Apology Letter
Ang Mahiwagang Baul ni Lola ay Isa Talagang Arinola (oneshot collection)
Gabi nanaman natapos yung training niya sa pep. Pero ayaw pa niya umuwi eh. Kapit-bahay niya lang kasi si Junsu. Eh ayaw ni Taeyeon na makita siya.
Naasar pa rin si Taeyeon sa boy friend niya. Kung paano siya mag-alala, eh daig pa yung sarili niyang nanay na minsan eh tinatawanan na lang siya pag napipilayan siya. Hindi naman sa ayaw ni Taeyeon na nag-aalala si Junsu sakanya, pero…sobra na kasi. Over OA.
Nagising siya sa pag-hampas ng ulo niya sa bintanang sinasadalan niya. Hinimas-himas ni Taeyeon ang bahagi na tumama. Hindi naman gaano kalakas yung pagkakauntog, kaya hindi siya nabukulan. Wala namang additional injury sa braso niyang naka-benda na. But then again, baka kasi talagang likas na matigas lang ang ulo niya, gaya ng laging reklamo sakanya ni…
Hay, grabe. Nakakainis na ‘to.
Yung tipong wala na si Junsu sa harap niya mismo, pero yung mga pangaral niya eh tila hindi na maalis sa sistema at permanente nang nakabaon sa utak. Ganun.
Ganun siya kalala.
Kaya nang maalala siyang may sulat na iniwan si Junsu sa locker niya, na kasalukuyang nasa bulsa niya, nagdadalawang-isip pa siya kung babasahin nga ba niya o hindi. Sa totoo lang, ayaw niya muna talagang basahin yun. Gusto niya muna ng space. Kaya hindi niya rin alam kung bakit niya pa kinuha yung sulat na yun. Pagsakay niya ng bus, hindi rin naman niya binuksan. Ayun nga. Natulog lang muna siya.
Comments