Chapter 3

My Beautiful Nightmare

 

***CHAPTER 3***

 

“First Day of School”

 

 

First Day of School at St. Mary’s High (S.M High) June, Monday.

 

 

“FATIMA! GUMISING KA NA NGA DIYAN!!!!!!!!!!” Nauna na akong nagising, nagpagising kasi ako kay ate kring.

 

“Errrr….5 minutes. Pwede?” 5 minutes na naman?! Kanina pa yan nakaka 30min. na siya. Nakaligo na ako lahat lahat, siya tulog pa rin. Ganyan ba talaga epekto ng heartbroken? Pati-first day of school kailangan madamay? Ayoko ma-late.

 

 Winisikan ko nga ng malamig na tubig ang bruha. “What the?! Eto na nga eh, mag-aayos na!”

 

 “Good.” Sabi ko naman.

 

Naglakad na lang kami papuntang school, nasa loob naman ng subdivision yung S.M High eh. Navy Blue uniform namen. May blazer, white na polo, necktie, knee high socks. Tapos kung gusto mo mag palda o kaya mag-trouser na black, basta depende sayo. Alam ko, blazer?! Eh ang init sa pinas. Lol. Siyempre may aircon sa loob ng room, pwede mo tanggaling yung blazer, pero actually hindi naman gaano kakapal yung blazer eh, kaya tama lang.

Pagdating namin ng school, siyempre madami ng estudyante. 8:30am start ng klase. Tinignan namin yung bulletin board kung saan naka-post kung anong section mo. Bigla na lang may lumapit sa amin at nagtanong.

 

“ATE! DITO KA RIN PALA NAG-AARAL PERO BAKIT NGAYON LANG KITA NA KITA?” Sabi nung babae, pero bakit parang pamilyar siya. Nagkita na ba kami dati? Tiyaka ate?! Close na ba kami?

 

“Ah..errr. Sorry?” Yun na lang ang nasabi ko. Si Fatima siniko ako at takang-taka na sa amin dalawa. Aba! Malay ko noh?!

 

“Oops! HAHAHAH Sorry. Natawag kitang ‘ATE’ teka hindi mo na ba ako kilala? Kaka-meet palang natin last week sa may party ah…” OHMYGOD! Siya yung pretty girl doon sa party na nagsara ng bunganga ko. Ok. I don’t even wanna remember that because it’s so embarrassing. Errr.

 

“OMG! Ivy, right? Sorry!” Hindi ko talaga siya nakilala. She looks different sa uniform niya. She’s prettier ngayon kesa sa party.

 

“Hehe. Ok lang. Sige tignan niyo na yung pangalan niyo…” sabi ni Ivy.

 

Nang hinahanap namin yung pangalan namin ni Fatima…OMG! Magkaklase kami! YEHEY!!!!!!! Ansayaaaaaaa. ‘4th year A*’ kami. Ibig sabihin ng ‘*’ sa A, eh ‘Star’. Ibig sabihin magkaiba ang ‘A*’ sa ‘A’. Mas mataas yung ‘A*’, pagkatapos noon eh, B, C, D, E…Gets? Aba napasama pa kami doon, biruin mo yun. Haha

 

 

“4TH year na pala kayo? Akala ko pa naman third year!” Sabi ni Ivy, malungkot. 3rd year pa lang pala siya…

 

“Oo eh…Ako nga pala si Fatima.” Sabi ni Fatima.

 

“Oh. Lyka, Fatima, If you don’t mind, Pwede ko ba kayong tawaging ate?! Tutal, 4th year na naman kayo eh? Antagal ko na kasing gusto magka-ate eh…”

 

“Oo naman!” Haha. Sabay pa kami ni Fatima na nagsabi.

 

“Ayos! Tara hatid ko na kayo sa room niyo.” Yes. Hindi na kami maliligaw. May-tour guide na kami.

 

Nasa 4th floor yung room namin. Enfairness. Sobrang laki ng school na eto. Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa room. Tamang-tama nag-ring na rin yung bell.  May nakatayo na doon sa harap ng room yung teacher, kami ata yung hinihintay.

 

“Dito na kayo, Dadaan ako dito mamayang break/recess. Bye!” Iniwan na kami ni Ivy. Half-day lang kami kasi first day of school nga diba.

 

“Hi girls, I guess, kayo yung new student dito. Ako nga pala si Mrs. Gonzales, adviser ng 4th year A*. Halina kayo, papakilala ko na kayo!” pumasok na kami sa loob. Grabe ang ingay nila pero enfairness, malinis yung room, kahit na sobrang ingay. Ganun ba nila na-miss ang isa’t isa?!

 

“4th year A*, will you please be quiet?!” Tumahimik sila. Bakit sobrang gulat sila nung nakita nila kami?

 

“You have a new classmate. I know, alam kong nagulat kayo, kasi bihira lang ang new student na nakakapasok sa A*, partida 4th year pa, eh bawal yun. These girls, mataas yung grades nila kaya naman, napagdesisyunan ng board eh, dito na rin sila.” Kaya naman pala sila nagulat eh. Biglang nabasag ang katahimikan at nagbulungan sila.

 

“This is Ms. Lyka Hernandez and Ms. Fatima Cortez. A*, please be good to them, ok?” May narinig akong kung ano-ano ‘Subukan lang nila landiin si…nang makatikim sila sakin’ Sino naman yun? Oh, well. I don’t care. Meron din ‘They look like a twins’. Ilang beses ko na yan narinig yan, psh.

 

Pina-upo na kami. Si Fatima doon sa may gilid ng 2nd row pinag-gigitnaan siya ng dalawang babae. Ako naman doon sa dulo sa gitna ng 4th row na may 3 empty chair, doon ako sa gitna. Awww, hindi kami magkatabi. Teka, bakit wala akong katabi, mapa left o sa right ko, wala? Psh.

 

Wala naman kaming ginawa, nagdiscuss lang yung teacher ng rules and regulations blah blah blah. Buti pa si Fatima may kausap na. Ako, wala. Alangan naman kausapin ko yung dalawang upuan na wala namang tao.

 

Dinaanan nga kami ni Ivy nung break, sobrang crowded ng canteen, nakakabwisit. 10:00am recess namin.  Si Ivy nauna nang pumila. Ako naman, nawalan na ako ng gana,

 

“Fatima! May sandwich ka naman diba?! Wag ka ng bumili. Tara na!” Nung nahawakan ko na yung kamay niya hinatak ko na si Fatima papalabas. Hindi pa rin ako lumilingon noon, patuloy parin kami sa pagtakbo, hanggang papalapit na kami sa may garden para umupo sa may bench. Bigla na lang…

 

“Miss, yung kamay ko.” Sabi niya.

 

“Anong miss ang pinagsa--” AISH! ANAK NG TIPAKLONG! Napatakip ako ng bibig ko. Teka sinoto?! Nasan si Fatima! Iba yung nahatak ko. At LALAKI PA. NAKAKAHIYA YUNG DIGNIDAD KO. -_- (*Aish=Korean expression)

 

“Oh my gosh. I’m so sorry, hindi naman kasi dapat ikaw yung hahatakin ko eh, yung kai--” pinutol na niya yung sinabi ko.

 

“Hahaha. Okay lang, naiintindihan ko, sobrang crowded yung canteen so…Ako nga pala si Louie. Louie Cruz. Ikaw anong pangalan mo?” Tumatawa siya, ang cute niya. May dimples pa siya. Nakakahiya yung ginawa ko, ang tanga ko. Bakit parang pamilyar na naman siya. Buti naman at na-appreciate niya yung sorry ko, hindi katulad ng iba jan.

 

“Lyka Hernandez.” Inabot niya sakin yung kamay niya para makipag-shake hands. For the second time na nahawakan ko yung kamay niya, I feel like nakoryente ako. Ano yun?

 

“Bago ka dito noh? Ngayon lang kasi kita nakita eh.” Nilagay na niya yung dalawang kamay niya sa bulsa niya.

 

“Huh? Ako? Oo.” Bigla na lang may tumawag sakanya 2 lalaki, kaibigan niya ata.

 

“Louie! San ka ba nagpunta? Halika na nga! Nambababae ka na naman! Tsk” Sabi nung isang lalaki, enfairness yung 2 lalaking yun eh, may ichura.

 

“Sira ulo! Papunta na diyan.” Sabi ni Louie. Nakangiti na naman siya. May something sa ngiti niya. Killer smile kung baga.

 

“Sige una na ko. Nice meeting you.” Tumakbo na siya papunta sa mga kaibigan niya. Tapos bigla na lang lumingon siya ulit at sinabing,

 

“MISS LYKA! SINTAS MO!” Oh yes. May sintas yung black shoes ko, nakakainis ‘to parati na lang natatanggal. Tapos nagsmile siya ulit. Teka, TEKA! OMG!!!!!!!!!!! NAALALA KO NA!!!!!!!! SIYA YUNG LALAKI NA NAKITA KO SA PARTY NA MUKHANG PRINSIPE. Ngayon ko lang na-aninag nung nasa malayo siya. Tanga ko talaga at sobrang nakakahiya na.

 

May narining akong nagsabi ng ‘Ang landi naman yan, first day na first day may kinakalantari. At si Louie pa, my gosh!’ ANO NA NAMAN BA ANG NARIRINIG KONG YAN?! PAG MAY KASAMANG LALAKI MALANDI NA AGAD? DI BA PWEDENG ALAMIN MUNA NILA YUNG NANGYARI BAGO AKO HUSGAHAN? Hindi ko na lang sila pinansin baka pag pinatulan ko sila, makalbo sila sakin.

--

 

Nung pabalik na ako ng classroom nakasalubong ko sina Fatima at Ivy, naglalakad at kumakain.

 

“Lyka. San ka ba nagpunta? Bigla ka na lang nawala?” Tanong ni Fatima.

 

“Oo nga, ate.” Sabi ni Ivy.

 

“Ako? Wa-wala.”

 

“Ah….Kaya pala kasama mo si Kuya Louie. Anong meron?” Tanong ni Ivy. . Kilala niya si LOUIE?! Buti na lang at hindi niya nakita na tinititigan ko si Louie sa party. Kung hindi baka inasar na ako neto. Nanduon kasi sila sa may 4th floor at tanaw na tanaw doon ang garden ng school. Buking na ko. At kailangan kong sabihin sa dalawa yung nangyari. So sinabi ko na aksidente kong nahatak ko si Louie na dapat si Fatima.

 

ABA! PAGBABATUKAN KO ‘TONG DALAWANG TO. TUMAWA BA NAMAN NA PARANG WALANG BUKAS NA WAGAS!

 

“SHUT UP! Sinabi nang aksidente yun at siyempre crowded kanina sa canteen!!!!!”

 

“Bakit hindi mo kasi napansin na iba na pala yung hatak hatak mo?! Timang ka talaga.”

 

“Ano ba?! Parang babae yung kamay niya, parang sayo lang, Fatima. Actually, mas makinis yung kamay niya. Di tulad sayo puro kalyo!” Inasar ko nga siya, pero hindi naman yun totoo eh. Grabe. Seriously, sobrang soft ng kamay niya at ang lamig.

 

“Ang kapal! Hindi noh!” Napatawa tuloy si Ivy. Haha.

 

“Oo nga pala Ivy, bakit kilala mo yung Louie? Tiyaka bakit tawag mo sakanya, kuya?” Natanong ni Fatima, naunahan niya ako itanong yun. Curious din kasi ako eh.

 

“Ah…Kababata namin siya ng kuya ko…kaya ayun.” Sabi ni Ivy.

 

Nag-ring na yung bell, ibig sabihin noon meron na lang kaming 5 minutes para bumalik ng classroom. Bumalik na kami sa kanya kanyang room namin. Nung pagpasok ko ng classroom, aba may nakaupo na sa left side ko! DOES THAT MEAN LATE SIYANG DUMATING?! SPECIAL? Tiyaka, siya yung tumawag kay Louie kanina. Oh well… Pumunta na ako sa upuan ko.

 

“Wow, so I guess you’re one of the new student na nakapasok sa A*! Teka?! Asan yung isa?” Hinanap niya si Fatima, tapos tinuro. Bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Anong problema nun? Ang sama ng tingin ni Fatima, Lol. Anong meron sa dalawang ito? Napangiti na lang ako, mukhang may naamoy ako ah…something ‘love’ thingy…Bagay sila, ang cute nila pareho tignan.

 

“JUST. SHUT. THE. . UP” Sabi ni Fatima. Kailangan ikwento niya sakin ito mamaya.

 

“Oh, well.” Humarap na yung lalaki sakin, at tumigil na sa kakatawa.

 

“My name is Khalyl Villena. Anong pangalan mo, binibini? Haha, too formal, pasensya na. Alam mo wag kang makikipagkaibigan dun sa babaeng yun..kasi..she’s too clumsy, baka mahawa ka!” Tinuro niya si Fatima tapos tumatawa na naman siya.

 

“Errr, she’s my cousin and my bestfriend so…” Nanlaki mata niya nung sinabi ko yun.

 

“Sorry.”

 

“Nahhhhh. It’s okay. Lyka Hernandez po, ginoo!” Nagpaka-pormal na din ako.

 

“You don’t have to be formal though. I was just jokin’. Nice meeting you, Lyka. Bakit mo kasama si Louie kanina?” Nagtawanan kaming dalawa. Pero, nawala ngiti ko nung nabanggit niya yung pangalang ‘Louie’.

 

“Ah...errrr ano kasi…” Sinabi ko na sakanya yung totoo.

 

“Oh. Tsk.” Umiling siya tapos napatawa. ANO BA HINDI BA PWEDENG MAGKAMALI?

 

Dumating na yung teacher, kaya nagsibalikan na sila sa mga upuan nila. Hindi nagtagal dinismiss na kami. Naglakad kami ni Fatima pauwi, tutal malapit nga lang.

 

 

------

 

Pagdating namin sa bahay, tinanong ko na kung anong nangyari sakanila ni Khalyl. Pumunta kami sa kwarto niya. Tinapon niya yung bag niya sa sahig. Hindi naman halatang galit siya? Sabi ni Fatima, nung nag-cr daw siya kanina sa school, bigla na lang siyang nadapa. Nakita siya ni Khalyl at tinulungan.

 

“Oh, yun naman pala eh, tinulungan ka ng tao.”

 

“TINULUNGAN NGA NIYA AKO, PERO SABAY TAWA NG MALAKAS! TAMA BA YUN?! HAH! SABIHIN MO NGA SAKIN, LYKA?!” Natawa na lang ako sakanya. Kasi kahit ako eh, di ko mapipigilang tumawa.

 

“He’s nice naman ah… and cute though” He’s really cute. Seriously, Sabi ko nga nung tinawag niya si Louie, may ichura siya, pati yung kasama niya.

 

“Nice ka jan. Nakakainsulto kaya! BIRUIN MONG KAKLASE PALA NATEN YUN?! GRRRRR.”

 

“Nako. Tigilan mo ko, kahit sinabi mong ‘ininsulto’ ka niya alam kong ganun yung type mo no! Kaya aminin mo nang cute siya!” Pakipot pa. -_-

 

“Siya cute?! Kahit siya na lang ang natitirang type ko sa mundo, mag-iiba na lang ako ng type noh! Aish!” Nag-walk out ang lola mo. Kwarto niya to diba?! Haha Bigla siyang bumalik.

 

“Teka nga? Kwarto ko to diba? Bakit ako ang umalis?”

 

“Aba malay ko sayo. Eto na nga eh, aalis na po. Psh.”

 

Bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis. Inaantok na ako kahit 2:00pm pa lang. Pero, andaming nangyari ngayon! Nagkita kami ulit ni Ivy, naging kaibigan pa namin siya ni Fatima. Nakilala ko yung prinsipe ‘that night’ sa school, Louie Cruz. Siguro 4th year na din siya kasi tawag sakanya ni Ivy eh, kuya. Ewan ko, sa tingin ko lang naman yun. Ano kayang section niya? Grabe nakakahiya yung ginawa ko sakanya. Pero buti naintindihan niya ako. Nakilala ko din si Khalyl, he’s so nice. Yun nga lang nag-away sila ni Fatima!

 

 

I HAD A BLAST ON MY FIRST DAY!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH