Filler Chapter Lang :D

Unexpected Love -Tagalog Fanfic-

Aeri's POV


"Konting tiis pa Aeri, konting tiis pa!!!" sabi ko sa sarili ko habang nagtitimpi akong naghihintay kay Taemin, walangyang bulalo yun!, kanina pa ko naghihintay sa kanya dahil sabi niya may importante daw kaming pupuntahan, pero ano? eto ako ngayon, halos magkakalahating oras ng naghihintay sakanya dito sa Park, nakakaimbyerna!!
 

Pagka talaga hindi nagpakita yung bulalo na yun in 10 minutes patay talaga siya sakin grrr....!!
 

After 10 minutes
 

Walangya!, AYOKO NA!! Uuwi na talaga ko bahala ka sa buhay mong bulalo ka!! uuwi na ko ayoko na!!! nakakainis!! para siyang tanga papapuntahin niya ko dito sa Park tapos paghihintayin niya ko ng matagal tapos ni text, hindi man lang niya magawa bwisit!! Tumayo na ko sa may swing at naglakad pauwi ng bahay namin, nakakapikon ka Lee Taemin ewan ko sayo, payatot ka!! bulalo!! buto-buto!! malnourish!! PANGET!!
 

"Sinong payatot, bulalo, buto-buto at malnourish ha?" Tanong ng hinayupak na bulalo na bigla na lang sumulpot sa harapan ko, paano siya nakalapit sa harap ko ng di ko man lang namamalayan?? atsaka napalakas ba yung pagsasabi ko ng mga naiisip ko??
 

"WALA!!!" Sigaw ko tsaka ako nagpatuloy maglakad
 

"Uy Jagiya, galit ka ba? Mianhae~ si Key Hyung kasi eh, pinaglista pa ko ng mga ipapabili niya, sorry na please!" sabi niya sakin sabay hila sa balikat ko para iharap niya ko sakanya
 

"Ewan ko sayo, uuwi na ko, bitiwan mo ko, PANGET!" sabi ko, napanganga bigla si Taemin habang nanglalaki ang mata, ako lang ata ang nagsabing panget siya sa buong buhay niya noh! naglakad na ko ulit pero as usual narinig ko na naman yung tawag ni Taemin habang sinusundan niya ko
 

"Jagiya~" tawag niya sakin hindi ko pa rin siya pinansin, at bakit ba niya ko tinatawag na Jagiya di ko pa naman siya sinasagot ah?
 

"Jagiya~!"
 

"Hmmmp.."
 

"Jagiya~ sorry na"
 

"Pssh.."
 

"Ah hindi mo talaga ko papansinin?"

 

"..."

 

"Hindi talaga ha?" Tanong niya sakin, sabay buhat sakin na para kong sako!
 

"AAAHHH~!! Ano ba Taemin ibaba mo ko!" lintik na bulalo to ang payat payat niya pero nakuha niya kong buhatin??!!
 

"Eh ayaw mo kasi ko pansinin eh, kaya hindi!, tara sumama ka sakin!" sabi niya sakin habang buhat buhat pa rin niya ko pasakay sa kotse niya
 

"Hindi mo ba alam na pwede kita kasuhan ng kidnapping ha??!" Sabi ko sakanya habang nanlilisik ang mata habang binaba at inupo na niya ko sa loob ng kotse niya
 

"Jagiya~ ano bang sinasabi mo? parang hindi mo naman ako kilala, sa bait kong to? ako mangingidnap? hindi sila maniniwala sayo~ haha" sabi niya sakin habang nakangiti na parang nangdedemonyo, I just stuck my tongue out at him habang pinaandar na niya yung kotse
 

----

"Saan ba tayo pupunta ha? at bakit kailangang kasama pa ko?" Tanong ko sakanya habang binubuksan ko yung bag ng chips na nasa may harap ng kotse niya
 

"Mag go-grocery tayo~" sabi niya sakin habang kumikislap yung mga mata niya na parang abnormal na bata
 

"Eh bakit kailangang isama mo pa ko ha??" Tanong ko
 

"Eh kasi first time lang akong payagan ni Key Hyung na mamili nuh atsaka gusto ko kasama kita para sweet, mukha tayong mag-asawa"
 

"*cough* Ughhh!*cough* ano?? anong sabi mo??*cough*" Tanong ko, habang nabibilaukan
 

"Hehe wala, oh tubig oh, ang takaw mo kasi eh, kaya tumataba, kuha ka na lang ng kuha ng pagkain sa sasakyan ko.." sabi niya sakin habang nakagrin, inirapan ko na lang siya tsaka ko ininom yung tubig na binigay niya
 

Grocery Store


"Uy tignan mo oh bilhin natin to!" sabi ni Taemin habang nilalagay niya sa shopping cart yung isang bag ng kamote
 

"Taem-"
 

"Uy masarap to oh eto yung hinahanap kong candy!!" sabi niya tapos naglagay siya ng 5 balot ng candy dun sa cart
 

"Eto pa oh kailangan nila Minho at Jonghyun Hyung ng mga gulay dahil nagwowork out sila!"
 

