Open your heart :)

Unexpected Love -Tagalog Fanfic-

Aeri's POV

 

Isang buwan na rin nakakalipas since nung magkakilala kami ni Taemin, at ayun nagsimula na siyang itext ako lagi pag may time siya, siguro nabobore lang siya considering na wala siyang magawa kundi magpractice, magrecording at magpainterview, those past few weeks parang naging close na talaga kami we treat each other as friends, comfortable na kami sa isa't isa at take note alam na rin ni Rin Tae na magkaibigan kami ni Taemin, no choice ako eh kaya sinabi ko na sakanya at as expected muntik na niya ko ipasagasa sa truck ng basura, tsk buti na lang talaga hindi ko sinabi sakanyang lumabas kami ni Taemin before kundi tiyak na iba na naman ang magiging aura nun. naalala ko ilang linggo niya ko di kinausap, dahil sa pagsisecret ko na magkakilala kami ni Taemin kung hindi ko lang sinabi sakanya na ipapakilala ko siya kay Key siguro hanggang ngayon eh lumuluha pa rin yun ng dugo..

 

Nakatanga ko ngayon dito sa coffee shop habang naghihintay ng customer, wala akong magawa sa bahay eh wala rin naman sila Umma at Appa and since simula nung makita nila kami ni Taemin na magkasama hindi na nila ko inoobliga na magbantay ng shop, aigoo~ akala talaga nila nililigawan ako ni Taemin, eh kung tutuusin naman feeling ko likas na sweet and childish lang talaga siya, since siya yung maknae sa kanila.. speaking of which eto na ang bulalo este ang Taemin tumatawag ano na naman kayang kaungguyan ang sasabihin sakin nito??

 

"Yobosaeyo??" tinatamad na sabi ko nung sinagot ko yung phone

 

"Uy bestfriend!" Oo yun tawag niya sakin BESTFRIEND lintik na yan kung makabestfriend para mong ang tagal na naming magkaibigan ah?? aigoo~ may toyo talaga tong bulalong to

 

"Oh ano yun payatot?" Tanong ko sakanya, oo hindi na ko nahihiyang tawagin siya na payatot ngayon, 'bestfriends' nga kasi kami di ba?

 

"Wow makapayatot ka naman laki ng katawan mo ah??" Sabi niya sakin natawa lang ako sakanya, gago talaga

 

"Joke lang, bakit ka napatawag?? di ba sabi ko sayo di nga kami nagtitinda ng banana milk??" sabi ko sakanya, oo alam ko ng adik siya sa banana milk as in literal na adik, tanungin daw ba ko kung nagooffer kami ng banana milk nun nalaman niyang may coffee shop kami, kaya nga coffee shop eh walang banana milk!

 

"Ikaw naman Jagiya, porket tatawag ako sayo banana milk na lang lagi ang dahilan?" Aigoo~ kanina bestfriend ngayon Jagiya naman?? sira ulo to ah??

 

"Tigilan mo nga ako sa pag Ja-Jagiya mo Taemin" sabi ko sakanya

 

"Hehe bakit naiinlove ka na ba sakin?" Tanong niya sakin, Ay.. baliw?

 

"You wish noh!" sabi ko sakanya, nako bakit ba kami naging close nito? para siyang tanga lagi na lang siyang ganyan aigoo~!

 

"Hehe oo na nga sige na hindi man lang tumalab yung charm ko sayo, pupunta kami sa Thailand mamaya baka gusto mo kong makita bago ko umalis o kaya baka gusto mong ihatid ako sa airport?"  Tanong niya sakin habang naguusap kami sa phone, bigla akong nalungkot, siguro dahil na rin sa natrauma ko sa mga airport before kaya ayokong pumupunta sa airport, ayoko din makitang umalis si Taemin nalulungkot kasi ko pag may umaalis eh.

 

"Ah hehe.. magkita na lang tayo mamaya dito sa coffee shop, hindi kasi ko pwede umalis eh" sabi ko sakanya

 

"O-okay sige basta kita na lang tayo diyan ha.." sabi niya

 

"Neh, sige text ka na lang pag papunta ka na"

 

"Okay bye Jagiya! I love you muah muah!!"

