakakaloko.

"None of your business dear." sagot niya bigla.

"Bakit? Bakit ka ganyan? May problema ka ba?"

"Wag kang makialam." biglang nagbago yung mood niya. Nagsalubong yung dalawa niyang kilay. Halata ang galit sa mga mata niya.

Bigla na naman siyang uminom ng beer. Inagaw ko sa kanya 'yun. Nakakadami na talaga siya.

"Tangina! Wag mo kong pakialamanan! Gago!" sigaw niya sa'kin. Napatameme na lang ako at nalaman ko na lang na naglalakad na siya palayo sa'kin.

Pero I didn't grow tired of her. I asked her again and again pero I should have known that she wasn't an easy deal. Halos dalawang buwan akong tumambay sa bar na yun para malaman ang dahilan niya. Para mabantayan siya. Ewan ko kung anong meron sa kanya pero ayaw kong nakikita siyang napapariwara ang buhay. Hindi ako nakokonsensya. Basta ang alam ko lang gusto ko siyang tulungan.

Isang gabi, nalasing siya. Nalasing na naman siya. Sobra sobrang lasing kaya nagdesisyon na ako na lang ang mag-uuwi sa kanya.

Pinasok ko siya sa kotse at nilalagyan nang seatbelt ng bigla siyang nag-hysterical. Umiiyak siya. Sumisigaw habang nasa byahe kami pauwi. Nagulat na lamang ako sa mga inaasal niya. Para siyang baliw na ewan. Hindi ko maipaliwanag.

"Tangina naman Jared oh. Bakit kasi kelangan mo pa kong iwan? Ang selfish mo! Ang selfish selfish mo!" iyak niya. Halatang halata na nasasaktan pa rin siya. Siguro, boyfriend niya yung Jared. Gusto ko man siyang titigan ng mabuti at tanungin pero hindi ko magawa kasi nga nagmamaneho ako at ayokong madisgrasya kami.

Paulit-ulit lang yung sinasabi niya. Iyak siya ng iyak. Pinapatahan ko naman siya ng pinapatahan.

Biglang humina ang mga pagsisigaw niya. Nanghihina na rin siguro siya sa mga ginagawa niya. Yung hagulgol niya naging hikbi na lang at yung sigaw niya naging bulong na lang din.

Seeing her in so much pain feels like I, too, was experiencing it. Parang ako rin nasasaktan. Nalulungkot ako na nakikita siyang ganyan. Dahil pa yun sa isang lalaki...

"Jared... Bakit kailangan mo pa kasing mamatay..." humihikbi na lang siya. Pagod na siya. Pagod na pagod siya. Ramdam ko lahat ng paghihirap niya.

 

Naikwento ko sa kanya yung nangyari sa kanya kaya wala na siyang takas at kwinento niya na rin. Namatay si Jared sa isang car accident -- just in time para sa kanilang 1st anniversary ni Iya kaya ganoong sakit na lang ang naiwan niya.. Mahal na mahal ni Iya si Jared. Alam ko, kasi pati ako ramdam ko rin habang kinukwento niya. Mas mahal niya pa nga daw sa buhay niya, sabi niya nung kwinento niya sa'kin lahat.

Sinabi ko naman sa kanya na hindi naman makakatulong ang paglalasing at pagdadrugs. At sigurado din akong hindi magugustuhan ni Jared na makikita siyang nagkakap-ganyan ng dahil sa kanya. Walang mabuting idudulot sa kanya 'yun -- baka magkasakit pa siya ng dahil doon. Pero matigas lang talaga ulo niya.

"Gusto ko na rin kasing mamatay. Para makasama ko na siya diba?" naka-ngiti niya pang tugon sa'kin. Nababaliw na talaga siya. Pero pinagtiyagaan ko.

Hindi ko siya sinukuan. Kahit kailan, di ko inisip na susukuan ko siya. Mahal ko na kasi siya. Gusto kong ialay ang buhay ko para sa ikabubuti niya.

Inaamin ko. Hindi naging madali ang pagpapatino sa kanya. Sobrang naka-sanayan na niya ang pag-iinom kaya sobrang hirap para sa kanya para pigilan 'yon. Addict -- yung tamang salita para idescribe siya. Mukha siyang matapang sa labas pero sa totoo lang napaka-hina niya. Ilang breakdowns niya ang nasaksihan ko. That was one of the sights I never wanted to see. Masyadong masakit sa kanya. Sa akin. Para sa aming dalawa..

Unti unti rin namang nabawasan ang mga bisyo niya. Konting katok lang sa ulo niya. Madaming pagsesermon pero lahat ng paghihirap nag-bunga kasi napatigil ko siya. Sobrang tuwa ang naramdaman ko. Thinking that all of my efforts paid off. She has learned to let go of him. Let go of the past. Sabi nya magsisimula na siya ulit ng panibago.

She was constantly thanking me. Walang hanggan ang pasasalamat niya sa'kin. Sobrang laking tulong daw ng ginawa ko para sa kanya. Tinanong niya sa'kin kung bakit ko daw ginagawa 'to.

Napa-iling na lang ako at sinabing...

"Mahal kasi kita."

---

Hawak hawak ang isang bouquet ng yellow tulips--ngiting ngiti ako sumakay ng sasakyan ko. Makikita ko na naman kasi siya.

Makikita na naman kita mahal ko...

---

Nagulat siya. Pero di rin nagtagal... napaamin ko din naman.

"Mahal din kita."

