Stay Close, Don't Go

DYMA'S MAIDEN

 

Note: This story is different from my first two entries. Charm lang talaga pangalan nung girl. :3

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ One shots by QueenLJ 
 

- - -

 

Two years is enough my love...

 

Dalawang taon ng pangungulila sa'yo. Dalawang taon na litrato mo lang ang nagpapangiti sa'kin. Dalawang taon na umaasa sa pangako. Dalawang taon na alaala na lang ang sinasandalan. Dalawang taon ng pag-iisa.

 

Lahat na yata ng paghihirap dinanas ko na sa mga panahong wala ka.

 

Nasan ka na ba?

 

Ngayong araw na 'to ang ikalawang taon ng pagkawala mo. Diba sabi mo isang taon lang?

 

Nangako ka diba?

 

"Isang taon lang mahal ko... Uuwi na rin ako agad. Hindi mo mamalayan na nakalipas na pala isang taon. Magtiwala ka naman sa'kin oh?" Naki-usap ka sa'kin.

 

Mangingibang-bansa ka para sa pag-aaral mo. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo. Kaya kahit na ayaw kitang lumayo, wala akong magagawa. Kundi tanggapin at intayin ka.

 

Mahal kita eh..

 

Pumayag ako... cause I have more time than I have more choices.

 

Noong una, okay pa tayo. Nag-uusap tayo sa skype. Nagpapalitan ng emails. Nag-chachat. Kahit papaano, nababawasan ang pangungulila ko. At least, alam kong may pagmamahal pa ring namamagitan sa ating dalawa.

 

There's still the connection. May pinanghahawakan ako..

 

Pero limang buwan ang lumipas, biglang nawala. Nawala lahat. Komunikasyon. Hindi ka nagparamdam. Sobrang takot ang naramdaman ko.

 

Lahat na ng dahilan kung bakit hindi ka sumasagot sa mga emails ko at walang hanggang pagcha-chat ko sa'yo ay naisip ko na.

 

Di ko napigilan mangamba.

May problema ka ba?

Nahihirapan ka ba?

Baka may sakit ka?

Nawalan ba kayo ng connection diyan?

Lahat ng pwedeng dahilan naisip ko na.

Pero isa lang naman talaga ang nagpatakot sa'kin ng todo eh..

 

 

 

May mahal ka na bang iba?

 

Napaiyak ako sa realisasyong pwedeng mangyari iyon. Masasayang lahat. Pagod. Oras. Pagmamahal.

 

Dalawang taon nating pagsasama ang masasayang.

 

Pilit kong burahin ang isipang iyon... Nagbabakasaling nagkaroon ka lamang ng problema diyan sa inyo kaya hindi mo ko kino-contact.

 

Patuloy akong nagsesend ng emails. Tinatanong kung kamusta ka na ba. Kung ano ba ang problema. Sinasabi ko sa'yo lahat ng hinanakit ko. Sinasabi ko rin ang mga problema ko. Halos gawin na kitang diary.

 

Kung paano na naman mag-away sila mama at papa dahil sa pera? Yung pagkalubog namin sa utang? Sinasabi ko sa'yo lahat 'yun.

 

Kung paano ako nakaka-survive ng wala ka? Kinukwento ko rin.

 

Nung may nangsubok na manligaw sa'kin... na hindi ko pinayagan dahil sinabi kong may boyfriend ako at mahal ko siya? Kwinento ko rin sa'yo lahat yun. Iniisip kong... magrereact ka dahil sa selos.

 

Wala akong pinalampas na pangyayari sa buhay ko na hindi ko na ipapaalam sa'yo.

 

 

Pero lahat ng effort na yun?

 

 

 

NASAYANG.

Naghintay ako ng reaksyon mo. Pero wala eh...

Ni-ha ni-ho wala akong natanggap.

Akala ko ba mamatay ka ng wala ako? Sabi mo di ka mabubuhay ng hindi mo ako kasama? Pinangako mo yun diba?

Asan na ang lahat ng pangakong yun ngayon? Hanggang salita na lang ba mahal ko?

 

Pero sadyang malakas ang loob ko--malakas ang tiwala ko sa'yo kaya pinagpagtuloy ko ang pagpapakatanga ko.

 

Madami ng nagsasabi na tigilan kita. Na ang tanga tanga ko daw dahil umaasa pa ako. Na hindi mo na daw ako mahal kasi hindi ka na nagpaparamdam. Na wala ka na daw pakielam sa'kin kaya ka nagkakaganyan.

 

Tanga ba sila? Ganoon na ba ang pagsusukat nila ng pagmamahal?

 

Hindi nila naiintindihan.

 

Hindi nila alam.