 

"Sira Ulo!.." at pagkatapos binaba ko na yung phone, abnormal

--

Taemin's POV

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti, nagiimprove na yung friendship namin ngayon bestfriends na nga kami eh, alam kong napaka conceited ko dahil hindi naman talaga friendship yung habol ko sakanya, inlove nga kasi ako sakanya di ba? pag binibiro ko siya at pagtinatawag ko siyang Jagiya lagi ko winiwish na sana next time masabi ko na sakanya ng totoo yun, yung hindi pabiro sana malaman niya na mahal ko siya, sana maabot siya nung mga sinasabi ko sakanya, sana buksan niya yung puso niya para sakin.

 

"Hoy Taemin nakapag impake ka na ba?" Tanong ni Key Umma habang inaayos yung damit niya sa may sala

 

"Oo Hyung tapos na" sabi ko, nalulungkot talaga ko 3 araw din kaming mawawala dahil may show kami sa Thailand at for sure magiging busy na naman kami, minsan nakakasawa na rin maging idol, wala ka na ngang pahinga, walang pang privacy pati ang buhay mo.

 

"Hyung aalis lang ako sandali" sabi ko kay Key Hyung, habang sinusuot ko yung coat ko

 

"At saan ka pupunta?" Tnong ni Key Hyung

 

"Saan pa nga ba edi dun sa 'bestfriend' niya" tukso naman ni Minho Hyung

 

"Aigoo~ ang tagal niyo na magkakilala, hindi mo pa rin sinasabing may gusto ka sakanya?" Sabi naman ni Jonghyun Hyung

 

"Hyung, para naman kasing napakadaling sabihin nun!" sabi ko, oo ang hirap sabihin na may gusto ako sakanya lalo na pag umiiwas siya, pag yun na yung topic, aigoo~ bakit ba kasi napaka insensitive niya eh? halos araw araw ko siya kinakamusta, tinatawagan, nag a- I LOVE YOU pa ko sakanya pero wala pa rin, tingin niya lagi na lang akong nagbibiro mukha ba kong hindi seryoso??, kung pwede ko lang sana ipagkalat sa buong mundo na mahal ko siya, siguro seseryosohin niya na ko. *sigh*

 

--

 

Aeri's POV

 

"Aeri~" Nalulukang pagbati sakin ni Rin Tae pag pasok niya sa coffee shop

 

"Wae? bakit ka nandito??"

 

"Grumpy much? grabe ah? Bakit bawal ko na bang dalawin ang BESTFRIEND ko? siguro talagang ipinagpalit mo na ko kay Taemin Oppa noh??" Nagtatampong sabi ni Rin Tae,

 

"Whoa.. nagseselos ka ba? Ikaw naman oh para namang hindi ka fan ni Taemin~ ah??" sabi ko sakanya while I'm sly looking at her

 

"Alam mo Aeri~ kahit naman fan ako ng SHINee eh alam mo namang mas love kita" sabi niya sakin, sus kung alam ko lang

 

"Huuu.. utot mo, sipain kita eh, mas love sa SHINee?! Haller kung di ko pa sana alam na handa mo ko ipagpalit para lang kay Key, naku, Rin Tae!"

 

"Hehehe ikaw naman Aeri, eh alam mo namang true love yung kay Key.. eee!! ang gwapo kasi niya eh" Sabi na naman niya, ang landee?? Sus super bow na talaga ko sa kaadikan niya kay Key,

 

"Huu, ewan ko sayo, anong order mo? bawal ang tambay dito" sabi ko sakanya

 

"Katulad ng dati tsaka gusto ko ng cheesecake ni Auntie, meron ba?" Tanong niya

 

"Oo, 3000 won lahat.. walang discount di kami nagbibigay ng discount pag bakasyon, mahina ang negosyo" Sabi ko

 

"Wow, bestfriend nga talaga kita, bait mo ah?" sarcastic na sabi niya tsaka niya inabot yung bayad

 

"Oo naman 'bestfriend'" sabi ko sakanya habang nakangisi tsaka ko kinuha yung order niya

 

Pagkatapos ko maibigay yung order ni Rin Tae bumalik na ko dun sa inuupuan ko sa harap ng cashier

After a few minutes may pumasok sa loob ng shop, naka hoodie lang siya ngayon ah? confident much na hindi siya makikilala, loko talaga? umupo si Taemin sa harap ko tsaka nagsmile sakin na parang adik.

