Chapter 3

Just A Rumor?
Please Subscribe to read the full chapter

Mahigit isang buwan ang nakalipas.

“Rosie! Baby!” tawag ng kuya nyang nakakotse sa busy sa pakikipagchikahan sa mga kaibigan na si Rosie. Gabi na natapos ang group activities nila at naglalakad na sana sila papauwi ng marinig nya ang tawag ng kuya nya.

“Kuya??” nakangiting bati ni Rosie. Alam nya ng susunduin sya dahil sa gabi na. Sa tuwing gabi ay kung hindi ang mga magulang nya ang susundo sa kanya ay ang kuya nya

“tara?” nakangiting sabi ng kuya nya saka bumababa sa kotse binati ang mga kaibigan nya.

“may pupuntahan muna tayo ah?” sabi nito saka pumunta sa pinto ng shot gun seat at binuksan. Nakangiti naman si Rosieng nagpaalam sa mga kaibigan.
Nang nasa byahe na ay nagtanong sya kung san papunta.

Ngumiti ang kuya nya “sa tanaw mula silangan ang punta natin”

Napakunot naman noo ni Rosie “san yon? Bagong kainan? Pasyalan?”

Umiling ang kapatid nya “lugar. Overlooking sya na kami lang ni Suzy nakakaalam ng pangalan nya ay tanaw mula silangan. Sya ang nagpangalan actually”

Magsasalita na sana ulit si Rosie ng tumigil ang kotse kaya napatingin sya sa harap at agad nyang nakita ang dalagang mahigit sa isang buwan nyang hindi nasilayan. Napangiti sya.

***
“ang tagal!” Salubong ni Suzy kay Rae na kakababa lang sa kotse.

Natawa naman si Rae “may kasama ako” sabi nito kaya natigilan si Suzy saka napabaling ang tingin sa kakababa palang na si Rosie.

Nakangiti ito sa kanya kaya ngumiti din sya dito.

“wow! Akala ko tatambay lang tayo? Romantic date pala ang gusto mo ngayon?” pabirong sabi ni Rae saka umupo sa harap ng maliit na cake, mga finger foods at inumin. Nasabi nyang romantic ito dahil sa mga kandilang nakasinda sa palibot. “kung alam ko lang date ito hindi sana ako nagdala ng chaperon” dagdag pa nito saka tinapik ang space sa tabi nya para umupo ang kapatid nya.

“Asa ka naman. Kung date ito ang ang chaperon dito hindi ang kapatid mo” pagbibiro naman bwelta ni Suzy saka hinubad ang jacket kaya sabay napanganga ang magkapatid dahil sa nakasleeveless ito.

Nang tumingin sya sa mga ito ay sabay pa itong nagbawi ng tingin, nagulat si Rosie dahil sa ang jacket palang hinubad ni Suzy ay ilalagay nito sa legs nyang exposed. Nakadress sya hindi naman sa kaiklian pero dahil sa nakaupo sya ay parang umaangat ito.

“ok lang. Tayo tayo lang naman dito” sabi ni Rosie naibabalik na sana yong jacket.

“ok lang. Naiinitan din ako eh” sabi naman ni Suzy.

Tumango at nagpasalamat na lang si Rosie.

Sinindihan ni Suzy ang kandila sa cake at inabot kay Rae “bukas pa birthday mo pero wala ako nun at kahit nandito hindi parin ako invited sa birthday mo kaya iadvance na natin. Happy Birthday mokong!” bati nya kaya napatawa si Rosie.

“salamat. Hindi ka naman aamin sakin noh? Awkward nun nandito kapatid ko” pabirong sabi ni Rae

“asa ka naman. Kung aamin man ako hindi sayo noh” pabirong balik ni Suzy kaya napatawa na lang si Rae at inihipan ang cake.

