five

fake…what?
Please log in to read the full chapter

 

Winter’s 



 

Minju Kim. 



 

Tulad ni Karina, isa si Minju sa mga taong halos kilala ng lahat ng student dito sa school. Hindi siya varsity, hindi rin siya kasama sa student council, hindi rin naman sa mga sikat na orgs pero kahit saan siya pumunta, nakikilala siya ng mga estudyante. 



 

Sabagay, sino ba naman kasing hindi makakakilala sa ganiyang mukha?



 

Obviously, same sila ng year ni Karina. Political Science nga lang si Minju. Based sa mga chismis sa paligid, she’s aiming to be a lawyer. Criminal Law pa kamo ang interest niya. Some students speculate na baka sinasanay na si Minju ng family niya. 



 

Minju came from the family of lawyers and some were lawyers turned politicians. Ang sabi, even mga ninuno nila Minju ay may eksena na rin sa pamamahala. 



 

“Hi, Rina!,” masayang bati ni Minju sa katabi ko habang may malaking ngiti bago bumaling sa akin. “Winter, right?” Sunod sunod naman ang tango ko sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ‘yung maganda niyang ngiti kaya hindi ko mapigilang mamula. 



 

Minju…



 

“This is Jeno pala,” 



 

“Hey, nice seeing you both,” bati sa amin ni Jeno. I examined him and saw kung bakit super bothered nitong fake bff ko. 



 

Jeno’s pogi. It’s not debatable pa na he’s cute when he smiles. Tulad ngayon, may magaan siyang ngiti sa amin at medyo nawawala ang mga mata niya dahil sa pagngiti. Tinignan ko naman si Karina sa tabi ko bago tumingin pabalik kay Jeno. 



 

Infairness, lumalaban sa looks itong manok ko. Kaso nga lang, straight ata si Minju kaya stuck sa bff line itong si fake bff ko. 



 

Hindi naman bumati pabalik itong si Karina. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa dalawa. Para namang naghihintay ng bati pabalik sila Minju at Jeno kaya parang kaming mga tangang nakatayo habang nakatingin sa isa’t isa. 



 

Napaikot tuloy ang tingin ko sa place kung nasaan kami ngayon. Kung kanina pagdating namin ni Karina na hindi gaano kapuno ang lugar, ngayon kulang na lang eh magkandungan kami para makaupo ang lahat. Nailang naman ako kasi may mga nakatayong customer, naghihintay ng mga matatapos na. 



 

Unang flaw ito ni Jeno. Ang pangit niya pumili ng lugar. Kaya ibibigay ko kay Karina ang point. 



 

Jeno - 0

 

Karina - 1



 

Siguro masarap talaga dito sa pinili ni Jeno kaya maraming tao. 



 

Pero kahit na, ayaw ko pa rin. 



 

Ano bang pakialam nila sa’yo Winter? Malay ba nilang ayaw mo sa mataong lugar. 



 

Anyways, hindi pa rin sila tapos sa ngitian and titigan nila. Nahihiya naman akong maupo agad kaya nakisama na lang ako sa titigan nila. 



 

“Let’s order na ba?,” basag ni Minju sa ngitian nila. Akala ko tuloy tuloy na kami sa pag-upo kaso parang stand up day  ngayon kasi nag-usap sila nang nakatayo. 



 

“Sure. ‘Though nag-order na si Winter…” sabi ni Karina. Sinundan ko naman ng tingin kung sino ang nagsasalita. 



 

“How about you?” Minju.



 

“What about me?” Karina. 



 

“Silly…Did you order for yourself na ba?” Minju na tumatawa. 



 

“What do you think?” Karina na maharot. 



 

Para kaming pader dito ni Jeno sa ngitian nila ha. Nilingon ko si Jeno na alanganin ang ngiti habang nagpapalit tingin din ang tingin kila Karina at Minju. Napansin niya naman ang tingin ko sa kaniya kaya napatingin din siya sa akin. 



