Pang-pito.
sweet blood
"Kumain ka muna bago ka umalis, Aeri." Sabi ko habang nagluluto ng almusal namin. Itlog, sinangag at hotdog lang ang niluto ko para light meal lang dahil almost lunch time na rin naman.
Dito na natulog si Aeri dahil hindi ko na siya pinayagan bumiyahe ng alas dos ng madaling araw. Oo, nag-binge watch kami ng Twilight, natapos na namin lahat ng part. I could say she enjoyed the whole series dahil hindi naman siya nag-walk out, in fact, marami pa siyang side comment patungkol sa movies kaya naentertain din ako sa mga observation niya.
Grumpy Winter is as usual, lying on the sofa with a notebook and a pen on her hand. Hindi ko alam anong sinusulat niya pero hinayaan ko muna siya. Nakatabi lang sakanya si Saebok, natutulog nanaman.
Habang naghahain ako ng pagkain, tinulungan na ako ni Aeri hindi katulad ng isa d'yan! Before I even call her to come up, I felt a familiar cold air inside the dining room. Hindi naman ata na-feel ni Aeri dahil patuloy lang siya sa pag sandok ng sinangag mula sa pan.
"Winter, let's eat." Si Aeri na ang nag-aya kay Winter para kumain, agad naman tumayo si Winter. That's new? Hindi man lang nagreklamo o nagdabog? Nasa mood ata siya.
"Itadakimasu!" Nagulat naman ako sa pag lakas ng boses ni Aeri.
Habang kumakain, sobrang tahimik ng paligid. Hindi ako sanay, dahil nung mag-isa lang ako, I usually watch something on my phone or sa TV pero ngayon na may kasama ako, hindi ako pwedeng manood sa cellphone dahil baka hindi sila komportable sa ganon.
Pero, kapag kaming dalawa lang ni Winter ang kumakain, okay naman, the silence were great for us, it's not too pressuring to talk or make noise.
Pagkatapos kong kumain, I went to the kitchen to get some icecreams for us dahil nagccrave talaga ako sa icecream kahit maaga pa lang.
"Thanks for the offer but I need to go na, Rina." Tumango naman ako dahil mukang nagmamadali siya. At Rina na ang tawag niya sa'kin para daw maigsi na lang. Okay lang naman sa'kin dahil first time may tumawag sa'kin niyan.
When Aeri left, nagulat ako kay Winter hindi dahil wala siya sa sofa niya, kundi dahil naghuhugas siya ng plato! What the ef?! All this time, marunong pala siyang mag hugas ng plato?!
Comments