Chapter 13

My Beautiful Nightmare

***Chapter 13***

 

Lyka’s  POV

 

Nakakahiya, ihahatid pa daw kami ni Mr. Ramirez. Yun ang sabi niya nung inutusan niya si Keith na mag-bihis ulit ng uniform. Nililigpit na nung mga katulong yung pinagkainan namin. Eto naman si Ivy, kanina pa nangungulit nung kumakain kami, tinatanong kasi niya kung anong nangyari samin ni Keith. Ako naman, nahihiya magsalita at katapat ko yung magulang niya kaya sabi ko sa school na lang. Inaya kami na pumunta sa may garden nila. Malapit dun yung parking lot. Parking lot lang ang tawag? Andaming kotse eh. Mga 6 ata. Kaya parking lot na ang tawag. Tigi-tig isa ata sila eh. Inaantay na namin si Keith.

 

“Nako po Sir Ramirez, hindi nyo na po ako kailangan ihatid. Maraming salamat po sa lunch. At tyaka kaya ko na naman po pumunta ng school tutal malapit lang naman po eh. ”

 

“No. It’s fine. Huwag ka ng mahiya. Tyaka napansin ko din na hindi ka pa ok maglakad. Ihahatid ko kayo nila Keith. Ok? At isa pa. Huwag mo na akong tawagin na ‘Sir’. Call me Tito, Tito Samuel.”

 

“Oo nga, Lyka. So, from now on ang tawag mo na din sa akin ay Tita Kalie,  ok? Ahmm, pwede din mother-in-law, if you want!” Yun oh. Nanlaki mata ko.

 

“Mommy talaga!” Siniko ni Ivy si Tita. Perness, cute ng name nila ni Tito Samuel. Bagay! Samuel and Kalie.

 

“Ughm… Tita na lang po, mukhang malayo yung mother-in-law.” Sinabi ko habang natatawa ako. Ito talagang si Tita palabiro. Not really funny. Yung anak niyang yon? Yung masungit na monster na yun, magiging... AH BASTA NEVER! NEVER.

 

Ilang saglit lang bumaba na si Keith at andito na nga siya, mukhang badtrip, ayaw pa naman niya na pumasok ulit. Ang tamad talaga!

 

“Dad. Tara na.” Pumasok na yung dad niya ng kotse. WOW! Yung kotse na gagamitin namin ngayon ay yung latest model ng Range Rover at ang elegante kasi white yung kulay! Yung dad pa talaga magda-drive. Eto naman si Keith, pinagbuksan ang sarili niya ng pinto, tapos sinara niya ulit. Tignan mo ‘to wala talagang ka-gentleman sa sarili niya, kaya ayun si Ivy ang nagbukas ng pintuan at pumasok na siya. Natatawa na lang si Ivy. Nasa gitna namin si Ivy. Tama lang yun, dahil baka magka-world war 3 ng wala sa oras, kapag pinagtabi kami.

 

“Bye, hon. Ingat.”  Kumaway si Tita Kalie kay Tito Samuel, napatingin din siya sa akin at kumaway. Hindi kasama si Tita Kalie sa amin.

 

Si Ivy, busy sa phone niya at hindi ko din maiwasan tumingin sa kanan ko, kung saan andun si Keith na malayo ang tingin. Natutuwa kasi ako at nararanasan niyang ma-badtrip katulad ko na sobrang badtrip sakanya. Nung napatingin ako sa rear-view mirror nakita kong nakatingin sa akin si Tito. Hindi ko namalayan may ngiti pala sa labi ko habang tinitignan ko si Keith kaya napangiti din si Tito sa akin. Nakakahiya siguro nakita niyang sumulyap ako kay Keith. Eh, bahala na. After 5 minutes andito na kame sa school. Walanghya dapat nilakad ko na lang ‘to eh. Ang lapit lapit kung hindi lang makirot tong sugat na ‘to eh.

