And My First _____ went a little like this~!

Unexpected Love -Tagalog Fanfic-

10:00 AM

 

Aeri's POV

"Aeri kailan tayo mageenrol malapit ng magpasukan ah? ano bang balak mo?" Tanong sakin ni Rin Tae habang nakatambay kami dito sa bahay,  huling araw na ng walang mangungulit sakin~ haha medyo tumahimik naman ang buhay ko kahit sandali nung wala si bulalo, walang maingay, walang tumatawag at nagtetext, walang bigla biglang sumusulpot, walang bumabanat na mga pang-inis na pick-up line, walang nagsasabi ng.. Aeri mukha kang adik.. Aeri alam mo ang sagwa mo.. Aeri ang sarap mo sabunutan.. haha nagpapamiss ba si Bulalo? Aigoo~ akala ko ba liligawan ako nun? eh bakit parang feeling ko hindi naman siya seryoso, 3 araw akong walang naririnig mula sakanya, kay Rin Tae ko na lang rin nalaman na nagkaroon sila ng special stage ni IU-ssi, oh di siya na ang masaya! 'akala ko ba ayaw mong ligawan ka niya ha?? landee xD'

 

*slap* gaga trip ka lang nun sabi ko na sayo eh, asa ka pa *slap*

 

"Yah Park Rin Neul! ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo??? kanina pa kita tinatanong ano bang balak mo ha?? napapraning ka na ba??"

 

"Ha.. ako ba?.. ako ba kinakausap mo??" Tanong ko kunwari di ko talaga siya narinig

 

"Ay bungol! alangan naman yang halaman sa tabi mo ang kausapin ko? eh tayong dalawa lang naman dito" Sabi ni Rin Tae habang mukhang umuusok na ang ilong sa sobrang inis

 

"Ah ganun ba Hehehe.. ano nga ba ulit yung tanong mo?" sabi ko ulit sakanya habang inaayos ko yung mga papel para sa enrolment ko

 

"Ang sabi ko.. ANO BANG BALAK MO?? KELAN TAYO MAGEENROL??"

 

"hehe sorry naman ha, kailangan sisigaw?"

 

"Aigoo~ ano bang nangyayari sayo?? malapit na kong masiraan ng bait sayo Aeri! simula nung umalis si Taemin para ka ng takas sa mental, lagi na lang parang ang lalim ng iniisip mo? Don't tell me INLOVE ka na sakanya??" sabi niya sakin? paano naman niya nasabi yun? feeling ko naman hindi naman ako inlove kay Taemin, pfft.. =.=

 

"Aigoo~ pag malalim ang iniisip si Taemin kagad?, iniisip ko lang kung anong course ang kukunin ko noh, lakas ng imagination mo.. wag na ngang masyado magpapanuod ng mga koreanovela" sabi ko sakanya habang tumatawa, ano nga ba kasing course ang kukunin ko??

 

"Aigoo~ ewan ko sayo, oo nga pala sabi sa news pabalik na yung mga idol galing sa Thailand ah? hindi ba nagtext si Taemin sayo?" Tanong ni Rin Tae sakin

 

"Bakit naman siya magtetext sakin? hindi naman kami noh, kaya hindi niya responsibility na itext ako" sabi ko sakanya totoo naman eh di ba?

 

"Alam mo Aeri, hindi ko talaga alam kung tanga ka o nagtatanga tangahan ka lang talaga eh, hindi mo ba nakikita?? may gusto siya sayo.." sabi ni Rin Tae, oo alam ko naman yun ayoko lang talaga ayokong mainlove sakanya, takot ako sa world na LOVE ayoko sa word na yun. Ayoko ng magmahal ng iba, baka kasi pag nakalimutan ko na si Himchan Oppa tsaka pa siya bumalik sakin. I believe in first and last love noh

 

"No Comment, Tara na nga Rin Tae pumunta na tayo ngayon para matahimik ka na.." sabi ko sakanya para na lang ibahin yung topic

 


 

11:00 AM

 

Taemin's POV

"Hyung anong oras tayo makakarating ng Korea?" Tanong ko kay Jonghyun Hyung habang nasa loob kami ng eroplano, pauwi na kaming Korea maguumpisa na ang panliligaw ko Kay Aeri, namiss kaya niya ko? Ilang araw din akong hindi tumawag at nagtext sakanya gusto ko kasing mamiss nya ko kahit konti lang.

