one - karina yu

fake…what?
Please log in to read the full chapter

Winter’s 



 

Karina Yu. 



 

Ilang beses ko na atang narinig ang pangalan na ‘yan sa linggong ito pa lang. Si Karina ganito, si Karina ganoon. Daig pa niya ang dean ng school kasi literal na halos lahat ng nasa school na ito eh alam ang pangalan niya at kilala siya. Ay, kahit pala taga-ibang school eh kilala rin siya. 



 

Ganiyan siya kasikat dito. 



 

Hindi siya ang dean, obciously. Hindi rin siya artista kahit na artistahin ang ngitian. Hindi rin siya singer kahit na maganda ang boses niya. Dancer siya pero hanggang sa school lang namin. 



 

In short, student lang din siya tulad ko. 3rd year Education student, specifically. 



 

Ahead siya sa akin ng isang taon. 



 

Anyways, ayun na nga…mas dumalas ang pagkakarinig ko sa pangalan niya these days. Usually, hindi ko na pinapansin ang mga chismis sa school namin kasi madalas na puro fake news lang naman. Usually ganoon pero this year, iba na. 



 

Pumasok kasi sa eksena si Ningning. Ang literal na lowkey journey ko sa college eh biglang nabasag nang biglang pumasok na rin sa kolehiyo itong si Ningning. Kahit na freshman pa lang siya, super updated na sa mga chika ng school. 



 

Sabagay, hindi rin naman kasi masyadong marami ang mga estudyante dito sa school namin kung ikukupara sa ibang school na malapit. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit mabilis na nagkakaroon ng chismis. 



 

Tulad ngayon, may magarang sasakyan ang nakita sa building ng Pol Sci. Magara as in super magara. ‘Yung tipong mapapa-shet ka kapag nakita mo siya nang malapitan. Mapapa-isip ka na may mga tao pala talagang may kayang gawin iyong service papunta sa school. 



 

Super shocking na kaya na may mamahaling kotse sa parking ng Pol Sci dept pero mas mas nakakagulat ‘yung taong lumabas dito.



 

“Huy! Totoo bang si Minju ‘yung sakay dun sa car na nasa Pol Sci dept?” siko sa akin ni Ningning habang naglalakad kami papunta sa tamabayan namin. Agad naman akong napasimangot kasi kanina ko pa sa kaniya sinasabi na si Minju Kim nga ‘yung bumaba sa kotse pero hindi siya naniniwala. 



 

“Oo nga! Paulit-ulit ka naman eh” 



 

“Luh, weeehhh. ‘Di nga?,” siko pa rin niya sa akin. Napakakulit! 



 

Sabing oo nga eh!



 

“Oo nga ‘di ba? Yes, oo, oum! Ano, hindi ka ba makaintindi ng human language, translate ko pa ba sa alien lang–ARAY!” 



 

Sinamaan ko ng tingin si Ningning kasi habang nagsasalita ako, nagawa pa niyang hilahin ang buhok ko. Ginantihan ko naman siya agad bago nagmamadaling naglakad na papunta sa tambayan namin. 



 

“‘Yung buhok ko, Winter Kim!!,” dinig kong tili ni Ningning. Hinarap ko naman siya at binelatan bago tumakbo na paalis at iniwanan siya. 



 

Tawa lang naman ako nang tawa hanggang sa makarating sa pwesto namin dito sa likod ng Education building. Dito kasi ang bihira lang ang tao kasi bukod sa tago siya, walang wifi dito compared sa ibang tambayan. Nakita ko ‘tong lugar na ‘to last year noong second sem ko. Gusto ko na kasi talagang matulog kasi ang sama ng pakiramdam ko ang buti na lang, nakita ko itong peaceful na tamabayan na ito. 



 

Pinagpagan ko ang usual na inuupuan namin ni Ningning at pinatong na ang bag ko sa lamesa. Tinukod ko ang kamay ko patalikod at tumingala. Napapikit naman ako dahil sa iilang sinag ng araw na nakalampas mula sa dahon ng punong nakatayo malapit sa kinauupuan ko. 



 

You see, natatanggal ang stress ko sa tuwing pumupunta ako rito. Hindi ko lang alam kung bakit pero ever since, naging breather ko na ang pagpikit at pagtingala sa kalangitan habang nakikinig sa simoy ng hangin at ng huni ng mga ibon. Feel ko kasi mas nakapag-iisip ako sa mga ganitong lugar kaysa sa matatao. Nag-try ako minsan sa library pero hindi same ng feeling. 



 

Mas free pa rin talaga ang utak ko dito compared sa iba. Sabi ni Ningning, baka dahil daw sa pagiging nature lover ko and the way I value my personal space. Sabi niya ‘yun. Ako, hindi ko lang alam pero I do know na I like it silent and at peace. 



