Silent Treatment
Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola (oneshot collection)Mag-iisang linggo na mula nung aksidente at mugto pa rin ang mga mata mo. Siya naman, araw-araw pa ring nakasunod sa’yo, kahit sa’n ka magpunta. Parang tanga.
“Gusto mo, ako na maghawak niyan?” alok niya na hawakan ang payong mo para sa’yo. Siyempre, hindi mo naman siya pinansin.
Naiinis ka na, kasi sobrang kulit niya. Sobrang kulit ni Jongdae. Naiinip ka na rin kasi, sobrang tagal ng bus. Umuulan pa naman.
“Hello?” tumawag ang nanay niya sa’yo. Tinanong kung asa’n ka na. “Papunta na po ako, tita. Pasensya na po, ngayon lang ako dadalaw. Hindi ko po kasi talaga kayang makita na…” hindi mo na naituloy yung sasabihin mo, pero naintindihan naman daw ni tita.
Haaay. Kung alam lang niya kung sino yung nakasunod sa’yo ngayon.
Tinanong ka agad ni Jongdae pagka-baba mo ng phone, “Uy, si mommy ba yun?”
Dumating na yung bus. Di mo na siya sinagot. Sumakay ka na agad.
Wala gaanong tao sa bus nun. Napangiti ka kasi amoy cherry sa loob. Ang bango.
Napangiti rin si Jongdae na nasa likod mo lang. Halos solo niyo kasi yung bus. Hanggang sa pag upo niya sa tabi mo, hindi nawala yung ngiti niya. As much as you were tempted to, pinilit mo ang sarili mong wag siyang tignan. Kailangan mo na kasing masanay na hindi siya nakikita.
“Sa’n ka ba pupunta, ha?” Tanong niya sa’yo pag upo niyo.
And like on cue, dumating bigla yung kondoktor. “Sa’n po kayo ma’am?”
“St. Peters.”
“Uy, magsisimba ka? Himala!” natwa-tawa si Jongdae sa tabi mo. Normally, ginugulpi mo na siya ngayon, but today, things are absolutely different.
Inabot mo na yung bayad at inabot naman nung kondoktor yung ticket mo.
“Kuya, isa na ring—” Jongdae prompted, but the bus perso
Comments