three

fake…what?
Please log in to read the full chapter

 

Winter’s



 

“So sinasabi mo na ikaw at siya, eh mag-fake…jowa?” tanong ni Ningning sa akin. 



 

Nandito kami ulit sa likod ng Educ Building pero may epal na sumama. Napairap na naman tuloy ako nang maalalang nasa harap din pala namin si Karina at nakikikain pa sa dalang pagkain ni Ningning. 



 

Hindi naman sa nagdadamot ako pero kasi hindi naman kami friends para sumama siya sa tambay namin! 



 

Anyways, agad ko namang tinama si Ningning. “Bestfriend nga, Ning. Bestfriend!” 



 

Kumagat naman na ako sa hawak kong footlong matapos sabihin iyon at masama pa ring tumingin kay Karina na malaki ang ngiti. Ginalaw ko ang ulo ko at inambahan siya nang kaunti pero nakangiti pa ring nakatingin sa amin ang epal. 



 

Nakakainis na talaga siya sa totoo lang. 



 

“Ahhhh… so, bestfriend mo si Karina?” 



 

“Fake! Fake bestfriend!” alma ko sa sinabi ni Ningning. Agad naman niya akong tinignan nang kakaiba bago nakangising tumango tango. 



 

“Ahhh…okay,” 



 

“Ningning…,” banta ko sa kaniya. Defensive naman siyang tumingin sa akin bago kay Karina. 



 

“Luh! Sabi ko nga okay eh!”



 

I looked at her pointedly before snatching the drink sa harap niya. Tawa lang naman ang naging reaksyon niya. 



 

Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito? 



 

I looked at Karina’s direction and saw her eating while watching something sa phone niyang nakalapag sa lamesa. Sinilip ko naman iyon at nakita ang isang documentary about dinosaurs. Actually, hindi ako sure kung documentary ba talaga siya or isang opinionated videos about sa mga dinosaurs. 



 

Sa loob ng dalawang linggong panggugulo sa akin ng Educ student na ito, na-confirm ko talaga na malayong malayo siya sa chismis sa school. First year ko pa lang dito, nakakarinig na ako ng mga kwento mula sa mga student kung gaano kaganda at kung gaano ka-cool daw itong si Karina. 



 

May mga kwento pa nga akong narinig na lagpas lima raw ang naging jowa nito noong first year pa lang siya. Ganoon daw kalakas ang rizz ni Karina. Sabi rin nila na bihira lang daw makipag-usap sa iba itong si Karina kasi masungit at tahimik lang daw naturally. Kaya everytime na may makikita silang kinakausap ni Karina, pinagkakamalan nilang jowa. 



 

Akala ko talaga real siya. Kasi naman before pa ‘yung encounter namin sa may likod ng building nila, never ko pa siyang nakitang makipag-usap sa iba other than her classmates o kaya sa mga friends niya. Idagdag mo pa na laging mature concept ang mga sinasayaw nila sa Dance Org tuwing may program sa school kaya akala ko talaga totoo ang mga chismis. 



 

Turns out, baliktad. 



 

Sinong mag-aakala na ang sinasabi nilang masungit at hindi namamansin eh hindi nakakakain nang maayos hangga’t walang pinapanood sa cellphone niya? 



 

Tahimik daw eh never ko pa ngang nakitang tumahimik ‘yan sa loob ng dalawang linggo niyang pangungulit sa akin? 



 

Naalala ko na naman tuloy kung bakit nasa harap namin itong pugo na ito kaya napairap ako sa hangin. 



 

Ayaw ko naman kasi talagang sakyan ‘yung plano niya. Kasi unang una, nonsense siya! I mean, hindi nagm-make sense na bigla na lang na hindi kakausapin ni Minju si Jeno kasi nakita niya si Karina kasama ang new bff niya raw kuno. 



 

Hindi siya realistic pakinggan! 



 

Feel ko lang talaga, threatened na itong manok ko. Sabi kasi, si Jeno raw ang may-ari noong magarang sasakyan. May chismis pang kumalat na nagdate raw noong isang buwan ‘yung dalawa. Kaya pala grabe na lang ‘yung haba ng pagnguso ni Karina noong isang linggo. 



 

Hindi na lang kasi mag-confess eh! 



 

Alam ko namang mahirap talaga mag-confess lalao na kung sa kaibigan ka pa nagkagusto. Sa crush mo nga lang sa ibang section mahirap na eh, what more kung bff mo pa. Kaya medyo gets ko si Karina. Kaso lang, hindi maganda ‘yung naiisip niyang plano. 



 

I mean, mas okay pa bang humanap siya ng fake bff para lang ipakita sa bff niyang tunay? 