 

"Siguro mga 7:00 pm nandun na tayo.. bakit Taemin? wag mo sabihing may balak ka pang dalawin si Aeri??" Tanong ni Jonghyun Hyung, nagsmile na lang ako

 

"Aigoo~ ano ba yan Taemin?? nagpapaka adik ka dun sa babaeng yun? Hindi mo ba narealize na Idol ka?? dapat siya ang humahabol sayo hindi ikaw ang naghahabol sakanya!" Sabi ni Key Hyung habang nakatingin sa phone niya, napatingin na lang ako ano naman nangyayari dun?

napasama pa ata yung pagkakakwento ko sakanya ng mga nangyayari samin ni Aeri,

Napatingin na lang ako kay Jonghyun Hyung na nasa tabi ko umiling iling lang siya tsaka nagsmile sakin, na parang nagsasabing 'pagpasensyahan mo na siya' napa sigh na lang ako tsaka ko inilagay yung earphones ko


 

1:00 PM

 

Aeri's POV

Pag dating namin ng Seoul University, hinanap na namin yung registrar para makapagenrol na kami, maganda naman dito sa Seoul University, malaki, kaso super nakakaintimidate yung mga tao, feeling ko, wala silang pinagkaiba sa fangirls, aigoo~ nagtanong kami sa guard kung saan kami pwede magpasa ng mga requirements para sa enrolment, madaming course offered pero hindi ko talaga alam yung kukunin ko

(n/a: shocking!! ganda ng Seoul University!)

 

"Oh may napili ka na bang course?" Tanong ni Rin Tae sakin, sa totoo niyan wala pa talaga pero pwede namang kunin ko na muna lahat ng minor classes tsaka na lang ako magdedecide,pag second year na ko

 

"Wala pa pero basta ako ng bahala dun, ikaw ano bang kukunin mo?"

 

"Ah, magma-masscom ako best.. alam mo namang pangarap ko maging idol di ba?" Sabi niya sakin

 

"Aigoo~ eh bakit hindi ka na lang pumasok at mag audition sa SM, JYP, CUBE o kaya naman sa YG?"

 

"Alam mo namang hindi papayag ang Umma at Appa ko di ba? Basta best ha secret lang natin na mag mamasscom ako, ayoko magbusiness management eh" sabi nya sakin nagnod lang ako, kilala ko kasi yung parents ni Rin Tae, gustong gusto nila na mag business management siya considering na only child siya, atsaka may company sila, to be honest mayaman sila Rin Tae, low profile lang talaga ang gaga

Nung natapos na namin yung enrolment procedure naglakad lakad na muna kami bago kami umuwi ni Rin Tae. After namin mamasyal at magkwentuhan nakaramdam na ko ng gutom kaya inaya ko siyang kumain ng ramyun

--

3:00 PM

 

"Aeri, ano ba yan kung kumain ka parang hindi ka kumakain ng buong isang linggo ah??" Sabi sakin ni Rin Tae matapos kung maubos yung pangalawang bowl ng Ramyun kasalanan ko ba yun kung mahilig ako sa noodles??

 

"*slurp* masarap eh.. atsaka ang tagal ko ng hindi kumakain nito *slurp*"

 

"Yah Park Rin Neul, manners naman aigoo~" sabi ni Rin Tae

--

6:30 pm

pagkatapos naming kumain naghiwalay na kami ni Rin Tae tumawag kasi yung Umma niya and as usual pinapauwi na siya, naglakad lakad muna ko bago umuwi, Aigoo~ napapaisip talaga ko kung dapat ko bang bigyan ng chance si Taemin na manligaw sakin? Paano kung mafall ako sakanya? paano na si Himchan Oppa? Paano kung bumalik siya? *sigh* sa pag iisip ko hindi ko na namalayang nasa may Han River na pala ako, dun mismo sa lugar na pinuntahan namin ni Taemin bago siya pumuntang Thailand umupo muna ko dun sa may damuhan tsaka ko nag emo, wow ang dalang ko na mag gaganito ah? nakakamiss din pala, biglang nagflashback sakin yung mga times na pinagsamahan namin ni Himchan Oppa, masaya kami nun naglalaro kami lagi, tapos may isa pang time na nagflashback sakin nung 6 years old ako at 8 naman si oppa

