Chapter 2

Just A Rumor?
Please Subscribe to read the full chapter

"What do you mean by that kuya?" Gulong gulo tanong ni Rosie sa kapatid.

Huminga ng malalim ang kuya nya "I don't want to tell anyone about this sana pero the more I keep this the more you will think na kasalanan talaga ni Suzy ang pagbagsak ko na hindi naman talaga. Bagsak na ako sa subject na yon before I met her" huminga ng malalim ang kuya nya.

A month before...
Wala sa sariling nakaakyat si Rae sa isang lumang at abandoned na tower. Hindi na nga mukha tower ito dahil may mga parte ditong wala nang mga pader at tanging bakal na lang ang nakikita. Mataas ito. Nang malapit na sya sa tuktok ay nagkagulatan sila ng babaeng nandun. Hindi nila inaasahan na may makikita sila lugar na iyon. Dahil sa mataas na luma na ay hindi ito magandang tambayan kaya nagulat sila kung bakit may iba pang tao maliban sa sarili nila.

Ngumiti ang babae "hi. Sa ilang beses kong pabalik pabalik dito ngayon lang ako nagkaroon ng kasama" sabi nito "Suzy" pagpapakilala nito

"Alam ko" sagot naman ni Rae, tulad ng iba ay kilala na sya ni Rae dahil sa mga chismis na tungkol sa kanya. Gustuhin man nyang sumagot ay pinili nya na lang na magkunwaring wala syang narinig at nakita. Pumunta sa ibang parte ng tower.

Huminga sya ng malalim saka tumingin sa baba pero agad din nag tumingala dahil sa takot na naramdaman. Pumikit sya saka huminga hinga. Paulit ulit sya huminga ng malalim at pinapakalma ang sarili.

"Gusto mo bang pangpapalakas ng loob?" Tanong naman ng kasama nya, tumingin sya dito saka nya nakita ang alak na hawak nito. Kita nya din ang plastic sa tabi nya na halatang alak din ang laman.

"Kung iinom kaya ako hindi na ako makakaramdam ng takot?"

"Nangangalay na ako para alam mo" dagdag ng babae saka ginalaw galaw ang kamay na may hawak na alak.

Nagbuntong hininga si Rae at linunok na ang hiya at kinuha ang inaalok sa kanyang alak ng babaeng hindi nya naman close ngunit hindi ito binibitawan pa ng babae.

"Nagmamadali ka bang makita si satanas? Sabi nito na kinagulat nya "bakit parang gulat ka? Hindi si San Pedro ang makikita mo pagnagpakamatay ka, kahit nagpakabait ka buong buhay mo dahil sa isang desisyon mo lang na bawiin ang buhay mo ay mapupunta ka parin sa empyerno. Usap muna tayo?" Alok nito at tinapik tapik ang maliit na ispasyo sa tabi nya.

Napabuntong hininga na lang ulit si Rae at umupo sa tabi ng babaeng kasama nya. Ngumiti ito at tuluyan ng binigay ang alak sa katabi.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong nito na para bang close na sila.

"Ikaw ba hindi pa?" Tanong ni Rae pabalik

"Hindi naman ako nandito para magpakamatay. Tambayan ko ito" sagot nya sa binata habang nakangiti.

"Tatambay ka na lang sa ganito pang kataas at kadelikadong lugar? May alak ka pang baon. Sino linoko mo?" Sunod sunod nyang tanongsaka lumagok ng alak.

"Hindi nga. Hai, kaya ayokong sabihin sa iba ang side ko kasi hindi naman talaga ako pinapaniwalaan" natatawa nitong sabi. "Hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan pa ako ng lola ko" nakangiti nitong dagdag "ikaw ba hindi mo naiisip ang mga maiiwan mo pagtinuloy mo ito?"

Napayuko si Rae. Kaya nga hindi nya pa magawa gawang tumalon dahil sila ang iniisip niya. Ang pamilya nya. Sila din ang dahilan kung bakit sya nandito. Ayaw nyang sabihin ang balita at madisappoint sila. Pero kanina na handa na syang tumalon sila din ang naiisip nya kung bakit hindi nya kayang gawin. Pano na sila?

"Hindi ako makakagraduate" sabi nya. Hindi sya dapat mag oopen lalo na sa taong hindi nya naman kilala talaga pero may kung ano sa dalagang kasama nyang nakapagpakumbinsi sa kanyang sabihin ang gumugulo sa isip nya.

Kung ito man ang huling araw nya mas gusto nya parin na may kahit isang taong makarinig ng side o dahilan nya kung bakit nya piniling bawiin ang kanyang buhay. Gusto nyang may makarinig sa mga salitang gustong gusto nyang sabihin sa pamilya nya pero hindi nya magawa gawa dahil sa ayaw nyang mag alala at madisappoint ang mga ito.

Sya ang perfect son. Kahit kailan hindi pa sya nakaramdam ng pagkatalo. Hindi sya kailan man bumagsak, ngayon lang. Ngayon pang graduating sya. Ginawa nya naman lahat pero nagkulang pa. At dahil sa unang beses ito sa buhay nya hindi nya kayang harapin ito kaya pipiliin nya na lang talikuran ito.

Mas gusto nya nang talikuran ang buhay para mawala na ang araw araw na pressure na dala dala nya, ang perfect son ng pamilyang Park. Tatalon lang sya mawawala na ang lahat ng sakit, pagaalala, pagod at pressure na nararamdaman nya. Pero pano ang pamilya nya? Kaya nya bang ipasa lahat ng sakit na yon sa pamilya nya?

"Sa pagtalon mo bang yan makakagraduate ka?" Tanong ng katabi nya.

Ngumiti sya pero may mga luhang kumawala sa mga mata nya na agad nya naman pinunasan at iniwas ang tingin para maitago sa kausap nya ang mga luha nya "pano ako makakagraduate kung patay na ako" sabi nya na hindi parin nakatingin sa katabi.

"That's the point" sabi nito "wow, English yon ah. Pero tama ba grammar ko?" Tanong nito kaya napatawa sya

Lasing na ata sya dahil sa hindi naman sya madaling patawanin pero nagawa ng katabi nya kait hindi naman talaga nakakatawa yong sinabi nito.

"Yon nga. Alam mo naman pala na hindi makakatulong ang pagtalon para makagraduate ka. Summer class ang solusyon"

Huminga ng malalim si Rae "madali lang magsummer class. Ang mahirap ang sabihin sa pamilya ko kung bakit ako magsummer class. Ang kahihiyan na ibibigay ko sa kanila" sabi nya na nakatingin na sa kausap, nakatingin din ito sa kanyang seryoso. "Iniisip mo siguro na ang babaw ko kasi ilang months lang naman ako mahuhuli pero hindi mo ako maiintindihan dahil sa hindi naman ikaw katulad ko na mataas ang expectation, hindi lang ng pamilya pati mga taong nakakakilala sa pamilya namin"

"Ay, may pag atake? Sige ikaw na matalino ako na bobo" sabi naman ni Suzy.

Nataranta naman si Rae dahil sa hindi iyon ang gusto nyang sabihin "hindi. Hindi ganun ang gusto kong sabihin"

"So, bobo nga ako kasi hindi ko makuha kuha ang gusto mong sabihin?" Pagtataray nito.

"Hin--" hindi na natapos ni Rae ang sasabihin nya ng tumawa si Suzy.

"Ano ka ba ok lang. Natataranta ka agad eh. Yan ang mali sayo. Masyado kang nag iisip ng sasabihin ng iba. Ng tingin ng iba"

Ngumiti si Rae nawala yong kaba nya kanina na baka mali ang nainterpret ni Suzy sa sinabi nya. Hindi nya gustong saktan ito sa salita nya.

"Ikaw ba hindi mo naisip kailan man magpakamatay?"

"Hindi. Ewan. Mas gusto ko parin subukan mabuhay. Hindi lang kasi buhay ko ang inaalala ko. May lola akong nagpakahirap magpalaki sakin. Ngayon ako naman ang kailangan nya tapos susuko lang ako kasi nahihirapan na ako? Ang kapal naman ng mukha ko nun" sabi nya saka ngumiti pero halatang naluluha na din "hindi naman sa dinidisregard ko ang isyo mo sa buhay pero magpapakamatay ka dahil sa bumagsak ka sa unang pagkakataon? Dahil sa unang pagkakataon hindi nasunod ang plano mo? Sa unang pagkakataon hindi mo nakuha  ang gusto mo? Pano mo makukuha kung suko ka agad? Wala pa yan sa mga problemang darating sayo paglabas mo sa buhay estudyante"

"Pano kung hindi na ito ang gusto kong gawin sa buhay ko?"

Law ang kinuha nya dahil sa una ito talaga ang gusto nya. Pero habang tumatagal a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Clexas100 #1
Hi ☺️

Is there maybe the slightest chance you could translate this story in English once it’s finished? I’m not sure what language this is so I have no clue how to translate it and I would love to read a good Suze Story.

Anyway I wish you a great day.