(A/N: parang ganito yung position nila pagpasensyahan niyo na lang ang aking napakagandang sketch :D)

 

"Hoy Taemin, sabi ko sayo magtext ka di ba pagpapunta ka na dito?" bulong ko sakanya habang nakaupo siya sa harap ko buti na lang talaga at tumalikod siya kay Rin Tae

 

"Hehe gusto ko lang na isurprise ka, wala namang nakakita sakin eh" sabi niya habang nakasmile aigoo~ lintik makapag aegyo

 

"Aeri~ah" Tawag ni Rin Tae habang kumakain ng cheesecake

 

"B-Bakit?" kinakabahang sabi ko, aigoo nahalata na ba niyang si Taemin to?

 

"Hhhmmm... Kailan mo ba ko ipapakilala sa future husband ko? sabi mo ipapakilala mo ko kay Key my loves?" Aigoo~ nagumpisa na naman tong si Rin Tae, tinignan ko yung reaction ni Taemin para siyang natatawang hindi mo maintindihan, sabagay nakakatawa naman talaga pag may ganito kaadik na fangirl na nagsspazz noh.

 

"Yah Aeri.." sabi ni Rin Tae

 

"Ah Oo hehe.." kung pwede ko lang sana sabihin kay Rin Tae na pinapahiya niya yung sarili niya eh

 

"Naku, porket friends kayo ni Taemin Oppa hindi mo na ko binibigyan ng pansin, siguro inlove ka na sakanya noh??" Tanong ni Rin Tae sakin, gaga to ah?? aigoo~ eto namang si Taemin pinipigilan pa rin yung tawa niya habang tinitignan ako mischiviously, lul mo wala kong gusto sayo noh *mehrong*

 

"Anong sinasabi mo dyan?? Yung payatot na yun magugustuhan ko?? baliw ka na ba?" sabi ko kay Rin Tae habang nakatingin pa rin ako kay Taemin, nagfrown ang loko, kala mo ha :P

 

"Sabagay, ang layo nga naman niya sa mga type mo noh? ang layo niya kay Himchan Oppa, si Himchan Oppa, macho, mabait, matalino, maappeal, ano pa nga ba? *thinking* ah siya nga rin pala ang first love mo haha.." sabi ni Rin Tae, oo buti alam mo,

tumingin lang ako kay Taemin tsaka ko nagsmirk sakanya. nagsad face naman ang loko mukha mong iiyak na, adik hehe..

Lumabas ako sa sa dining area para kunin yung kinainan ni Rin Tae, tsaka ko nilagay sa counter,

pero tinitignan pa rin ako ni Taemin

 

"Wae?" tinanong ko siya without words coming from my mouth, nakangiti pa rin ako na parang nangaasar, tapos nagsmirk siya

 

"Ehem.. Ehem.." nagfake cough si Taemin tsaka siya humarap kay Rin Tae, edi napahinto naman si Luka-luka nakakita ng idol eh, automatic ang fangirl mode, epal talaga tong bulalong to eh

 

"T-Taemin-ssi?? Eotteokke?? Taemin-ssi??!" Nagsisisigaw na sabi ni Rin Tae edi ako naman tong si takip kagad ng bunganga niya, aigoo~ nung kumalma na si Rin Tae tsaka ko siya pinakawalan

 

"abnormal ka talagang payatot ka, alam mo namang hardcore shawol yang babaeng yan eh" pabulong kong sabi kay Taemin, tapos nagsmirk lang siya tsaka niya ko hinila palabas

 

"Yah! saan ba tayo pupunta hindi ako pwede umalis dito" sabi ko kay Taemin habang hinihila niya ko

 

"Rin Tae-ssi pwede bang ikaw muna bahala dito sa coffee shop? wag ka mag-alala ipapakilala kita kay Key Hyung" sabi ni Taemin kay Rin Tae habang patuloy pa rin niya kong hinahatak

 

"Talagaaaa??! Oo sige kahit bukas mo pa ibalik yang si Aeri, akong bahala dito!!" sabi ni Rin Tae, aish gaga talaga to, aigoo~ sabi na eh ipagpapalit talaga niya ko para kay Key!!
 