She told me that I have everything -- that I am perfect and that any girl would love to have someone like me.

Ngiting-ngiti ako ng mga panahong 'yon lalo na ng malaman kong parehas pala ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

Niligawan ko siya ng halos isang buwan. Sinagot niya rin naman ako agad. Hindi na siya nagpa-kipot pa.

"Para saan pa eh dun din naman pupunta diba?" yun ang sinabi niya nun. Hindi na ako tumanggi. Mahal ko na siya masyado para umarte pa.

Naging maganda naman ang takbo ng relasyon namin. Masaya naman kami. Sabi niya pa na ako ang dahilan kung bakit tuluyan niyang nakalimutan ang sakit na dulot ni Jared. Kung alam niya lang kung gaano niya ako napasaya sa sinabi niyang 'yun. Minsan may maliliit na away sa pagitan naming dalawa pero di ko hinahayaang lumaki. Ayoko talagang nag-aaway kami.

Sa araw ng pang-lima naming buwan na magkasama. Nag-cecelebrate kami. At ang alam ko lang masaya kami... Masaya na kami habang nakahiga sa hood ng kotse ko. Pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Nagkukuwentuhan...

Pero may sinabi siyang halos nagpatigil ng mundo ko...

"Dylan... paano pag nalaman mong may sakit ako?" maluha luha niyang sabi.

Akala ko nagaacting lang siya. Mahilig kasi siya sa ganoon. Hilig na hilig niya ang pag-tripan ako.

"Bakit? Meron nga ba?"

"Oo..." sinabi niya.

Hindi ako makapag-salita. Nagbibiro lang siguro siya. Naalala kong minsan eh, sinasaltik siya.

Tumawa lang ako sa kanya...

"You almost had me there Iya."

Pero di siya natinag... Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niyang kanina pang pinipigilan.

"Lung cancer Dylan. And I have... I have Korsakoff's syndrome." pagkatapos niyang sabihin yun. Humagulgol siya.

"Korsakoff?" naguguluhan kong tanong.

"Retrograde amnesia, blackouts, confabulation, lack of insights. Mababaliw ako Dylan." iyak siya ng iyak. Pilit kong nilulon lahat ng mga sinabi niya. Masyado akong nasasaktan na halos hindi ko na maidigest ang mga inihayag niya. Ayaw ng tanggapin ng utak ko. Napa-isip ako... Bakit? Bakit kailangan pang magkaganito? Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa ko. 

Masaya na kami eh. Bakit may ganitong pangyayari pa? Unti-unting bumagsak ang mga maaalat na luha.

Napa-tingin ako sa langit. Sinusubukang intindin ang lahat. Nakiki-usap kay Bathala.

Wag siya, please. Wag siya. Kunin mo ng lahat, wag lang siya.

Malalagpasan namin 'to. Lalabanan namin ang sakit niya. Sakit lang yun. Mas matindi pa ang pagmamahalan namin. Sinigurado ko sa kanya, na hinding hindi kami susuko.

---

Seven years had passed...

 

Ganoon pa rin. Matindi pa rin ang pagmamahalan na namamagitan satin. Walang pinagbago. Akala nila hindi tayo tatagal. Akala nila walang magandang mangyayari sa relasyon natin. Akala nila basura lahat ng 'yun. Akala nila wala ng kwenta ang pagmamahal ko sa'yo. Akala lang nila 'yun.

Pero heto ako ngayon... papunta na naman sa'yo. Magkikita na naman tayo.

Hindi nila alam ang tindi ng pagmamahalan natin. Walang ibang makakapigil. Diba nga sinabi ko, sakit lang yun? Na malalagpasan natin yun? Nalagpasan natin ang lahat ng 'yun, mahal ko. Kaya tignan mo nagmamahalan pa rin tayo hanggang ngayon.

 

Masayang masaya ako habang hawak ang mga bulaklak na araw araw kong binibigay sa'yo. Sabi mo kasi paborito mo ang yellow tulips kaya hindi ako nagdalawang-isip na gumastos ng pera para araw araw kitang mabigyan. Kahit sa mga maliliit na bagay man lang, mapapasaya kita. Sigurado akong matutuwa ka na naman....

 

Kinabig ko pakaliwa ang manibela ng kotse ko para makapasok sa gate.

 

 

 

Loyola Memorial Park....

 

Napa-ngiti ako ng makita ko ang gate. Nandito na ako, Iya. Nandito na ulit ako, mahal ko.

 

Malakas ang hampas ng hangin pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse ko. Ginulo nito ang magulo ko ng buhok. 

 

Umupo ako sa tabi mo. Tumutulo ang luha ko habang pinapunasan ko ang lapida mo...

 

In the loving memory of,

IYA LORRAINE SANDRIA

Forever and always, my love.

 

Pitong taon na ang nakalilipas simula nang mawala ka... Pero kahit na mawala ang pisikal na presensya mo, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo. Napa-hawak ako sa singsing--singsing na isusuot ko sana sa daliri mo sa tapat ng altar. Pero alam ko, kahit kailan hindi na mangyayari 'yun.

 

Lumakas lalo ang simoy ng hangin. Naramdaman ko ang yakap mo. Pakiramdam ko nandito ka na ulit. Na hindi ka naman talaga nawala. Napangiti ako ng marinig ko na naman ang boses mo...

 

 

 

 

"Mahal kita Dylan..."

 

 

___________________________ ❣ ❣ ❣ ❣ ________________________________

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet