VLOG #42 - REMEMBER ME (KAPAG NAG-IISA)

Like and Subscribe
Please Subscribe to read the full chapter

VLOG #42 - REMEMBER ME (KAPAG NAG-IISA) 

952k views     #WinterKim #WinVlogs

Winter Kim 2.3M              [Subscribe]

 

 

“Magtititigan lang tayo dito.” sambit ni Winter habang malalim na nakatingin sa camera niya.

 

Hindi rin siya kumukurap.

 

Silence…

 

Katahimikan…

 

Kroo kroo…

 

Crickets…

 

“BULAGA!”

 

Nahulog ang camera sa sahig.

 

— CUT —

 

“Nagulat ba kayo?” mayabang na tanong ni Winter at nakangisi pa. “Sabihin niyo, oo. Please. Nakakahiya kung hindi man lang kayo nagulat.”

 

Her camera pans around at agad naman niyang pinakita ang estado ng apartment niya ngayon.

 

Malinis at sobrang kintab ng sahig. Parang bawal tapakan dahil macoconsious ka nalang sa sarili mong repleksyon.

 

“So guys– parang every video nagsasabi ako ng "so guys" no? Nakakainis ba?” she asked out of the blue. “Well, wala akong pake.”

 

— CUT — 

 

“Joke lang 'yung sinabi ko kanina guys, ha? Baka seryosohin niyo tapos ma-cancel ako sa Twitter.” irap ni Winter bago umupo sa sahig niyang mas makintab pa sa kutsara. “Anyway, wala namang point 'tong vlog na 'to. Trip ko lang talaga siya since mag-isa lang ako ngayon.”

 

Puro kaluskos na naman ang naririnig ng mga viewers niya. Hindi rin kasi mapakali si Winter sa pagkakaayos ng camera niya ngayon.

 

“Tapos mamayang alas kwarto pa ang uwian ng jowa ko, kaya sobrang bored ko tuloy kanina. Ang ending tuloy, napa-general cleaning ako nang wala sa oras.”

 

Proud na ngumiti si Winter at nag flip pa ng buhok. “Ang linis 'di ba? Kakalat ulit 'yan pag dating ni Madam Kars.”

 

“Joke. Favorite line niya lang kasi sakin yun. Puro nalang "Winter, ano ba 'yan! Kakalinis ko lang, naghahalungkat ka na naman diyan! Winter, yung medyas mo kung san san nakasuksok! Winter, nakalimutan mo na namang bukas yung gripo! Winter, yung unan nilalagay mo sa mukha mo tapos iniiwan mo lang dito sa sahig! Winter! Winter! Winter! Puro nalang Winter! Hindi tayo mapapakain ng Winter na ya—charot.”

 

Takot na nag peace sign si Winter.

 

“Wait, bago ako madistract, may ipapakita pala ako sa inyo!” masigla siyang tumayo at pinagpag ang mga kamay. “So diba nga, nag general cleaning ako? Tas habang naglilinis ako ng kwarto ko, may nakita akong picture na nakaipit sa lumang filler notebook ko nung college!”

 

Natatawang tumakbo si Winter papunta sa kwarto niya at iniwan lang ang camera sa living room.

 

Mabilis rin naman siyang nakabalik at humahagikgik pa rin bago tuluyang umupo sa pwesto niya kanina.

 

“Ta-da!” proud niyang pinakita yung lukot na photo paper para makita ng mga manonood niya. 

 

Picture ito ni Winter na kasama ang isang babae na nakablurred ang mukha. Magkaakbay silang dalawa at nakasuot pa ng cap at graduation gown si Winter.

 

“Picture ko 'yan nung 21 years old ako! Grabe, ang bagets ng itsura ko, my gosh. Tignan niyo, ang cute ko, 'di ba?” Winter smirked, “Kaya siguro patay na patay sakin si Madam Kars nung college, ano?”

 

Mukhang wala namang pake si Winter na may kasama siya dun sa litrato at mas nakafocus pa nga sa sarili niya dahil sobrang cute at ang ganda niya lang daw.

 

“Ipapakita ko to kay Madam mamaya. Nagrereklamo kasi siya kasi wala daw siyang mahanap na picture ko nung college ako.”

 

Ayan ang last words ni Winter na walang kaalam alam sa kung ano man ang magiging reaksyon ng kanyang nobya.

 

Good luck, Winter.

 

— CUT —

 

“Wow, ang linis, ha.” amused na sabi ni Karina pagkapasok na pagkapasok sa bahay ni Winter.

 

Kakasundo lang ni Winter sa kanya at sa bahay na rin nito dumiretso pauwi.

 

“Ang boring kanina, baby.” sagot ni Winter. Nakatutok ang camera sa mukha niya habang nagtatanggal ng sapatos. “Nag general cleaning nalang ako.”

 

Rinig ang malakas na tawa ni Karina na nasa living room na, “Did you vlog it, at least? You hate sweeping. Let alone general cleaning.”

 

Kita ang offended na reaksyon sa mukha ni Winter dahil sa sinabi ng kasintahan. “I enjoy cleaning kaya! Ayaw ko lang yung inuutusan ako. Gusto ko yung ako mismo yung magiinsist, ganun.”

 

Matapos ayusin ni Winter ang mga sapatos nila sa gilid ng pinto, dinala niya na ang camera papalapit sa nobya niya na komportable nang nakaupo sa sofa at nagpapahinga.

 

“Gusto mo massage?” she asked. Mahina lang ang boses niya.

 

“Mamaya,” Karina chuckled. “Nakita mo na yung lumang lesson plan ko?”

 

Last week pa kasi 'to hinahanap ni Karina dahil kokopyahin niya nalang daw ang mga nakalagay dito para ilipat sa bago niyang lesson plan. Actually, isa rin ito sa mga sole reasons kung bakit nag general cleaning si Winter.

 

“Wala naman dito, baby. Baka nandun lang sa apartment mo.” Winter answered and then her eyes suddenly lit up na para bang may biglang naalala. “Ay, nga pala! May nakita na akong picture ko nung college ako!”

 

Karina excitedly sat up straight, “Really? Can I see?”

 

Parang bata lang na kanina pa naghihintay kay Jollibee.

 

“Sige, wait. Kunin ko,” a ni Winter at nilapag ang camera sa center table.

 

Naiwan itong nakaharap lang kay Karina na mag isa nalang n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winskal
things you might wanna know:

MWH (Moments with Her) - videos as a couple
Vlogs - moments with friends, family, anything.
Song Cover - their past/the beginning of their relationship
Behind Her Camera - their relationship behind the scenes
Shorts - short videos (basically a drabble)

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
534 streak #1
Chapter 12: Very comforting talaga huhu
Eybrelros #2
idkwhatnametouse #3
Chapter 8: this is so good
gomtokkim
2146 streak #4
Chapter 12: Downbad si Karina kahit tulog ㅠ.ㅠ
glanishaaa
#5
Chapter 12: Nang-inggit lang lol
howdoyouknowmee
534 streak #6
Chapter 12: NAKAKAGIGIL NAMAN ANG JOWA NA YAN WINTER HUHU
asdfghjklmaeee
139 streak #7
Chapter 12: HAHAHAHAHA short but very cute
TYTFshipper
260 streak #8
Chapter 12: haynako downbad rina 😭
Etoile__
342 streak #9
Chapter 12: 🫠🫠🫠🫠🫠
winjeongsimp #10
Chapter 12: kainggit naman yan 😞😞