--

"Yah! saan ba tayo pupunta??" sabi ko sakanya habang inaayos niya yung seatbelt niya

 

"Sshh, wag kang maingay dadalhin kita sa special na lugar" sabi niya sakin habang nakasmirk, napalunok ako nun nakita ko yung smirk niya, parang may pinaplanong masama eh

 

"Haha aigoo~ iba na iniisip niyan oh? adik wala akong gagawing masama noh duh!" sabi niya sakin tsaka siya tumawa ng tumawa

 

Ilang sandali lang dumating na kami sa may gilid ng Han River, lumabas na kami sa kotse niya tsaka siya umupo dun sa may damuhan, umupo din ako, medyo tahimik si Taemin pagdating namin dun, parang ang layo ng Taemin na kausap ko kanina dun sa kotse, sa Taemin na nakaupo sa tabi ko ngayon

 

"Uy bakit ang tahimik mo? may problema ka?" Tanong ko sakanya, umiling-iling lang siya, tsaka siya tumitig dun sa ilog

 

"Jagiya.." Aish ayan na naman po ang adik na Jagiya

 

"Ano na naman ang trip mo?" Tanong ko kagad sakanya, hindi naman siya tumingin parang seryoso lang siya habang nakatingin siya sa malayo

 

"Sino si Himchan?"

 

"Wae? bakit mo natanong?" Tanong ko sakanya

 

"Wala lang, siya ba talaga yung first love mo?" Tanong niya sakin habang nakatingin pa rin siya sa malayo, pumulot din siya ng bato tsaka nya ipinagbabato dun sa ilog

 

"..." natahimik ako, bakit parang ang awkward ng feeling pag ganito makipag usap si Taemin? parang hindi siya yung bubbling payatot na naging kaibigan ko

 

"Uy Aeri.."

 

"Ah.. hehe ahmm.. sabihin na nga nating parang ganun na nga.. pero siguro parang hindi din?"

 

"Ang labo mo.. ano ba yun? first love mo ba talaga siya oh hindi??" Nagtatakang tanong sakin ni Taemin habang palakas ng palakas yung bato niya ng mga bato dun sa tubig

 

"*sigh* Oo na.. siya yung first love ko.." sabi ko tsaka ko nagsmile sakanya tapos bigla siyang tumingin sakin

 

"Mahal mo pa siya?" Tanong niya ulit

 

"..." Hindi na naman ako makasagot, aigoo~ bakit ba ko nagkakaganito??

 

"Uy Aeri.."

 

"O-oo.. H-hindi naman mawawala yun eh.." sabi ko sakanya.. bigla siyang tumahimik tapos napabuntong hininga

 

"Gaano mo siya kamahal?"  nagulat ako sa tanong niya, napaisip ako, gaano ko nga ba kamahal si Himchan Oppa? bakit ako naguguluhan ng ganito? alam ko namang mahal ko siya at hindi na mawawala yun eh pero bakit ganito yung nafifeel ko?, parang.. may mali

 

--

Taemin's POV

 

"Gaano mo siya kamahal?" tinanong ko si Aeri, habang nakatingin ako sa malayo, pinipilit kong wag umiyak, lalaki kaya ako, nakakahiya naman kung iiyak ako sa harap niya, kaya kahit ang bigat bigat na ng puso ko sige lang.. kaya pa yan

 

"Mahal ko siya, mahal na mahal, pero.. iniwan niya ko eh, kaya eto naghihintay pa rin ako sakanya, haha sinarado ko na nga yung puso ko eh, kita mo ba yung nakalagay 'no trespassing'?" sabi niya sakin tsaka siya tumawa ng sobrang bitter, nagsmile lang ako sakanya tsaka ko tumayo.

ganito rin ba yung nararamdaman mo Aeri katulad sa nararamdaman ko sayo ngayon? ganito ka rin ba kabroken-hearted? aigoo~ ang tanga mo naman kasi Taemin eh magmamahal ka lang kasi ng babae di mo muna sinigurado na wala siyang mahal na iba hayan tuloy..

 

"Ganun? adik ka talaga, madami namang iba diyan ah? bakit sinarado mo na yung puso mo para sa iba? hindi mo ba naisip na baka nasa tabi tabi lang yung taong magpapasaya sayo" katulad ko andito lang ako bulag ka ba?

 

"Aigoo~ ewan ko nga ba? ang tanga ko eh, siguro kasi feeling ko kami na talaga.. tsaka first love nga kasi eh di ba? malay mo siya na talaga.. malay mo.. bumalik siya" Hindi Aeri hindi lang siya, nandito pa ko oh, di mo ba ko nakikita? mahal kaya kita, pwede bang kahit minsan lingunin mo rin ako? Ako yung nandito eh

 

"..."

 

"..."

 

"Aeri.."

 

"Oh bakit?"

 

"..."

 

"..."

 

"Pwede bang buksan mo yang puso mo kahit sandali lang?"

 

"H-ha? bakit naman?"

 

"Para.. makapasok ako.."

 

"..."

 

"..."

 

"Aigoo~ joke ba yun Taemin? haha nice one ah, grabe iba ka talaga hehehe.." sabi niya sakin sabay hampas sa balikat ko, hindi ako tumawa, ayoko ng magkunwari, ayoko ng magtago, kung pwede ko lang sana isigaw sa harap niya na mahal ko siya para lang matauhan siya ginawa ko na eh, kung pwede ko lang sabihin na sana ako na lang yung mahalin niya

 

"Hindi ako nagbibiro, Aeri mahal kita! Hindi mo ba nagegets yun??! kaya pagbalik ko galing ng Thailand liligawan kita.. kaya please buksan mo yang puso mo??" sabi ko sakanya

 

"..."

 

"..."

 

"Eh.. Paano kung ayaw ko?"

 

"..."

 

"..."

 

"Edi nanakawin ko na lang yang puso mo.." sabi ko sakanya

 

"Eh paano kung-"

 

"Ah basta!.. wag ka ng magsalita, basta pagbalik ko liligawan kita at sisiguraduhin kong mananakaw ko yang puso mo, at hindi na Himchan ang pangalang tatatak diyan kundi LEE TAEMIN magiging akin rin yan!" sabi ko sakanya, hindi siya nagsalita pero halatang nagulat talaga siya sa mga sinabi ko

 

Tapos biglang nagtext si Key Hyung, malapit na daw kami umalis kaya sumunod na ko, ayoko pang umalis pero kailangan, tumingin ako kay Aeri tsaka ko nagsmile

 

"Paano ba yan Jagiya kailangan ko na umalis, pero pagbalik ko sisiguraduhin kong magiging akin na yang puso mo, Arasso?" Sabi ko sakanya tsaka ko siya hinila para yakapin

 

"T-Taemin.." sabi niya sakin habang yakap ko siya,tapos hinalikan ko noo niya tsaka ko lumakad palayo.

 

Tumayo lang siya dun na parang naninigas.

 

"Aeri~ah I LOVE YOU!!!" Sigaw ko sakanya tsaka ko sumakay ng kotse at tinext yung driver namin para sunduin siya at ihatid siya pabalik

---

 

Aeri's POV

"Aeri~ah I LOVE YOU!!!" Sigaw ni Taemin bago siya sumakay sa kotse niya, gusto kong umiyak kasi, hindi ko alam kung kaya kong suklian yung pagmamahal niya, natatakot akong baka masaktan ko siya, pero at the same time, ang saya saya ng feeling ko, feeling ko parang lumawag yung pakiramdam ko.. sana sana talaga malaman ko yung dapat kong gawin..


Huuu.. ang drama.. haha masyado bang mabilis yung transition?? err excited ako eh xD

comments comments comments :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
enilorac022
nagupdate na ko :D

Comments

You must be logged in to comment
pencils #1
. .ahjumma mag update k naman!! gusto mgktuluyan n kmi ni key d2!
cge pg di ka nagupdate agad mgiging kmi ni taeminXD
bananamilk23
#2
hahaha...the best ka talaga... umiiyak na ako kakatawa sa'yo...
mirzidarlene
#3
Wahhh! Update sooooon! :))
yeolderella
#4
hahaha, pinagmukha talaga ni taemin na nanay si Aeri. XD
Ang cute~ Update more please~
eunhaeisreal0415 #5
HAHA. Cuute !! Update soon !! ^^~
bananamilk23
#6
I'm waiting for your new kaadikan...
shania #7
BULALO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!I LOVE YOU~~~WAHAAA ANG CUTE NG STORY!!
TaeminnieOppa18
#8
hahahah! ang kulit ni bulalo!
update soon~~~
eunhaeisreal0415 #9
Nakuuuu Bulalo. I love you naa ! XD UPDAAAAAAATE Nakakabitin XD