Chapter 1 (She's the reason why I'm still here)

Just A Rumor?
Please Subscribe to read the full chapter

From: Babe

Hey, good morning Baby? Pinagalitan ka dahil sa issue?

Text na natanggap ni Rosie magrereply na sana sya ng magsalita si Lisa "Rosie? Ano? Ano sya dati? Pano mo nakilala si Suzy?"

Tumingin sya sa kaibigan nya saka inalala kung pano nya nakilala ang isang Suzy Bae.

7 years ago.

"This will be the last time I heard about you hanging out with that girl, do you hear me Daniel Rae? She's not good for you. Hindi sya matinong babae" sabi ng dad nila sa panganay na kapatid ni Rosie

Nakagawian na nilang pagkatapos kumain ay manatili muna ng kunti oras para makapag usap usap at ngayon araw ang usapan ay ang bagong kaibigan ng kapatid na sikat na sikat sa kanilang lugar bilang babaeng kahit kani kaninong lalake nakikibarkada/landiin kung idedescribe ng iba at nagtatrabaho pa sa isang bar.

"She's not what you think dad" Sabi ng kapatid nya.

"Ganun man sya o hindi ang gusto ko ay wag ka ng makipagkaibigan sa kanya"

"Don't you think I'm old enough to decide who will be my friend or not?"

"And you are old enough to know na she's not the right one to be friend with"

"She is dad. If only you will try to know her personally not by the other people saying"

"Sapat na ang nakikita ko kung ano sya para masabi kung hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa ganun na babae? Marumi syang babae"

"Hindi naman po ata tama ang manghusga ng tao dad"

"Sa tingin mo tama din ba ang sumagot sagot ng ganyan sa ama mo? Yan ba ang tinuturo ng babaeng yon?" Sabi ng dad nila at papataas na ang boses.

Huminga na lang ng malalim si Rae at piniling wag nang sumagot. Hindi naman talaga sya palasagot napasagot lang sya dahil sa hinuhusgahan na ang kaibigan nya. Iniisip nya na para bang nadedehado ang kaibigan nya dahil sa mga sinasabi na ng kanyang ama na hindi naman totoo tungkol dito at hindi nito mapagtanggol ang sarili dahil wala ito dito.

Tumayo na lang sya at magpapaalam na sana ng magsalita ulit ang dad nila "San ka pupunta?"

"I'm done eating dad. Gusto ko na din po sanang magpahinga"

Huminga ng malalim ang ama saka tumango pagkaalis nya ay napailing ito.

"Sa lahat ng tao na gugustuhin na maging kaibigan nya ay ang babae pang iyon?" Sabi nito, sinubukan naman itong pakalmahin ng asawa. "Tignan mo yan may bagsak ang anak mo? Sigurado ako kagagawan yan ng babaeng iyon. Hindi pa sya nakaranas na mabagsak, ngayon lang" dismayadong sabi

Ang nakakabatang kapatid naman na si Rosie ay malungkot na nakatingin lang sa mga magulang saka sa papel na nasa mesa. Papel na nagpapatunay na bagsak nga ang kapatid. Naawa naman sya sa kapatid nya dahil alam nya kung ganu nito pinag igihan sa pag aaral nung mga nakaraan buwan ngunit nahalata nya din na nung mga nakaraan araw ay para bang lagi itong wala sa kanila.

Siguro dahil kay Suzy? Siguro sya ang kasama nito? Instead na mag aral ay kahit san san ito dinadala ni Suzy? Sabi ng 17year old na si Rosie sa isip nya na tulad din ng kanyang ama ay iniisip nyang hindi magandang impluwensya ng bagong kaibigan sa kapatid nya.

Hindi ito ang unang beses nyang marinig ang ngalan ng babaeng iyo. Ang totoo ay pati sa school nila ay napag uusapan ito kung pano sya kumanta. Kung pano sya pinagnanasaan ng mga lalake. Madami na din na umamin na naging nobyo nya pero walang kompirmasyon mula kay Suzy mismo. Lahat lang ay mula sa mga lalake.

Pano nga naman sya makakarami kung kokompirmahin nya ang relasyon sa isa?    Sagot ng isip nya.

Mula noong gabing iyon ay mas naging negatibo ang emahe ng babeng nangangalang Suzy sa kanyang isipan. Hindi pa man nya ito nakikita kahit nasa iisang Barangay sila ay sapat na ag mga naririnig nya tungkol dito para sabihin nyang hindi sila magkakasunod at hindi nya ito magugustuhan makasundo. Hindi ganung babae ang gusto nyang kaibiganin.

Isang gabi habang abalang nag aaral si Rosie sa kanyang kwarto ay nagulat syang may mumunting ingay na nanggagaling sa may bintana. Tila ba ang maliit na bagay na tumatama dito. Tinitigan nya ng mabuti ang bintana. Tumayo sya para tignan ito kung sino ang may salarin.

Kung hindi sya nagkakamali ay may bumabato sa kanyang bintana. Hindi naman nangyari ang ganitong bagay ngayon lang kaya naman ay hindi talaga sya sigurado kung tama ang hinala nya. Kung tama man ito ay sino naman ang loko lokong gagawa nito.

Mag isa lang sya sa bahay dahil sa umalis ang mga magulang nya habang ang kuya nya ay hindi pa nakakauwi galing sa summer class na kinuha nya dahil sa bagsak na subject, natatakot man ay linapitan nya ang bintana para tignan kung ano ang meron sa labas.

"Ow!" Daeng nya ng buksan nya ang bintana ay saktong may maliit na bato ang tumama sa may noo nya.

"Ai, sorry!" Agad naman sabi ng babae na nasa baba, nakatungaw sa kanya.

Hindi nya kilala ang babae, agad nya napansin ang paumbok nitong pisngi at singkit na mata dahil sa nakangiti ito habang nakapeace sign.

"Hindi ko sinasadya. Kwarto mo yan?" Tanong pa sa kanya nito.

Napakunot noo nya, gusto nya sanang sagutin na "obviously" pero hindi naman sya ganun kataray.

"Mali ba pagkakatanda ko? Kung hindi dyan ang kwarto ni Rae, dun?" Tanong ng babae sa sarili saka tinuro ang isang kwarto

"Sino ka po?" Tanong ni Rosie kaya napatingin ang babae ulit sa kanya pero bago pa sya masagot nito ay dumating ang kuya nya saka tinawag itong "Suzy?"

Napa"oh" naman si Rosie. "Kaya pala madaming lalaki dahil sa may kagandahan, hindi lang may kagandahan kundi maganda talaga ito" dagdag nya pa sa isip nya. Kahit sya ay babae din hindi nya maipagkakait na maganda ang babaeng nasa labas ng bahay nila. Sa malayo palang ay kita nya ang kagandahan n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Clexas100 #1
Hi ☺️

Is there maybe the slightest chance you could translate this story in English once it’s finished? I’m not sure what language this is so I have no clue how to translate it and I would love to read a good Suze Story.

Anyway I wish you a great day.