 

Kaya nga as much as possible, pinipilit kong maka-graduate nang walang na-aattract na attention mula sa schoolmates ko. Ewan ko lang pero alam mo ‘yung sinasabi nila sa fb na lowkey lang? Ganun gusto ko. 



 

Less drama kasi and less ingay hehe. 



 

Ilang minuto na rin ang nakalipas and wala pa rin si Ningning. Minulat ko saglit ang mga mata ko para tignan ang oras sa suot kong relo at nakitang may 30 minutes pa naman bago ang next class niya kaya sure akong naharang ng chismis si Ningning. Natawa naman ako at pumikit nang muli. 



 

Ang contradicting lang ‘no? Gusto ko lowkey lang pero I have a friend na super out-going. Hindi ko rin alam pero ganoon ata ang magandang dynamic ng friendship. Isang maingay, isang tahimik. Syempre ako ‘yung tahimik. 



 

I’ve met Ningning noong freshman week namin. Bilang bago ako sa lugar na ito, wala rin ako halos kakilala and literal na nasa ibang school ang mga kaibigan ko from high school. Naalala ko na nakaupo lang ako sa isang upuan sa gilid ng ilang booth, umiinom ng overpriced na inumin mula sa isang booth nang may biglang umupo sa tabi ko. Sakto pa ‘yung pag-upo niya sa pag-inom ko kaya habang nilalagok ko ‘yung malamig na softdrink, nakatingin ako sa kaniya. 



 

Nakatingin lang din naman siya sa akin the whole time. Hindi niya naman ako sinita or what kaya hindi ko na rin inisip pa. Hindi ko na siya nilingon after nun kasi awkward naman kung nagtititigan lang kami. 



 

“What dept?” 



 

“Huh?” sagot ko sa katabi ko. 



 

“Anong department mo?” ulit niya sa tanong pero ngayon mas mabagal na. Agad naman akong napa-ahh at sumagot na. 



 

“Ahhh, Engineering…po?” hindi ko sure kung senior ba siya or same ko na freshman. Baby face kasi siya ang papasang senior high pa lang pero ‘yung aura na dala niya, pang senior na. 



 

“Civil?” tanong niya ulit kaya napalingon ako ulit sa kaniya. Agad naman akong umiling kasi hindi naman ako civil. 



 

Bakit kaya kapag engineering ang usapan, unang pumapasok sa isip nila ng Civil? I mean, alam ko namang mas marami nga ang mga Civil…pero ewan na! 



 

“Ahh…hind

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 5: cute ng dynamics nilaaa huhu
13luvsfriday
#2
Chapter 5: Mamamatay na ba si rina
TYTFshipper
268 streak #3
Chapter 5: Mukang papuntang angst na po ata yung susunod? Or slight angst eme 👀 pero syempre go na go tayo dito 🤭 see you tor next chap!
gomtokkim
2158 streak #4
Chapter 4: HAHAHAHAHHAHA PATI YATA SI WINTER MAGKAKAGUSTO KAY MINJU
cleofierayne #5
Chapter 4: Hoy Win ano yarn hahaahah pareha na kayo ni Karina whipped kay Minjuhahaah enebeee
cleofierayne #6
Chapter 3: Wahahahah ibang klase rin itong si Karina 🤣 Boto ako sa pagiibigan este fake bff niyo hahaha pwde naman totohanin na rin si Winter nlng kulng talaga. Payag kana beh kawawa namn bff mo bahahaaha kulit pa naman ni Karina.

Wasak na cool image ni Karina noon pa kay Winter ❄️ 😭😭 Loser Karina so cool hahaah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: kulit haha
Crossmaltese
#8
Chapter 2: Lol. Dad jokes vibe si Karina I can really imagine it sa OG ugali palang ni Jimin so as Minjeong too na pikon. Tunay na jiminjeong cross dynamic. 😆

Pero dapat seguro tinanong muna ni Winter baket sa lahat ng tao siya ang napili? Dahil ba siya lang may alam sa deep secret ni Karina? Kung ganoon dapat Win sa susunod latagan mo na ng pangmalakasang “What’s in it for me?” . Sabay taas kilay total mataray u naman bagay yan hahahaha
Crossmaltese
#9
Chapter 1: Hala gusto ko to kase maliban sa na-intrigue ako sa sypnosis na “fake bff” dahil [wow first time yun ah], benta rin sakin na hindi niya type sa simula si Karina hahahaha ship niya pa sa iba eh. Looking forward sa susunod na ganap sana slowburn. Tehe.
juuzouxiii #10
Chapter 2: hahahahahahaha laroo