 

"Aeri-ah, Aeri-ah! habulin mo ko haha.. bilisan mo" sabi ni Himchan Oppa habang naglalaro kami, hinabol ko siya tapos bigla siyang nawala, hinanap ko siya habang nagtatakbo pa rin ako, natatakot kasi ko hindi ko kasi alam kung paano umuwi samin, tapos nadapa ako kakahabol at kakahanap ko sakanya, umiyak ako habang nakaupo pa rin ako dun sa may pinagkadapaan ko

 

"Oppa~! Oppa~!" tinawag ko si Himchan Oppa, habang umiiyak pa rin ako, tapos may batang lumapit sakin habang nagngangangawa ako

 

"Ayos ka lang ba? Wag ka na umiyak oh, Tara tayo ka na, aalalayan kita" akala ko si Himchan Oppa siya kaya umiyak ako lalo, hindi ako tumingin sakanya kasi natatakot ako dun sa dugo na lumalabas sa sugat ko, tapos nung hindi pa rin ako tumigil sa pagiyak may panyong itinali yung bata sa sugat ko, tsaka ko tumingin sakanya hindi pala siya si Himchan Oppa, nakatingin sakin yung bata habang nakangiti

 

"Oh ayan wag ka na umiyak ha? wala ng lalabas na elepante diyan, wag ka ng umiyak arasso?" sabi niya sakin tsaka siya nagsmile sakin, medyo hindi ko na maalala yung mukha nung batang lalaki basta ang alam ko lang nun nakasuot siya ng teddy bear na t-shirt, at mukhang kaage ko siya, inalalayan niya ko tapos umupo kami dun sa bench

 

"Yah! Minnie tara na uuwi na tayo!" sabi nun batang kasing laki ni Himchan Oppa, tumingin ako dun sa batang tumulong sakin natatakot ako na baka iwan niya ko mag isa.

 

"Oo nandiyan na ko Hyung!" Sabi nun bata tsaka siya lumingon ulit sakin "Wag ka ng iiyak ha.. wag kang magalala babalik ako dito tapos ihahatid kita sa inyo arasso?" sabi niya sakin tumango lang ako, tapos pinahiran niya yung luha ko tsaka siya tumayo at tumakbo papunta dun sa kasama niya, after a minute hinintay ko pa rin yung bata, pero dumating na si Himchan Oppa

 

"Aeri~ Aeri~" Sabi ni Himchan Oppa

 

"Oppa~!" Tawag ko sakanya tapos nilapitan niya ko, na mukhang alalang alala

 

"Anong nangyari sayo? kaya mo bang tumayo?" umiling iling lang ako habang hinahanap ko yung bata baka kasi dumating siya, pero pinilit na ko ni Himchan Oppa na umuwi pagabi na kasi, habang nakapiggy back ride ako kay Himchan Oppa, nakita ko yung bata na bumalik dun sa bench na kinauupuan ko kanina, gusto ko sanang tawagin siya at tanungin yung pangalan niya pero Hindi ko na nagawa kasi hinila na ulit siya nung kasama niya at naglakad na ulit sila pauwi,

 

Simula nun pag nasa park na kami ni Oppa lagi ko ng hinahanap yung batang nakateddy bear na shirt pero hindi ko na siya nakita, yung blue na panyong itinali niya sakin nakatago pa rin yun, siguro I classify him as my first crush, haha ang corny xD


 

8:00 PM

Tumayo na ko at naglakad pauwi samin, nadaanan ko yung Park kung saan nakita ko yung batang first crush ko umupo ako dun sa swing tapos narinig ko yung phone ko na nagriring tinignan ko muna yung caller ID si bulalo tumatawag haha..

 

"Yobosaeyo?"

 

"Jagiya!" Happing happy na sabi ni Bulalo

 

"Oh Payatot? kamusta na kauwi na kayo?"

 

"Oo nasan ka ngayon? pupuntahan kita may ibibigay ako sayo.."

 

"Hindi ba makakapaghintay bukas yan?"