 

He gave me a smile before pointing Karina and Minju using his lips. Nagkibit balikat lang naman ako sa kaniya pero ang totoo, kinikilig na ako sa eksena nila Karina. Baka kasi ship ko sila? 



 

Jeno - 0



 

Karina - 2



 

Jeno, keep up ka naman. 



 

Dun naman parang naalala ni Minju si Jeno kaya nilingon niya ito. “Let’s order?” Nakangiting tumango lang naman itong si Jeno sa kaniya. Napnguso naman ako sa tinging ibinigay ni Jeno kay Minju. 



 

Ang soft niya tumingin, ohmygulays. He has this smile pa na makikita mong he genuinely likes Minju. I pouted then looked sa gilid ko and saw Karina wearing the same smile and look para kay Minju. Kaso nga lang, may longing na kasama ‘yung sa kaniya. 



 

I sighed deeply and shook my head. 



 

Jeno - 1 



 

Karina - 2



 

Siniko ko naman na si Karina. “Ayaw nyo ba umupo?” mahina kong bulong sa kaniya noong busy mag-usap sila Minju at Jeno sa magiging order nila. 



 

Umiling siya pabalik sa akin. Bubulong sana siya pabalik nang humarap sa amin ang dalawa kaya parehas kaming napatayo nang ayos. Nakita naman nila Minju iyon, ngumiti naman sila sa amin nang kakaiba. 



 

“We’ll order na,” paalam ni Jeno. Tumango lang naman kami ni Karina at pagkatalikod na pagkatalikod pa lang nila, umupo na ako agad. Sumunod naman sa akin si Karina. 



 

Nagulat naman ako na pagkaupong upo ni Karina, kinuha niya na agad ang order kong inumin at uminom dito. Nakatingin lang naman ako sa kaniya. 



 

Kailan ba nila titigilan ang kakakuha ng pagkain ko?



 

“Hindi ka naman laway conscious ‘no?” tanong niya pagkatapos uminom. Blangko lang naman akong nakatingin sa kaniya. 



 

“If sinabi ko bang oo, mapipigilan ka maki-inom?” 



 

“Uhm, yes?” 



 

“Yes mo mukha mo,” irap ko sa kaniya. Kinuha ko naman ang straw bago binaliktad. Narinig ko naman ang mahinang reklamo ni Karina pero hindi ko na siya pinansin. 



 

Oo, laway conscious ako. 



 

Nilibot ko ulit ang tingin ko sa shop at hindi pa rin nawawala ‘yung mga nakatayong naghihintay ng mababakanteng table. Napalunok naman ako at napa-iwas ng tingin nang madako sa banda namin ang tingin nila. Hindi pa po kami tapos…



 

Ni hindi pa nga po kami nakakapag-start eh. 



 

I suddenly had the thought of going home na. Bakit nga ba ako sumama? 



 

Tulala ako habang hinihintay sila Minju. Tahimik lang din naman ang kasama kong nakatitig sa likod nila Minju. Out of nowhere, Karina nudged me softly. 



 

“Hmm?” 



 

Parehas na kaming nakatingin sa likod nila Minju na naghaharutan na sa harap ng counter. “Who’s more maganda ang suot?” 



 

“Ha?” lito kong tingin kay Karina. Malalim naman ang buntong hiningang pinakawalan niya bago tumingin sa akin pabalik. Nang makita ko ang mata niya, alam ko na agad ang susunod niyang gagawain. 



 

Ang ngumuso at magreklamo sa akin. 



 

“Sino mas maganda ang suot sa amin ni Jeno?,” Karina whined at me softly. She has this pout na lagi kong nakikita ko sa kaniya tuwing real na nagrereklamo siya. 



 

Para talaga siyang bata. 



 

Sabi ko nga, spending time with Karina made me memorize her habits. Hindi ko alam kung bakit pero I am that kind of person na ever since. I tend to familiarize myself sa kung paano gumagalaw ang people around me. Ningning still hasn’t found out pero kabisado ko na lahat ng habits and mannerisms niya as well as kung paano ang usual reactions niya sa mga bagay bagay. 