"Ano ba Taemin ibalik mo nga yan wala yan sa-"
 

"Eto pa bilhin din natin to!" sabi niya sakin habang nilalagay naman niya yung iba't ibang flavor ng gatas sa cart
 

"Eto pa.."

"Ano ba Taemin??, gusto mo bang pagalitan ka ni Key?? Ibalik mo yan!" sabi ko sakanya, tsaka siya nagpout na parang batang inaapi
 

"Ano? ibalik mo na kasi yan!", sabi ko nagpout lang siya tsaka niya ipinagbabalik yun isang bag ng kamote at gulay
 

"May natira pa oh!" sabi ko sakanya habang tinuturo yung mga gatas at candy
 

"Eh sige na itira na natin yan, hahatian kita promise" sabi niya sakin habang pinapakitaan na naman niya ko ng aegyo niya pssh adik!
 

"Aish bahala ka na nga~" sabi ko sakanya sabay lakad
 

"Yehey!" sabi niya habang pinapalakpak niya yung kamay niya, aigoo~ akala ko ba gusto niya kong isama para mukha  kaming mag asawa eh bakit parang mukhang magnanay ang itsura naming dalawa?? adik talaga tong bulalo na to!
 

"Jagiya~ tignan mo ko ang galing oh" sigaw niya napalingon ako sakanya at napanganga
 

"Ano ba yan Taemin bumababa ka nga dyan baka masira mo yan!" sabi ko sakanya habang nakasakay siya dun sa shopping cart
 

"Eh ang saya kaya, itulak mo ko dali naaa~! HAHA" sabi niya sakin sabay tawa ng malakas, pinagtinginan kami nung mga tao, lintik na bulalo to parang hindi idol kung umasta buti na lang talaga mga artist at mga special na tao lang ang pinapayagan dito sa grocery store na to, kung hindi sira ang reputasyon nitong lalaking to!
 

"Ay hehe.. hindi ko po siya kilala, hindi po.. promise" sabi ko dun sa mga tumitingin samin habang umiiling iling ako
 

"Jagiya~"
 

"Ewan ko sayo.. bumaba ka na diyan bilis!" sabi ko sakanya, nagpatuloy na ko sa pagtingin dun sa listahan na binigay ni Key kailangan ko ng seaweeds ano bang kailangang seaweed yung dried ba or yung fresh seaweed?
 

"Taem-" napatigil ako sa pagsasalita ng mahalata kong hindi sumunod sakin si Taemin, aish saan na naman kaya nagsuot yun?? nagumpisa na naman akong bumalik dun sa lugar kung saan ko siya iniwan at ayun nakita ko pa rin siyang nakasakay dun sa cart habang itinutulak ang sarili niya, nakita naman niya ko tsaka naman siya nagwave sakin, aish abnormal talaga to. natawa na lang ako sakanya tsaka ako lumapit sakanya atsaka ko siya binatukan ng malakas
 

"Araayyy!!!!!"

 

 

--- Kamusta? ang tagal ko ng hindi nagaupdate nuh? hehe medyo tinatamad kasi ko magsulat eh :D Belated Happy Birthday nga pala sa aking nagiisa at number 1 bias na si BULALO, Lee Taemin, saranghaeyoooo~ :D  eto yung video nung pagkanta ko at pagsamaba ko sa picture ni Taemin nug birthday niya hohoho.. pagpasensyahan niyo na ang aking mala anghel na boses xD

http://www.youtube.com/watch?v=p2_pw9JxSEI&feature=share

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
enilorac022
nagupdate na ko :D

Comments

You must be logged in to comment
pencils #1
. .ahjumma mag update k naman!! gusto mgktuluyan n kmi ni key d2!
cge pg di ka nagupdate agad mgiging kmi ni taeminXD
bananamilk23
#2
hahaha...the best ka talaga... umiiyak na ako kakatawa sa'yo...
mirzidarlene
#3
Wahhh! Update sooooon! :))
yeolderella
#4
hahaha, pinagmukha talaga ni taemin na nanay si Aeri. XD
Ang cute~ Update more please~
eunhaeisreal0415 #5
HAHA. Cuute !! Update soon !! ^^~
bananamilk23
#6
I'm waiting for your new kaadikan...
shania #7
BULALO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!I LOVE YOU~~~WAHAAA ANG CUTE NG STORY!!
TaeminnieOppa18
#8
hahahah! ang kulit ni bulalo!
update soon~~~
eunhaeisreal0415 #9
Nakuuuu Bulalo. I love you naa ! XD UPDAAAAAAATE Nakakabitin XD