Ang Drama ng Buhay

Unexpected Love -Tagalog Fanfic-

Aeri's POV

 

maaga akong nagising.. sa totoo niyan halos hindi ako nakatulog kagabi, iniisip ko kasi yung katangahang sinabi ko kahapon kay Taemin eh, tsk masisira na talaga yung ulo ko! T.T paano kaya kung sabihin kong hindi ako pwede kasi may emergency? 'hindi naman pwede yun Aeri eh, pang ilang beses mo na nagsisinungaling, sa susunod niyan kakarmahin ka na talaga'

 

*sigh* ano namang gagawin ko? ang ganda naman kasi ng boses niya kagabi eh!, ang cute-cute! sino ba namang babae ang hindi makakapagsabi ng 'sige' kung ganun kaganda yung boses ng kausap niya??, para namang hindi talaga totoo yung sinasabi nilang pag panget ang boses ng tao sa phone eh maganda/gwapo na, sinira ni Taemin ang lintik na theory na yun.. aigoo~

 

PERO.. hahayaan ko na lang bang patayin ako ng milyon-milyong fangirls pag nakita nila ko na kasama siya kahit ayaw ko naman talaga?? Bakit ba kasi sa milyon-milyong fangirls sa mundo bakit ako pa na hindi fan ang kailangang mapagtripan ni Taemin?? Bakit pa po ako Lord?? T.T naging masama po ba ko nung past life ko? naging drug dealer po ba ko nun o kaya nagbenta po ba ko ng kidney?

 

Aish! Bahala na nga, umoo ka na Aeri wala ng atrasan to, panindigan mo na yang kagagahan mo at itatak mo sa isip mo na bago ka umuwi mamaya 'KUNG makakauwi ka pa' na isnatchin yung cellphone ni Taemin at itapon sa kanal para hindi ka na niya matawagan ulit.

 


 

Taemin's POV

 

"Hyung anong mas bagay itong blue o etong red na checkered??" tinanong ko si Key Hyung kung anong mas bagay suotin mamaya paglabas namin ni Aeri~

 

"Yung red na checkered.." Sabi ni Key Hyung habang nakatingin dun sa magazine na hawak niya

 

"eh anong mas bagay na sapatos Hyung eto o eto??" tanong ko habang itinataas yung dalawang sapatos

 

"Aigoo~ kahit ano maknae!!, bagay naman kahit ano eh, ang ingay mo!" sabi ni Hyung habang nagbabasa

 

"Excited ata ang maknae natin sa date niya ah?" Sabat naman ni Onew Hyung habang nanunuod ng TV

 

"D-date, H-hindi date yun Hyung, H-hehe ano ka ba mag tethank you lang ako.."

 

"Wow ayos ah nagiimprove na pala ang pagtethank you mo ngayon Taemin-ah?, dati pag yung coordinoona mo yung pasasalamatan mo bibigyan mo lang ng candy, tapos na, pero ngayon magtethank you ka lang ilalabas mo pa?? ako kaya Taemin kailan mo ko ililibre sa labas para pasalamatan sa mga banana milk na ipinabibili mo?" sarcastic na sabi ni Minho Hyung

 

"Hyung naman, Oo na sige na may konting, konting, konting crush lang ako kay Aeri.."

 

"Weh? konti lang talaga???" tanong ni Jonghyun Hyung

 

"..."

 

"..."

 

"Oo na sige na, CRUSH na CRUSH ko si Aeri, Masaya na kayo??" Namumulang sabi ko

 

"..."

 

"..."

 

"WAHAHAHA!!!" sabay sabay na tawa nila na parang nangdedemonyo (=.=")

 

"Sabi na sayo Hyung eh, inlove ang maknae natin haha.. aigoo~ Taemin-ah"

 

"basta magiingat ka lang Taemin ha.. alam mo naman ang position natin hindi tayo pwedeng makita ng ibang tao sa public lalo na pag may kasama tayong babae, bawal ang PDA at kung may gagawin kang kakaiba eh sa private na lugar mo na ga-"

 

"HYUNG!! ANO KA BA??! HINDI AKO GAGAWA NG GANUN NOH!*blush*" Key Hyung akala ko si Jonghyun Hyung lang ang ganyan nahawa ka na din????

