SHORTS #1 - MEETING WITH ANOTHER GIRL PRANK
Like and SubscribeSHORTS #1
meeting with another girl 🥴 (hindi niya na ata ako mahal)
Winter Kim [Subscribe]
Binigyan ni Winter ng isang makahulugang tingin ang camera habang inaayos ang anggulo nito sa gilid ng maliit na shelf sa kwarto niya.
Kitang kita rito ang itsura ng paligid, at agaw pansin naman ang pigura ng isang babae na nakatalikod dito at nakaharap sa laptop sa study table ni Winter.
Si Karina.
“Babe, alis na ako.” paalam ni Winter sa kasintahan.
“Hm?” hinarap lang siya ni Karina at ngumuso, “Where are you going, baby? Come kiss me first,”
Mabilis naman siyang sinunod ni Winter bago lumayo. “Lalabas lang kami ni ano… ni Yasmin.”
“Yasmin?” bumalik ang atensyon ni Karina sa laptop. Mukhang nag e-encode siya ng mga grades ng estudyante niya.
“Yes po,” bahagyang lumingon si Winter sa camera at kumindat.
“Is she a new friend?”
“Oo,” kunwaring inayos pa ni Winter ang bag niya. Kahit na wala naman talaga siyang balak umalis. “D'yan lang naman kaming dalawa sa mall.”
“I see,” tipid na sambit ni Karina at tuloy lang sa pagpindot sa keyboard ng laptop.
Tumigil si Winter sa ginagawa. “Oo, babe. Sa mall. Kaming dalawa.”
Bakit naman parang walang pakealam sa kanya si Karina?
“Have fun, babe.” ngiti ni Karina at malambing na tumingin sa kanya, “
Comments