Chapter 4 (No to No Coupon)

Just A Rumor?
Please Subscribe to read the full chapter


"yon si Suzy bago pa sya sumikat” pagtatapos ng kwento ni Rosie.

“umalis syang ok kayo? Tapos ngayon hindi na kayo nag uusap?”

Hindi sumagot si Rosie sumandal lang sa sofa.

Saglit lang ay tumingin si Rosie sa kaibigan nya. “ikaw musta ka?”

NGumiti si Lisa “ok lang”

“Musta puso mo pagkatapos ng balita about kay Jennie?” seryosong tanong nya sa kaibigan

“Ayon. Wasak pero ok lang. Sanay na. Hindi naman ito ang unang beses”
NApabuntong hininga naman si Rosie.

Kung pwede lang talaga syang makatulong, kung sya lang ang masusunod ay pipiliin nyang ang dalawang kaibigan na lang nya ang magkatuluyan.

“bat hindi mo kasi subukan ulit? Malay mo ikaw talaga para sa kanya?”

UMiling iling ito habang pilit na nakangiti “para ano? Para masaktan ulit?”

KIbit balikat si Rosie “atleast nag try ka ulit. Nasasaktan ka naman ng hindi umaamin kaya kung masaktan ka pagumamin ka parang pareho din”

“magkaiba yon. Bat pa aamin kung alam nya naman? Nasabi ko na yon sa kanya”

“malay mo that time hindi pa sya handa or hindi nya pa narerealized na same ang feelings nyo. Tapos baka akala nya wala na move on ka na kaya kailangan mo umamin ulit”

“hindi na nga. Ok na nga kaming ganito. Alam ko na isasagot nya. Baka tuluyan ng mawala ang pagkakaibigan pagpinilit pa” sabi nya saka ngumiti at nagbuntong hininga.

Natahimik sila ng ilang segundo pero nagsalita ulit si Lisa “pinagsisisihan ko na nga yong pag amin ko dati eh. Kung sana hindi ako umamin walang ilangan na nangyari. Hindi namin pipiliin umalis sa grupo. Siguro isa na tayo o tayo ang pinakasikat na girl group ngayon sa buong mundo” pagmamyabang na sabi nito.

Tumawa si Rosie “grabe naman sa buong mundo” sabi nya saka tumawa sila pareho.

Naputol ang pagtawa nila ng bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang kanina pa nilang hinihintay na mga kaibigan na nakangiti na sa kanila.

Habang nasa kusina sila Rosie at Jisoo naghahanda ng snack nila para sa movie marathon ay naririnig nila ang boses at asaran nila Lisa at Jennie mula sa sala. Nagkatinginan na lang sila at napangiti.

“sa tingin ko talaga kailangan lang umamin ni Lisa para maging sila ni Jennie” sabi ni Rosie kay Jisoo

“Sa tingin mo?” tanong nito sa kanya pabalik habang tinitignan sila Lisa. Parang naasar na si Jennie sa kaibigan pero hindi rin matago ang mga ngiti nito sa labi dahil kay Lisa. Napangiti din si Jisoo habang tinitignan si Jennie
“hindi ba sa tingin mo?”

TUmango si Jisoo “baka. Minsan kasi nalilinlang tayo ng mga mata natin. Kung akala mo may feelings sila sa isa’t isa dahil sa ginagawa nila o kilos nila yong totoo naman pala wala. Kung si Lisa talaga ang gusto ni Jennie bat sya may iba?”

Wala namang nasagot si Rosie. Napanguso lang sya.

“Kaya hindi umaamin si Lisa kasi kahit sabihin natin na nararamdaman natin o kita natin sa mga mata o kilos ni Jennie na gusto din sya nito ay hindi rin tayo sigurado. Malay natin iba ang nakikita o interpretasyon natin sa kinikilos ni Jennie kaysa sa nararmdam nya talaga. Kaya kahit ako hindi aamin” sabi ni Jisoo kaya napatingin si Rosie “...kung ako si Lisa”

Napangiti si Rosie “akala ko hugot na yon at meron na ka na din na gusto. Kailan ka ba magkakagusto Jisoo?”

“matagal na akong may gusto” sabi nito na hindi nakatingin kay Rosie kundi sa chips na nasa plato lang.