 

"Oh, nagsasabi lang ako ng mga possibility, ikaw naman oh alam naman naming di ka na bata..", sabi ni Key Hyung habang nakatingin at nakangiti sakin mischiviously

 

"At teenager ka na, teenage hormones nga di ba??" dugtong ni Jonghyun Hyung habang winiwiggle yung kilay nya..

 

"Hyung alam ko naman ang limitation ko, atsaka first time ko pa lang siya idedate tapos kung ano-ano na kagad naiisip niyo.. aigoo~! aigoo~! aigoo~!"

 

"Haha.. sabi mo eh, basta kung kailangan mo ng payo pagdating sa babae, alam mo na kung sino ang pwede mong tawagin at kausapin " nakangising sabi ni Jonghyun Hyung

 


10:30 am

Aeri's POV


 

Umalis na kaya ako ngayon? pero maaga pa eh ,baka sabihin naman niyang excited ako kung maaga pa lang eh nandun na ko, Ayoko namang isipin niyang may gusto ko sakanya nuh! kung tutuusin nga ayokong maattach sa kahit kaninong lalaki, kaya kahit gwapo pa siya at sikat ayokong maging malapit sakanya, ayoko kasing masaktan katulad ng nangyari sakin dati, ayos ng isang beses na lang akong PATULOY na umasa.

 

"Oh Aeri ano pang ginagawa mo dito?? Kala ko may lakad kayo ni Rin Tae?" Tanong sakin ni Hyemi Unnie, siya yung pinsan ko sa sister ni Appa, Mabait si Hyemi Unnie she treats me like her own sister kahit na madami na silang magkakapatid.

 

"Ah hehe tumatambay lang muna ko Unnie.. aalis na rin ako maya-maya.." sagot ko, habang nakaupo ako sa may harap ng counter, hindi naman kasi ganun kadami yung laman ng coffe shop ngayon eh, kaya ayos lang kung umupu-upo lang kami

 

"Hyemi Unnie, Pasensya na ha, at kailangan ikaw pa ang magbantay dito"

 

"Ano ka ba?, ayos lang yun, wala rin naman akong ginagawa sa bahay atsaka ayos nga to eh may sweldo" nakangiting sabi ni Unnie habang nagpupunas ng salamin

 

"Unnie wala ka pa bang balak mag-asawa?" Tanong ko sakanya out of the blue, haha xD pagnakikita ko kasi siya feeling ko parang pwedeng pwede na siya mag asawa eh, super jackpot na kasi ng mapapangasawa niya, kasi ang bait niya, matalino, maganda atsaka sabihin na nating wala ng hahanapin pa yung mapapangasawa niya sakanya

 

"Huh?? Ano ka ba? Paano naman ako magkaka-asawa eh ni nga nanliligaw eh wala ako eh...

eh ikaw ba? nakamove on ka na ba?" bigla akong natahimik nung nasabi niya yun, siya lang kasi yung nakakaalam ng pain na pinagdaanan ko dati, nung iniwan ako ni... Himchan Oppa


 

"Unnie.. alam mo namang hinihintay ko pa rin siya di ba? alam kong babalik siya, promise niya yun eh." Nakasmile na sabi ko

 

"*sigh* Pero 2 years ng nakakalipas Aeri, ang tagal tagal ng panahon, pero ano? wala pa rin nangyayari, sabihin na nating nangako siya sayo, pero mga bata pa kayo nun, lahat ng bagay nagbabago, atsaka wala ka namang pinanghahawakang babalik siya eh.. Lalo na't hindi naman naging ka-" nung sinabi niya lahat ng yun naramdaman ko na naman yung pinaghalong pain at frustrate, alam ko naman yun eh, alam kong may tendency na hindi na siya bumalik at kalimutan na niya ko, pero ayoko mawalan ng pag asa, kaya pinapaniwala ko yung sarili ko na babalik siya. babalik siya.