Kumain sila habang nagkukwentuhan. Tulad ng dati dahil sa mas close sila Suzy at Rae ay para lang sila ang nakukwentuhan nakikinig lang si Rosie pero ok lang masaya din namn syang nakikitang masaya ang kuya nya. Pagkasama nila si Suzy nakikita na ang mas maingay na kuya nya. Usually sa bahay ay tahimik lang ito pero kay Suzy para bang lahat ng kakulitan ng kuya nya ay lumalabas.

Natigil ang pakikinig nya habang nakangiti sa dalawa ng tumunog ang cp nya. Binasa nya ang text at nagreply ng tumingin sya sa dalawang kasama ay nakatingin na pala ang mga ito sa kanya.

“sila mom at dad na yon?”

“hindi. Si Neil”

“yong kaklase mo?” tanong ulit ng kuya nya tumango sya “ano daw? Baka jowa mo na yon ah”

“Kuya! Hindi” sabi naman ni Rosie

“Manliligaw”

“Hindi. Nagtext lang sya about sa project”

“hindi nya pa natanong kanina? Excuse nya lang iyon para nakatext ka” pamimintang na sabi ng kapatid nya.

Sasagot na sana sya ng marinig nya ang tawa ni Suzy “give her a break bro. Hindi nga daw” sabi nito saka tumingin sa kanya sabay tanong  “type mo?”

Napairap naman sya kasi akala nya tutulungan sya nitong ipatigil ang kuya nya sa pagtatanong gagatong din pala.
“Hindi”

“eh ano ang type mo sa tao?” tanong ulit sa kanya.

Binato nya ito ng chips na hawak nya puro patawa tawa itong umilag “tinatanong ko lang para alam ng kuya mo kung sino sa mga kaklase mo ang babantayan nya”

“Walang nangliligaw kaya wala syang babantayan”

“imposible naman nun. Sa gandang yan” sabi nito na nakapagpainit ng mukha ni Rosie.

“Kung maganda na ito pano ka pa?” sagot ni Rosie sa isip nya.

“Gusto mo ba mabait? Maingay?” patuloy na tanong ni Suzy

“Ahm” hindi alam ni Rosie ang isasagot nya “gusto ko consistent sya na kahit parang wala akong paki sa kanya kung gusto nya talaga ako magpapatuloy pa rin syang ipapakitang gusto nya ko” sagot nya kaya tumango tango yon dalawa

“ikaw ano ba type mo?” tanong nya naman pabalik kay Suzy.

“hmn. Pagmay gusto ako papansin ako. Gusto ko pagnagpapansin ako sa kanya papansinin nya” sabi nito kaya napatawa si Rae

“Attention seeker amp!” natatawang sabi nito saka binato sya ng buong plastic ng chips

“At dahil papansin ako kahit halatang ayaw nya sakin patuloy ko parin syang gugustuhin at ipapakita o ipapaalam ko sa kanya yon. Kung kailangan maging consistent gagawin ko iyon” dagdag ni Suzy habang nakatingin sa kanya at nakangiti.

“ako naman! Ako naman!” excited na sabi ni Rae pero binato lang sya ni Suzy ng chips pabalik at nag sabing “walang nagtatanong” kaya natawa si Rosie habang si Rae ay tinignan sya ng masama.

“sige ano?” sabi ni Suzy, para bang napipilitan pa ito pero alam nyang pabiro lang ito.

“Ahm. Gusto ko yong babaeng madali kausap. Yong tipong pagtinanong ko sya kung gusto nya ako oo o hindi lang sagot. Hindi yong madami pang paligoy ligoy. Ayaw ko ng pakipot”

“eh sa pagpapakipot ng girl masasabi nilang seryoso ang guy” sagot sa kanya ng kapatid nya

“Eh dahil sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Clexas100 #1
Hi ☺️

Is there maybe the slightest chance you could translate this story in English once it’s finished? I’m not sure what language this is so I have no clue how to translate it and I would love to read a good Suze Story.

Anyway I wish you a great day.