Ang Nakaraan

I Hear You
Please Subscribe to read the full chapter

4 MONTHS AGO…

 

“Karina!” Tawag niya sa kapatid habang buhat-buhat ang isang kahon, tila ba nabibigatan na.
 

“Bakit ate?” Tugon naman nito saka nilapitan ang kapatid.

 

“Pakidala nga ‘to sa sala.” Saka iniabot ang kahon na halos ikatumba ni Karina sa bigat. “Ingatan mo yan ah! Nandyan yung paboritong vase ni Mama.” Paalala nito nang hindi namamalayan na iniirapan na siya.

 

“Mas matanda ka Ate for pete's sake.” Halos pabulong na reklamo nito ngunit pumantig sa mga tainga ng panganay. 

 

“Walang may pake Karina, mas matangkad ka naman.” Rebat niya sabay halakhak ng mahina.

 

Tumulong naman siyang ibaba ang ibang gamit mula sa truck dahil mukhang marami-rami pa, habang ang kapatid naman niya ang patuloy na nagpapasok ng mga ito sa loob ng bahay.

 

‘Okay na rin ‘to’ sa isip-isip ni Irene habang nakalapat ang dalawang kamay sa baywang, pinagmamasdan ang bagong titirhan.

 

Kalmado at simple ang disenyo ng bawat pader, parang hindi kapasok-pasok ang loob kung pagmamasdang maigi pero, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang lawak ng bawat sulok sa loob. Maraming pasikot-sikot at bago mo pa mahanap ang palikuran ay baka unahan ka na ng kalikasan.

 

Kaya naiinis man isinara ni Irene ang pinto ay napangiti na lamang siya sa mga naaalala niya.

 

“Bagong bahay, bagong buhay I guess…”

 

Hindi pa nakalilipas ang limang minuto nang biglang may tumama sa noo niya, isang maliit na bola.

 

“What the…” sabay sapo sa noo na halos mamula na dahil sa pagkakasapok ng bola.

 

“Mama si Ate nakatayo lang sa labas! Feeling supervisor!” Sigaw ng salarin saka bumelat at tumakbo papasok.

 

Hahabulin pa sana niya nang bigla siyang kalabitin ng kanyang ama. “Nak, sa iyo ‘to hindi ba?” 

 

Inabot naman sa kanya ang maliit na notebook. Nanlaki naman ang mga mata niya nang tanggapin ito. “Saan niyo ho nakita? Matagal ko na kasing hinahanap ‘to” Sambit niya na may galak at tuwa.

 

“Doon sa stock room, mukhang nasama sa kahon since luma na.” 

 

Tumango na lamang siya at nagpasalamat. Agad siyang nagtungo sa bago niyang kwarto na napupuno ng mga kahon na hindi pa nabubuksan. 

 

“Akala ko talaga nawala ko sa school, all this time nasa bahay lang pala?” Tanong nito sa sarili saka binuksan ang isa pang kahon na naglalaman ng mga lumang gamit. Inilagay niya ito saka ipinasok sa kabinet upang hindi na mawala pa.
 

Sakto naman paglabas niya ay nakasalubong niya ang ina. “Si Karina ba?” May halong pang-aasar sa mga mata niya. “Nasa kusina, don’t tell her that I told you ha.” 

 

Napailing na lang ang panganay kung paano makisama ang ina sabay ngiti habang kinukuha ang maliit na bola upang ibato kay Karina.

 

“ACCCKKKK!!”

 

Malakas na tili mula sa kusina ang gumulantang sa buong bahay kasabay ang mahihinang hagikgik kung paano napagtripan ng Pamilyang Bae ang bunsong anak na si Karina. 

 

“Bawian lang aba.” Proud naman na sabi ni Irene habang hinahagis sa ere ang bola saka sasaluhin.

 

“Ang hina hina ng bato ko sayo Ate!”

 

“Mukha bang mahina ‘to?” Sabay turo sa parte ng noo na namumula pa rin hanggang ngayon.

 

“Hmmp! Bahala ka dyan!” Sambit nito saka nagwalked out na ikinatawa naman nilang tatlo.
 

Ganito ang bonding ng Pamilyang Bae. Masaya at wala sa edad ang kakulitan ng bawat isa. 

 

“Osya tama na yan Ate,” pag-agaw ng ina sa atensyon niya. “Tulungan mo muna akong kunin yung mga bag.” saka tinuro ang isa pang truck na kararating lang sa destinasyon.

 

“Ha?” Wala sa sariling tanong niya, “andami pala?” saka sumunod sa labas upang tulungan ang ina.

 

Habang tinutulungan ang ina sa pagbababa ng mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjoohyunn
Sorry for late updates :( sobrang hectic ng sched pero enjoy! bawi ako puhon hehe

Comments

You must be logged in to comment
jstcllmeann #1
Chapter 25: UPDATE UPDATE HUHU
AnneTokki #2
Chapter 25: 🤧🤧🤧🤧, miss ko na agad sila. Thank you for UD 🩷💛🍷
BlcknWhtKeys
#3
Chapter 21: Paano na si suho? Huhu, next life na lang😂
AnneTokki #4
Chapter 21: Haynaku
AnneTokki #5
Chapter 20: Kaya pala.
_m3owrene
#6
Chapter 19: Hehe galaw galaw na Seulgiiii
AnneTokki #7
Chapter 18: Sakit.
AnneTokki #8
Chapter 17: Wawa Naman JooHyun
hirouchu
#9
thank u otorrr sa update!
_m3owrene
#10
Chapter 16: Thank you sa update author 😉