 

Wala silang alam sa tibay ng pagmamahal ko sa'yo. Na kahit sampung taon ka pang mawala, maghihintay ako.

 

Ganoon naman talaga ang pagmamahal diba?

 

Hindi nila alam yun... Hindi nila alam, mahal ko.

 

 

Sa mga klase ko, habang iniisip kita, di ko na lang mapigilang isulat ang pangalan mo.

DyMa...

Bigla ko na lang mapapansin na basa na pala yung papel ko ng luha.

Miss na miss na kita. Yung tipong pakiramdam ko ikamamatay ko na...

 

 

Dalawang taon ang lumipas simula noong pag-alis mo...

 

Wala ka na bang balak bumalik?

 

Wala na bang pag-asa?

 

Wala na bang pagmamahal na natitira sa'yo mahal ko?

 

Kasi sa'kin meron pa...

 

 

"Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon..." hindi ko na naman maiwasang lumuha sa mga nararamdaman ko.

 

Mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na..

 

 

"Charm..."

 

 

Ang boses niya pa rin ang naririnig ko. Hinding hindi na talaga ako titigilan ng nararamdaman ko...

 

Pakiramdam ko nanaginip na naman ako. Palagi ko na lang naririnig boses niya.. Minumulto ako ng bawat memorya niya.

 

 

"Nandito na ko..."

 

Pero hindi, hindi ako nanaginip. Totoo yung boses. Hindi guni-guni.

 

Inangat ko yung ulo ko mula sa pagkakayuko patungo sa direksyon ng pinanggalingan ng boses at mas lalo pa akong nagulat na makita siya ngayon sa harapan ko....

 

Lumapit siya at pinantayan ako. Naguunahan sa pagbagsak ang luha ko ng dahil sa saya.

 

 

Walang nagbago.

Ganoon pa rin itsura mo.

Tumanda ng kaunti. Pero ganoon pa rin, mahal pa rin kita.

Bakit ganoon? Lahat ng hinanakit ko nawawala yata?

 

 

Patuloy ang agos ng luha ko.

 

Di makapaniwalang nandito ka na talaga... Nanaginip ba ako? Sabihin mo ng magising na ako sa kahibangan na 'to.

 

Pero hindi...

Totoo na 'to. Totoo na talaga 'to.

 

"I'm so sorry Charm.. Sorry. Patawarin mo ko..." bigla kang nag-breakdown.

 

Niyakap mo ko.

 

Alam mo bang dalawang taon na akong nangungulila sa yakap na 'to?

 

Dalawang taon na naghihintay ng salita at balita mula sa'yo?

 

Niyakap kita... sobrang mahigpit. Sobrang higpit dahil ayaw na kitang pakawalan.

 

Ayoko ng malayo ka ulit.

 

"Patawarin mo ako, please." nagulat pa ako ng inangat mo ang mukha mo at umiiyak ka. Wag kang umiyak, mahal ko. Ayokong nakikita kang umiiyak.

 

"Ano bang nangyari, DyMa? Bakit ka nagsosorry?"

 

Huminga ka muna ng malalim bago ka mag-salita. Pilit inaalala mong ang lahat. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

 

 

Parang kanina lang ang layo layo mo, ngayon, abot kamay na ulit kita..

 

 

"Sorry kasi ang tanga tanga ko. Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong mabuhay ng wala ka, kaya hindi kita kinocontact. Naisip ko kasi na masyado na akong attached sa'yo at hindi ko na makayang mabuhay ng wala ka. Sa loob ng ilang taon, sa'yo umikot ang buhay ko. Kinalimutan kita. Nagawa ko. Pero tanga ako kasi nagawa ko nga...

 

...pero sobrang sakit. Sobrang sakit kasi alam kong masasaktan din kita. Sinubukan kitang kalimutan. Ginawa ko yun. Masyado akong masama kasi ginawa ko yun. Diba? Napaka makasarili ko. Gustong gusto kita limutin...

 

 

 

Ang problema kasi sa'yo....

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mahirap ka...." tumigil ka sa pananalita. Parang tumigil din ang mundo ko lalo na nung tumigil ka sa pagsasalita. Ayaw mo ba sa'kin dahil mahirap ako? Eto na ba 'to? Tatapusin mo na ang lahat? Wag. Di ko yata kaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"....Mahirap kang kalimutan..."

 

- - -

 

Thank you kay PrincessYanna, MakabagongIlustrado, marshmallowprincess, and mysuperkawaiiprincess sa reviews and critics! <3

 

Lalo na kay Yellena, napaka mo. Ang napaka-supportive na DymSelle shipper kahit sobrang nasasaktan daw siya sa nasayang nilang pag-iibigan ni Dyma. HAHAHA <3

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet