A Mutual Shoulder to Cry On
Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola (oneshot collection)"Yung cool off pa rin kayo tapos, magigising kang badtrip," pagpapamagat ni Joonmyun sa binabalak na paglilitanya. At bago pa man makaangal ang kausap sa telepono, binanatan niya ito ng isang mala-ultimatum na pangu-udyok bilang karagdagang opening remark. "JONGIN WAG KA NANG PAPALAG, PSYCHOLOGY MAJOR KA KELANGAN MO TO MAGPRACTICE KA NA NGAYON PA LANG"
Joonmyun hears a little shuffling sound on the other line and so he immediately interjects before he loses the latter, "UTANG NA LOOB IBIBILI KITA NG GTA V MAKINIG KA LANG SAKIN!"
Isang maliit na buntong-hininga ng pasasalamat ang pinawalan ni Joonmyun sa katahimikang tugon ng nasa kabilang linya.
"Masakit ulo, hung-over," panimula niyang muli. "Araw-araw, Jongin, ganun. Alam mo yan, diba? Wala akong gustong gawin kundi matulog lang buong araw – Ay, hindi, meron pa palang isa." ayos ni Joonmyun ng upo sa sofa, bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Pagkatapos kong madismaya na di pa rin siya nagpaparamdam after I check my phone the moment I wake up, gugustuhin ko siyang tawagan pero, Jongin, ikaw na nagsabi, wag kong gawin.
"Pero yung ganito," dagdag pa niya. "Yung lahat ng bagay na makapapagpaalala sakin tungkol sakanya nasa paligid ko lang, at bawat bagay na pumapasok sa utak ko naikonokonekta ko sakanya...mahirap.
"Tapos para akong tanga kasi pag nakakatawa yung naaaalala ko, tatawa ako saglit, pero bigla din akong malulungkot ulit.
"Wala akong mapaglagyan ng nararamdaman ko kasi pag nalulungkot ako, Jongin, siya yung kinakausap ko. Eh pano na lang ngayong siya mismo yung dahilan kung bakit ako malungkot? Alam mo, diba? Na wala namang ginawa sila Chanyeol at Sehun kundi kantiyawan ako kasi nga sawi ako? Tapos, minsan, gagatungan pa yan ni Baekhyun." sipa ni Joonmyun sa nananahimik na unan. "Bwisit."
Bumuntong-hininga saglit, bago ipinapatuloy ang sentimyento, "Maski kuya ko, inaasar ako. kung hindi naman, pagagalitan niya ko kasi mahal din nun si Soojung. Mauulit nanaman kung anong klaseng pagpapabaya ang nagawa ko, at hindi yun makakatulong dahil naririndi na ko sa pagkakarinig nun at kulang na lang matunaw ako sa pagsisisi na di ko siya nabigyan ng oras.
"Awkward kausapin tungkol dito si mama. Hindi ko rin magugustuhan kasi kahit mali ako kakampihan niya ko, dahil ako si bunso niya at love na love niya ko.
"Si daddy naman, magbibitiw ng malalalim na salawikain na hindi ko na nga maiintindihan, mas lalo pa kong palulungkutin. Kahit ganun, mapipilitan pa rin akong makinig kasi ayoko namang isipin niyang binabastos ko siya, pero magsasalita siya nang magsasalita hanggang sa maging off-topic na.
"Off-topic? off...cool-o—" yumakap si Joonmyun sa nadampot niyang unan. "Ah, Soojung..."
Umiling siya sa sarili bilang isa nanamang interval sa pagitan ng mga linya ng kanyang monologue. "Magbubukas ako ng TV, Jongin. Tapos manonood ako ng Doraemon at matutuwa ako saglit
Comments