taya

Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola (oneshot collection)
Please Subscribe to read the full chapter

nagkayayaan na mag-inuman dahil natanggap sa u.p. law si kuya jongdae. sa condo lang kami, pero masaya na rin talaga kasi kumpleto ang tropa kahit pa biglaan. hindi naman kasi laging nakakasama yung iba dahil madalas busy at kanya-kanya ng mga ginagawa.

kakaubos lang namin ng tatlong bote ng bacardi black (mga sampung shots siguro ‘yon bawat isa samin). yung mga halatang hindi sanay uminom, nagiging out of character na. nagto-talk, nagda-drama, nagmumura, nag-iingay, tawa nang tawa. grabe, nakakatuwa silang panuorin. maswerte sila na hindi ako madaling malasing kasi sobrang nakakairita at sobrang nakakahiya daw akong mag-ingay.

ayos lang. parang wala nga rin akong balak maglasing eh. parang mas gusto ko palang panoorin na lang sila saka pagtripan. mas gusto kong maraming maalala sa mga mangyayari ngayong gabi pagkagising ko bukas ng umaga.

dahil naubusan na kami ng maiinom, nag-volunteer na kong bumili.

“samahan kita!” hinila ni taehee yung dulo ng t-shirt ko nang tumayo ako mula sa sahig.

“tara.” tinaguhan ko siya at tumayo na siya nang nakangiti nang kaunti.

si taehee ang isa sa pinakamaingay sa barkada namin. medyo nakakainis siya sa umpisa, pero mahilig lang talaga kasi siya sa tao, kaya iisipin mo minsan na feeling close o pakialamera. kahit medyo tahimik ako in contrast sa kanya, sobrang magkasundo kami. pa’no, bukod sa parehas kaming maloko at mahilig man-trip ng mga tao, madalas na parehas kami ng mga opinyon at ng mga hobbies. member nga kami parehas ng theater saka dance orgs sa university eh. bukod do’n, ang gusto ko sa kanya pinagtatanggol niya ko kapag nami-misunderstand ako. pero ewan ko ba. sobra lang talaga ata siyang maintindihin, na minsan parang nagiging bulag na nga siya sa mga masasamang ugali ng mga tao. (naintindihan ko rin naman siya, kasi kahit ako gusto kong isipin na merong kabaitan ang lahat, pero ‘di ba parang masyado namang ideal yun?)

anyway, si taehee yung hands-down na pinakamalapit sakin na babae sa barkada. gusto ko yung idea na ganun din ako sa kanya, pero dahil nga ang extroverted niya masyado, baka assuming lang naman pala ako kung iisipin kong sakin siya pinaka-close. pero kasi naman,halos  lagi kaming magkasama mula nang maging close kami, so...i guess it’s a safe assumption?

“buti nga pala nakaabot ka ah. kala ko busy kayo ngayon sa council, e.” lingon ko sa kanya habang tsine-check ko kung dala ko nga ba yung wallet ko. dala ko naman.

tahimik lang siya na tumango nang isang beses at papungay-pungay siya habang palabas kami sa building ng condo. tipsy na yata siya.

“huy, ok ka pa ba?” tanong ko sakanya nang nakatawa.

pumikit siya saglit at huminga nang malalim. nang dumilat siya, akala ko sasagot na siya. pero pumikit uli siya at natisod.

“o!” hindi siya nadapa kasi nahawakan ko agad siya sa braso. “ano ba yan, ba’t ka pa kasi sumama, eh lasing ka na pala!” tinawanan ko nanaman siya. ngayon ko lang siya nakitang ganito. nung una ko siyang nakasamang uminom, isa rin siya sa mga pinakamatagal malasing eh. sabagay, kanina pala kasi napansin ko na dire-diretso siya uminom. eh may halong softdrinks pa naman yung shots na ininom namin kaya mas madaling makalasing.

“hindi ako lasing,” papungay-pungay niyang sinabi. napailing ako habang pumapalatak. sus, ang cliché. lagi namang yan ang sinasabi ng mga lasing na eh. “inaantok lang ako, pero alam ko pa ginagawa ko.”

“talaga lang? edi sinadya mo palang matisod, gano’n?”

“normal lang naman matisod, ang dilim kaya ng daan dito!” bigla niya kong hinampas,“ikaw, ang judgemental mo!”

hahaha, nagagalit na siya...

“papalusot pa...ayaw pang tumanggap ng kahinaan,” pang-asar ko pa lalo sa kanya.

“tsk,” pumalatak siya sa inis. “ang kulit. matino pa nga sabi ako!”

ngumisi lang ako at pinanood siyang mabwisit. bumuntong-hininga uli siya na parang inaalala ang susunod na sasabihin, saka huminto sa paglalakad. huminto na rin ako. “kaya nga habang may isip pa ko, pwede ba tayong mag-usap?”