 

Hindi ko na rin ma-gets talaga sa totoo lang. Hindi ko na alam kung ano ba ‘tong pinapasok ko. 



 

Ayaw ko naman talagang pumayag kaso napakakulit kasi ni Karina. Makulit pa sa makulit eh. 




 

Week 1, Day 1 ng pangungulit ni Karina 



 

Nakabusangot akong lumabas ng bahay namin dahil sa napanaginipan ko. Tungkol na naman kasi sa mga lesson sa school tapos may epal na dumagdag. Bukod kasi sa madalas kong panaginip about sa mga problems na may kinalaman sa thermodynamics, lumitaw kasi sa panaginip ko si Karina Yu. 



 

Imagine ‘yung gulat ko noong lumabas siya sa panaginip ko kasama si Minju! Ang eksena raw eh nilapitan ako nung dalawa para magpaturo ng Ideal Gas problems. Talagang umabot pa sila sa panaginip ko! 



 

Pinilit ko tuloy magising kasi naiinis talaga ako sa hitsura at sa ngiti ni Karina. Kinilabutan na naman tuloy ako nang maalala ko ‘yung eksena niya kahapon. Fake bestfriend??? Yikes. 



 

Sumigaw na ako muli para magpaalam kila Mama bago buksan ang gate. “Alis na po ako, Ma!” Narinig ko naman ang sigaw niya pabalik kaya nakangiting binuksan ko na ang gate. 



 

“AAAH!”  



 

“AHHH!” 



 

Parehas naming sigaw ni Karina. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa pagkagulat sa kaniya. Paano ba naman kasi, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto eh mukha niya makikita ko. Sinong hindi magugulat dun ‘di ba?



 

Mukha namang nagulat sa sigaw ko si Karina kaya napasigaw din siya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin after maka-recover. Nasa loob pa rin naman ako ng gate namin kasi napaatras talaga ako nung makita ko siyang naghihintay sa labas ng gate namin. 



 

“Bakit ka nandito?” inis kong tanong kay Karina. Ngumiti lang naman siya sa akin nang malaki bago ako binati. 



 

“Good morning, bff!” 



 

“Bff mo mukha mo!” sagot ko sa kaniya bago tuluyang lumabas na sa gate. Tumabi lang naman siya sa gilid ko habang inaayos ko ‘yung gate namin. Patagilid ko rin siyang tinitignan habang sinasara ang gate namin. 



 

Paano niya nalaman bahay ko?



 

“Umamin ka nga, stalker ka ba? Bakit mo alam bahay ko?” diretso kong tanong nang masara ko na ang pinto. Nakapamay

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 5: cute ng dynamics nilaaa huhu
13luvsfriday
#2
Chapter 5: Mamamatay na ba si rina
TYTFshipper
268 streak #3
Chapter 5: Mukang papuntang angst na po ata yung susunod? Or slight angst eme 👀 pero syempre go na go tayo dito 🤭 see you tor next chap!
gomtokkim
2158 streak #4
Chapter 4: HAHAHAHAHHAHA PATI YATA SI WINTER MAGKAKAGUSTO KAY MINJU
cleofierayne #5
Chapter 4: Hoy Win ano yarn hahaahah pareha na kayo ni Karina whipped kay Minjuhahaah enebeee
cleofierayne #6
Chapter 3: Wahahahah ibang klase rin itong si Karina 🤣 Boto ako sa pagiibigan este fake bff niyo hahaha pwde naman totohanin na rin si Winter nlng kulng talaga. Payag kana beh kawawa namn bff mo bahahaaha kulit pa naman ni Karina.

Wasak na cool image ni Karina noon pa kay Winter ❄️ 😭😭 Loser Karina so cool hahaah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: kulit haha
Crossmaltese
#8
Chapter 2: Lol. Dad jokes vibe si Karina I can really imagine it sa OG ugali palang ni Jimin so as Minjeong too na pikon. Tunay na jiminjeong cross dynamic. 😆

Pero dapat seguro tinanong muna ni Winter baket sa lahat ng tao siya ang napili? Dahil ba siya lang may alam sa deep secret ni Karina? Kung ganoon dapat Win sa susunod latagan mo na ng pangmalakasang “What’s in it for me?” . Sabay taas kilay total mataray u naman bagay yan hahahaha
Crossmaltese
#9
Chapter 1: Hala gusto ko to kase maliban sa na-intrigue ako sa sypnosis na “fake bff” dahil [wow first time yun ah], benta rin sakin na hindi niya type sa simula si Karina hahahaha ship niya pa sa iba eh. Looking forward sa susunod na ganap sana slowburn. Tehe.
juuzouxiii #10
Chapter 2: hahahahahahaha laroo