Chapter 5

You'll Be In My Heart

"Ah, talaga? Eh, ano bang hitsura niya? Siguro, y siya. Because I've observed in the pocketbooks that ang y girl palagi ang ex sa story. Nagbabasa ka ba ng mga pocketbooks?" tanong ni Charie.

"Hindi. Wala kasi akong panahon na magbasa ng libro. Alam ko namang busy ako sa ginagawa kong trabaho doon. Tsaka nga pala, Charie. Ba't lumipat ka dito sa Pilipinas?" sabi ni Joshua

"Gusto ng parents ko na maging matino ako. Eh, hindi ko kayang maging matino doon dahil girlfriend akong kasama..."

"Dito? May girlfriend kang kasama dito?"

"My girlfriend is in Australia. She's not around yet. Pero kung magkita lang kami, ipapakilala ko sa iyo nang personal."

"Wow, Charie. Polite ka talaga sa girlfriend mo, ano?"

"Hehehe...Kamusta na ba kayo ng girlfriend mo?"

"Uh..." ani Joshua.

Mukhang hindi magsalita si Joshua sa tanong ni Charie dahil nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ito.

"Uy!" damdam ni Charie kay Joshua.

"Sorry, ah. Hindi ko sasagutin ang tanong na iyan. Baka..maiinis siya sa iyo."

"Ano ka ba? Hay...sige na nga. Ayoko nang tanungin iyan."

"Okay. Ano bang pangalan ng kasintahan mo doon sa Australia?" tanong ni Joshua.

"Mikmik" sagot ni Charie nang diretsahan.

"Mikmik? Mukhang pareha-pareha yata ang salitang yan sa pagkain. At ano ba ang totoo niyang pangalan?"

"Mikaela." sagot ni Charie.

"Ah...Mikaela pala ang totoo niyang pangalan. Tawag mo pala sa kanya ay Mikmik. Hahaha..." biro ni Joshua sa kanya.

"Huwag ka ngang masyadong tumawa..." sabi ni Charie habang hinampas niya si Joshua sa masel gamit ang kanyang kaliwang kamay. Nararamdaman nila ang kanilang pagtitig sa isa't-isa. Biglang tulala si Joshua sa kanya dahil nagsimula nang tumibok ang kanyang puso. Nang matapos ni Charie ang paghampas...

"Sorry, Joshua. Hindi ko sinasadya na gawin iyan, ha?" patawad ni Charie.

"Okay lang iyon." sabi ni Joshua. Matapos ang kanilang pagpapatawad, yumuko muna siya at ngumiti.

Ilang oras lang, nagpaalam silang dalawa dahil kailangan na silang umalis at umuwi sa kanilang mga bahay."

"Sige, Josh. Mauna muna ako, ha? Nag-antay kasi ang mga pamangkin ko sa exit." sabi ni Charie.

"Same to you. Nag-antay si Andrei sa labas din. So, see you soon." sabi ni Joshua.

"See you soon, too. Buh-bye, Josh." paalam ni Charie.

"Bye, Char." paalam din ni Joshua. At sabay silang umalis ang dalawa sa exit ng food-court.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
ann1914
#2
Ohh! Filipinovela >.< I hardly see Filipino fanfics~ Galing :D
Babasahin ko mamaya kasi busy pa ako ngayon ^^
Good Luck! Babalik ako mamaya xD