four

fake…what?
Please log in to read the full chapter

 

Winter’s



 

Paano ba maging fake bestfriend? 



 

Sabi ni Ningning sa akin noong isang araw, “Malay ko, teh! Gugol mo na lang” 



 

“Gugol?” lito kong tanong. 



 

“Google, teh. Ang outdated ha,” 



 

Sinunod ko naman siya, I googled it kaso wala pa rin akong matinong sagot na nakuha. Kaya kinausap ko ulit si Ningning about doon. Naka-smirk lang naman siya sa akin the whole time tapos hindi rin helpful ang sagot niya. 



 

“Wow, super invested ah. Ganap na ganap,” 



 

Syempre inirapan ko lang siya. I explained sa kaniya na kahit na fake pa iyon, kailangan maayos pa rin ang execution. Tapos dinutong ko pa na it’s probably because of my personality na ayaw sa half-assessed work. 



 

Kasi hindi naman talaga maniniwala si Minju if hindi kami convincing. 



 

“Akala ko ba ayaw mo sa plano niya? Eh kung maka-overthink ka diyan daig mo pa real bff niya eh,” tanong sa akin ni Ningning. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. 



 

“Ayaw ko naman talaga nung plan A niya…” sabi ko after a while. Hindi naman siya sumagot agad at kumagat na lang muna sa sandwich na order niya sa bagong bukas na cafe ng school. 



 

Ay, napansin ko pala lately na napapadalas ang pagkain namin dito sa likod ng building nila Karina. Mas marami na rin kasi kaming libreng oras na nagkakatugma kaya mas madalas kaming magkita these days. 



 

Tapos madalas na rin pala naming kasama si Karina. Hindi pa niya sinasabi sa iba na bffs kami at tanging kay Minju at Giselle pa lang daw. Sabi niya, parang ang out-of-nowhere naman daw na bigla niyang sasabihin na bff niya ako right after makita si Minju with Jeno. 



 

Tinanong ko siya ano namang kaso doon tapos sabi niya magmumukha raw siyang loser in some ways. Confused naman ako kasi paano siya magiging loser nun? Agree naman si Ning sa naisip niya kaya ang set-up namin ngayon eh she’ll spend more time raw with us para hindi naman super sudden ‘yung pagiging close namin kuno. 



 

Kinilig naman itong si Ningning sa pa-’I’ll spend more time with you na lang muna’ ni Karina. Tapos sabi pa niya, “Beh, payag ka ba agawin ko na lang si Karina kay Minju?” 



 

Syempre binatukan ko siya. Alam na rin pala niya ‘yung secret ni Karina. Noong ipinaliwanag ko kasi sa kaniya ‘yung hanash netong si Karina, hindi ko na naiwasan sabihin na gusto ni Karina ang bestfriend niya. 



 

“So ibig mong sabihin, for the whole year, alam mong may gusto siya kay Minju?” halos maglupasay na si Ningning sa video call namin. Tumango lang naman ako sa kaniya kaya mas lalo siyang gumulo sa kabilang linya. 



 

Puro weird na salita pa ang pinakawalan niya bago humarap sa camera na may malalaking mata. 



 

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” 



 

“Dapat ba sinabi ko sa’yo?” 



 

“Malamang! Ako kaya bestfriend mo!” histerikal na sabi niya. Worried naman ako kasi baka rinig na rinig na siya ng mga tao sa apartment nila. Naka-apartment pa naman siya with some of the students sa SM Univ kasi gusto niya raw independent siya ngayong college life niya. Kaya kahit na 20 minutes by car lang ang bahay nila from SM Univ eh nag-insist pa rin siyang mag-apartment. 



 

Hindi ko nga gets bakit pinayagan ‘to ng mga magulang niya eh. 



 

“Ah…so pumayag ka dahil sa plan B niya?” 



 

“Ning, paulit ulit. Pinaliwanag ko na sa’yo ‘to nung nakaraang linggo ah,” yamot kong sabi kay Ningning. She looked at me pointedly naman bago magsalita ulit. 



 

“Eh malay ko ba kung totoo ‘yang sinasabi mo” 



 

Napakunot naman ang noo ko dahil doon. “Eh bakit naman ako hindi magsasabi ng totoo?” I crossed my arms pa sa harap niya tapos tinignan siya nang masama. Kibit-balikat lang naman siya tapos nagawa pang humigop doon sa order kong milktea. 



 

“Ewan, baka crush mo lang talaga si Karina tapos gusto mo maging close kayo,” pachumchum niyang sabi. Hindi ko naman napigilang agawin sa kaniya ‘yung milktea ko. 



 

“Baliw ka ba?!,” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Malakas naman siyang tumawa bago tinuro ang mukha ko. 



 

“Grabe naman, Win! Diring diri lang?” 



 

“Ewan sa’yo” pagputol ko sa tawa niya. Inirapan ko siya ulit tapos nag-focus na ako sa pag-inom ng milktea ko. 



