Chapter 15

My Beautiful Nightmare

***Chapter 15***


 

Right. I was dumbfounded when he left. Ni hindi ko alam ang gagawin ko.  Why is this freaking happening to me? Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Magkatabi pa naman kami ni Louie sa klase at to think tapos na yung break.

Nagsimula na akong maglakad para umakyat na sa classroom, tamang tama kaka-ring lang nung bell nung nakapasok ako sa room namin at wala pang teacher. At bakit nakatingin at wagas kung makangiti 'tong mga 'to sa akin?

"Ehem. Haba ng hair mo teh. Paluhod luhod effect pa sayo si Louie ah." Pang-asar ni Nikki.

Nanlaki mata ko! HUTAENA! PAANO NILA NALAMAN?!!! Naglakad ako papunta sa upuan ko ng nakayuko. Naghihiyawan na yung mga kaklase ko! Si Louie, walang pakialam, nagbabasa lang ng libro. Eh kung try niya kaya niyang i-explain kung bakit siya lumuhod sakin. Issue na naman!

"What?! May namumuo na ba sa inyong dalawa?! AWTSU! PANO NA KO LOUIE BABY?!" Dagdag ng isa pa naming classmate na si Beatrice.

"Duh? Malamang! Ang sweet nga nila kahapon eh, pinagtanggol ni Louie si Lyka! Hehehe." Sagot ni Jane kay Beatrice.

 

 

*BLAG!*

 

 

Nagulat kaming lahat, bigla na lang kasing sinipa ni Keith yung upuan sa harapan niya.

 

"TANGINA NAMAN!" Sigaw ni Keith. ano ba! Kawawa yung sinipa niya.

What the f? Anong problema niya?! Kinuha niya yung bag niya at sinabit yung isang strap sa kaliwang balikat niya, tinitigan niya lang si Louie ng masama tyaka umalis sa class room. ANO BA 'TO?!

"PARE SANDALI LANG!" Tumayo kaagad Sina Khalyl at Aaron para sundan si Keith. Parang feeling ko andaming bubuyog, kasi naman nagsisimula na sila mag bulungan.

Napatingin sa akin si Fatima. Wala akong alam pwede ba!

"Uy. Tignan nyo nga yung upuan baka nasira!" Sira ulo din 'tong kaklase kong si Christopher eh. Ang tinanong pa kung ok yung upuan imbis na yung nakaupo sa upuan. Lakas topak talaga, lalo na si Keith!

"Sus. Parang di na kayo nasanay dun parating mainitin ang ulo nun ni Keith. Ok lang ako, SALAMAT AT NAGTANONG KAYO AH!" Pilosopong sagot ni Russel, yung nakaupo dun sa upuan na sinipa ni Keith. Tinignan ko si Louie, naptingin siya sa akin pero umiwas din siya ng tingin. Bakit parang wala lang sakanya yung nangyayari?

"Si Jane at Beatrice kasi eh nagalit tuloy si Keith, alam na alam niyo naman na may..." Reklamo ni Maine. Pero agad agad naman tinakpan  ni Cess yung bibig ni Maine. 

"SHHHH! ANO KA BA! ISA KA PANG MADALDAL EH!" Teka lang ah? TEKA TALAGA! May hindi ba ako alam, kami ni Fatima? Oo nga pala, bagong lipat lang kami sa school na ‘to, kaya ano naman ang alam namin diba. Anong ba talagang meron?!

 

“Mapagpalang umaga sa inyong lahat.” Bati ng teacher namin sa A.P, buti dumating na siya, late pa ampotek!

 

“Mapagpalang umaga po, Ginoong Flores!” Agad agad kaming tumayo para suklian ang pagbati niya.

 

“Maupo na kayo. Oh na saan na naman si Keith at yung barkada niya? Oo nga naman bakit pa ako nagtanong halata naman at nagloloko na naman yung mga yun.” Tch. Siya rin sumagot ng tanong niya. Nakakabagot lang at teacher din namin siya sa Filipino, pagkatapos pa naman ng A.P eh Filipino kaagad. Bali isang oras at bente minutos namin siya makakasalamuha ngayong araw na ‘to. Nosebleed naman oh! Tagalog na tagalog! Alam niyo yun? Yung mga malalalim na tagalog ang kinaiinisan ko eh.

