Bulalo

Unexpected Love -Tagalog Fanfic-

Aeri's POV

 

"Yah! Park Rin Neul ano ba?? bilisan mo nga baka malate na tayo!, gustong-gusto ko na makita ang comeback nila noh!", ang nagsisigaw na sabi ng bestfriend kong si Rin Tae

 

"Oo na! naku naman oh bakit ba kasi kailangang isama mo pa ko ha??, hindi ba pwedeng ikaw na lang ang manuod mag isa??", naiiritang sabi ko, papunta kami ni Rin Tae sa Mnet ngayon para manuod ng comeback ng SHINee, nakakabadtrip nga eh, hindi naman kasi ako ganun ka fan, at kung tutuusin halos konti lang ata ang kilala kong idol, pero dahil sa hardcore shawol ang lintik na babaeng to eh halos ata buong buhay ng SHINee eh alam ko na

 

Sumakay na kami ni Rin Tae ng bus, mukha kaming tangang dalawa habang may hawak hawak siyang banner ng SHINee, light stick atsaka balloon, napapatakip na lang din ako ng mukha sa sobrang hiya dahil sa sobrang pag sspazz niya habang nakaupo kami sa loob ng bus, tinitignan kasi siya nung mga tao, dahil sa lakas ng boses niya

 

"Yah Lee Rin Tae, pwede ba wag kang masyadong hyper?? mamaya na naman niyan wala ka na namang boses tsaka piangtitinginan na tayo!" ang sabi ko sabay batok sa kanya

 

"Aray! makabatok naman?, aigoo~ paano ba naman kasi halos isang taon at kalahati din sila nawala nuh! paanong hindi ako magiging excited?? kita mo ba yung mga teaser nila?? grabe!! super hot nila lalo na ni Taemin!!" kinikilig na sabi niya, napatingin na lang ako sakanya tapos tsaka ko tumawa ng sobrang lakas

 

"Jjinja?? Hot ba ang tawag mo dun sa mukhang bulalo na yun??"

 

"Bulalo?? ano yun??" nagtatakang tanong sakin ni Rin Tae, hehe oo nga pala Full Korean kasi si Rin Tae samantalang ako Half-Filipino Half-Korean, ipinanganak ako sa Philippines pero dito na ko lumaki sa Korea dahil na rin sa trabaho dito nila Appa at Umma, may maliit rin kaming coffee shop dito, Only child lang rin naman kasi ako kaya isinama na lang nila ko dito sa Korea

 

"Hoy Aeri! tara na ano pang hinihintay mo diyan?? andito na tayo!" sabi ni Rin Tae ng bumaba na kami

 

Naglakad kami papasok sa lobby ng Mnet, ang daming mga baliw dun sa loob, mga kalahi nitong si Rin Tae, hindi na rin nakakagulat, super dami naman kasing Idols na magpeperform ngayon eh

 

Pinapasok na kami dun sa studio kung saan nagrerehearse na yung mga idols, honestly ngayon pa lang ako makakakita ng Idols in person and honestly nakaka star struck nga din pala talaga sila sa totoo niyan feeling ko mas maganda pa yung mga lalaking idols kesa dun sa mga babae eh

 

Umupo kami ni Rin Tae dun sa first row malapit sa stage,

 

nagsimula na yung mga performance, nauna yung B1A4, grabe gwapo pala talaga si Jung Jinyoung in person? nung natapos na yung performance nila sumunod na yun MBLAQ. nagpaalam muna ko kay Rin Tae na pupunta lang ako sa washroom para umihi, umoo lang siya habang nakikisigaw kasama nung ibang fangirls, I just rolled my eyes tsaka ko lumabas ng studio

 

Naglakad-lakad ako habang hinahanap ko yung CR bakit ba kasi ang lawak nitong building na to eh?, habang naglalakad lakad ako ang dami kong nakitang mga idols sa corridor, yung iba tinutulungan nung mga coordinoona nila para sa mga finishing touches bago sila pumuntang studio, obviously hindi ko na lang sila pinansin, nakakahiya rin naman kasi eh

 

ilang sandali lang nakita ko na yung CR pumasok ako sa isang cubicle tsaka ko ginawa yung sarili kong business, pagkatapos ko lumabas na ko at naglakad pabalik ng studio, baka hinahanap na kasi ko ni Rin Tae, tapos may biglang nahulog mula sa pocket ko,

 

barya! yumuko ako para pulutin yung pera ko sayang din ang 100 won nuh!, nung napulot ko yung pera ko biglang bumukas yung pinto sa harap ko

 

 

 

"Yah! ano ba?? kanina ka pa namin hinihintay eh! hindi pa nakakapagbihis si Taemin ano bang agency yan! super late magpadala ng assistant!" ang nag nanagged na sabi nung lalaki habang hinihila niya ko papasok sa kwarto.. ng SHINee???

