two

fake…what?
Please log in to read the full chapter

 

Winter’s



 

“Ayoko,” sagot ko sa kaniya matapos maka-recover. 



 

Agad na nalukot ang mukha niya at sasagot na sana pabalik sa pagtanggi ko nang magsalita ako muli. 



 

“Kahit anong sabihin mo, Karina Yu, hindi pa rin ang isasagot ko kaya shoo, alis dito,” pagtataboy ko sa kaniya. Alam kong building nila ang nasa harap pero ako ang nauna dito kaya siya ang umalis. 



 

Hindi naman pwedeng dito rin siya tatambay kasi kapag may Karina sa isang lugar, sure akong may maiingay na student ang susunod. And ayaw kong makita kasama siya kasi baka ano na namang chismis ang kumalat. 



 

Parang last time na nakita siya with another student sa isang tagong tambayan din dito sa school, talagang nabulabog ang buhay nung student eh binalik lang pala ni Karina sa kaniya ‘yung library ID na napulot niya. 



 

The other girl had to cover her face actually everytime na maglalakad siya papasok ng school for weeks kasi grabe ‘yung pagtatanong sa kaniya ng mga student about sa encounter niya with Karina. 



 

Mga questions like, “Friend na kayo ni Karina?”



 

“Nakuha mo number niya?”



 

“Alam mo account niya sa twitter? Eh sa IG?” 



 

“May picture ka with her?” And ipa pang tanong tapos ‘yung iba, below the belt na.



 

Yikes! 



 

Daig pa nila ang kulto.



 

I mean, okay lang naman kasi na humanga ka sa isang tao. Okay lang na magka-idol ka. Pero huwag naman ‘yung sobra. ‘Yung tipong naiinis ka sa mga kinakausap ng idol mo? Aba, iba na ‘yun!



 

Kaya as much as possible, ayaw kong madikit sa mga sikat dito sa school. Gusto ko lang naman kasi ng tahimik na buhay. 



 

“Eh, bakit ayaw mo?” 



 

“Ayaw ko eh,” sagot ko sa tanong ni Karina. Nakaupo na siya ngayon sa kabilang lamesa at nakatingin sa akin. Nakakunot lang naman ang noo niya. 



 

“Eh, bakit?,” ulit niyang tanong sa akin. Hindi ko na siya pinansin at pumikit na lang ulit. 



 

Siguro naman eh mananahimik na rin siya kapag hindi na ako sumagot. 



 

“Uy, bakit ayaw mo?” 



 

Listen sa mga huni ng ibon, Win at hindi sa mga bubuyog sa tabi. 



 

“Winter, pansinin mo ako huy” 



 

Grabe talaga ang peaceful ng life basta piliin mo lang ang mga pakikinggan mo. 



 

I love nature talaga!



 

“Winter Kim…bakit ayaw mo sumagot?,” 



 

Go, Winter. Dedma lang dapat sa iba. Para sa peaceful life, Win. 



 

Inhale. Exhale. Inhale. Exh–



 

“B-bakit may paglapit…H-hoy…L-layo nga. Ito naman hindi ka ba nasabihan about sa personal space??” Napabukas tuloy ako ng mata kasi naramdaman ko ang paglipat ni Karina sa tabi ko at nagawa pang dumikit sa akin. 



 

Personal space, please????



 

Inirapan ko naman siya bago lumipat na naman ng upuan papalayo sa kaniya. Lito naman siyang sumusunod sa akin. Ganoon ang nangyayari sa amin sa loob ng ilang minuto. 



 

Lilipat ako ng upuan, susunod din siya. Iirapan ko siya kasi kung makadikit sa akin akala mo close kamai pero siya sunod lang naman nang sunod habang paulit ulit na nagtatanong ng “Bakit kasi ayaw mo?” 



 

Para kaming tanga sa totoo lang. 



 

Ako na ‘yung unang napagod sa ginagawa namin kasi parang wala namang balak ‘tong babaeng ‘to na tigilan ako. Hinarap ko siya bago tumingin nang seryoso. Napaayos naman siya ng tayo dahil doon. 



 

“Karina Yu, isang tanong, isang sagot…,” 



 

“Sige, Winter Kim–” 



 

“Shhh!” pagputol ko sa kaniya nang bigla niyang sabihin ang buo kong pangalan na para bang nang-aasar siya. Sinamaan ko na naman siya ng tingin habang siya ay pa-inosente sa harap ko.



 

Ano bang kasalanan ko at nandito ‘tong pugo na ito sa harap ko at nanggugulo? 



 

“Nakapag-confess ka na ba kay Minju?” prankang tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang namutla sa harap ko at hindi makagalaw. 



 

Sabi na eh.



 

I clicked my tongue before sighing loudly. “Akala ko ba sasabihin mo na?”



 

“A-Ahh…hahaha…” pekeng tawa niya sa akin. I crossed my arms at her and looked at her pointedly. Napaubo naman siya at napapaypay sa mukha niyang namumula na. 



 

“Can you please explain kung bakit nandito ka eh in the first place hindi naman tayo close–”



 

“Close kaya tayo! C-close…’di ba? Hehe…he,” pagputol niya sa akin. Lito naman akong nakatingin sa kaniya kasi anong sinasabi niyang close kami? 



 

Tinalikuran ko siya at pumikit. I did breathing exercises bago nakangiting humarap sa kaniya. 



 

Sabi ni Ningning sa akin minsan, mas marami raw siyang nakukuhang expression sa akin at mga words tuwing iniinis niya ako. Hindi naman daw mahirap for her na inisin ako kasi mabilis daw akong mairita. Sabi pa niya, para raw akong pinaglihi sa sama ng loob. Nakasimangot lang naman ako sa kaniya nung sinasabi niya ‘yun na pinuna pa niya at ginawang example. 



 

I asked my mother din naman and ibang close na pinsan if true ba iyon and sabi nga nila na mabilis lang akong mainis and medyo kakaiba raw ang bunganga ko kapag ganun. 



 

At first, hindi talaga ako naniwala kasi hindi naman ako pala-away talaga ang sa tingin ko nga eh mahaba ang pasensya ko. Kaso after ng ilang incidents with Ningning and other classmates na sakit sa ulo, na-realize kong true nga siya. 



 

Tulad ngayon. Medyo inis na ako dito kay Karina Yu kasi kanina pa niya ako kinukulit. Sabi ko nga, hindi kami close. 



 

“Alam mo, matabas lang naman ‘yang dila mo sa mga ka-close mo eh”



 

“Huh? Sinasabi mo diyan…”



 

“I mean, ganyan ka…kapag hindi mo close ‘yung tao and nainis ka sa kaniya, awkward ka magsalita pero sa isip mo, binabash mo na siya. Kapag ka-close mo naman o kaya comfy ka sa taong ‘yun, binabash mo siya orally tapos sa isip mo puro ka ‘hindi naman kami close pero ang kulit kulit niya’...”



 

“Luh, imbento ka!”



 

“Ganoon ka nga!”



 

“Ganyan ba tinuturo sa MedTech, Ning? Imbeto ‘to”



 

“Bahala ka pero totoo ‘yan!”



 

“Nyenye” 



 

“Close tayo kasi alam mo secret ko! Oo, ayan…,” dagdag ni Karina. Nakatingin lang naman ako sa kaniya kaya medyo nailang na rin siya sa sinabi niya. 



 

“Karina Yu…” buntong hininga ko sa kaniya. 



 

“Winter Kim,” paggaya niya naman sa akin kaya inirapan ko na naman siya. 



 

Hindi lang pala hibang ‘tong si Karina, mahirap din kausap. 



 

“Bestfriend mo si Minju, ‘di ba?” 



 

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 5: cute ng dynamics nilaaa huhu
13luvsfriday
#2
Chapter 5: Mamamatay na ba si rina
TYTFshipper
268 streak #3
Chapter 5: Mukang papuntang angst na po ata yung susunod? Or slight angst eme 👀 pero syempre go na go tayo dito 🤭 see you tor next chap!
gomtokkim
2157 streak #4
Chapter 4: HAHAHAHAHHAHA PATI YATA SI WINTER MAGKAKAGUSTO KAY MINJU
cleofierayne #5
Chapter 4: Hoy Win ano yarn hahaahah pareha na kayo ni Karina whipped kay Minjuhahaah enebeee
cleofierayne #6
Chapter 3: Wahahahah ibang klase rin itong si Karina 🤣 Boto ako sa pagiibigan este fake bff niyo hahaha pwde naman totohanin na rin si Winter nlng kulng talaga. Payag kana beh kawawa namn bff mo bahahaaha kulit pa naman ni Karina.

Wasak na cool image ni Karina noon pa kay Winter ❄️ 😭😭 Loser Karina so cool hahaah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: kulit haha
Crossmaltese
#8
Chapter 2: Lol. Dad jokes vibe si Karina I can really imagine it sa OG ugali palang ni Jimin so as Minjeong too na pikon. Tunay na jiminjeong cross dynamic. 😆

Pero dapat seguro tinanong muna ni Winter baket sa lahat ng tao siya ang napili? Dahil ba siya lang may alam sa deep secret ni Karina? Kung ganoon dapat Win sa susunod latagan mo na ng pangmalakasang “What’s in it for me?” . Sabay taas kilay total mataray u naman bagay yan hahahaha
Crossmaltese
#9
Chapter 1: Hala gusto ko to kase maliban sa na-intrigue ako sa sypnosis na “fake bff” dahil [wow first time yun ah], benta rin sakin na hindi niya type sa simula si Karina hahahaha ship niya pa sa iba eh. Looking forward sa susunod na ganap sana slowburn. Tehe.
juuzouxiii #10
Chapter 2: hahahahahahaha laroo