 

“Eh bakit?” 



 

“Sino ngaaaa?” 



 

“Si Minju,” tawa kong bulong pabalik sa kaniya. Nakanguso naman siya sa akin kaya binelatan ko lang siya. Mas lalo namang lumukot ang mukha niya bago kinuha ulit ang order kong inumin. 



 

Naabutan naman iyon nila Minju na ngayon ay tapos na mag-order. “They’ll serve the drinks daw in 5 minutes,” sabi ni Minju habang umuupo. Tumango lang naman ako sa kaniya. 



 

“May water ako here, Rina if you’re thirsty na talaga,” alok ni Minju. Nilingon ko naman si Karina at tinignan kung paano ang magiging reaksyon niya. Umiling naman ito habang nakakagat pa rin sa straw ng inumin ko. Nang mapadako ang tingin niya sa akin, sinaman ko siya ng tingin. Hindi naman niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pag-inom sa inumin ko. 



 

Babayaran mo talaga ‘yan, Karina Yu. 



 

Nilipat ko naman ang tingin ko kay Minju na parang napahiya sa pagtanggi ni Karina sa alok niya. Stuck kasi sa mukha nito ang awkward na ngiti. Gumana naman agad ang imagination ko dahil doon. 



 

Baka first time talagang tumaggi ni Karina sa kaniya kaya ganoon? Napakunot naman ang noo ko sa naisip. 



 

Si Jeno na ang bumasag sa kakaibang atmosphere na meron sa table namin. “By the way Winter, anong course mo? If it’s okay lang to ask kasi hindi rin siya nabanggit sa amin ni Karina last time…” 



 

“Ah…Engineering,” hilaw kong sagot. Inagaw ko naman na ang inumin ko kay Karina at nagmamadaling sinipsip na iyon. Kailangan ko matikman ang binili ko! Nakita ko naman na sinundan ng tingin ni Minju ang inumin ko. Baka gusto niya rin ng flavor na ‘to?



 

Jeno laughed cutely bago nagtanong muli. “Civil?” 



 

“Mali,” extra bigla ni Karina. Natawa naman si Minju dahil doon. Game na game naman siya sa pakikihula rin. 



 

“Chem Eng?,” tanong sa akin ni Minju. Nahihiya naman akong umiling sa kaniya habang nakangiti. Minju playfully pouted at me, “Aww, sayang!”



 

Hala ka…



 

“Ah, Mechanical?” singit ni Jeno. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Napangiti naman si Jeno sa akin tapos nagmamalaking nilingon si Minju na ngayon ay nakangiti na rin sa kaniya. 



 

Huminga na lang naman ako nang malalim kasi para talaga silang teenagers na inlove sa isa’t isa. 



 

Jeno’s eye smile towards Minju.



 

Minju’s giggles because of Jeno’s eye. 



 

Isama mo pa ‘yung language na mga taong naglalandian lang ata ang makaka-gets. 



 

Nilingon ko si Karina sa tabi ko. Nakita ko naman na nakatingin din siya sa dalawa sa harapan namin. Hindi ko mabasa ang reaksiyon niya dahil sa kagat niya ang straw ng inumin ko pero nilingon niya rin naman ako nang mapansin nakatingin ako sa kaniya. 



 

She just raised her eyebrows at me bago pinakawalan ang inumin ko. I heard her deep sigh bago mabalik sa kamay ko ang inumin kong paubos na. Literal na isang sipsip na lang, ubos na. 



 

Karina Yu…



 

Napasandal na lang kami parehas sa sandalan ng upuan namin nang makita na parang nakalimutan na kami ng dalawa sa harapan namin. Paano ba naman kasi after ipagyabang ni Jeno na nahulaan niya ang course ko, tuloy tuloy na ang usapan nila. Usapan na may halong harot. 



 

Okay lang naman siya sa akin. Hindi pa naman ganoon kasakit sa mata silang dalawa Hindi lang ako sure para sa katabi ko. Siniko ko siya at narinig ko naman ang mahina niyang pag-hum bilang sagot. 



 

“Ito ba ‘yung sinasabi mong ginagawa kang thirdwheel?” bulong ko sa kaniya. Nanghihina naman siyang tumango sa akin bago kinuha ulit ang frappe ko. Hindi ko na tuloy napigilan na hampasin nang mahina ang hita niya. 



 

“Ubos na nga kukunin mo pa,” irap ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at kinagat na naman ang straw ng inumin ko. 



 

“I don’t know pero sabi ni Giselle, it’s pretty normal for couples na bago pa lang na makalimot ng tao around them. And sabi niya ganoon daw sila Minju,” paliwanag niya sa akin. Nakikinig lang naman ako habang nakatingin pa rin sa sweet na Jeno at Minju sa harap. 



 

Para naman akong biglang naging hyper-aware sa paligid namin. Marami pa ring tao sa shop at hindi pa rin nawawala’yung mga nag-aabang ng table. Also, hindi pa rin umaalis ‘yung grupo na nakatingin sa table namin simula kanina. Nailang naman ako saglit. 



 

Ramdam ko rin ang pagbaba ng energy ni Karina sa tabi ko habang nagk-kuwento. 



 

Syempre ramdam ko rin na bagong magjowa ‘tong sila Minju. 



 

“Kaya pa?” bulong ko kay Karina. Nilingon niya naman ako kaya tinignan ko rin siya pabalik. 



 

Siguro forst time kong makitang ganito si Karina. I mean, not that madalas ko siyang makita pero compared sa image niya sa school at sa makulit niyang persona noong mga panahong nakikitambay siya with us, ibang iba ang Karina na nakikita ko ngayon. 



 

She looks…tired. 



 

Contrary sa inaasahang kong makikita ko sa mukha niya na inis o inggit, mas nakikita ko ang pagod at kalungkutan. Pilit kong hinanap ‘yung regret pero wala.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 5: cute ng dynamics nilaaa huhu
13luvsfriday
#2
Chapter 5: Mamamatay na ba si rina
TYTFshipper
268 streak #3
Chapter 5: Mukang papuntang angst na po ata yung susunod? Or slight angst eme 👀 pero syempre go na go tayo dito 🤭 see you tor next chap!
gomtokkim
2157 streak #4
Chapter 4: HAHAHAHAHHAHA PATI YATA SI WINTER MAGKAKAGUSTO KAY MINJU
cleofierayne #5
Chapter 4: Hoy Win ano yarn hahaahah pareha na kayo ni Karina whipped kay Minjuhahaah enebeee
cleofierayne #6
Chapter 3: Wahahahah ibang klase rin itong si Karina 🤣 Boto ako sa pagiibigan este fake bff niyo hahaha pwde naman totohanin na rin si Winter nlng kulng talaga. Payag kana beh kawawa namn bff mo bahahaaha kulit pa naman ni Karina.

Wasak na cool image ni Karina noon pa kay Winter ❄️ 😭😭 Loser Karina so cool hahaah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: kulit haha
Crossmaltese
#8
Chapter 2: Lol. Dad jokes vibe si Karina I can really imagine it sa OG ugali palang ni Jimin so as Minjeong too na pikon. Tunay na jiminjeong cross dynamic. 😆

Pero dapat seguro tinanong muna ni Winter baket sa lahat ng tao siya ang napili? Dahil ba siya lang may alam sa deep secret ni Karina? Kung ganoon dapat Win sa susunod latagan mo na ng pangmalakasang “What’s in it for me?” . Sabay taas kilay total mataray u naman bagay yan hahahaha
Crossmaltese
#9
Chapter 1: Hala gusto ko to kase maliban sa na-intrigue ako sa sypnosis na “fake bff” dahil [wow first time yun ah], benta rin sakin na hindi niya type sa simula si Karina hahahaha ship niya pa sa iba eh. Looking forward sa susunod na ganap sana slowburn. Tehe.
juuzouxiii #10
Chapter 2: hahahahahahaha laroo