 

“Kumuha ng ika-apat na bahagi ng papel.” Yan na nga ba ang kinakatakutan ko eh, quiz ka agad?! Buset! Di pa nga niya, dini-discuss samin yun eh, pero sinabihan naman niya kami kahapon na, magbasa ng El Filibusterismo. EH TALAGA NAMAN, HINDI NGA AKO NAKAPAG BASA DAHIL, wala lang tinatamad ako pero hindi lang dahil dun, gawa na din nung kahapon. Naapektuhan tuloy pag-aaral ko. Keribels na nga ‘to wala na din namang choice eh.

 

“Sir, pagsusulit po ba ‘to?” Tanong ng isa kong kaklase na si John.

 

“Hindi, gagawa tayo ng eroplano gamit yang papel.” Nagtawanan na naman yung mga kaklase kong mokong! Tss. Kwela din ‘tong si Sir eh, idol ba niya si Vice Ganda?

 

Author’s POV

 

Lumabas sila Khalyl at Aaron para sundan si Keith sa labas.

 

Aaron’s POV

 

“Pare ano bang problema?” Sinundan namin si Keith, at mukhang badtrip na naman. Sipain daw ba yung upuan sa harapan niya? Pababa na siya ng hagdan nun at ang bilis maglakad. Ganyan talaga yan pag badtrip at tinopak wala na siyang pakelam sa iba, kahit pa makasakit siya.

 

“Dahil ba kanina? Malay mo naman hindi totoo yun.” Tanong ni Khalyl kay Keith, pero hindi pa rin siya sumasagot. Bakit ba kasi siya naniniwala duon? Palabas na kami ng school pero hinarangan kami ng guard.

 

“TABI!!” Sigaw ni Keith sa guard, ang gago talaga neto oh!

 

“Sensya na manong!” baling ko kay manong guard.

 

“Kayo talaga, kung hindi lang kayo malakas sa akin eh.” Mabuti na lang at kakunchaba namin si manong kung hindi nako, baka di na kami palabasin!

 

Pagkalabas namin, nagsindi kagad si Keith ng yosi.

 

“Ano ba ‘tol, di mo ba kami kakausapin--”

 

“TANGINANG GAGO KASI NIYAN NI LOUIE EH!” Ayun! Humarap na din at nag-salita  ‘tong  batugang hayop na ‘to!

 

“Pare, ano ka ba? Wala ka bang tiwala kay Louie?  Hindi yun basta basta papatol sa kanino mang babae.” Mahinahon kong sabi kay Keith.

 

“Bakit nagseselos ka ba? Gusto mo na ba si Lyka? Ano ba kasi---” Siniko ko si Khalyl dahil sa sinabi niya. Nako naman!

 

“Sira ulo! Alam niyong hindi yun ang dahilan.” Asar talo na naman ‘tong si Keith. Nakarating na kami malapit sa park kung saan duon naka parada yung kotse niya.

 

“Yun naman pala eh. Hindi magagawa ni Louie na ipagpalit si…Ches.” Amp naman! Loko talaga ‘tong ungas na si Khalyl eh.

 

“Sana hindi niyo na lang binanggit yang pangalan na yan.” Yan tuloy, pikon na naman si master! Taragis na yan! Di man lang nangyaya, kaya naman humarurot na ng takbo yung kotse niya.

 

“Loko ka kasi eh. Yan tuloy!”

 

“Eh, di ko naman sinasadya eh.” Napakamot na lang ng ulo ‘tong si Khalyl.

 

Hanggang ngayon kasi sensitive pa rin siya pagdating kay Ches, lalo na kapag narinig niya ang pangalan nito. Kahit na alam naman ng lahat na tanggap na ni Keith yung nangyari, kaya peace na ang pakikitungo ni Keith kay Louie ngayon. Pero parang anlabo na naman. Nawawalan na naman ng tiwala ang gago kay Louie.

