MWH #1 - GIRLFRIEND TAG (Ayan na!! Gusto niyo 'yan, 'di ba?!)

Like and Subscribe
Please Subscribe to read the full chapter

MWH #1 - GIRLFRIEND TAG (Ayan na!! Gusto niyo 'yan, 'di ba?!)

1.2M views      #WinterKim #GirlfriendTag

Winter Kim 2M                         [Subscribe]

 

 

 

“Okay. Wala nang intro intro 'to. Diretso na agad tayo. Ako si Winter Kim. Umaamin na matagal nang iniibig ang Pilipinas, aking lupang—”

 

“Babe!”

 

“Eto na nga!”

 

—CUT—

 

“Handa ka na ba, Korina?”

 

Malakas na hampas sa balikat.

 

—CUT—

 

“Last na talaga 'to. Ayusin na natin. Magagalit na 'yung sponsors for today's video.”

 

“Ikaw lang naman 'yung hindi maayos dito?”

 

Katahimikan.

 

—CUT—

 

“Seryoso na!” natatawang sambit ni Winter, at hinarap ang camera. “Hi, guys! Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, okay? Alam niyo naman na kung tungkol saan ang video na 'to. Nakalagay na nga sa title, eh.”

 

Rinig ang mahinang tawa ng babae na nakaupo sa tabi niya. Sa unang tingin pa lang dito, hindi naman maipagkakaila ang ganda nito. Mahaba ang buhok, makinis ang kutis, at maayos ang postura. 

 

Nakatitig lang naman siya kay Winter habang nakangiti.

 

“Nakikita niyo ba ang magandang babae sa tabi ko?” tanong ni Winter sa mga manonood niya. “Syempre, hindi. Multo kasi 'yan—aray naman! Kanina mo pa ako hinahampas!”

 

Inikot ng babae ang mga mata niya at muling hinayaan si Winter sa kung ano man ang trip niyang gawin. Parang sanay na sanay na siya sa bawat kilos nito.

 

“Anyway, guysue. This is Karina, at nandito siya para mamigay ng tsinelas—hep hep!” tutol ni Winter bago pa siya makatanggap ng isa pang hampas mula kay Karina. “Patapusin mo muna kasi ako, babe.”

 

“Bilisan mo kasi,” bulong ni Karina, pero narinig pa rin naman 'to sa camera.

 

— CUT —

 

Mukhang maamong tupa ang itsura ngayon ni Winter, habang si Karina naman ay may malawak na ngiti. Walang nakakaalam kung anong nangyari matapos ng cut kanina.

 

“Hi, guys. I'm Karina Yu, 26 years old, currently working as an English teacher.” pormal na pagpapakilala ni Karina at hindi na nawala ang ngiti. “I'm Winter's girlfriend.”

 

Winter automatically smiled. Namumula na rin ang magkabilang pisngi niya ngayon, at halatang kinilig sa sinabi ng nobya.

 

“See? It's that simple.” lingon ni Karina kay Winter at hinimas ang kamay nito.

 

“Pero babe, where's the fun in that?”

 

Karina raised her eyebrows, “Oh, you wanna know where's the fun?”

 

Naduwag naman kaagad si Winter at ngumuso. “Sabi ko nga, masaya na ako sa'yo.” 

 

Binalik lang ni Karina ang tingin sa camera at makahulugang ngumisi.

 

— CUT —

 

“So, guys. Wait, paano ba 'to?” binaling ni Winter ang tingin sa girlfriend niya.

 

Kibit balikat lang ang binigay ni Karina sa kanya. “You're the content creator. Not me.”

 

“Girlfriend tag daw eh.” litong kinuha ni Winter ang cellphone niya mula sa bag ni Karina para mag search kung tungkol saan nga ba dapat ang vlog niya ngayon.

 

Anong klaseng tag ba? Price tag? Challenge ba 'to? Yung lalagyan niya ng price tag ang girlfriend niya tapos tutusukin ng tinidor kung sino ang magtangkang bumili dito?

 

Bumalot ang katahimikan sa pagitan nilang magkasintahan. 

 

Ang totoo ay wala silang clue kung paano gawin ang ‘Girlfriend Tag’ na 'to. Hindi naman kasi ganito ang content na karaniwang nilalabas ni Winter. Vlogs, song covers, at dance covers lang talaga ang ginagawa niya, at minsan ay yung mga prank videos sa mga kaibigan niya. 

 

Hindi siya gumagawa ng mga 'challenges' dahil wala siyang paninindigan. Chos. 

 

Basta hindi siya ganito. Gets ba?

 

Hindi nga siya sumasagot sa mga Q&A ng mga audience niya, eh. Pinopost niya lang kung ano ang maisipan niya. 

 

Ginawa niya lang diary ang YouTube 

 

“I think you're supposed to ask me some questions,” Karina voiced out.

 

“Ah, ganun lang? Eh bakit tag? Para saan 'yun? Lalagyan kita ng presyo?”

 

Buntong hininga na lang ang binigay na sagot sa kanya ni Karina.

 

— CUT —

 

Ang malakas na tawa ni Winter ang bumungad sa mga manunuod. Parang nagharutan pa ata silang dalawa ng girlfriend niya. Halata naman kasi sa itsura niya ngayon.

 

Magulo ang buhok.

 

“Okay! Question number one– babe, makinig ka!”

 

“I am listening. Just keep talking,” mahinang tumawa si Karina. Kitang kita na amused na amused siya sa pinaggagawa ng jowa niya.

 

Binigyan siya ni Winter ng mapanuring tingin bago muling ibaling ang mga mata sa hawak niyang cellphone. 

 

Nag search na kasi siya kanina ng mga pwedeng questions sa mga ganito.

 

“Ayan, game na?” tanong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winskal
things you might wanna know:

MWH (Moments with Her) - videos as a couple
Vlogs - moments with friends, family, anything.
Song Cover - their past/the beginning of their relationship
Behind Her Camera - their relationship behind the scenes
Shorts - short videos (basically a drabble)

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
527 streak #1
Chapter 12: Very comforting talaga huhu
Eybrelros #2
idkwhatnametouse #3
Chapter 8: this is so good
gomtokkim
2138 streak #4
Chapter 12: Downbad si Karina kahit tulog ㅠ.ㅠ
glanishaaa
#5
Chapter 12: Nang-inggit lang lol
howdoyouknowmee
527 streak #6
Chapter 12: NAKAKAGIGIL NAMAN ANG JOWA NA YAN WINTER HUHU
asdfghjklmaeee
131 streak #7
Chapter 12: HAHAHAHAHA short but very cute
TYTFshipper
256 streak #8
Chapter 12: haynako downbad rina 😭
Etoile__
335 streak #9
Chapter 12: 🫠🫠🫠🫠🫠
winjeongsimp #10
Chapter 12: kainggit naman yan 😞😞