Chapter 11

My Beautiful Nightmare

***Chapter 11***

 

Keith’s POV

 

***FLASH BACK

 

Nasa gym ako ngayon, naglalaro ng basketball, saglit lang naman ‘to dahil maya maya magta-time na. May mga kalaro din ako, kasama ko si Aaron at Khalyl, pati na rin yung ibang varsity player. Asan na ba si Louie? Ewan ko ba dun nawawala nalang bigla, samantalang tinext ko siya kagabi na pumunta ng maaga sa gym. Pumupunta ako dito ng maaga para makapaglaro, pero minsan lang naman, pwera na lang din kung may practice sa basketball. ANAK NG! Ganito naman lagi eh…ang aga aga andaming tao sa gym, karamihan babae. Nagtitilian pa, ang sakit sa tenga!

 

“Bro! Alam kong naririndi ka na…di ka na nasanay.” Sabi ng ka-varsity namin habang ipinasa niya sa akin yung bola. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

 

‘WAHHH! GALING GALING TALAGA NI KEITH MY LOVE! 3 POINTS NA NAMAN.’

 

‘OHMYGOSH, NAGSMILE SIYA SAKIN!’

 

‘PLEASE BE MINE!’

 

‘KEITH RAMIREZ! I LOVE YOU!!!!’

 

Mga naririnig ko ngayon sa gym. Araw araw ata ganito eh!

 

Napatigil ako sa pagtakbo, pano kasi may bigla na lang sumulpot sa harapan ko at tinapon yung mga papel sa mukha ko. WTH? Ano naman ‘to? Si Ms. Juice. Anong problema niya?

 

 "ETO BA? SALAMAT  HA? SIRANG SIRA NA REPUTASYON KO! ANO? MASAYA KA NA? ANG BABAW MO KEITH. ALAM MO BA YUN?" Pinulot ko yung papel na binato niya sa akin.

 

"ANO BANG PINAGSASABI MO? ANO 'TO?" ANO NAMAN BANG GINAWA KONG MASAMA? Nananahimik na naglalaro yung tao dito eh.

 

"WAG KA NG MAG-MAANG MAANGAN PA! PANALO KA NA! SO KUNG PWEDE LANG TAMA NA TIGILAN MO NA 'TO, TIGILAN MO NA KO!"  WHAT THE? ANO BA, HINDI NGA AKO ANG GUMAWA NITO. BULL.

 

"LYKA, PLEASE. I DON'T EVEN KNOW WHAT YOU'RE TALKING ABOUT, SO LEAVE." Ang aga aga, nagsskandalo siya, dito pa sa gym na maraming tao.

 

"ANONG HINDI MO ALAM? KAPAL MO. KAKASABI MO PA LANG KAGABI NA MATULOG AKO NG MAHIMBING DAHIL YUN NA ANG LAST PEACEFUL NIGHT KO. SO ETO BA? ETO BA YUNG IBIG MONG SABIHIN HA~~~" Talaga naman. Kanina pa niya ako sinisigawan. Walang taong nanigaw ng ganito sa buong buhay ko, except magulang ko.

 

"Hindi ka ba tatahimik? Andaming tao dito sa gym." Sinabi ko ng mahinahon.

 

“SHIREOYO.” Huh? Anong lenggwahe yun? ANAK NG! NASA PILIPINAS SIYA PWEDE BA! 

 

(a/n)Shireoyo=I don’t want/like in Korean.

 

I can’t stand her anymore, kaya binuhat ko siya papalayo. Kailangan niyang kumalma muna. Pinapalo niya yung likod ko, tsss…anong klase ba siya mamalo? Napaka-weak.

 

"HOY! CUTTING KAYO! BUMALIK KAYO DITO." Papalabas na kami ng school at sinaway kami nung guard, nagpapatulong pa si Lyka dun sa guard. Wala namang palag sakin yung guard na yun eh, kasi alam niya na yung magulang ko eh isa sa mga stockholder ng school na ‘to.

 

“PASENSYA NA MANONG AWAY MAGSYOTA ‘TO!” Pinalo na naman niya yung likod ko. Ano bang problema nito?

