Chapter 8

My Beautiful Nightmare

 

 ***Chapter 8***

 

"Who the hell is this?"

 

Hindi ko alam kung sino yung nag-text sakin. Ang sabi lang sa text,

 

'Tatawag ako sa'yo sagutin mo! Patay ka sakin pag-di mo sinagot, Ms. Juice!'

 

Fr: _____'

 

Ayun, ako naman si tanga sinagot yung tawag niya.

 

"Hello? Sino 'to?"

 

"Sino sa tingin mo?"

 

"Hindi ako manghuhula kaya wag mong sayangin oras ko. K. Bye--" I-e-end ko na sana kaso...

 

"Teka lang, KAILA! Keith 'to. Gusto ko lang ipa-alala sayo na matulog ka ng mahimbing kasi for sure eto na ang last na makakatulog ka ng peaceful. Kuha mo? "

 

"Unang-una pangalan ko ay 'LYKA' hindi KAILA! Pangalawa, Anong trip mo? Pangatlo, wala akong pakelam sa non-sense na pinagsasabi mong yan! KAYA PWEDE BA MATUTULOG NA AKO! IKAW NA ANG NAGSABI! AT TYAKA SIMULA NUNG NAKILALA KITA HINDI NA AKO NAKAKATULOG NG MAAYOS. DON'T RUIN MY NIGHT! SINIRA MO NA BUONG ARAW KO HINDI BA PWEDENG PAHINGA MUNA AKO SA GABI?!!!! AISH~ JINJJA BABOYA!!" Nanggigigil na ako sa lalaking 'to. (Jinjja Baboya= You're really an idiot!) Binaba ko na yung tawag pero…

 

"Sweet dreams!" Pahabol niyang sinasabi at naririnig ko pang tumatawa siya. Pano niya nalaman number ko? Sa kapatid niya kaya? IVY, WHY DID YOU GIVE MY NUMBER TO YOUR STUPID BROTHER? -____-

 

Ilang saglit lang, nagring na naman yung phone ko... Ugh! ANO BA?! >,<

 

"ANO NAMAN BANG PROBLEMA MO?"

 

"Ah,,, errr. Sorry, naistorbo ba kita?" OHMYGOSH! Nag-iba na yung boses at nasigawan ko pa. Sino na naman 'to?

 

"Oh sorry! Sss...Sino po 'to? Akala ko kasi yung isang asungot ulit yung tumatawag..." Napakagat ako ng labi. Bwisit kasi si Keith eh!

 

"Ahmm... si Louie. Sige pasensya ka na ha, tulog ka na."

 

"No."

 

"Huh?"

 

"I mean, hindi pa ako inaantok. May sasabihin ka ba?" Actually, antok na ko. Pero si Louie yan eh. Go lang! -_-

 

"Right. Errr... hindi kasi ako makatulog eh. At tyaka, gusto ko lang sanang tanungin kung ok ka na ba? Kasi nung Friday, feeling ko masakit ata ulo mo..." Oha? Nag-aalala oh. Anu yan?

 

"Ok na ako, Louie. Hindi naman talaga masakit ulo ko nun eh, ikaw talaga...AYYY! HINDI PALA AKO OK! SOBRANG PINAPASAKIT ANG ULO KO NI KEITH." Narinig ko siyang tumatawa nun.

 

"Pasensya ka na kay Keith. Mabait talaga yun, kahit na medyo may pagka-childish siya. Gusto ko sanang kausapin ka, kaso mukhang badtrip ka kanina...so..." BADTRIP? Sana kinausap niya na lang ako para mawala pagka-badtrip ko.

 

"MABAIT? WEH DI NGA? MEDYO MAY PAGKA-CHILDISH? BAKA UBOD KAMO NG CHILDISH." Tumawa kaming dalawa na parang sira. Ang cool ng boses niya, pero mas cool sa personal.

 

"Saan mo nga pala nakuha number ko? Atyaka, ang yaman mo naman sa load, sinasayang mo load mo sakin."

 

"Kay Ivy ko nakuha. Tinext ko siya. Ano ka ba? Ok lang, basta ikaw." Basta ako daw oh, tama ba naririnig ko?

 

"Louie, may problema ba? Wag kang mahiya sakin kung meron man. Andito lang ako... kahit na halos 1 week pa lang tayo magkakilala." Para kasing malungkot yung boses niya kaya ko natanong yun.

 

"Wala... Gusto ko lang marinig boses mo. At tyaka I feel comfortable with you, Lyka. I know, it's stupid to ask you this but...Can I be your boyfriend?" BOSES KO DAW? KOMPORTABLE SIYA SAKIN? GANUN DIN AKO SAKANYA. AT ANG SHOCKING SA LAHAT...WHAT THE? BOYFRIEND?

 

"Lyks, andyan ka pa ba?" Ako naman eh, natulala. Maya maya, narinig ko na lang na tumatawa siya.

 

"Hahahaha. What I mean is ,LALAKING KAIBIGAN. 'BOY' 'FRIEND' Gets mo ba? Pasensya na mali yung term na nagamit ko. Pero ano... What do you think?" Ok na eh. Lalaking kaibigan. Fine. Pwede bang lalaking KAI-bigan na lang. Ok lang din sakin. Biro lang. Haha

 

"Ahhh... Sus! Oo noh! So friends?"

 

"Friends. Ayos! Sige kita na lang tayo bukas. Salamat sa time mo!"

 

"Sure, wala yun..."

 

"Good night and sweet dreams, new 'GIRL' 'FRIEND' ko..." Hindi niya alam kung gano ako napapangiti sa sinasabi niyang yan. Para kasing kami na na hindi naman. Asa pa ako. I hate this feeling.

 

"Right...'BABAENG KAIBIGAN' mo na nga pala ako! Sweet dreams din sayo, lalaking kaibigan ko." Naki-sakay na lang din ako sakanya.

 

Ayun…binaba ko na din yung phone. Iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ni Keith sa mga sinabi niya. Pero bakit ko pa yun iisipin, eh napaganda na ni Louie ang gabi ko. We're officially friends. Finally, bagsak na ako sa kama ko nun, antok na eh. Papasok na naman bukas... Hayyyy.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH