Who You Love
Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola (oneshot collection){A/N: KrisBer for --yeseuri. Way overdue, I’m sorry. Pasensya na rin kung…ganito ang kinalabasan niya. Sorry talaga, as in :)}) I can only hope you that like super greasy stuff even just a lil bit.}
“Kris, bakla ka ba?” Napa-buga si Yifan ng kinakain niya nang marinig ang tanong ng kausap, lalo na no’ng dinagdag pa nito, “Kayo ba ni Tao?”
Tumingala siya kay Amber nang maka-recover sa pagkakasamid, akmang titirahin ang kausap ng isang glare, pero nakita niyang natalsikan niya pala ng kanin sa mukha ang nakababata. Natawa na lang tuloy si Yifan, at imbes na mag-sorry, inilapit niya ang kamay niya sa mukha ni Amber, para tanggalin ang pagkaing dumikit sa pisngi niya.
“Ano ba naman kasing klaseng tanong ‘yan?” sabi ni Yifan, sabay pitik sa kanin na kumapit naman sa daliri niya.
“Joke lang. Kanina pa kasi ako salita nang salita, ta’s nakatulala ka lang,” dahilan ni Amber habang naka-focus kay Kris at sa ginagawa niya sa kanya. “Sinusubukan ko kung nakikinig ka pa.”
Nang maubos ang maliliit na piraso ng pagkaing tinatanggal, napansin ni Yifan na nakatitig sa kanya si Amber, kaya napatingin din siya sa mga mata nito. “Bakit?” Nang ngiti lang ang isinagot ni Amber, napaiwas ng tingin si Yifan at agarang inupakan ang nananahimik baso na ng kape sa tabi ng kamay niya, para itago ang hiya at pagka-ilang. Honeymoon phase. Ilang araw pa lang naging sila e.
“Argh-uh-eh-ehem-”
“O, o! Dahan-dahan kasi,” nakatawang paalala ni Amber, sabay hagod sa likod ng boy friend. Yifan bit his lower lip as he turned slightly red.
Bakit nga ba si Amber? Marami namang ibang babae e. Hindi rin naman siya ang tipo ni
Comments