 

Gusto na niyang ibaba ko siya nun, pero ayoko. Kailangan namin mag-usap ng maayos kaya dinala ko siya sa park…malapit lang dahil sa likod lang ng school yun. Nung binaba ko na siya, di ko sinasadyang mailapag siya sa damuhan.

 

“Bigat mo. Mag-diet ka naman. Ok.  Dito sa walang tao, skandalosa ka, sa maraming tao pa talaga napilimo eh noh..." Di naman talaga siya mabigat. Trip ko lang siyang asarin, yung mukha niya kasi, nakakatawa pag naka-simangot.

 

"Skandalosa ka jan. Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa papel! Aish~ ambabaw mo kasi!" Eto nanaman siya dakdak ng dakdak.

 

And the conversation with her goes on. WALANG TIGIL YUNG BUNGANGA NIYA, PARANG GRANADA. DAMN IT! Nag-eexplain ako sakanya, sinasabayan niya. Ano ba naman ‘tong babaeng ‘to? Ang laki ng saltik sa ulo niya! Naririnig ko pa siyang bumubulong sa sarili niya.

 

“Wala, wala. Ituloy mo na bilis!” Eh ayun nga inexplain ko sakanya na di ako gumawa nun. Sinabi ko nga sakanya last night na baka yun na yung huling gabi na makakatulog siya ng mahimbing. Pinagtitripan ko lang naman siya nun eh. Wala kasi akong magawa sa bahay. Naisip kong tawagan siya para guluhin. Napag-isip isip ko na rin na mukha akong gago na sinasayang yung oras para sa isang katulad niya. Kaya sabi ko sa sarili ko, titigilan ko na siya. Pero WHAT THE F IS THIS? Pinagbibintangan niya ako na ako daw ang gumawa ng napaka-childish na isang bagay. Hindi ako ganun. Maglalagay ng karatula sa buong campus? Para siraan ang isang tao? NOT MY STYLE.   

 

"What? SERYOSO ka ba? Pero HINDI!!!! Hindi pa rin ako naniniwala dahil ikaw ang may matinding galit SAKIN dito."

 

" THIS , LYKA! SHUT IT!" Napuno na ako sakanya. Nagtatanong tanong, tapos hindi maniniwala. Nakakapikon…nagsimula na akong lumakad, nang maka-alis na dito.

 

"ANO BA BAT KA BA NAGMUMURA!" Ano bang pake niya?! Humarap ako ulit sakanya.

 

"BWISIT KASI! WHY DON'T YOU ING BELIEVE ME? EWAN KO SAYO!" Sana kasi alamin niya muna kung sino ang tunay na salarin, nang hindi siya nagbibintang ng iba. Nagpatuloy ako sa paglakad ko…pero naririnig ko pa ring sumusunod siya sa akin. Sa sitwasyon nami ngayon, nagagawa pa niya akong sundan.

 

"WHY DON'T YOU SAY SORRY MAN?!" I just smirked. SORRY ba?  I didn’t do anything wrong. Bakit ako magso-sorry? Ibang klase ‘tong babaeng ‘to. Malayo layo na rin yata ako sakanya, pero…

 

“Ouch!” Lumingon ako kung anong nangyari pero itong si Lyka, nadapa. Bakit ba ang tanga niya? Bakit kasi niya ako sinusundan. Para siyang bata, hinihipan pa niya sugat niya, hindi ko rin napigilan at napangiti ako habang tinitignan ko siya. Ano ba ‘tong nangyayari sakin? Makaalis na nga dito…lumakad na ako, pero KONSENSYA KEITH! KONSENSYA! YUNG ISIP BATA NADAPA! Kabagot ambait ko talaga. Wala na rin akong nagawa kaya lumapit na rin ako sakanya.

 

 “Lyka Hernandez, why so clumsy? Tsk tsk tsk.” Umiiling kong sabi. Inangat niya yung ulo niya para malaman kung sino yung gwapong nasa harap niya ngayon.

 

“Shut up--” Yun ang sabi niya. Tinignan pa niya ako ng masama. Tsss…Nag-bend ako ng kaonti para matignan yung sugat niya.Tumalikod ako pero naka-bend pa rin at sabay sabing…

 

“Sakay!”

 

“Hah? Ano--”

 

“Sabi ko sumakay ko sa likod ko.” Nag-aalangan pa siya…Ako na nga ‘tong nang-aalok ng tulong, namimili pa siya. Ang arte talaga…

 

“Eh.. No thanks…”

 

“SAKAY!!”

 

 “OH. OO NA NGA EH. ETO NA PO.” Sus. Bibigay din pala.

 

“Bigat mo talaga. Tsk.”

 

“Sino ba kasing may sabi na tulungan mo ako. Ibaba mo na nga ako~ bwisit ka!” Daig pa niya bulkan, nag-aalburuto na naman.

 

“Hindi mo kaya! Bahala ka!”  Binaba ko nga siya. BAKIT NAPAKA TIGAS NG ULO NANG BABAENG ‘TO? See? Isang hakbang pa lang tumba na naman siya. Buti na lang nasalo ko kaagad siya, kung hindi bumagsak na sana siya. I grabbed her waist and pulled her close, she looks up at me with her innocent brown eyes. I smirked at her. So, brown pala mata niya at wala akong pakelam…tsss. Pumwesto ako ulit para makasakay siya sa likod ko.

 

Hanggang sa dinala ko siya sa bahay. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya dinala dun sa bahay samantalang malapit lang naman yung clinic. Dinala ko siya sa kwarto ko, pina-upo sa may kama ko. Akalain niyo bang nag-panic siya nung nagtatanggal ako ng blazer at polo. Kung di ba naman madumi ang isip niya, pinagkamalan niyang may gagawin ako sakanya. Para namang pagnanasaan ko siya. Hindi ba niya na-realise na binuhat ko siya mula park hanggang bahay? Pawis na pawis ako, pwede naman sigurong magpalit diba. Ano pa nga ba? May saltik nga diba?

 

Kinuha ko yung first aid kid sa may banyo. Tyaka ginamot siya. Habang pinupunasan ko ng bimpo yung sugat niya, alam kong nakatitig siya sa akin. Sabi na eh, siya yung may pagnanasa sa akin. Nag-dedeny pa siya, kaya diniinan ko yung paglagay ng cream sa sugat niya. Umamin din na gwapo ako. Hahaha. Nagpasalamat at hinihingan pa rin niya ako ng ‘sorry’. Gusto pa niya atang alamin ko kung sino gumawa nun eh. Bakit nga ako mag-sosorry eh wala nga akong ginagawang masama? Napatingin si Lyka sa mga pictures na nakalagay sa table.

 

“Is that your girlfriend?” Tanong niya habang tinuturo niya yung isang picture. Ano bang pake niya?  Hindi ko siya sinagot. Nabwisit ako kaya tinaob ko yung picture.

 

“Tignan mo ‘to, ansungit eh. Oh, sige na! Aalis na ako. Salamat ulit.” Aalis na siya, tinanong ko kung ok na ba siya at kung gusto niyang mag-lunch dito. At  hindi na rin naman ako papasok.

 

“Ayoko, tyaka hindi ka na papasok? Tibay mo rin noh. WOW AH! KEITH RAMIREZ NAG-AAYANG DITO AKO MAG-LUNCH. Nilalagnat ka ba?”

 

“Hindi na ako papasok, nakakawalang gana ikaw pa naman katabi ko. Ehem. Mabait naman talaga ako eh.”  Isa rin naman sa mga rason kung bakit ayokong pumasok, dahil katabi ko siya. Tignan mo ‘to, mabait naman talaga ako ah, tinulungan ko nga siya diba?

 

“Ang kapal neto, parehas lang tayo na ayaw natin na katabi ang isa’t isa noh. Mabait ka jan. Baka mabait pag tulog. Psh. Babush!” 

 

Nagulat na lang ako kung bakit parang napatigil si Lyka nung nasa pintuan na siya para lumabas. Lumabas ako para tignan kung anong meron.

 

“MOM! DAD! Kelan pa kayo dumating?” Laking gulat ko nang  nakita ko magulang ko. Hinalikan ako ni mommy sa pisngi at niyakap. Akala ko wala na silang balak umuwi dito. Inaakyat na din ng mga katulong yung mga maleta nila sa kwarto. Nakapagpalit na din ako ng t-shirt, wala na din naman akong balak pumasok.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH