Babe :(

Just A Rumor?
Please Subscribe to read the full chapter

From: Babe
Good morning baby :(

Mapapangiti na sana ang bagong gising na si Rosie dahil sa text na natanggap nya ngunit ng mabasa nya ito ay napakunot noo nya. Lagi naman syang nakakatanggap ng Good morning text mula sa kasintahan pero ngayon lang ito nakasad emoji.

Magiging busy kaya schedule nya at hindi na naman kami madalas makakapag pag usap kahit sa cp lang kaya sad sya?

To: Babe
Hi babe? Good morning. Bakit malungkot ang baby damulag?

From: Babe
Hmn, buti pa yong kaibigan mo pwede lumabas kasama ng gusto nya.

Dahil sa nareply ng kasintahan ay nakuha nya na ang gusto nitong sabihin. Isa sa mga kaibigan at kapareho nyang sikat na mang aawit ay nagkaroon ng dating issue dahil sa isang picture.

To: Babe
Well love it's up to us naman kung gusto natin lumabas at irisk ang kanya kanya nating career at satin ikaw ang may ayaw nun. Kesyo sabi mo baka masira mo lang ang career na nabuo ko na. Ayaw mo nang issue ulit tayo.

To: Babe
so don't act na kasalanan ng iba. Choice mo yan. Hahaha

Sunod sunod nyang text sa kasintahan.

From: Babe
Eh natatakot lang ako para sayo

To: Babe
Hanggang kailan tayo matatakot? Kung naiinggit ka sa kanilang nakakalabas, pwede naman natin gawin yon. Later? Dinner?

***
Kinabukasan

Nasa condo nila sila ni Lisa nakatambay ngayon habang hinihintay ang dalawa pa nilang kaibigan na si Jisoo at Jennie.  Nagkakilala silang apat sa isang workshop ng isang agency na nagsasalin ng mga kabataang may mga talento sa pagacting, pagsayaw, pagkanta at iba pa sa paghahanda sa pagpasok sa intertainment industry. Hindi lang silang apat ang naging magkakaibigan dahil dun pero sila lang ang natupad ang pangarap na makapasok. Iba iba nga lang ang mga landas nila ngayon. Si Jisoo ay may talento sa pagsasayaw at pagkanta ngunit mas pinili nyang magfocus sa pagiging artista, habang si Lisa ay naging sikat na mananayaw ngunit umayaw at umalis sa kompanyang humahawak sa kanya dati at pinili na lang maging choreography, gumawa ng sariling grupo, bumili ng dance studio kung san sya nagtuturo ng sayaw sa mga may talento gustong matuto, nagvavlog din sya, si Jennie naman ay songwriter na at producer pa hindi lang ng mga kanta nya kundi ng iba pa mga mangaawit kasama na dun si Rosie. Sya ang pinagkakatiwalaan ni Rosie maging producer ng mga kantang ibinabahagi nya sa mga tagahanga nya. Nasa parehong kompanya din sila.

Iba iba man ang mga pinagkakaabalahan nila sa buhay ay hindi naging hadlang ito sa pagiging magkaibigan nila. Bumili sila ng isang condo na silang apat ang may pagmamay-ari para kung kailan sila bakante ay makakapag ipon ipon sila dito para pagkukwentuhan ng mga halos lahat ng nangyayari sa buhay nila.

"Oh??" Exxage na reaksyon ni Lisa habang nakatingin sa screen ng cp nya saka tumingin ng malalim kay Rosie na nagtatakang nakatingin na din sa kanya.

Unti unti itong tumayo at lumapit sa kanya.

Napailing naman sya "ano na naman yon Lisa? Inaantok pa ako kaya kung gusto mong makipagkulitan mamaya please?"

"Sabi mo hindi kayo?" Tanong nito

Bumuntong hininga sya "hindi nga. Sa pangalawang pagkakataon naideny na iyon ng agency kanina" sagot nya sa kaibigan dahil sa alam nya na ang gustong sabihin nito.

Paggising nya palang ay bumungad na sa kanya ang pictures na kasama ang isang artistang lalaki na naisyo na din sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay may nakakuha ng picture nilang magkasama pero agad naman itong deneny ng kompanya at sinabing magkaibigan lang sila.

Hindi nya naman tinatangging ito nga ang kasama nyang lumabas kagabi "Lumabas lang kami kagabi nagpaalam pa nga ako sayo. Magkaibigan lang kami"

"Alam ko"

"Oh alam mo naman pala bat ka pa nagtatanong?"

"Hindi naman sa hotdog na yan na iniisip mo ako nagdududa" sabi nito, umiling na lang sya.

Kung hindi sa naiisip nya sino? Wala naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Clexas100 #1
Hi ☺️

Is there maybe the slightest chance you could translate this story in English once it’s finished? I’m not sure what language this is so I have no clue how to translate it and I would love to read a good Suze Story.

Anyway I wish you a great day.