 

"Huh? wai-"

 

"bilisan mo na!! sasalang na kami eh, hindi pa nagbibihis si Taemin wala pa rin siyang make-up kakatapos pa lang niya magpalagay ng hair extension, bilisan mo na! Ppalli!!" nakasuper raise na yung kilay nung lalaki, pamilyar siya sakin eh, siya si.. Key? napatango na lang ako nung binuksan niya yung isang kwarto, at itinulak ako sa loob, may apat na pair ng eyes na nakatingin samin.

 

"Hyung siya na ba yung bago kong assistant?" Tanong ng bulalo este ni Taemin pala habang naglalaro ng Xbox, sasabihin ko sanang gago ka ba? paano ko magiging assistant mo eh 18years old pa lang ako mukha ba kong matanda para maging coordinoona??

 

"Oo kakakita ko lang sakanya sa labas eh" sagot naman nitong lalaking mukhang mas babae pa sakin, sa sobrang daldal

"Wow Taemin-ah ganda ng assistant mo ah? tsaka bakit ganun bakit mukhang bata?" sabi ni dinopuppy,

dinopuppy kasi tawag ni Rin Tae sakanya eh, talagang bata pa ko nuh! Napatingin ngayon sakin si Taemin at napanganga maganda naman kasi talaga ko nuh! :P

 

"Taem bilisan mo na magpabihis 30 minutes na lang sasalang na tayo" ang sabi naman nung malaki yung mata na lalaki pero shemay! ang gwapo niya!!

 

"Okay Hyung.. Noona ano pang tinatayo mo diyan?? Tara na dun" Nakangiting sabi ni Bulalo

 

"Noona? Hindi pa ko matanda para maging Noona mo" sabi ko sakanya nung nasa loob na kami ng kwarto

 

"Ay ganun ba? Mianhe~ ilang taon ka na ba? atsaka anong pangalan mo?" Tanong nya habang hinuhubad niya yung t-shirt niya, nanlalaki na yung mata ko pero hindi ko na lang pinahalata, Eotteoke Aeri-ah hindi siya bulalo, may laman!!!

 

"Ah.. eh.. 18 years old pa lang ako atsaka ako si Park Rin Neul pero Aeri na lang itawag mo sakin mas sanay ako sa pangalan na yun"

 

"Ah, Arasso, ako pala si Taemin kilala mo naman ako di ba? same age lang rin tayo, lets be friends okay?" sabi niya habang nakangiti at ishineshake yung kamay ko, biglang parang may butterflies ako sa tiyan ko and I really turned so red *gaga bakit ka nagbablush nagiging fangirl ka na rin?? hindi pwede!!!*

 

"oh sige Aeri-ah bihisan mo na ko" ang sabi niya habang itinuturo niya yung damit na gagamitin niya

 

Tinulungan ko siya magbihis, tapos nag usap din kami habang inaayos ko yung damit niya, then nilagyan ko rin siya ng konting powder, alam mo ba yung feeling na nakakainsecure siya kasi ang ganda ganda niya para maging isang lalaki?? Hindi ko nga namalayan nakastare na pala ko sa kanya and his doing the same

 

"Aeri may boyfriend ka na ba???"

 

"H-ha??.. ah ano ulit yun?" Tanong ko hindi kasi sakin nagsink in yun tanong niya eh

 

"Hehe.. wala wala.. sige thank you Aeri-ah" ang sabi niya tumango lang ako tsaka ngumiti

 

Then lumabas na kami sa kwarto, nakatingin naman samin ngayon yung apat, yung leader nilang si Onew nakangiti lang habang kumakain ng alam niyo na kung ano, si Key naman nakaraise lang yung isang eyebrow nya, si Jonghyun naka ngiti na parang tanga habang si Minho napatingin lang tapos umiling at bumalik sa binabasa niya

 

Pagkatapos ng staring session mula kay Key, biglang bumukas yung pinto nila at may isang babae na pumasok

 

"Mianhe~ late ako,*90 degrees bow* ako nga pala yung bagong assistant ni Taemin super sorry talaga sobrang traffic eh Hindi na talaga mauulit" ang sabi nung coordi noona nila

 

"Huh?? eh di ba ikaw yung-" ang nagtatakang sabi ni Key habang nakaturo sakin

 

"Yan nga yung gusto ko sabihin sayo kanina eh, grabe ka naman kasing manghatak papasok dito sa loob" ang sabi ko, napakamot ng ulo si Key habang nahihiyang nagsosorry

 

"Ayos lang.. oh sige alis na rin ako byebye~" ang sabi ko habang dirediretso kong lumabas pabalik sa studio

 

Tapos may biglang sumigaw na tinatawag yung pangalan ko, si Taemin nagtatakbo siya papunta sakin huminto ako sa paglalakad

 

"Aeri-ssi pwede ko bang makuha yung number mo?? para makapag thank you ako ng mas formal sa yo next time?? Sige na!" ang sabi niya

 

"Ha? Wag na"

 

"Sige na? friends naman tayo di ba?" ang sabi niya habang inaabot sakin yung cellphone niya napa sigh na lang ako tsaka ko nilagay yung number ko

 

"Sige see you na lang okay! itetext kita ha?" ang sabi niya habang nakangiti tapos bumalik na siya sa loob, tsaka ko lumakad ulit tapos biglang nagvibrate yung phone ko

 

Unknown Number:

Aeri, Taemin to eto yung number ko :)

 

isinave ko yung number ni Taemin at bumalik na ko sa studio, nakita ko si Rin Tae na andun pa rin nagsisigaw at nagchicheer hindi ata namalayang napatagal ako bumalik, umupo ako sa tabi niya at nakinuod na rin ako.. tapos SHINee na yung may turn para magperform, nakita ko na silang 5 habang naghaharutan, tapos nakita ako ni Taemin tinuro nya ko tsaka siya napangiti, nagfake smile na lang rin ako, tinignan ako ngayon ni Rin Tae atsaka nung ibang shawols na nandun napayuko na lang ako habang nahihiya grr!.. pag napatay talaga ko dito ng mga shawols mumultuhin ko talaga tong bulalong to!

pagkatapos nung show at nung naannounce na na SHINee yung panalo nagbigay ng mga flowers ang SHINee sa mga fans nila bale yung boquet na binigay sakanila eh pinaghati hati nila dun sa mga shawols, nilapitan ako ngayon ni Taemin habang naka smirk gago talaga trip ba ko nito??, napanganga si Rin Tae habang nakatitig sakanya, super parang nararamdamang kong nasusunog yung likod ng ulo ko sa mga glare nung mga shawols sa likod ko, grr! nakainis kung pwede ko lang talagang sipain tong si Taemin ginawa ko na eh! patay na naman ako kay Rin Tae nito mamaya

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
enilorac022
nagupdate na ko :D

Comments

You must be logged in to comment
pencils #1
. .ahjumma mag update k naman!! gusto mgktuluyan n kmi ni key d2!
cge pg di ka nagupdate agad mgiging kmi ni taeminXD
bananamilk23
#2
hahaha...the best ka talaga... umiiyak na ako kakatawa sa'yo...
mirzidarlene
#3
Wahhh! Update sooooon! :))
yeolderella
#4
hahaha, pinagmukha talaga ni taemin na nanay si Aeri. XD
Ang cute~ Update more please~
eunhaeisreal0415 #5
HAHA. Cuute !! Update soon !! ^^~
bananamilk23
#6
I'm waiting for your new kaadikan...
shania #7
BULALO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!I LOVE YOU~~~WAHAAA ANG CUTE NG STORY!!
TaeminnieOppa18
#8
hahahah! ang kulit ni bulalo!
update soon~~~
eunhaeisreal0415 #9
Nakuuuu Bulalo. I love you naa ! XD UPDAAAAAAATE Nakakabitin XD