 

“Tara sundan naten!” Buti na lang at nagdala si Khalyl ng kotse ngayon, parati kasi kaming sumasabay kay Keith pauwi eh, kaya tinatamad na din kaming magdala ng sarili namin.

 

 

 

Fatima’s POV

 

“Hoy babae!” Sinundan ko si Lyka, malamang papunta siya sa Garden. Lunch time na kasi. Ambilis bilis pa maglakad tas di ako pinapansin, tama ba yun? Marami siyang dapat i-explain sa akin. Bago kasi magtime nung recess, si Nikki yung kaklase namin, bigla ba namang sumigaw at nagtawag, nasa labas kasi siya, tila may tinatanaw dun sa baba. Ako naman, tayo agad, makiki-usi lang. Laking gulat ko sa mga nakita ko sa baba, tanaw na tanaw kasi dun yung garden. Nakaluhod lang naman ‘tong si Louie kay Lyka. Ano yun propose propose lang? Pagkakaalam ko kumuha lang siya ng band-aid eh! Pero what the hell is that? Kaya nga dapat mag explain ‘to sa akin eh. At eto pa ah! Problema na naman ni Keith? Hello? Galit lang? Walk out siya kanina eh. WAIT! NAGSESELOS BA YUNG GAGONG YUN? Oh well, di niya naman alam yung nangyari sa garden, kasi bago pumasok si Lyka ng room kanina, kakapasok lang din ni Keith at yung barkada niya. Kaya siguro nagulat nung sinabi ng isang kaklase namin na may something thingy blah blah na ewan… BASTA! EH ANO BA KASI TALAGA!? AKO’Y LITONG LITO NA AH. Kaso nung nasa 1st floor pa lang kami may humarang na sa amin, grupo ng mga babae.

 

"Grabe, tindi mo rin eh noh, pati paglagay ng band aid di mo pa magawa, si Louie pa talaga.Tsss." Sabi ng matabang babae. Huh!? Anong band aid?  Tinignan ko si Lyka, nakataas yung kilay niya at seryoso yung mukha niya sakanila at naka-cross yung arms niya.


"KAYA NGA! PILAY BA YANG KAMAY MO? KUNG HINDI, GUSTO MO TULUYAN KO NA YAN EH!" Tinulak siya nung babae sa balikat niya. Aba aba! Teka lang, nanakit! Di pwede yan.

 

“HOY HOY HOYYY?! SINO KA PARA MANAKIT HAH?!” Sigaw ko sakanila lalong lalo na sa tumulak kay Lyka, lima lang naman sila, kaya ko yan ipatumba basta walang mananakit sa bespren ko. Walangya!
 

 

“Wag ka ngang makelam!” Binaling nung isang babae yung tingin niya sa akin, pagkatapos kay Lyka naman. “Bat mo ba ginagambala si Louie ko?! HAH?!” Ang kapal talaga! Wag daw akong makelam?

 

"ANONG KO?! SAKIN KAYA SIYA." Tsss. Nag-aaway pa tong mga 'to. Sungalngalin ko sakanila si Louie nila eh!!! Bwiset!!!
 

 

"ANO BA TUMIGIL NA NGA KAYO!" Sabi nung parang 'leader'. Akmang sasaktan ko na yung leader nila, kaso hinawakan ako ni Lyka sa braso ko at tyaka nagsalita na…

 

"Tapos na ba kayo? Lunch na kasi eh, gutom na ako. I'm sure kayo din,  pwera na lang kung trip niyong sayangin oras niyo para i-bully ako. Kain muna kayo, palakas kayo, tas tyaka kayo bumalik. Pwede na ba yun?" Pahayag ni Lyka sakanila, mga bruha! Nagsilakihan mga mata nila, aalis na kami at nagbigay sila ng daan sa amin para makaalis, gawa na siguro ng pagkagulat  kaso bigla na lang  hinatak nung babae si Lyka sa braso para iharap sakanila at sasampalin na sana siya ng biglang may sumigaw ng…

 

 

“CLARISSE!”

 

 

(A/N= OMG! Sino si Ches? Wahahahahha XD)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH