Chapter 2

You'll Be In My Heart

Habang nag aantay sina Janina at Janine sa pagdating ng kanilang pinsan na si Charie. May nakita silang taxi na paparating, na excite ang dalawa pero nawala ang excitement nila nang makitang huminto ang taxi sa kanilang kapit bahay.

" Akala ko ay si ate Charie yun" bulong ni Janine sa sarili. 

Pero, pag baba ng isang pasahero, biglang nag duda ang dalawa. Nakita nila ang isang tomboy na kamukhang kamukha ni Charie. 

"ATE CHARIE !!! " Sigaw ni Janina

Napalingon si Charie at sinabing " Janine, is that you? is your father at home?" kay Janina

"It's Janina ate Charie, and father is at work right now but he'll be back later, you.... come here inside and take a rest. I know you're tired from you're flight" sagot ni Janina

"nakapag sasalita ako ng tagalog, konti. But I know bisaya. Kayo dalawa, you look really alike, I can hardly tell kung sino si Janine at Janina" Sabi ni Charie sa magkapatid sabay upo sa sofa

Nag kwentuhan ang tatlo hanggang tumunog ang cellphone ni Janina

"Janina, where are you right now? I told you last night, I will be tutored by you today" galit na sabi ni Andrei

"At nakalimutan mo rin ata...,erm I mean, You already forgot what I told you last night? My cousin from Australia will be coming home. Can't you just reconsider it?" medyo galit na sabi ni Janina

"Okey, but we will meet next week, since my cousin will be coming also here, get it?" sabay baba sa cell phone

 Si Andrei Chong ay ang Studyanteng tinututoran ni Janine at Janina, Half Chinese kasi siya  at dahil matatalino ang Kambal, minabuti nilang mag part time job bilang Tutor sa lingwaheng Filipino upang maka tulong ng kahit konti sa kanilang pamilya.

Samantalang si Charie ay pinalipat sa Pilipinas ng kanyang mga magulang na galing sa Sydney para tumino. Dati kasi, si Charie ay babaeng babae kung mag bihis at umasta, pero bigla nalang itong nag bago pagkatapos niyang mag break sa kanyang nobyo na taga Australia din. Kaya't ngayon ay naging Tomboy ang dating mala anghel na si Charie.

Sa kabilang dako naman, Si Joshua Dee, isang instik at anak ng may ari ng malaking Kompanya sa Laguna, ay kinakausap ng kanyang ama tugkol sa investment nila sa isang kompanya sa Bacolod.

"Joshua, Ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa ating kompanya, kaya't pupunta ka ng Bacolod upang mag manage ng kompanya ko doon. Andun din naman ang pinsan mong si Andrei, makikitira ka sa kanila don" sibi ni David sa anak sa wikang intsik

"Pero dad, paano na kayo dito? Wala ka nang katiwala dito." apela ni Joshua

"Susunod ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo. I already told Andrei about this. napabook nadin kita ng flight going there. Don't worry, binilihan ko kayo ni Andrei ng bahay doon since ang parents ni Andrei ay nasa China at inaasekaso ang kanilang restaurant don. I'll Provide everything you need. In Exchange, wag kang mag loloko don. Don't fall inlove there. magiging harang lang sa negosyo ang pag ibig na yan" sabi ni David

"Okey dad, alam mo naman kaka break lang namin ni Josephine last month. Siya ang nakipag break sa akin, alam mo naman gaano ko kamahal si Josephine. Trust me, I will not fall inlove there" sagot ni Joshua 

"I trust you, remember your words" sabay smile na sagot ni David

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
ann1914
#2
Ohh! Filipinovela >.< I hardly see Filipino fanfics~ Galing :D
Babasahin ko mamaya kasi busy pa ako ngayon ^^
Good Luck! Babalik ako mamaya xD