VLOG #41 - BALUTIN MO AKO

Like and Subscribe
Please Subscribe to read the full chapter

VLOG #41 - BALUTIN MO AKO

985k views       #WinterKim #WinVlogs

Winter Kim 2.3M                  [Subscribe]

 

 

“Hi, guys! Muling nagbabalik ang maganda—”

 

“Ako.” singit ni Ningning.

 

Halos kilala na ng bawat viewers ni Winter ang dalaga. Ilang beses na rin kasi itong lumabas sa mga videos niya, at minsan nga ay nag d-duet pa sila sa mga song covers na ginagawa ni Winter.

 

Umikot lang ang mata ni Winter at buo nang pinakita sa camera ang best friend niya. “Guys, as you can see, nagbebabysit ako ngayo—aray! Lagi nalang ako nahahampas!? Kawawa naman yung braso ko!”

 

Ningning laughed loudly at kinuha ang camera mula sa kaibigan niya. “Akin na nga!”

 

— CUT —

 

“So, guys, namiss niyo ba ako? Syempre, oo na 'yan. Ako na 'to, oh?” bulong ni Ningning sa camera. Sobrang lapit niya rin dito at halos sakop na ata ng ilong at bibig niya ang buong screen.

 

Dahil na rin sa gulo ng anggulo, halata naman na naglalakad siya ngayon, at dinig na rin ang reklamador na boses ni Winter.

 

“Nasa mall kami ngayon. As in kaming dalawa lang at wala si baby girl ni tanga. Kaya siguro ang maldita nito ngayon,” tawa ni Ningning.

 

Di rin nagtagal ay nilayo niya na ang camera mula sa mukha niya. Sunod niya naman na pinakita ay ang lugar kung nasaan siya, the strangers walking past her, yung mga blurred na tinda sa bawat sulok (hindi sila sponsored kaya bawal ipakita!), and finally, si Winter.

 

Nauuna siyang maglakad kay Ningning kaya likod lang ang nakikita sa kanya ngayon.

 

“Hoy, bading!” malakas na sigaw ni Ningning, resulta naman ng pagtingin sa kanya ng mga tao.

 

Lumingon si Winter at sumimangot. “Ang ingay mo! Akin na nga 'yan,”

 

Kaluskos here, kaluskos there, hanggang sa mapasakamay na nga ni Winter ang camera. Di tulad kanina, maayos na rin ang pagkakahawak niya dito. Halatang professional lang ang dating ni bakla.

 

“Kasi naman, bakit ang bigat ng camera mo!” reklamo ni Ningning habang naglalakad sa tabi ni Winter.

 

Hindi naman siya pinansin ng kaibigan niya, “Guys, nasa mall kami ngayon.”

 

“Nasabi ko na 'yan sa kanila.” Ningning rolled her eyes.

 

“Okay, nasa mall pa rin kami ngayon.” pag-ulit ni Winter at inakbayan ang best friend. “Para i-pick up yung regalo ko para sa aking baby. Which is—”

 

“Chupa Chups!”

 

“Gaga!” mabilis na saway ni Winter. Hindi sila sponsored ng Chupa Chups!

 

“Ay, hindi ba? Hehe.” nag peace sign lang si Ningning.

 

“Yung matagal niya na kasing hinihiling!”

 

“Ako?“

 

— CUT —

 

“Disclaimer lang guys, hindi po kasama sa relasyon namin si Ningning.” bungad ni Winter bago bumalik sa agenda niya. Huminto na sila sa paglalakad ni Ningning at nakatayo na lang sa isang store na purp blurred na naman. “Anyway, balik tayo dun sa regalo ko for my girlfriend.”

 

Inip na dumungaw si Ningning sa camera, “Ano ba kasi 'yun? Pinilit mo pa akong isama dito!” 

 

“Anong pinilit? Nag volunteer ka kaya! Nauna ka pa nga sakin dito!”

 

At ayan. 

 

Nagbangayan na nga silang dalawa sa loob ng store dito.

 

Yung mga staff (na blurred din ang mukha) ay tahimik lang silang pinapanuod and at the same time, parang gusto na silang e sales talk.

 

“Um, m-ma'am, excuse me po. May bibilhin po ba kayo?” tanong ni Kuya Blurred na lumapit sa kanila.

 

Bahagyang tumawa si Winter at pinandilatan si Ningning. “Ay, wala naman po kuya. May hinihintay lang po kami,”

 

“Ah, kung ganon po, eh mawalang galang na po, pero umalis na po kayo dito. Mukhang nabobother niyo rin po kasi 'yung mga customers na pumapasok.” magalang na walang galang na sabi ni Kuya Blurred.