 

"Hindi eh atsaka di ba sabi ko sayo pagbalik ko liligawan na kita? kaya eto na maguumpisa na ko.."

 

"Sus adik ka, seryoso ka ba talaga?"

 

"Oo bakit mukha bang hindi?"

 

"Aish whatever, andito ko sa may park malapit samin pumunta ka na lang dit...o" sabi ko sakanya bago ko matapos, napalingon ako sa may likod ko, nakita ko na siya na nakaupo sa may ibabaw ng monkey bars habang nakangiti

 

"Taemin?? anong ginagawa mo diyan? stalker ka ba??!" Tanong ko sakanya, tapos bumaba siya dun sa may ibabaw ng monkey bars habang may hawak hawak na bouquet

 

"Hindi ah, nagkataon lang na napadaan ako dito, papunta na ko sa may inyo eh hehe eh nakita kitang nakaupo kaya tumawag na ko sayo.." sabi niya tsaka siya tumingin at nagsmile sakin, napangiti na lang ako tsaka ko nagswing..

 

"Ano na Jagiya, namiss mo ba ko?"

 

"Hindi.." sabi ko sakanya habang nagsuswing pa rin ako, gago namiss kita noh sino bang hindi?

 

"Aigoo~ bakit ba napakahonest mo?? nakakainis ka.." sabi niya sakin tsaka siya tumawa, tumawa na lang rin ako tapos bigla siyang tumayo dun sa swing na inuupuan niya kaya itinigil ko rin yung swing ko habang pinapanuod ko siya. bigla siyang tumingin sakin tapos ngumiti

 

"Alam mo kahit hindi mo ko namiss, namiss kita" sabi niya sakin tsaka siya tumayo sa harap ko tapos nagblush talaga ko ng sobra, bakit ba kasi ganto siya kagwapo? aigoo~

 

"Jagiya sorry sa gagawin ko ha pero gustong gusto ko lang talaga gawin to eh" Napatingin na lang ako sa kanya tapos nag lean forward siya, t-teka?? Hahalikan niya ba ko?? wala pa kong first kiss noh! super parang lalabas yung puso ko sa baga ko sa sobrang kaba kaya napapikit na lang ako, but then naramdaman ko na lang na may yumayakap sakin

 

"Jagiya, I love you, sana bigyan mo ko ng chance na mahalin ka.." bulong niya sakin habang yakap yakap niya ko, eto na naman ako hindi na naman ako makagalaw para kong nanigas sa kinauupuan ko 

 

"Hmm.." nagnod na lang ako, hindi naman masama di ba kung bibigyan ko siya ng chance?, tapos napatingin ulit siya sakin habang nakayakap pa din siya sakin

 

"Talaga Jagiya?? promise??" masayang masayang sabi niya

 

"O-oo" pabulong na sabi ko, tapos nagkatitigan na lang kaming dalawa and then..

 

 

 

 

BOOM..

 

 

 

 

 

 

 

 

naging si Bulalo ang first kiss ko..


  

kamusta?? haha sorry nahirapan talaga kong magisip ng pang chapter 6 eh xD

sorry kung boring medyo wala akong maisip eh

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
enilorac022
nagupdate na ko :D

Comments

You must be logged in to comment
pencils #1
. .ahjumma mag update k naman!! gusto mgktuluyan n kmi ni key d2!
cge pg di ka nagupdate agad mgiging kmi ni taeminXD
bananamilk23
#2
hahaha...the best ka talaga... umiiyak na ako kakatawa sa'yo...
mirzidarlene
#3
Wahhh! Update sooooon! :))
yeolderella
#4
hahaha, pinagmukha talaga ni taemin na nanay si Aeri. XD
Ang cute~ Update more please~
eunhaeisreal0415 #5
HAHA. Cuute !! Update soon !! ^^~
bananamilk23
#6
I'm waiting for your new kaadikan...
shania #7
BULALO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!I LOVE YOU~~~WAHAAA ANG CUTE NG STORY!!
TaeminnieOppa18
#8
hahahah! ang kulit ni bulalo!
update soon~~~
eunhaeisreal0415 #9
Nakuuuu Bulalo. I love you naa ! XD UPDAAAAAAATE Nakakabitin XD