Chapter 3

You'll Be In My Heart

Sa bahay ng kambal, naka-upo sa sofa si Janina. Sa sala, makikita mo ang kanilang dingding na ang kulay ay beige. Something added with stripes para maganda ang pagkaemphasize ang kanilang sala.Mukha niya'y naiinis na dahil sa galit ni Andrei sa kanya.

"Nakakainis talagang si Andrei! Nakakainis siya talaga! Ayaw niya akong tigilan. Tungkol na naman sa tutorial namin. Sinabihan ko naman siya na mamaya o...sa susunod na linggo kami magtututor ng wikang Tagalog."

"That's okay, Janina. Wala namang masama doon tungkol diyan. Tsaka nga pala, bakit sobrang init ng ulo mo about sa lalakeng yan? Ano bang hitsura niya? Parang si Coco Martin?" tanong ni Janine.

"So, sino tong si Andrei?" dagdag ni Charie habang nagdala ng snacks.

"Uh...si Andrei ay isang.." ani Janine.

"Isang alien na di marunong magsalita ng Tagalog. Galing siya sa ibang planeta. Siguro, galing siya sa planetang Pluto!" galit ni Janina.

"Huwag ka ngang ganyan, Nina. Huwag mo namang siyang insultuhin. In fairness, cute na Chinito siya. Tapos, mayaman siya at may mga babaeng nililigawan niya." sabi ni Janine.

"You mean, palakero siya or chickboy?" sabi ni Charie.

"Ganyan nga! Ayoko kasi sa mga taong nagmamarunong katulad niya! Nakakahigh-blood!" galit ni Janina.

"Hay naku, Nina. Ewan ko nga sa iyo. Kausapin mo na lang siya nang maayos para kayo'y magkakaunawaan. Para wala nang mangyaring gulo. Di ba?" sabi ni Janine.

Hindi na sumagot si Janine sa sagot ng kanyang kakambal. Ilang oras lang, umuwi sa bahay ang kanilang tatay na si Dennis.

"Hello, mga anak." bati ni Dennis sa kambal nang biglang makita niya si Charie na iba ang kanyang hitsura.

"Charie...?? Ah-ah...Ikaw ba yan? I mean, is that you? What happened?" gulat na tanong ni Dennis.

"Hi, Tito! its a long story. Pinadala kasi ako dito ng parents ko from Australia." sagot ni Charie.

"Ah! Ganon pala. Binanggit ng mama mo sa akin tungkol diyan. So, welcome to Bacolod! Hihihi.." tawa ni Dennis.

"O, kumain na ba kayong tatlo? Eto, mga anak. May dala akong lechong manok at saka liempo. Kain muna tayo kasi alas sais ng gabi. Hindi pa kasi ako kumain ng hapunan." dagdag pa niya ito.

"Uh, tay. Tapos na pala kaming kumain." sabi ni Janine.

"Yes uncle, we ate already" sabi ni Charie.

"Ah, ganon? Eh sino bang gumastos sa hapunan ninyo sa restaurant?" tanong ni Dennis.

"Si...Kuya Danny. Nakita niya kasi si ate Charie. Sabi pa niya sa amin nga maganda raw. Ewan ko hindi niya napansin na isa pala siyang tomboy." sagot ni Janina.

"T-talaga? Eh, sige, mga anak. Kain mo na ako sa hapunan ko, ha? At ikaw, Charie. Welcome home! Huwag kang mahiya dito, ha? Nood muna kayo ng TV, ha?" tanong ni Dennis.

"Sure thing tito!" sagot ni Charie sabay wink.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
ann1914
#2
Ohh! Filipinovela >.< I hardly see Filipino fanfics~ Galing :D
Babasahin ko mamaya kasi busy pa ako ngayon ^^
Good Luck! Babalik ako mamaya xD