 

Narinig naman ni Winter ang malakas na singhal ni Ningning. “Aba! Paano kung—”

 

Agad na tinakpan ni Winter ang bunganga ng kaibigan niya. Baka kung ano pa kasi ang masabi nito sa lalaki. “Sige po! Sorry po, kuya. Sa labas nalang po kami maghihintay!” 

 

— CUT —

 

Ngayon ay tahimik lang sila na nakatitig sa camera. Walang kahit anong ekspresyon sa mukha, maliban nalang sa paglaki ng butas ng ilong ni Ningning. Nagpipigil siguro siya ng tawa. O' ng galit.

 

Kanina pa sila naghihintay dito sa mall.

 

“Sino ba kasi yung hinihintay natin dito?” bagot na tanong ni Ningning.

 

“'Yung seller nga.” sagot naman ni Winter at sumandal sa best friend niya. Buti nalang talaga ay may shed dito. “Ayaw kong ipadeliver nalang kasi wala akong pera for shipping fee. Tapos mas safe na rin 'yung item kung face to face yung transaction.”

 

Napabalikwas si Ningning at nilingon ang kaibigan. “Sure ka ba, hindi scam 'yan?”

 

“Sure ako.” Winter shrugged, “Paano ako ma s-scam, e’ hindi pa nga ako nagbabayad.”

 

Ningning nodded. Mukhang wala na rin 'tong energy na okrayin si Winter. “Ano ba kasi 'yung binili mo?”

 

“Secret,” ngisi ni Winter.

 

“Luh. Sabihin mo na!” kinurot ni Ningning ang ilong niya.

 

“Ano ba! Bakit ba trip niyo kong saktan palagi?!” lumayo si Winter sa kaibigan at marahan na hinimas ang namumulang ilong. 

 

Tumawa si Ningning at niyugyog ang balikat ni Winter. “Sabihin mo na kasi! Para namang ibubuking kita kay Mareng Kars!?”

 

Winter had no choice but to sigh in defeat. Umirap siya kay Ningning, at tinuro ang camera na nakaharap sa mukha nilang dalawa. “Mamaya, pag patay nung camera. Bawal ma-spoil.”

 

“Parang tanga, hindi ka naman naka-live!”

 

“Kahit na!”

 

Inip na inip na talaga si Ningning.

 

— CUT —

 

“Wintot, kain muna tayo.”

 

“Wait.”

 

— CUT —

 

“Win, may Jollibee dun oh.”

“Wait.”

 

— CUT —

 

“Bakla, CR tayo.”

“Sandali lang.”

 

— CUT — 

 

“Winte–”

“Wait–”

“Gaga, uuwi na ako!”

 

— CUT —

 

“Okay, wait. Kita niyo ba ako? Madilim ba?” inaayos na ni Winter ang anggulo camera niya ngayon. “Kung oo, kayo nalang ang mag adjust. Nasa sasakyan na kasi ako ngayon since susunduin ko na 'yung jowa ko hehe. Anyway, umuwi na rin si Ningtot kanina pa after namin kumain, so Ning, kung nasaan ka man ngayon, mag ingat ka ha? Lampa ka pa naman.”

 

Tumalikod si Winter para kunin yung box na nasa backseat se

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winskal
things you might wanna know:

MWH (Moments with Her) - videos as a couple
Vlogs - moments with friends, family, anything.
Song Cover - their past/the beginning of their relationship
Behind Her Camera - their relationship behind the scenes
Shorts - short videos (basically a drabble)

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
529 streak #1
Chapter 12: Very comforting talaga huhu
Eybrelros #2
idkwhatnametouse #3
Chapter 8: this is so good
gomtokkim
2141 streak #4
Chapter 12: Downbad si Karina kahit tulog ㅠ.ㅠ
glanishaaa
#5
Chapter 12: Nang-inggit lang lol
howdoyouknowmee
529 streak #6
Chapter 12: NAKAKAGIGIL NAMAN ANG JOWA NA YAN WINTER HUHU
asdfghjklmaeee
133 streak #7
Chapter 12: HAHAHAHAHA short but very cute
TYTFshipper
257 streak #8
Chapter 12: haynako downbad rina 😭
Etoile__
338 streak #9
Chapter 12: 🫠🫠🫠🫠🫠
winjeongsimp #10
Chapter 12: kainggit naman yan 😞😞