 

Napairap naman ulit ako nang maisip ko ulit ‘yung sinasabi ni Ningning. Parang ewan talaga. Never pumasok sa isip ko ang idea ng crush sa Karina na ‘yun not until mang-asar si Ningning. I sipped my drink angrily when I realized na hindi pa rin alam ni Ningning ang mga type ko. 



 

Kaya never kong magiging crush si Karina kasi super layo niya sa nav-visualize kong crush. And looking back sa mga naging kaharutan ko before, malayo talaga si Karina. Nilingon ko tuloy si Ningning bago siya inirapan nang malala. 



 

“Baka si Karina may crush sa’yo, Win,” hindi pagtigil ni Ningning sa pagsasabi ng mga nonsense na bagay. 



 

“Si Minju nga ang gusto nun. Kulit mo ha,” ulit ko sa kaniya. She just shrugged before agawin mula sa bibig ko ang milktea. Kainis, agaw nang agaw! Dapat bumili na lang siya kung ganto ‘di ba.



 

“Eh bakit sa lahat ng pwedeng ayain maging fake bff ikaw pa naisip ayain? Sabi mo pa naman hindi kayo close” 



 

“Hindi nga kami close,” 



 

“Oh eh bakit nga ikaw?” Napatulala naman ako nang sabihin iyon ni Ningning. Napaisip na rin ako kasi medyo may point siya. Ningning saw me thinking hard kaya umiiling niya akong inakbayan. Uniinom pa rin siya sa milktea ko. 



 

“‘Di mo tinanong ‘no? Tsk tsk tsk. Nako talaga Win, crush ka niyan,” asar niya sa akin. Gumalaw naman ako at inalis ang kamay niya sa balikat ko. “Imbento ka, Ning” 



 

I was thinking hard nang mapansing nakatingin si Ningning sa akin. Agad siyang ngumiti nang nakakaloko tapos tinataas baba pa ang kilay niya. Binigyan naman niya ang ng mga tingin. 



 

Crush ka nun. 



 

Ginantihan ko rin siya ng tingin. Ay, parang mas okay pa lang sabihin na irap. 



 

Tigilan mo ako. 



 

Naningkit ang mga mata niya bago dumila sa akin. Para naman kaming baliw dalawa kasi nagtititigan lang kami. 



 

Basta ‘wag mo sabihing hindi kita binalaan. 



 

Anong balaan?



 

Na crush ka nga niya!



 

Hindi nga! Si Minju nga! 



 

Ah, basta



 

Kapag nagawa kong maging mag-jowa ang dalawa, who you ka talaga!



 

Duda sa’yo, Win–



 

“Aray! Huy, ano ba! Walang hampasan!,” daing sa akin ni Ningning matapos ko siyang hampasin. Binelatan ko lang naman siya bago inagaw na talaga ang milktea kong paubos na. 



 

“Bayaran mo ‘tong milktea ko! Ikaw na nakaubos,” iyak ko sa kaniya. Bigla naman siyang nataranta tapos nagsabing may klase pa pala siya. Hindi na ako nakapagreklamo kasi ang bilis niyan

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 5: cute ng dynamics nilaaa huhu
13luvsfriday
#2
Chapter 5: Mamamatay na ba si rina
TYTFshipper
268 streak #3
Chapter 5: Mukang papuntang angst na po ata yung susunod? Or slight angst eme 👀 pero syempre go na go tayo dito 🤭 see you tor next chap!
gomtokkim
2157 streak #4
Chapter 4: HAHAHAHAHHAHA PATI YATA SI WINTER MAGKAKAGUSTO KAY MINJU
cleofierayne #5
Chapter 4: Hoy Win ano yarn hahaahah pareha na kayo ni Karina whipped kay Minjuhahaah enebeee
cleofierayne #6
Chapter 3: Wahahahah ibang klase rin itong si Karina 🤣 Boto ako sa pagiibigan este fake bff niyo hahaha pwde naman totohanin na rin si Winter nlng kulng talaga. Payag kana beh kawawa namn bff mo bahahaaha kulit pa naman ni Karina.

Wasak na cool image ni Karina noon pa kay Winter ❄️ 😭😭 Loser Karina so cool hahaah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: kulit haha
Crossmaltese
#8
Chapter 2: Lol. Dad jokes vibe si Karina I can really imagine it sa OG ugali palang ni Jimin so as Minjeong too na pikon. Tunay na jiminjeong cross dynamic. 😆

Pero dapat seguro tinanong muna ni Winter baket sa lahat ng tao siya ang napili? Dahil ba siya lang may alam sa deep secret ni Karina? Kung ganoon dapat Win sa susunod latagan mo na ng pangmalakasang “What’s in it for me?” . Sabay taas kilay total mataray u naman bagay yan hahahaha
Crossmaltese
#9
Chapter 1: Hala gusto ko to kase maliban sa na-intrigue ako sa sypnosis na “fake bff” dahil [wow first time yun ah], benta rin sakin na hindi niya type sa simula si Karina hahahaha ship niya pa sa iba eh. Looking forward sa susunod na ganap sana slowburn. Tehe.
juuzouxiii #10
Chapter 2: hahahahahahaha laroo