Anonymous Face
Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola (oneshot collection)At gaano katagal na nga ba silang ganito? Anim na buwan? Pito? Walo? Aminado si Sunyoung hindi siya magsasawang marinig ang malambing na boses ng binata araw-araw sa telepono, pero siyempre gusto pa rin niyang makita siya mismo.
“Siguro pangit ka. Sooooobrang pangit.” Pumwesto siya nang padapa sa kama niya habang nililipat ang telepono sa kanang tenga mula sa kaliwa. “Kaya ayaw mo magpakita.”
“Uy, hindi ah! Ang pogi-pogi ko kaya! Maghanda ka ng shades pag nagkita tayo, baka masilaw ka masyado!”
“Eh kelan mo ba balak magpakita?” natahimik lang ang binata sa kabilang linya sa tanong niya at dun nagsimulang maging seryoso ang ere. “Bakit ba ayaw mo magpakita sakin? Ako ba yung pangit, at mahal mo lang ba ako dahil sa ugali ko, kaya ayaw mong makita kita kasi baka ma-attach ako sa’yo? O…mahal mo nga ba talaga ako, gaya ng sabi mo?” hindi pa rin sumagot ang kausap. “Huy…”
Hindi pa rin siya kinibo ng binata pero bigla niyang narinig ang pagtugtog ng gitara. Ilang saglit, tinunaw nanaman siya ng hinayupak na ito sa boses niya.
“Madaya kang bwisit ka eh. Siguro pinagtatawanan mo ko tuwing nakikita mo ko, tas di ko man lang alam.”
“Hindi ka pangit, Luna. Tandaan mo yan.”
Kelan kaya kita makikita…Suho?
Naistorbo and pakikipag-usap ni Luna sa sarili nang marinig niyang may sumisigaw sa kabilang linya na pamilyar ang boses, pero alam niyang hindi si Suho ang may ari. “HOY YIXING! ANONG GINAGAWA NIYO SA KAMA KO??????!!!”<
Comments