 

"Unnie, aalis na ko medyo tanghali na eh, Baka naghihintay na si Rin Tae" sabi ko kay Hyemi Unnie, ayoko ng tapusin niya pa yung sinasabi niya, alam ko din naman kasi kung saan mapupunta tong usapang to eh, tumayo na ko at nagumpisang maglakad palabas ng pinto pero hinawakan ni Hyemi Unnie yung wrist ko

 

"Aeri-ah Hindi naman maling umasa ka eh, pero subukan mo rin namang tignan yung mga taong nakapaligid  sayo, kasi baka mamaya niyan andyan na pala yung taong magpapasaya sayo napalampas mo pa dahil nakatuon lang yan pansin mo sa iisang tao, Aeri.. move on.. alam kong masaya na si Himchan kaya dapat sumaya ka na rin" ang sabi niya with concern, tumango lang ako at ngumiti, at nagumpisa na ulit akong maglakad palayo.

 


 

Haha para kong tanga nakakainis, super affected pa rin talaga ako kay Himchan Oppa, siya kasi yung first love ko eh, nung mga bata pa kami, kami lagi yung magkalaro, nung lumalaki kami kami lagi yung magkasama, may time pa nga na nagkakasabay din kami magkasakit eh, nakakatawa lang isipin na hanggang ngayon umaasa pa rin talaga kong babalik siya, umalis sila 2 years ago, nagmigrate sila sa America, medyo mga bata pa kami nun 16 years old to be exact?, naaalala ko nun nung sabay kaming umiiyak nung nagpapaalam na siya sakin, halos maghalo-halo na ang luha, sipon, pawis, uhog namin nun kakaiyak, kasi ayaw namin maglet go pero kailangan nung mga panahon na yun sigurado na kong mahal ko siya, pero hindi ko na sabi kasi hindi ko naman alam kung mahal niya rin ako eh natakot ako sa sasabihin niya, pero nagpromise siya sakin na in the future babalik siya, babalikan niya ko kaya eto ko ngayon hindi ko matutunang magmahal ng iba. haha para lang akong tanga noh?
 

Oh siya, tama na ang drama, parang hindi ako to.. nakasakay na ko sa bus papuntang Mnet, tinignan ko yung relo ko, 11:15 na, nandun na kaya siya? tingin ko naman hindi naman siya darating on time di ba? syempre idol siya eh kaya tiyak pa Bigbang yun, Hmm minsan napapaisip ako, hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko ah pero bakit ba parang trip na trip ako ni Taemin, bakit ko nasabi yun?? tignan mo na lang kinuha niya yung number ko, tapos halos mapatay na ko nung mga fangirl sa Mnet nung nilapitan niya ko, tapos ngayon eto ininvite pa niya ko lumabas para magthank you Hindi ko talaga siya magets sikat siya tapos nagaaksaya siya ng panahon niya sakin?? eh kung tutuusin total strangers kami sa isa't isa pfft.. tsk tsk baliw ata yun eh?
 




Pagka baba ko sa may street malapit sa Park ng Mnet binagalan ko lang yun lakad ko mamaya kasi niyan wala pa siya ayoko namang mag aksaya ng panahon kakahintay nuh, pero nung malapit na ko nakita ko na kagad si Taemin dahil dun sa dirty blonde na buhok niya, nakatalikod siya sakin and obviously halatang halata na ang payatot niya kaya ko nalamang siya yun, 'dahil sa buto xD'

hmmp, hindi naman sa pinagmamasdan ko siya lagi kaya ko nalaman yung mga features niya noh, pero sino ba naman kasing normal na lalaki na kukulayan ang buhok niya ng dirty blonde kung hindi siya idol? di ba??

Hehe hindi ko muna siya nilapitan, pinagmasdan ko lang muna siya habang nakaupo siya dun sa may bench habang hawak-hawak yung cellphone niya, inaasahan kaya niyang magtetext ako??


 

"Aish, bakit kaya wala pa siya?? Inindian ka ba niya Taemin?? Aigoo~ ano ka ba hindi niya gagawin yun, mukha naman siyang mabait eh.." Haha nakatuwa kinakausap niya yung sarili niya parang si-..

 

Makalipas siguro ng mga five minutes lumapit na ko sakanya

 

"Hello" sabi ko sakanya habang nakatalikod siya, lumingon kagad siya sakin sabay ngiti na parang batang nakakita ng candy

 

"Hello!!! sabi ko na eh pupunta ka eh!" Nakatawang sabi niya, ngumiti na lang ako at tumango

 

"Sorry ah kanina ka pa ba?" Tanong ko sakanya
 


 

Taemin's POV

 

"Sorry ah, kanina ka pa ba?" tinanong niya ko, kung alam lang sana niyang 10am pa lang nandito na ko aigoo~ anong oras na oh? 11:30

 

"Hehe, hindi kakadating ko lang rin.. hmm.. so paano tara na?" Tanong ko sakanya nung iniabot ko yung kamay ko, tumingin lang siya sakin na mukhang nagtataka

 

"Aigoo~ oo nga pala may pupuntahan tayo, para makapagthank you ako sayo.. Halika na", sabi ko sabay

hawak sa kamay niya, biglang hinablot ni Aeri yung kamay nya, at awkward na tumingin sakin..

 

'aigoo~ Taemin ang bilis mo naman kasi! N.G!!'

 

"Ay S-sorry.." Awkward na sabi ko

 

"Ayos lang, S-sige na tara na", sabi niya sabay lakad papunta sa may sakayan ng bus

 

"Aeri-ssi sandali lang.." tawag ko sakanya

 

"Huh? bakit?"

 

"May dala akong kotse dun na lang tayo sumakay, ah.. alam mo na para iwas commotion.." sabi ko habang nakangiti sakanya

 

Nagsmile lang din siya tsaka tumango tapos naglakad na kami papunta sa kotse. 

 


AIGOO~ ang hilig ko sa word na to halata mo?? hehe.. napaka hard to get ni Aeri noh?? sarap sapakin.. salamat nga pala kay Macey (mintzy_26) siya ang nagsuggest na si Himchan ng B.A.P yung gawin kong past ni Aeri para maiba naman hehe xD nakakatawa ba talaga tong fic na to?? bakit parang nakokornihan ako sa sarili ko nung sinusulat ko to?? haha pero thank you din sa mga comments ninyo :Dsusunod na yung DATE nila :D

Any request kung saan niyo sila gusto magdate?? :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
enilorac022
nagupdate na ko :D

Comments

You must be logged in to comment
pencils #1
. .ahjumma mag update k naman!! gusto mgktuluyan n kmi ni key d2!
cge pg di ka nagupdate agad mgiging kmi ni taeminXD
bananamilk23
#2
hahaha...the best ka talaga... umiiyak na ako kakatawa sa'yo...
mirzidarlene
#3
Wahhh! Update sooooon! :))
yeolderella
#4
hahaha, pinagmukha talaga ni taemin na nanay si Aeri. XD
Ang cute~ Update more please~
eunhaeisreal0415 #5
HAHA. Cuute !! Update soon !! ^^~
bananamilk23
#6
I'm waiting for your new kaadikan...
shania #7
BULALO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!I LOVE YOU~~~WAHAAA ANG CUTE NG STORY!!
TaeminnieOppa18
#8
hahahah! ang kulit ni bulalo!
update soon~~~
eunhaeisreal0415 #9
Nakuuuu Bulalo. I love you naa ! XD UPDAAAAAAATE Nakakabitin XD