“matagal na pero hindi ko alam?” nagtatampong sabi ni Rosie “ang daya naman”

NGumiti si Jisoo saka sya tinignan “kasing daya mo kay Lisa na may karelasyon ka na pero hindi nya pa alam”

“hey! Ano...” natatarantang sabi ni Rosie saka tumingin kay Lisa siniguradong hindi narinig ang sinabi ni Jisoo at napahinga sya ng malalim dahil sa busy parin si Lisa sa pangungulit kay Jennie.

Tumawa naman ng malakas si Jisoo “kailan mo ba sasabihin kay Lisa? Magtatampo yan malala. Sya pa talaga ang hindi mo sinabihan tungkol dyan”

“kakasimula palang naman namin eh” sabi ni Rosie na dinugtungan ni Jisoo ng “ulit” kaya napairap sya.

Ngumuso si Rosie “hindi ko alam. Hindi ko kasi matyempuhan na sabihin. Siguro pagnasabi mo na saking kung sino yan gusto mo masasabi ko na rin kay Lisa yong tungkol samin”

Ngumiti at umiling si Jisoo “so, hindi mo na masasabi sa kanya? Kasi wala akong balak sabihin sa sayo kung sino sya”

“Bakit naman hindi? Magkaibigan talaga kayo ni Lisa hirap umamin” pabirong sabi ni Rosie

“Oo nga. Pareho yon sitwasyon namin. May jowa sya”

“may jowa gusto mo?!” gulat na sabi ni Rosie pero bago pa makasagot si Jisoo ay may sumabat na sa kanilang usapan.

“Kung may jowa ka na,oo sagot nya dyan” sabi ni Lisa at kumuha ng chips na hawak hawak ni Jisoo. “aray” daing ni Lisa dahil sa siniko sya ni Jisoo ng makalapit sya dito “ang tagal nyo. Manonood pa ba tayo?” sabi nito

Napatingin naman sila sa papunta din sa kusinang si Jennie. Nakangiti ito.
“Tara manood na tayo” kaya naman ay naputol ang usapan nila Rosie at Jisoo.
Sabay sabay silang bumalik sa sala para manood na ng pelikula.

Habang nanonood sila ay nagsalita si Jennie.

“Rosie, kakatapos mo lang ng world tour concert mo tapos magkacomeback ka agad? Hindi ka ba napapagod?”

“Comeback?” nagtatakang tanong ni Rosie, magsasalita pa sana sya ng kinurot sya sa tagiliran ng katabing si Lisa “aray!” daing nya saka pinalo si Lisa sa balikat na patawa tawa lang ng pilit.

“namiss kong kurutin ka” sabi nito saka pisngi naman nya ang pinanggigilan.
Sinaway naman ito ni Jennie at inalis yong kamay ni Lisa sa pisngi ni Rosie.

Napapagitnaan si Rosie ng dalawa habang si Jisoo ay nasa kaliwa ni Lisa na napatingin na sa kanila.

“pumirmi ka muna Lisa. Rosie, sabi kasi ni Lisa na sya magkochoreo ng comeback mo kaya hindi sya makakacommit sakin” sabi ni Jennie habang nakanguso.

Napatingin naman si Rosie kay Lisa dahil sa wala pa silang usapan na ganun. Hindi nya pa nga pinaplano kung magka-come back agad sya.

“Willing naman ako magcommit ikaw lang hindi ako pinipili” pabirong sabi ni Lisa pero alam nilang lahat na half meant nya ito.

Tinignan sya ng masama ni Jennie kaya napangiti ito at nagpeace sign “I mean yong commit as choreographer kasi nauna si Rosie. Magseryoso ka nga!” asar ng sabi sa kanya ni Jennie

“seryoso naman ako sayo” sagot ni Lisa kaya tinignan sya ng mas masamang tingin ni Jennie kaya ngumiti na lang sya “sa sinasabi ko kasi” kinakabahang dagdag nya pa. Ayaw nyang magalit ito kaya binawi nya agad “nauna naman talaga kasi si Rosie. Kaya magiging busy ako, Diba babie?” malambing na sabi nito kay Rosie saka pinisil pisil ang pisngi agad naman nito iniwasan.

NGumiti si Rosie saka kinurot sa tagiliran si Lisa dahilan para mapadaing ito sa sakit “talaga?” sarkastikong sabi ni Rosie sinabayan nya pa ng pilit na ngiti “nauna ako?” tanong nya makahulugan kaya napatango tango na lang si Lisa habang kinakabahan “at magkacomeback pa nga. Walang kapaguran talaga ako, ano?” dagdag nya pa.

Tumawa naman ang kaninang nakikinig lang si Jisoo dahil sa alam nya na ang nangyayari “bakit instead of solo comeback gawin nyo bat hindi na lang as group tayo magcomeback? Hindi nyo ba namimiss magperform magkakasama?”

NGumiti naman si Jennie “subrang miss ko na nga. Pwede siguro noh? Kausapin natin mga agency natin para sa collab.? Hanggang ngayon I felt sorry talaga na nabuwag grupo natin”

“may umamin kasi” pagbibiro namang dagdag ni Jisoo, saka sabaysabay silang tatlo nila Rosie atJennieng tumingin kay Lisa, kaya tinignan sila ng masama ni Lisa na sinagot naman nila ng tawa

“ako pa? Wala lang pakisama yan si Jennie” sabi nito saka tumingin kay Jennie. "Paggusto ka kasi gusto mo din dapat. Ganun ang bonding” sabi nito pero inirapa lang sya ni Jennie.

“Eh ayaw kitang kabonding sa ganung bagay eh”

“Aray ah” sabi ni Lisa kaya natawa si Jennie at binato sya ng chips.

“kung magkacome back tayo siguraduhing walang aamin ah? Or umamin na ang aamin ngayon palang” pabiro ni Jennie

“Oh Jis, umamin na” sabi ni Lisa kaya napatingin agad si Jennie pati si Rosie kay Jisoo.

“Bakit nandito din ba gusto mo?”
“seryoso?” tanong ni Lisa kay Rosie.
Hindi makapaniwalang ganun ang tanong dahil sa silang dalawa ni Jennie ay iisa lang ang nasa isip pagsinabing gusto ni Jisoo at sya ito.

“si Jennie din?” hula ni Rosie “kaya sabi mo taken na gusto mo?”

“Hindi” sagot naman ni Jennie at magsasalita pa sana ng putulin na ni Jisoo

“Wag kang magpapaniwala sa mga yan Rosie. Mali nasa isip nila”

“Sus, torpe,” sabi ni Lisa

“Si Jennie db? Kasi hindi naman pwede si Lisa” tanong ulit ni Rosie

“bat bakit hindi ako pwede? Grabe ba! Sa tingin mo hindi ba ako kamahal mahal?” histerikal na tanong ni Lisa na pasimple lang syang sinagot ni Rosie

“hindi sakin dapat tinatanong. Tanong mo si Jennie” kaya napakuha ng isang dakot si Lisa ng chips saka binato kay Rosie

“Lisa!” asar na tawag ni Rosie habang pinupulot at kinakain yong mga chips na nasa damit nya.

“Bastos bunganga mo talaga minsan. Lowgets pa. Kung hindi si Jennie at ako ang gusto nya dito,sino pa sa tingin mo?”

“Imposible naman ako” sagot ni Rosie na nakapapailing kila Jennie at Lisa, habang si Jisoo napangiti na lang “hindi naman ako diba?” tanong nya kay Jisoo

“Hindi nga. Hindi lang sila naniniwalang hindi ikaw” sagot nito

“Sige maglokoha  na lang tayo dito” sabi naman ni Lisa

“ikaw na lang. Ikaw lang naman clown dito” sagot naman sa kanya ni Jisoo na may kasama pang nakakaloko ngiti.

Kaya kumuha na naman ng isang dakot si Lisa at babatuhin sana kay Jisoo nag pigilan sya ni Jennie.
“Kanina ka pa nagsasayang ng pagkain” sabi nito

“Ikaw kaya nauna”

“Kaya gumaya ka? Walang originality” sagot ni Jennie kaya napanguso na lang si Lisa.

***
“seryoso nandito yong gusto mo?” tanong ni Rosie kay Jisoo.

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Clexas100 #1
Hi ☺️

Is there maybe the slightest chance you could translate this story in English once it’s finished? I’m not sure what language this is so I have no clue how to translate it and I would love to read a good Suze Story.

Anyway I wish you a great day.