Chapter 7

You'll Be In My Heart

Maliwanag ang pagsikat ng araw sa labas ng gusali. Makikita mo ang asul na ulap at nagliliparan ang mga ibon. Trapik ang mga sasakyan sa kalsada at halos nagsiksikan ang mga tao sa paglalakad. At doon sa siyudad, mayroong gusali ang nakatayo sa siyudad.

Ang gusali na iyon ay ang pinagtatrabahuan ni Joshua at sa kanyang ama na si David. Ang building na iyon ay may lawak na 875 meters at gawa ito sa mga matitigas na materyales. Sa loob ng opisina, nag-check ng mga papeles si Joshua tungkol sa mga gawa mula sa mga empleyado ng kompanya.

Kasabay ng kanyang malaking trabaho, nagplano siya na magkita sila ni Charie mamayang gabi sa Powerbooks. Pagkatapos, nagcompute siya ng mga financial datas para sa kanyang nalalapit na presentation. Habang nagcompute siya sa laptop niyang Acer, pumasok sa entrance ang ex-girlfriend niyang si Josephine. Nakasuot siya ng asul na sleek dress at sapatos niya'y Rusty Lopez. Nagdala siya ng shoulder bag at nakashades. Lumapit siya kay Joshua ilang saglit lang

"Hi, Joshua." bati ni Josephine.

"Hello, din. Josephine. Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ni Joshua habang nagcompute sa kanyang laptop.

"Uh...bumibisita lang ako. Matagal na kasing hindi na ako bumisita dito sa...malaking opisina mo." 

"Hindi ko ito opisina, Josephine. Pinastay lang ako dito ni papa para maenganyo sa aking trabaho. Tsaka...kumusta na ba ang buhay mo nung naghiwalay tayo?"

"Wala lang. I'm just...happy..na naghiwalay tayo. Ikaw nga ang nagsabi sa akin noon, di ba? Pero, I won't forget what I have told you before."

"Na ano?"

"Babalikan kita hangga't mabuo ang ating relasyon. Narinig mo ba iyon?"

"Hindi. Kaya't umalis ka na. Baka makita ka pa ni papa. Baka ano naman ang galit niya sa akin. Kaya't umalis ka na."

"What? Ang dali-dali mo palang paalisin ako, ha? No way! I won't leave here in this office kung hindi mo matandaan ang sinasabi ko. I want you to fall in love with me back! Understand?" 

Pagkatapos ng kanilang usapan, biglang umalis si Josephine at pumunta sa exit. Naiba ang reaksyon ni Joshua dahil gusto ni Josephine na magkabalikan silang dalawa sa huli. Ngunit dahil sa kasunduan mula sa kanyang ama, sumunod siya at nagdesisyon siyang maghiwalay silang dalawa dahil gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

Sa bahay ng kambal, nanood ng teleserye sina Janine at Janina sa TV. Paborito kasi nilang panoorin sa telebisyon ang "Princess and I". Habang sila'y nanood, sumalubong sa kanila si Charie. 

"Charie, halika. Nood tayo ng Walang Hanggan! Naku! Ang ganda-ganda ng storyline, ano?" sabi ni Janina.

"Oo nga, sama ka dito sa upuan. Nood tayo! Sige na, pinsan. Please?" tanong ni Janine.

"Uh, Janina. Janine..mayroon akong sasabihin sa inyo. Sandali lamang ito, eh? Can you listen?"

"Sure. Mayroon nga kaming mga tainga, eh! Haha..ano iyon, pinsan?" sabi ni Janina.

"Nagtext kasi si Joshua na...magkaroon kami ng date sa isang restaurant. Sa Powerbooks kami magkikita ngayong oras na ito. Pero, hindi kayo sasama sa akin sa lalakarin ko dahil alam niyo naman na itututor ninyo si...Andrei ng wikang Tagalog, di ba? Kaya't ako muna ang mag-isa." paliwanag ni Charie.

"That's okay, pinsan. So, ingat ka palagi, ha? Okay?"

"Sige, sige. Aalis mo na ako, ha?"

"Sige, buh-bye." sabay paalam ng kambal kay Charie. 

Umalis na ng bahay si Charie para sa unang date nila ni Joshua. Sumakay siya ng taxi at pumunta sa isang mall. Nang makalipas ng ilang oras, nakarating agad siya sa Powerbooks. At sa wakas! Nakita na niya si Joshua. Ang suot lang ni Charie ay pambabae na imbes na suot panlalaki. (Char! Naglevel up na!)

Nakita na ni Joshua si Charie na nakasuot pambabae. Nagandahan siya sa ayos ni Charie dahil first time niyang makita si Charie na naka-suot pambabae at make-up din. Sa sarili ni Charie, mukhang hindi siya nagustuhan. Ginawa lang niya para subukan ang kanyang pagkamatino.

"Wow! Is that you?" sabi ni Joshua.

"Uh...Yes, Joshua. So, date na ba tayo? Kung papayag ka sa tanong ko, saan ba tayo magdinner? Kasi, sabi mo na mag-dinner tayo, di ba?"

"Yeah. Sa Chinese restaurant tayo magdinner. Okay?"

"Sure." sagot ni Charie.

Pumunta sina Joshua at Charie sa Mushu restaurant. Doon kasi ang kanilang dating place at doon sila maghapunan. Umupo silang dalawa nang harapan.

"Kumusta ang work mo, Joshua? Is it fine?" tanong ni Charie.

"Oo naman. Tutal, nagsisimula pa akong gumawa ng presentation sa work." sagot ni Joshua.

"Wow, dude! Ano bang klaseng presentation? isang TV Commercial? Naku, sali mo ako diyan, ha?!" biro ni Charie.

"Hindi, Charie. Isang financial report sa aming kompanya. And, kamusta ka na din?"

"Okay lang, Josh. Happy time. Tsaka, unang date pa lang tayo sa Mushu restaurant. Di ba?"

"Yeah. What are your likes and dislikes in music? Ako, mahilig ako sa mga songs ni Michael W. Smith, mga James Ingram, Michael Bolton at tsaka mga Richard Marx. Pagdating sa rock, gusto ko sa mga songs ng Hinder. Ang ayaw ko ay mga Miley Cyrus at saka Led Zeppelin. Nakakairita sa tainga, eh."

"Ah...okay. My favorites were rock. Heavy!"

"What?! Oh ho ho...."

Patuloy ang kanilang mahabang usapan hangga't kumain ang kanilang dinner. Sabay sabay silang kumain at uminom ng kanilang wine. At sa huli, nagsimula ang kanilang unang tampuhan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
ann1914
#2
Ohh! Filipinovela >.< I hardly see Filipino fanfics~ Galing :D
Babasahin ko mamaya kasi busy pa ako ngayon ^^
Good Luck! Babalik ako mamaya xD