 

Lumabas na si Keith ng kotse at nagpaalam din siya pero mahina lang.

 

“Maraming salamat po, Tito.” Yun ang sabi ko at nag-bow ako.

 

“You’re welcome.” Nagtataka niyang sabi.

 

“Bye, Dad. See you later.” Humalik na rin si Ivy kay Tito at tyaka lumabas.

Ito namang tao sa labas, mga school mate namin, pinagtitinginan kami. Ano pa nga ba? Lumabas lang naman ako ng kotse ng mga Ramirez. Ano naman ba? Issue na naman ‘to?

‘Kanina lang war sila, tapos ngayon magkasama na sila.’ Yan ang mga naririnig ko nung pumasok na ako ng campus ng nakayuko.
 

Shhhh. Never mind those crazy school girls. Tingala lang, may ganda ka naman ipamumukha sakanila. Meron nga ba? Ampanget ko kaya. Yuko ulit. Haha . Biro lang. Hayy buhay. Tinignan ko kung anong oras na, 25minutes na lang, time na para sa afternoon class, 1:00pm pa naman yung start ng klase ulit eh.

 

“Uy, Ate. Sabi mo ikkwento mo kung pano ka napunta sa bahay? Ang alam ko lang yung tungkol sa posters eh…Hayaan mo lagot yung mga gumawa nun sakin.” Oo nga pala, ikkwento ko kay Ivy yung nangyari kanina. Kaya habang naglalakad kami sa campus nakwento ko sakanya, LAHAT LAHAT NG KALOKOHAN NG KUYA NIYA SAKIN, walang hinto hintong pagkkwento.

 

“Whoa~~~”

 

“Tsh.  Sobrang punong puno na ako dyan sa kuya mo, kung alam mo lang. Tanong mo na rin sa kuya mong ewan yung iba baka may nakalimutan pa akong ikwento eh.” Natawa lang si Ivy sakin.

 

“Sige itatanong ko na lang sa kuya kong ewan. Hay nako, hayaan mo na lang yun! Tara! Sabay na tayong umakyat sa classroom natin.”

 

Umakyat na ako papuntang classroom. Pumunta na rin si Ivy sa 2nd floor kung saan nanduon yung room niya. Habang naglalakad ako sa 4th floor, bakit kaya nagtataka si Tito Samuel nung nagpasalamat ako sakanya? Ano bang ginawa ko…Ay tanga! Aish! Binatukan ko nga yung sarili ko. Bakit ako nag-bow sakanya? Korea  ba ‘to hah?  Tradisyon ba yun dito? Tanga tanga talaga, siguro nga namimiss ko lang ang Seoul, or epekto ng kabaliwan dahil ba naman nakikita ko si Keith?

 

“So, sinasaktan mo na sarili mo ngayon?” Napatingin ako kung sino yun, si Fatima pala.

 

“Loka ka! Halika nga dito.” She hugged me. Mukhang alam na niya yung nangyari kanina.

 

“Ok lang, Fat. Wala na akong care sakanila.” Bumitaw na ako sa pagkaka-hug niya. At hinila ko siya sa may bench para umupo.

 

“Wushu~ San ka naman nagpunta hah?” Nambatok pa ang lola mo.

 

“Aray! Kailangan may batok?”

 

“Skandalosa ka girl, kanina sa gym. Binuhat ka tuloy ni Keith.”

 

“What? Nasa gym ka kanina? Bat di mo ko tinulungan?”

 

“Ano ka ba~ moment nyo yun. Bakit ako makekelam.”  Tignan mo ‘tong lokaret na babaeng ‘to…

 

“My gosh. Naririnig mo ba yang sinasabi mo hah? Kaibigan kita. Ay erase. Pinsan na best friend kita. Bakit mo ko hinayaan, ilayo ako ni Keith? I hate you!”