“ha? sige, tungkol sa’n?” tanong ko agad na medyo nag-aalala dahil na-realize ko na baka siya nagkakaganito eh dahil may kung anong problema siya.

nanahimik na naman siya na parang natigilan at napaisip, saka siya napakamot sa ulo. “sige, lumakad ka na lang muna.” humakbang siya paurong at humawak sa mga balikat ko bago niya ko itinulak para mauna na kong maglakad. “isasabay ko na lang sa pamimili natin yung sasabihin ko kasi naghihintay sila dun.”

tumuloy kami papuntang 7-eleven na ilang hakbang na lang ang layo. nang pumasok kami, diretso na niyang hinanap yung mga alcohol, habang ako naman kumuha ng basket. dahil tipsy na nga siya, mas una ko paring nahanap yung drinks section.

“taehee, dito!” tawag ko sa kanya. papungay-pungay siyang lumapit. nakakatuwa talaga, ang cute ng itsura niya.

“andun yung yelo,” baluktot niyang turo sa may likuran. nang makita niya yung mga pagpipilian, tinuro niya agad yung bote ng bacardi mojito. “uy, favorite ko yan! kuha tayo ng isa!”

nilagay ko naman sa cart yung bote, tapos nilingon ko siya. “o, ano na yung sasabihin mo?”

natawa siya nang onti. ano bang meron?

“una sa lahat, sehun, may pakay talaga ako kaya ako sumama.”

“wow,” sabi ko habang mabagal kaming naglalakad papunta sa ref, sinasabayan ko lang yung bagal ng lakad niya at pagkaseryoso ng mood niya. “ano ‘to, may problema ka ba o may sikreto kang ise-share?”

“sikreto siya ngayon kasi ako pa lang ang nakakaalam. tapos, depende naman sa’yo kung magiging problema nga ‘to.”

“bakit depende sakin?” pagtataka ko.

tumingin siya sakin saglit, tapos pumalatak siya at umiling. tapos suminghot, at saka nanahimik na naman. aba nakakaloko na ‘tong suspense, ha.

“wag na lang kaya?”

“eh ba’t-”

“ay, hindi, hindi.”nakatitig ako sa kanya habang umiiling siya nang nakapikit. “nandito na rin lang tayo eh. malamang, mahihirapan na naman ako maghanap ng tiyempo, tas wala na kong panulak next time. ngayon na pala.”

“ano nga kasi yo’n?!”

tumalikod siya sakin at binuksan yung ref.

“mahal na kita, gagu.”

napaka-casual lang nung pagkakasabi niya, habang sinusubukan niyang kumuha ng isang kilong yelo sa ref. natulala ako nang mga tatlong segundo, kasi iniisip ko kung tama ba ko ng rinig, o baka hindi ko lang namalayan na tipsy na rin pala ako gaya niya. natauhan lang ako nang ma-realize ko yung struggle niya do’n sa yelo, kaya nagkumahog ako bigla papunta sa tabi niya para tumulong. buti na lang, hindi ko nabagsak yung shopping basket.

ilang minuto rin kaming nag-struggle sa pagpili ng yelo, pero hindi ko alam kung da

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 64: JSSHSJSJSJSJSJSJSJSJSJS MISS KO NA KAISTAL HINDI NA AKO AAHON DITO NA LANG AKO HAHAHAHAHAHAHA
orange-shadows
#2
Chapter 16: May potential pala 'to maging story no. Like full ganern. Anong tawag sa gano'n? Basta chaptered. Hahahaha. Pero ayoko maging kawawa si Soojung
orange-shadows
#3
WAIT LAAAAAAANG HAHAHAHAHAHA
orange-shadows
#4
Chapter 68: TOP FAVORITE KO NA 'TONG CHAPTER NA 'TO, MADAM. SA'YO NA PO ANG BUONG PAGKATAO KO HAHAHAJK
orange-shadows
#5
Chapter 68: I CAN IMAGINE LUCAS SAYING "BREEZY, MEN!" ✋🤧 OMG PLS NAMAN HAHAHAHAHAHAA

T/NGIN/ WAIT. HAHAHAHAHAHAHAHAHA HINDI NAKAKATULONG KASI NAGFAFANGIRL AKO SA NCT RECENTLY AND AND AND ANONG POWER BA ANG MERON KA AND SOBRANG GRABE YUNG VISUALIZATION KO KASI NAIIMAGINE KO TALAGA THROUGH YOUR WAY OF STORY-TELLING!!!!!!



OMG ANO BA YAN KINIKILIG NA NAMAN AKO NANG BONGGA
orange-shadows
#6
Chapter 68: AKO LANG BA? WONG YUKHEI? LUCAS? LUCAS BAKIT KA NAGPAPARAMDAM WAIT HAHAHAHAHAHAHA

WAIT LANG ATE KINILIG AKO MGA BENTE
orange-shadows
#7
wait lang nauulol ako. MAY UPDATE OMG
orange-shadows
#8
Chapter 16: HINDI KO BA NABASA LAHAT NANG NANDITO?

This somehow reflects my situation. Hahaha. Was liked because he somehow saw my caring personality is kinda similar to what his first love used to offer him. (She's not dead, though.)

Haha. Nagplano ako gumawa ng fic na ganito rin sana ang plot (pero di patay si Yoona) Hahaha. Pero feeling ko baka mag-iba feels ko kay Yoona kung sakali.
orange-shadows
#9
Chapter 67: hala :c
whitekyu
#10
Chapter 66: Syet, ano ba to???!!! Bakit nakakarelate ako dito???! Sakit sheeeeeeeyt~