 

“Landi neto. Sorry na nga diba, next time ilalayo na kita. Gusto ko lang naman mag-usap kayo ng masinsinan.”

 

“Fatima Cortez naman, siya may pakana nung kanina, yung mga posters…pinagtatanggol mo pa. ”

 

“Oh yeah I heard about that. Bakit, nakita mo bang siya ang gumawa nun?”

 

“Hin…hindi.”

 

“See? Pero kung siya man, ako mismo ang uupak sakanya. Kaso ngayon, wala pa tayong sapat na ebidensiya. Ay teka lang? NBI lang tayo teh?” Natawa ako sa sinabi niya. Aning din ‘tong pinsan ko eh.

 

“Ohmygosh! Anung? Anung nangyari sayo?” Nagulat ako bigla bigla na lang siyang sumigaw.

 

“Ang alin?” Nakita kong nakatingin siya sa tuhod ko.

 

“Nadapa.”

 

“What?” Umiiling niyang sabi. Oo na, ako na ang tanga.

 

“Sorry naman. Tanga lang. Ano kasi…”  Ikkwento ko pa sana sakanya kung pano ako nadapa at napunta ako sa bahay nila Keith kaso nag-ring na yung bell. Sa totoo lang, pagod na ako magkwento.

 

“Kwento mo mamaya, pasok na muna tayo sa class room.”

 

“Ok.”

 

---

 

Nagsimula nang magpasukan yung mga kaklase ko sa class room. Kinamusta ako ni Louie na andun na sa tabi ko. Nag-nod lang ako sakanya.

 

“Sigurado ka bang ok  ka lang? Isa pa yang tuhod mo.” Napansin pa niya yun…

 

“Ok lang ako.” Nag-aalala siya sa akin?

 

Si Keith wala pa. Teka ano bang pake ko?! Aish. Speaking of the devil, ayan na nga siya…papalapit na siya sa upuan niya na katabi ko. Presenting, devil beside me, Keith Ramirez. Oh, buti na lang sa kabila ng kasamaan, may anghel akong katabi…kilala niyo na yun. Si prince charming…

 

Tapos na rin ang napaka-boring na afternoon class, uwian na. Pahinga na…

 

Naglalakad na kame pauwi ni Fatima…kinwento ko na rin sakanya yung nangyari kanina.

 

“OMG! Anu ba yan. Sa bahay. SA BAHAY NI KEITH?!”

 

“Volume ng boses paki-hinaan?”  Ohmygosh. Bigla na lang may humintong  kotse sa gilid namin at biglang bumaba yung lalaki sa kotse.

 

“Hey Lyks! Errr…hatid na kita? Kayo?” Si…Louie! OMG! ASDFGHJKL.

 

“Nako Louie! Wag na…” Sagot ko sakanya, nakakahiya.

 

“Go lang! Tara!”  Mababatukan ko si Fatima eh, umiiwas nga ako sa gulo diba?

 

“Fat, ano ba.” Tinignan ko siya ng masama, babaeng ‘to talaga.  “No thanks, Louie. Sige una na kami.”

 

“Sige.” Pahabol niyang sabi. Sorry talaga, Louie. I just can’t…

 

Palakad na ulit kami ni Fatima. “Close pala kayo?” Tanong ni Fatima.

 

Di ko siya sinagot, pagod na rin kasi akong mag-explain eh. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Ayoko na talagang pumasok, sa totoo lang. Dumeretso kagad ako sa kwarto ko, humiga sa kama.

 

Kanina pa ako hindi mapakali. Tinititigan ko yung phone ko…gusto kong tawagan si Louie. Kasi naman eh…baka galit na yun sa akin, disappointed or what? Baka kasi sabihin niya inaabandona ko na siya bilang kaibigan niya. Arghh…mabuti siguro kung tatahimik na lang ako, iiwasan ko na lang siya. Para hindi na siya mag-aalala sa walang kwentang tao na tulad ko…

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH